Chapter 2

11.6K 488 154
                                    

#war1wp

━━━━━━━━━━━━━

Chapter 2

Different

"I haven't seen you since forever."

Dinig na dinig ko ang pagtatampo sa boses ni Adam nang sagutin ko ang tawag n'ya isang hapon nang maka-uwi ako sa amin. Tinatanggal ko na ang pagkakatali ng buhok sa isang mababang ponytail pati na rin ang soot na sapatos.

This day is really exhausting. Well... parati naman. Kailan ba ako nagkaro'n ng mahabang pahinga magmula nang mag-college? Kung meron mang araw na wala akong ginagawa, ang utak ko naman ang gumagana dahil sa pag-aalala at takot. School really makes me anxious.

Kaya nga no'ng pina-renovate ang kuwarto ko, sinigurado kong mukhang malinis ang lahat. I tried to make things inside my room as minimal as possible. Pati ang kulay; gold, puti, at pink lang ang madalas na makikita. I just thought that this might help me ease my anxiety and help me be productive. I even got indoor plants.

"Birthday ko naman," sabi ni Adam sa kabilang linya at halatang kinokonsensya ako.

Tumayo ako sa gilid ng study table ng kuwarto ko at hinawakan ang baywang habang kausap si Adam sa phone.

Kung hindi lang totoo ang sinabi n'ya, baka nga hindi ko na lang pansinin 'yon pero alam ko namang totoo na sobrang tagal na naming hindi nagkikita. Huling pagkikita namin, last year pa.

Ever since I started college, wala na talaga akong oras na makipagkita pa sa mga kaibigan.

But seeing Adam means high chances of seeing him...

Tumikim ako, hindi sigurado kung ayaw ko ba no'n o kung gusto ko. Pero may parte sa puso ko ang gustong pumunta ro'n, ang utak ko lang ang parating kumokontra.

Ano naman kasi ang gagawin ko kung magkita ulit kami? Magkaibigan sila ni Adam. Ang barkada ni Adam, barkada n'ya rin kaya hindi na nakakapagtakang magkikita nga ulit kami.

"At your house?" I asked.

At parang maling itinanong ko 'yon dahil inisip ni Adam na interesado akong pumunta.

Interesado naman talaga ako. Pahinga rin 'yon kung sakali. Pero ayoko lang na paasahin s'ya kung... hindi naman ako siguradong tutupad ako.

"It's always at our house," excited na sabi n'ya. "Pupunta ka? Bring Kamille."

"Ang landi," I tsked and I heard Adam's laugh from the other line. Napangiti ako pero hindi pinahalata sa pagsasalita na natatawa ako sa kan'ya. "Ang traydor mo, alam mo 'yon? Kunwari pang ako ang gustong pumunta?"

"Oh, come on, Aiah. Alam mo namang mahal na mahal kita," tawa n'ya at napa-iling ako. "So, please, come to my birthday and bring your friend?"

Agad ko s'yang minura at narinig ko na naman ang tawa n'ya.

"Come on," he groaned. "Please? Alam ko namang wala ka nang oras halos para sa ibang mga bagay. If you're free, spare me some of your time?"

Bumuntong-hininga ako at humalukipkip, nasa tainga pa rin ang phone nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nilingon ko 'yon. I saw Maki, staring at me with a book in his hand.

Nakasuot s'ya ng purple na hoodie at nakita kong magulo ang medyo may kakapalan n'yang buhok, giving me an impression that he grabbed it earlier. 'Yon pa naman ang mannerism n'ya.

Pakiramdam ko, magtatanong s'ya tungkol sa assignment.

Maki looks like a male version of me. Maamo ang mga mata n'ya pero maloko naman kung ngumiti. Maraming nagkakagusto sa kan'ya, balita ko, mula sa mga babaeng kaibigan ko noon sa mga lower sections.

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now