Chapter 18

6.6K 297 69
                                    

Chapter 18

Air

Umuwi rin kami kaagad ni Kamille nang balikan ko s'ya sa kung nasaan sila ni Adam at mag-aya na akong umuwi. I don't feel so great especially with what I saw earlier.

Kumuyom ang panga ko at ang mga kamay ko habang inaalala ang pagdidikit nina Hanani at Jadon kanina. S'ya pala ang binigyan ni Jadon ng inumin.

Hanani looks more beautiful. Lalong pumuti at gumanda ang kutis. Mahaba pa rin ang buhok at unat. She puts on minimal makeup but she looks incredibly beautiful. Mas gumanda pa ang hubog ng katawan lalo't college na rin. She still wears girly clothes—mostly pink.

I heard that she's studying in Clermont University. Nagpo-post s'ya noon ng mga pictures n'ya na soot ang all-white uniform ng CU at bagay na bagay 'yon sa kan'ya. She's been posting different diets and girly stuff before and even now.

Napasimangot ako. Those are the things that Jadon likes in a girl.

Nawala nga lang s'ya no'ng mga unang taon nila sa college—maybe she decided to be a little private with her life. Sa ngayon, bihira na lang din s'ya kung mag-post ng picture o ng kahit ano. Dati kasi, panay ang pagpo-post n'ya, lalo na sa Instagram dahil sikat na rin tulad ni Ida Mishal.

Sila ba ni Jadon?

I bit my lip and felt a pang of pain in my heart. Wala naman akong nababalitaan. Kung sila na nga, t'yak na mababalita 'yon sa lahat. Pero close naman talaga silang magkakaibigan sa isa't isa kaya bakit pa ako magtataka?

Hindi ko lang mapigilan... Napabuntong-hininga ako at nilingon si Kamille na panay ang mahinang pagkanta, mukhang good mood dahil sa pag-uusap nila ni Adam. Napa-iling ako at tumanaw na lang sa labas ng bintana.

Isa sa mga bagay na hinihiling ko na sana nagkaro'n ako... I wish I had self-control. Because the next few days, I started visiting Jadon's social media accounts. Kahit na kakaunti lang naman ang laman no'n at halos wala na, I still stalked his accounts and tried to at least know what he's been doing for the past year.

Nakita ko ang ilang tagged pictures sa kan'ya—sa school, sa bar o pub, sa golf course, at iba pa—karamihan ng mga litrato ay galing kina Adonijah, Hanani, at Ida Mishal. Kahit na magkaka-iba na silang magkakaibigan ng pinapasukang unibersidad, mukhang madalas pa rin talaga silang magkita-kita. Mukhang madalas na pagkatapos ng mga klase nila sila nagkikita dahil na rin sa mga suot na uniforms na magkaka-iba.

Halos parehas lang ang hitsura ng panlalaking uniform ang Clermont, St. Agatha, at Torrero—puti ang polo at may bulsa sa kaliwang dibdib. Pare-parehas na walang necktie. May patch ng university sa kaliwang dibdib ang Torrero at St. Agatha samantalang naka-burda naman ang pangalan ng Clermont University sa itaas ng bulsa ng polo nito.

Maroon ang patch ng kay Hiel, gray ang kay Jadon, at itim naman ang burda ng pangalan ng Clermont University sa polo ni Adonijah. Parehas na naka-ID lace sina Jadon at Hiel habang name plate naman ang kay Adonijah. Itim na trousers and soot nila at itim ding sapatos.

Ang uniform ni Asiel ang naiba sa mga lalaki dahil sa Acerra College of Aeronautics s'ya nag-aaral. Puti ang plain na polo n'ya na may puti ring epaulet sa magkabilang balikat. May bulsa na may butones din sa magkabilang dibdib ang polo. His polo is nicely tucked inside his black trousers he secured with a black belt. Itim din ang soot na sapatos. He looks polished just like his friends.

Si Hanani, nakasuot ng all-white na uniform ng Clermont University. Hindi ko sigurado ang course n'ya pero ang alam ko, parehas sila ni Adonijah dahil hanggang sa ngayon ay magka-klase pa rin ang dalawa. May patch sa kaliwang dibdib ang polo ni Hanani at may magkabilang-bulsa ang ibabang parte ng polo. Puti rin ang pencil skirt pero itim ang mga sapatos. May nameplate din s'ya sa kanang dibdib tulad ni Adonijah.

War Has Begun (War Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu