Chapter 23

7.1K 389 148
                                    

#war1wp

Chapter 23

Sleep

After what Jadon said, we started eating without saying anything. Ni hindi ko na nga naisip pa kung ano ang kalagayan ko sa panahong 'yon dahil mas'yadong sinasakop ng mga tanong ang isipan ko. Kung walang bumabagabag sa'kin, baka kanina pa ako nag-aalala sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Why is he still helping me? Hindi ba s'ya galit? Na bigla ko na lang s'yang iniwasan? Iniwan nang walang paramdam?

Napalunok ako at napa-angat ang tingin sa kan'ya. When he was about to raise his gaze at me, agad kong ibinaba ang tingin ko sa kinakain.

We didn't talk about anything else. Nagbayad s'ya ng bill, pagkatapos, tumayo na rin naman kami at hindi na nagtagal pa sa restaurant. Hindi na rin kami nagpunta pa sa kung saan at dumiretso na lang sa parking area para puntahan ang sasakyan n'ya.

It made me realize that I can just commute from here. Marami nang sakayan sa mall na 'to kahit gabi na. O kung sakali mang papauwi pa lang si Kuya Beno, baka puwede ko s'yang i-contact para magpasundo.

Kaya naman habang naglalakad na kami ni Jadon sa parking area, dinig na dinig ang ugong ng kung anumang makina at ilang mga sasakyang pumaparada rin doon, bumagal ang paglalakad ko at hinanda ang sariling sabihin sa kan'ya na puwede na akong mag-commute mula rito kahit na may paglalaban sa loob ko dahil gusto ko pa talaga s'yang makasama.

Pero nang nilingon ako ni Jadon dahil mukhang napansin n'ya ang pagbagal ng lakad ko, para namang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Did you leave something?" Tanong ni Jadon, humihinto sa paglalakad at hinihintay ako.

Tumingin ulit s'ya sa entrance ng mall bago n'ya ibinaba ang tingin sa akin. Mas napansin ko tuloy ang ganda ng panga n'ya.

"May bibilhin ka pa?" He asked, ibinubulsa ang isang kamay, nasa akin ang atensyon.

Umiling ako kaagad sa tanong n'ya.

"Puwede na 'kong mag-commute," I stuttered and cleared my throat before I glanced at the entrance of the mall. "Mula rito. Marami nang jeep... o bus. O kaya magpapasundo ako sa kuya ko."

Tumingin ulit ako kay Jadon at nasalubong ko ang mga mata n'yang direktang nakatitig sa akin. He slightly frowned and he slightly adjusted his weight.

"Puwede kitang ihatid," aniya.

"Baka kasi may gagawin ka pa," I bit my lip and realized that I can't insist on this anymore.

Kapag ipinilit n'ya pa rin na ihatid ako, hindi na ako makakatanggi dahil alam kong mas magtatagal kami kung magpipilitan lang kaming dalawa. Alam ko namang masyado ko na s'yang inabala ngayong araw. 

Anong oras na? Kanina ko pa s'ya kasama. Kanina n'ya pa ako sinasamahan. Sapat na siguro ang mga panahong 'yon at hindi na dapat ako sumubok pang pahabain ang oras na magkasama kaming dalawa. Dapat nga, makikipagkita s'ya kay Adonijah ngayon, 'di ba? Pero nandito pa s'ya sa mall na 'to, tinitiis na kasama ako.

I still want to spend time with him but I'm not that selfish enough to hold too much of his time.

"Wala akong gagawin," aniya at tumango ako. "But if you... don't want to, I won't force you to," aniya at bahagyang umiwas ng tingin.

Halos mapasinghap ako sa sinabi n'ya dahil bigla kong naalala ang ginawa ko sa kan'ya noon. I bit my lip and nodded. Paano pa ako tatanggi n'yan? Pinaalala na ng utak ko ang nangyari noon at nakunsensya na ako?

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now