Chapter 22

7K 362 167
                                    

#war1wp

Chapter 22

Organize

Pinagmasdan ko ang menu sa harapan ko at agad na nag-isip ng kung ano ang o-orderin. Napangiwi ako nang makita ang presyo ng mga pagkain do'n. Bigla kong naalala si Kamille. Mas masarap ngang kumain dito kung hindi ako ang magbabayad.

Speaking of bayad...

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad na bumaba ang tingin ko sa palda kong pencil cut. I cursed inside my mind and my cheeks heated up with embarrassment when I realized something.

I left my freaking wallet! In my bag! Nasa kotse ni Jadon!

"What is it?"

Napa-angat ang tingin ko kay Jadon at nasalubong ko ang mga mata n'yang nakatitig sa'kin.

I left my wallet!

"Uh..."

Ibinaba ko ang tingin sa menu at inisip kung pa'no ko 'to lulusutan. Sabihin ko kayang magwa-washroom na muna ako? Pero kailangan ko ang susi ng kotse n'ya para mabuksan ko 'yon!

Tubig na lang kaya ang akin? But I'm sure he won't let me! Sinabi kong gusto kong kumain, tapos pagdating dito, tubig na lang? Sino ang niloloko ko?

"Order anything you like," he said. "It's my treat."

Napatingin ulit ako kay Jadon at nagtagpo ulit ang mga tingin naming dalawa. May dumaang emosyon sa mga mata n'yang hindi ko na nahuli dahil ibinaba n'ya rin agad ang tingin sa sariling menu na hawak.

Ngayon na nga lang kami nag-usap, libre n'ya pa! Pero hindi naman ako makakatanggi. I bit my lip before I looked at the menu again. Tinitigan ko ang mga presyo ro'n.

But I couldn't stomach the thought of it so seconds later, I looked at him again. I can't let him pay!

"Naiwan ko 'yung wallet ko sa kotse mo," I said, swallowing my pride, and Jadon raised his gaze at me. 

Hindi ko inalintana ang pag-ikot ng t'yan ko dahil sa tingin n'ya.  Ang ganda n'ya kasing tingnan. Ang ayos ng lahat sa kan'ya--ang buhok, ang hitsura, ang pananamit. Everything about him looks polished. Hindi na nga ako nagugulat na may ilan nang napapalingon sa kan'ya.

I cleared my throat. 

"Puwede bang balikan ko na lang?"

"I'll pay," aniya at ibinaba n'ya ang tingin sa menu. "Kung hindi ka kumportable, bayaran mo na lang pagbalik natin sa kotse," marahan n'yang sabi, hindi tumitingin sa akin.

That eased my feelings a bit kaya naman tumingin ulit ako sa menu. That can work.

Anong pagkain ba rito ang matagal ubusin?

Napangiwi ako sa naisip. How inconsiderate of me. Talagang patatagalin ko pa na kasama ko s'ya? Inangat ko ang tingin kay Jadon at nakita kong seryoso lang s'yang nakatingin sa menu. May gagawin kaya s'ya pagkatapos nito? Baka masyado ko na s'yang naaabala?

Kinagat ko ang labi ko at tumingin ulit sa menu. Maybe I should just order something that I can easily finish. Sapat na siguro 'yong pagpapatagal ko kanina. Napanguso ako.

Nang dumating ang waiter, I immediately said what I'm ordering at gano'n din si Jadon. He ordered something heavy, I noticed.

I cleared my throat when the waiter left and immediately tried to talk to Jadon just so we wouldn't be too quiet and awkward.

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now