Chapter 28

6.9K 440 181
                                    

#war1wp

Chapter 28

Here

Pinalaki ako ng mga magulang ko sa mga aral na gusto nilang matutunan at maisa-isip ko. Because I was the only girl among their three children, they were stricter with me that most of the time, I'd find it really unfair.

Bakit si Kuya, puwede, bakit ako, hindi? Bakit si Maki, puwede, bakit ako, hindi?

Si Kuya, puwedeng gawin ang kahit ano'ng gusto n'yang gawin, pero ako, hindi puwede. Si Maki, puwedeng makuha ang gusto n'yang makuha, pero ako, hindi puwede. Lumaki ako na inggit na inggit sa mga bagay na ibinibigay ng mga magulang ko sa mga kapatid ko na hindi nila ibinibigay sa'kin.

Sa huli, sinabi ko na lang sa sarili kong malaking advantage din naman 'yon na ako parati ang pinapangaralan nila ng mga dapat at hindi dapat na gawin dahil mabilis na nahubog ang isipan ko sa mga bagay na makakabuti kaysa hindi.

And because I was a girl, my Mom has lectured me about the guys I should be with at a young age. Dapat na pumili ako ng lalaking matalino at may maayos na pamilya. 'Yong masipag mag-aral at hindi puro bisyo. Someone who can give me a good life.

Give me a good life.

Can't I give that to myself?

Napangiti ako nang kaunti habang pababa sa hagdan ng bahay namin para puntahan si Papa.

Am I nervous? So much... that I feel like my heart is going to explode.

"Ingat sa pag-uwi, Kamille," I told her as we walk down the stairs.

"Sure ka ba na okay lang na umalis na 'ko?" She asked me and I immediately nodded. "Puwede namang hintayin na lang kita sa labas ng bahay n'yo, eh."

"It's alright. Tatawagan na lang kita," I told her.

Hindi na rin naman nagpapilit pa si Kamille at tuluyan na nga kaming bumaba. Naabutan ko sa sala si Mama na nagwawalis doon. Agad na nag-mano si Kamille at nagpaalam sa kan'yang aalis na ito.

Mama looked at me before she nodded at Kamille and let her leave.

"Tawag ka ng Papa mo," si Mama.

Tumango ako bago naglakad papunta sa hapag kung saan nandoon si Papa.

I saw him standing beside our dining table. May nakapatong na phone sa lamesa at t'yak na phone 'yon ni Kuya. Kahit na malayo pa ako, tanaw na tanaw ko na ang pamilyar na litratong nandoon.

I knew it. He saw it already. 

Naka-upo si Kuya sa isa sa mga upuan sa dining table, may meryenda sa harapan na mukhang hindi n'ya napangalahatian. Nang mapansin n'ya ang presensya ko, napalingon s'ya sa akin at kumuyom ang panga ko nang tumama ang malalamig n'yang tingin sa akin.

Hindi ako malapit kay Kuya. He has an attitude that I don't really like. Parehas na parehas kasi siguro silang dalawa ni Papa. They have this strong and dominant personality that I am not fond of. They don't easily let go of what they believe in and they rarely listen which makes me feel frustrated most of the time.

I would sometimes wonder how Mama liked Papa. Sa lahat ng beses na mas gustong ipilit ni Papa ang gusto n'ya, hindi ba napapagod si Mama? Sa maka-ilang beses na hindi nakinig si Papa sa kung ano ang gusto at nararamdaman ni Mama, hindi ba s'ya nagsawa?

But what do I know right? I don't know how loving someone really feels like. 

Oo, malalim ang nararamdaman ko para kay Jadon... pero hindi pa naman nagiging kami. I don't know how it feels like to maintain a relationship. I don't know how it feels like to be in an argument with someone you love. Do you listen? Bend to his bidding? 

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now