Chapter 39

7.5K 441 115
                                    

#war1wp

Chapter 39

Love

I watched Jadon as he placed food on my plate. Hindi ko napigilan ang ngiti ko lalo na dahil sa pinag-uusapan naming dalawa. Nang makarating kami sa restaurant, halos walang tao roon dahil private ang lugar kung saan 'yon naka-locate. Jadon said that he knew the owner of the place so he was able to get an easy reservation.

The place is good and quiet because the property was private. Hacienda 'yon at nasa probinsya kaya presko at sariwa ang hangin. Mayro'n ding golf course na tanaw ko sa hindi kalayuan at kanina, nang papunta kami sa mismong restaurant, may mga nadaanan din kaming mga plantation ng Mango trees.

It's refreshing to be in this kind of place. Nakaka-relax ng isipan lalo pa't galing kami sa syudad. 

"Asiel loves giving gifts that much?" Natatawang tanong ko kay Jadon nang malamang si Asiel pala ang madalas kung magregalo sa kanilang magkakaibigan.

Tumango si Jadon at natawa rin. 

"It's his love language," aniya. "That's why Adonijah always sticks with him."

Napangiti ako. Jadon's love language is different. I feel like his love language was the act of service. He also has the love language of touch, words, and gifts but I think, it's more of service. 

"Hindi ba nagseselos si Hanani? Isn't she the best friend?" I asked.

Umiling si Jadon sa tanong ko.

"No. Hanani loves Asiel's gifts too," ani Jadon at napatawa ako. 

Hearing stories about their friendship makes me want to be friends with them too. Sadyang si Adonijah ang pinaka-friendly kaya sa kan'ya ako mas malapit kaysa sa ibang mga kaibigan nila. 

"Kaya pala best friend mo si Asiel, ha?" Natatawang pang-aasar ko sa kan'ya at napatawa si Jadon bago umiling pero hindi naman tumatanggi. 

"What did he give you?" Tanong ko kay Jadon. 

Nag-isip nang kaunti si Jadon bago sumagot. 

"He gave me a guitar when we were in high school. Madalas s'yang tumugtog noon," ani Jadon at namamangha akong napatango.

I didn't know that he has a guitar. Pero hindi pa naman talaga ako nakakapunta sa bahay nina Jadon. I just feel like it's inappropriate. At alam ko ring ayaw nina Mama lalo pa't manliligaw ko si Jadon. Jadon respects that that's why we never really went to his house. I've never met his mother too.

"How about you? Natuto ka rin?" I asked, tinutukoy ang paggigitara. 

"A little," ani Jadon bago sinalinan ng tubig ang baso ko. "Pinilit ako ni Asiel."

Mangha akong napatitig sa kan'ya. I've never imagined that he knows how to play.

"Bakit hindi mo tinuloy?" I asked. 

"I'm more into piano and violin," Jadon raised his gaze at me, "not Asiel's genre."

Tumangu-tango ako. 

"I learned the guitar back in junior high school too. Pero hindi yata talaga ako para sa music," I scrunched my nose. "It hurts here too." Ipinakita ko ang mga daliri ko at tiningnan naman 'yon ni Jadon. 

Jadon reached for my hand and held it. Uminit ang mga pisngi ko at hindi ko napigilan ang ngiti ko. I held his hand too. His hand was big and warm. Medyo mahangin kaya may kalamigan ang panahon but his warm hand is so comfortable.  

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon