Chapter 36

7.8K 385 56
                                    

#war1wp

Chapter 36

Gifts

When Jadon said that he'd wait for me, the fear I felt was unexplainable because I thought that waiting also means being alone until the other person comes back. I grew up thinking that in order to make the wait worth it, you have to let it go until the right moment comes.

But that night, Jadon proved me wrong. He has always proved me wrong.

"I won't leave you, Az."

It was what he whispered to me that night as fear started poisoning my mind. I was young back then and I didn't know how true waiting was like. 

Akala ko, kung kailangan ko s'yang hintayin, ibig sabihin din no'n ay kailangan ko s'yang pakawalan. Dati, sa tuwing iniisip ko 'yon--na kailangan kong pakawalan ang isang tao at maiwan nang mag-isa habang hinihintay ang tamang panahon--may parte sa loob ko na iniisip na tamang 'yon lang ang gawin pero may malaking parte rin sa akin ang tumututol doon.

Ayaw ko. 

Pero ngayong sinasabi ni Jadon na hihintayin n'ya ako, the thought of letting him go... because he promised to wait for me--parang ang dali kong tanggapin. Kung mawawala s'ya sa akin pero babalik din sa huli kung kailan tama na ang lahat, tatanggapin ko 'yon nang buong-buo. Basta s'ya. Basta si Jadon.

Kung ito lang ang paraan at ang tanging solusyon, papayag ako basta s'ya ang nasa dulo. That's how much I want him. Handa ako, basta alam kong s'ya ang nasa dulo.

Hinawakan ni Jadon ang magkabilang balikat ko ng gabing 'yon habang nalulunod ang isipan ko sa lahat ng iniisip na mga posibilidad. 

Tulad ng kung iiwan n'ya ako, malaki ang t'yansang makahanap s'ya ng iba. Kung iiwan n'ya ako, puwedeng mapagtanto n'yang hindi pala ako ang para sa kan'ya. That he deserves someone better than me. Because I know that there is always someone better than me.

At kung dumating man ang panahong 'yon... makakaya ko ba? 

Namuo ang mga luha sa mga mata ko habang iniisip ang posibilidad na may iba nga s'yang magustuhan. Kaya ko bang makita s'yang may tinitingnang iba... nang kung paano n'ya ako tingnan? Kaya ko bang makita s'yang may hinahawakang iba nang may pag-aalala at pag-aaruga?

God, I can't even imagine it. It hurts just thinking about it. 

At paano ako? Nobody has ever comforted me the way Jadon has. He has always been the one who understood me. The one who could take care of me. Kung tuluyan s'yang mawala, makakaya ko bang makatagpo pa ulit ng tulad n'ya?

"Come on, Az." Dahan-dahang pinunasan ni Jadon ang gilid ng mga mata ko at nakita ko ang ngisi n'ya. "Please don't overthink."

Para akong naibalik sa kasalukuyan habang tinitingnan ang mga mata ni Jadon na kumikinang ng pagka-aliw habang pinagmamasdan ang mga mata ko. I don't know why he doesn't look worried at all. Ayos lang ba sa kan'yang maghiwalay kaming dalawa?

I mean... we're not together yet... but we might never be if this doesn't end well. Hindi ba s'ya natatakot? Can't he see the possibility? I get it. He trusts the present... but he can't really predict the future.

"Sorry," aniya. "Bakit ka umiiyak?"

"You're leaving me?" Ulit ko sa tanong ko sa kan'ya. 

"Of course not," halos ibulong n'ya 'yon sa hangin at nakita ko ang namumuo n'yang ngiti sa mga labi. "Why would I leave you?"

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon