Chapter 21

6.9K 336 62
                                    

Chapter 21

Eye Contact

I tried as much as I can to focus on studying that night and even for the next few days. Epektibo naman dahil napunta nga ang atensyon ko sa pag-aaral. Kailangan dahil may nalalapit kaming long quiz na hindi ko puwedeng ibagsak. 

And when the day we all dreaded came, I wasn't sure if I was prepared enough to pass the test. 

Napapikit ako nang mariin, nararamdaman ang masakit na pagtibok ng utak ko matapos ipasa ang mga papel sa harapan--ang quiz at ang dilaw na accounting worksheet na kasama no'n. Iniisip ko ang mga isinagot ko sa quiz at ang lahat ng mga sinubukan kong sagutan pero hinulaan din sa huli dahil hindi makuha ang sagot.

"We'll check this today," our professor announced and I bit my lip because of nervousness. 

Ipinamigay na ang mga papel habang nagsasabi ng guidelines ang professor namin. Don't take pictures of the test. Automatic na cinco ang grade kapag nahuling kumukuha ng litrato no'n. I know that already pero mabuti na ring ipinapaalala n'ya kada quiz para hindi na magtangka pa ang ilang mga kaklase. 

Nang magsimula nang check-an ang mga papel, unti-unti akong namutla dahil sobrang dami sa mga isinagot ko ang mali. For goodness' sake! Sa'n napunta ang mga inaral ko para rito?

Almost all of my guesses are wrong. Kailanman, hindi ako naging suwerte sa panghuhula pero hiniling ko na sana ngayon, pagbigyan man lang ako. 

Agad na nagsimulang mamuo ang mga luha ko habang tinititigan ang mga tamang sagot at pinapakinggan ang professor naming natatawa sa ilan dahil marami nga ang nagkamali lalo pa't tricky ang mga tanong at punong-puno ng mga pampalito. Madalas ang naririnig kong daing ng mga kaklase ko dahil marami rin ang nagkamali.

We were told by the higher years that it was normal to fail a quiz in accounting--pero hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkadismaya sa ibabagsak kong quiz. This is a long quiz. Malakas ang hatak nito sa magiging grade ko para sa major subject na 'to.

When the scores were finally announced, I felt like a skyscraper fell before my eyes. I failed it. Isang tama na lang sana, sasabit na ako sa passing grade.

Agad na namuo ang mga luha ko at kinagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil no'n. Nang lumabas ang professor namin, nagsimula nang mag-iyakan ang ilan kong mga kaklase dahil mayro'ng mga bumagsak talaga ang scores--isa sa mga normal nang pangyayari kapag nakakatapos kami ng quiz o ng exam. 

We cannot even console each other anymore because we know that it always happens and it is inevitable. Sa unang quiz na nagkaro'n kami at may umiyak, may mga umalo pa at nagbigay ng encouraging words. Pero sa mga sumunod na mga quizzes, parang normal nang nakikita naming umiiyak ang isa't isa.

Most of the students in our program are highschool valedictorians and honor students. Sa madaling salita, marami ang achievers, sanay sa perfect scores, matatalino, at masisipag kung mag-aral. Kaya ang makakuha ng bagsak na score, it was heartbreaking and degrading at the same time.

Mayro'n pang mas mabababa sa akin ang scores. Narinig ko 'yon kanina. Kaya hindiko magawang umiyak dahil kung tutuusin, mataas na nga ang nakuha ko. Pero ang ideya na may masasabi ang mga magulang ko, ang mga taong nakapaligid, at ang ideya ng mababang grade sa dulo ng semester, nakakapanghina at nakakatakot. Napapikit ako nang mariin.

Kamille got a nice average score making me feel like I shouldn't vent my frustrations on her. She just got some good news. I can't just dump all of my bad news on her. 

Kaya naman nang mag-uwian, I just decided to tell her that I'm going home after I congratulated her. Hindi ko ipinahalata ang panghihinayang at takot ko dahil ayokong ma-panis ang saya na nararamdaman n'ya sa pagkakapasa. 

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon