End

12.1K 586 353
                                    

#war1wp

End

Always

I grew up being provided with everything that I will need--not because my parents love me so much but because they can. My father--being one of the business tycoons in the country could probably give everything I ask for him to give me--except one thing--a whole family.

Bata pa lang ako, tanggap ko na na hindi na magkakabalikan pa sina Mama. I love my mother and I know that it would be better for her if they stay separated. 

At dahil lumaki akong naibibigay ang lahat sa akin, inisip ko na hindi ko naman kailangang magsikap nang sobra para sa sarili ko. People also say that I'm lucky to have rich parents. That I'm so lucky to have been born a Melgarijo. Kaya lumaki ako na iniisip na tama sila. 

Bakit kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko kung meron nang nakahandang lalakaran para sa'kin, bata pa lang ako?

Kaya no'ng tinanong ako noon ni Hanani kung ano ang plano ko para sa sarili ko, I couldn't find an answer. 

Bakit ko iisipin agad ang tungkol do'n? I was still in senior high school that time. Alam ko rin naman na malaki ang posibilidad na manahin ko ang kumpanya ni Papa kaya inisip ko na hindi ko na kailangang abalahin ang sarili ko sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin pagka-graduate ko ng college.

When a path is already laid before you, would you still choose to walk the other way? Ang ibang tao siguro, oo. But to me, it would be foolish to try and find another path when a path has already been provided. 

Not until she came. 

I watched Azariah Morales, the girl who poured a drink on me--twice--as she wiped the drink off from my shirt. Sa totoo lang, puwede namang humingi na lang ako ng shirt mula kay Adam o 'di kaya, kumuha ng spare na t-shirt sa compartment ng kotse ko pero galit na galit kasi si Azariah sa akin kaya hindi ko ginawa. 

She just can't stop her big mouth. Mukha s'yang mahinhin at inosente pero ibang-iba kapag galit. Masakit kung magsalita at parang laging handang sumigaw. She's pretty, alright? But she's always mad at me. Hindi ko tuloy mapigilang asarin pa.

"Ikaw na nga ang may kasalanan, parang galit ka pa?" I tried to taunt her.

"Jadon, shut up," narinig kong saway ni Adonijah at tatawa na sana ako at hihingi ng tawad nang magulat ako nang kuwelyuhan ako ni Azariah. 

Uminit ang leeg ko nang ilapit n'ya ang mukha sa'kin at gumalabog ang puso ko sa kaba. Now that she's closer, I can see her lashes and the small details of her face. I'm just kidding. Mukhang mabilis talaga s'yang mapikon sa'kin. 

But I can't help but feel amused. She looks so feminine but her words are different. Rude and brutal. 

Kailan pa ako nagbago ng type?

Nang mag-walk out si Azariah mula sa kuwartong 'yon, hindi na ako tinigilan ni Adonijah sa pang-aalaska n'ya. 

"You're not like that, Jade! Bakit mo naman pinipikon 'yong kaibigan ni Adam?" Iling ni Adonijah at umiling na lang din ako. 

"Iisipin ko sanang gusto ni Jadon pero iba ang tipo n'ya," tawa ni Asiel. 

I hissed and didn't say anything else anymore. Minura ako ni Adonijah. 

"Dapat magso-sorry ka ro'n ngayon, ah? Tapos inasar mo pa rin."

'Yon naman talaga ang plano ko. Pero galit yata talaga s'ya sa'kin. Parang sa tuwing nakikita n'ya ako, lalo lang s'yang nagagalit. 

War Has Begun (War Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu