Chapter 16

6.7K 317 258
                                    

Chapter 16

Terrible

"Why would you want someone who has no plans for his future?" 

Kumuyom ang panga ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos habang pinakikinggan ang sinasabi ni Papa. Kasisimula pa lang naming kumain. Umaga na at kumakain kami ng almusal. Payapa ang langit at maaliwalas pero sa kabila no'n, hindi ko na 'yon napagtuunan pa ng pansin dahil unti-unti nang sumasama ang timpla ko. Ni hindi ko matingnan sa mga mata si Papa dahil namumuo ang galit sa dibdib ko.

"Mukhang walang plano para sa sarili n'ya," iling ni Papa at hindi ko iginalaw ang mga kamay ko. 

With how he said it, he made Jadon sound ridiculous and pathetic.

Kuya Beno chuckled. 

"Bata pa, Pa. He's still a teenager after all." Kuya Beno shrugged. "Boys like him, lalo na at mayaman, natural na na gan'yan kung mag-isip."

"Melgarijo. Mayaman ang tatay," iling ni Papa. "Pero aanhin mo ang mayaman kung walang pakialam sa kinabukasan n'ya?"

Alam ko namang iniisip lang nila kung ano ang mas makakabuti... but is it right for them to judge someone they only met once like this? Naiintindihan ko ang punto nila... na kailangan ni Jadon na isipin ang hinaharap at kinabukasan n'ya, but what if he can't really visualize it yet? Doesn't he still have time to figure things out? Can't they give him a chance to figure things out?

Kaano-ano ba nila si Jadon? Why is it so easy for them to judge him as if they have a say in his life?

"Madaling mawala ang pera," iling ni Mama. "Kaya dapat, masikap ka rin. Hindi puwede 'yong kampante sa kung ano lang ang meron sa harapan. Kaming mga magulang n'yo, mawawala rin kami. Kung lagi kayong aasa sa amin, paano kayo makakatayo sa sarili n'yong mga paa?"

"Aba'y no'ng edad ko ang gan'yang edad, tumutulong na ako sa lolo n'yo," iling ni Papa.

"Hindi raw tumutulong sa Papa n'ya?" Si Kuya Beno.

"Hindi," Papa shook his head. "Hiwalay din ang mga magulang."

Kinagat ko ang labi ko at ibinagsak ang tingin sa pagkain.

"Ay, nako, Aiah," iling ni Mama, tutol dahil sa narinig. "Magulo ang gan'yan." 

I wanted to argue back... but I know that it will fire back to me. Ako lang din ang matatalo sa huli. Hindi naman ako pakikinggan. Hindi naman tatanggapin ang sasabihin ko. They'd always see what they think is right. 

Tama naman ang gusto nilang iparating... even I think that it is important to think about our future. But I just hate that they need to insult someone to prove a point... that they'd talk about someone this way. 

"Ano'ng strand, Pa?" Tanong ni Kuya Beno. 

"Itanong mo d'yan sa kapatid mo," si Papa, dismayado pa rin ang boses. 

"Aiah?" Si Kuya.

Napalunok ako at nag-angat ng tingin, pinipigilang ipakita sa mga mata ang galit na nararamdaman ko. 

"ABM," I croaked. 

Nakita ko ang disgusto sa ekspresyon ni Kuya at naramdaman ko ang diin ng pagkakasara ko sa mga labi. 

"Ano'ng balak na course?" Si Kuya Beno ulit.

"Baka wala ngang balak pati sa kurso," kumento ni Papa, balot na balot, pati ang boses, ng panghuhusga.

"Business Administration," I answered and Kuya Beno smirked, his insult, visible in his expression.

"Business Administration?" He echoed, insult dripping from his voice.

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon