Chapter 20

7.1K 329 63
                                    

Chapter 20

Cafe

I got overly intrigued by her. She's from abroad but is a Filipina. Ang dami na n'yang napuntahang mga lugar at parang parati silang nagta-travel ng mga magulang n'ya. She has a lot of foreign friends, iba't iba rin ang lahi.

I've seen her photos and she looks beautiful in all of them! Wala man lang litrato na ikakahiya n'ya. Halos mapamura ako sa ganda ng mga litrato n'ya lalo na sa Instagram. She looks very friendly and kind—someone I'd really idolize and envy. Idagdag pa na mukhang marami talaga ang humahanga sa kan'ya.

I wish I had the luxury to always travel and have fun. To always socialize and make friends.

Ano kaya ang kurso n'ya?

I bit my lip. I bet it's something she really likes because she looks like she owns a fulfilled life. Kapag iniisip ko ang buhay n'ya na ikinukumpara sa buhay ko, I feel like my life was boring and dull compared to hers.

"Wow, she's pretty," paulit-ulit na tango ni Kamille habang tinititigan din ang phone kong kanina pa namin kinakalikot.

Break time namin at kailangan pa naming bumalik mamaya para sa isa pang klase. Kanina pa kumakain si Kamille at halos pa-ubos na n'ya ang lahat ng binili habang ako naman, hindi man lang makalahati ang kahit anong kinuha dahil kanina pa abala sa pag-stalk kay Rinnah Jimenez.

Kahapon ko pa sinusubaybayan ang account no'ng Rinnah. I feel so insecure... because she's so pretty and mature. I feel so little. Ano naman ang panama ko rito? Sa height pa lang, napag-iiwanan na ako. She looks like a model. May ilang mga promotions na rin s'ya sa instagram account at parating maraming likes at comment do'n.

She's older than Jadon but she looks like she's our age. I want to argue that I am younger and I still have time to grow and mature but I can't help but feel upset that I had to resort to that kind of reasoning just to justify myself.

Kumagat si Kamille sa burger na kinakain, hindi matanggal ang tingin sa phone ko at s'ya pa ang nag-swipe no'n para makita ang kasunod na picture.

It was a beach photo with Rinnah and her perfect body in a nice pair of blue bikini. Agad na napa-upo nang maayos si Kamille at nakita ko ang ngiwi n'ya. She cursed and brought the burger back on the plate on our table, itinitigil ang pagkain.

"Kumakain ako ng burger tapos pakikitaan ako ng body goals!" Reklamo n'ya at kahit na nakakatawa, ni hindi ko magawang ngumiti dahil nakakaramdam ako ng inggit.

Ang ganda ni Rinnah! I almost groaned. She has all the things I want for myself.

She has Asian eyes. Hindi singkit. It's almond-shaped and slightly upturned. Mahaba at unat ang buhok n'ya--may highlights na gusto ko ring ipagawa sa buhok pero walang tapang para ro'n. Maganda ang ayos ng kilay. May pagka-morena at matangkad. Plus the body! Parang modelo.

Napamura ulit si Kamille at inilapit ang mukha sa phone ko para makita pa lalo si Rinnah. My eyes slightly widened when she zoomed in on Rinnah's flat stomach. Kamille cursed and shook her head.

"I haven't felt so insecure my whole life," biro ni Kamille at napanguso ako. "Grabe, ang ganda!"

I sighed and stared at the picture.

"Tingin mo, sila talaga ni Jadon?" I asked.

"I'm not sure. Wala namang sinabi, 'di ba?" Balik na tanong ni Kamille, nag-swipe na papunta sa susunod na litrato. 

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon