Chapter 27

7.2K 351 136
                                    

#war1wp

 Chapter 27

Troubled

Since the finals for the first semester have finally ended, my heart has finally felt free and light from almost all of my burdens. The satisfaction I felt when I finally hid my books and notes in the drawers was unexplainable.

'Yon nga lang, hindi ko alam kung makakapagkita pa ba kami ni Jadon. I mean. I have no other schedule during the semestral break that has any connection with school. Alangan namang pati ang mga pag-alis namin ni Kamille ay ipa-schedule ko kay Jadon?

But I was glad that he still contacted me after we celebrated.

Jadon Marcus Melgarijo:
Enjoy the break. You deserve it.

That was what he told me and ever since then, we still contacted each other. Hindi nga lang mahaba ang mga pag-uusap namin. I understand that. After all, we're not high school teenagers anymore. 

"No wonder you've been blooming during the finals! Takang-taka ako kung bakit wala kang eye-bags, si Jadon lang pala?" Bayolenteng sabi ni Kamille sa akin matapos kong i-kuwento sa kan'ya ang nangyari sa amin ni Jadon no'ng naipasa ko ang finals. "Magtatanong na sana ako ng skincare routine," aniya at napatawa ako. 

It's already the next day yet the feeling of joy is still there. Gusto ko na nga kaagad na makita ulit si Jadon...

I blushed and pouted.

Kamille visited me at our house. Kaya naman nandito kami sa kuwarto ko para manood ng mga movies na gusto naming panoorin. May dala rin s'yang pagkain na ibinigay n'ya kanina kay Mama nang dumating s'ya at nagdala na lang kaming dalawa ng para sa amin sa kuwarto ko.

"I can't believe it," iling ni Kamille. "He likes you that much!" Aniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.

It sounds impudent especially if ever it came from me. 

"Baka naawa lang sa'kin," I mumbled, slightly getting uncomfortable of the idea of me assuming that Jadon still likes me.

Ayokong umasa. He didn't say anything unlike before. At kung gano'n man ang tingin ko ngang dahilan, hindi ko 'yon mapapaniwalaan nang buong-buo dahil hindi pa naman n'ya sinasabi. I just don't think I should put all of my hopes on it. 

Dahil paano kung hindi naman? Paano kung malaman kong ginawa n'ya nga lang 'yon dahil gusto n'ya lang akong tulungan? I'd surely get embarrassed of myself so much. Ayokong mailang kay Jadon... we just talked again recently. Dahil lang ba sa pagka-ilang ko dahil umasa akong gusto n'ya pa rin ako, magkakalayo ulit kaming dalawa?

I don't like that. Parang iniisip ko pa lang na lalayo ulit s'ya sa'kin, naninikip na ang dibdib ko sa hindi ko maintindihang sakit.

I haven't felt this before. Bakit ganito na lang kung sumakit ang puso ko para kay Jadon? Is it because my feelings for him grew?

Napasinghap ako. I do feel like my feelings for him grew. 

Dati naman, kaya kong itangging gusto ko s'ya. Ngayon, denying it sounds ridiculous to me. Because I like him so much now.

"Pity can just do so much, Aiah," ani Kamille. "Tingin mo, he'd go to this extent just because he pities you? He likes you!"

"Wala naman s'yang sinabi, Kamille," nguso ko at tumingin na lang sa laptop kong nakapatong sa kama kung saan kami nanonood. "No matter how clear his actions were, if he isn't saying it yet, I shouldn't hold on to it."

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now