Chapter 17

6.5K 301 41
                                    

Chapter 17

Pink

"Here."

Napatingin ako sa cocktail na inaabot ni Kamille at kinuha ko naman 'yon pero hindi kaagad ininom. Kamille looks stressed as she downed the cup and took another one from the table. Napangiwi ako.

Hinila n'ya ako papaalis sa kung nasaan sina Jadon kanina at dito kami dumiretso. Wala na rin akong nagawa kanina kundi ang magpatianod dahil masyado na rin akong nalunod sa iniisip. 

Kinagat ko ang labi ko at uminom na sa inabot na cocktail drink ni Kamille. It was a mild drink. Iba-iba ang mga kulay pero halos magkakalasa lang. Mayro'ng bartender na nandoon at marami na ang pabalik-balik dito para kumuha ng inumin nila.

Napamura si Kamille at nakasimangot akong nilingon. She looks like she wants to say something but decided not to. Kahit naman ituloy n'ya ang sasabihin, pakiramdam ko, alam ko na ang gusto n'yang sabihin sa'kin.

I sighed and roamed my eyes around the garden of Adam's house. It's been a while since I last came here. Nagbabago ang ayos ng mga halaman pero halos gano'n pa rin naman ang hitsura. Hindi rin nagbago ang bahay. Gano'n pa rin ito--elegante at halatang pangmayaman.

"Ayokong isiping ikaw 'yon, pero bakit feeling ko, ikaw?" Si Kamille, isinusuklay ang kamay sa buhok.

Tiningnan ko ang sarili kong baso at inikot 'yon para pasayawin ang inumin sa loob no'n. Kulay blue ang kulay ng inuming 'yon, malabo, at malamig.

"Pagkatapos no'ng kahihiyan mo no'ng nakaraan, hindi na ulit kayo nag-usap pa?" Kamille asked.

Umiling ako at napabuntong-hininga. Minura ako ni Kamille at napasimangot naman ako bago uminom ulit sa inumin.

"Ano'ng plano mo ngayon?" Kamille asked me and I looked at her.

Malapit kami sa pool. Ang ilaw na tumatama do'n ay nagre-reflect sa mukha ni Kamille. May hiphop na kantang tumutugtog sa speakers pero hindi ganoong kalakas para hindi kami magkarinigan.

Alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya at hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang ibig n'yang sabihin sa tanong.

"How could I talk to him?" I asked.

Minura ako ni Kamille at inilingan, dismayado.

"So you're just going to ignore him? Again?"

"Ang tagal na, Kamille. He must've forgotten about what he felt for me already," I said.

Bakit ko pa ibabalik? Paano kung buksan no'n ang mga sugat na hindi na dapat pang pinapakialaman? Ang tagal na no'ng nangyari 'yon. Baka ako na nga lang ang nag-iisip no'n at naka-move on na si Jadon.

He must've seen someone better than me. He surely did. Ang daming mga babaeng mas magugustuhan n'ya. Why would he settle with someone as complicated as me?

"And?" Kamille asked back. "Does that change the fact that you've done something bad to him?"

"Hindi na kami magkakabalikan ulit, Kams," I avoided her eyes.

"Paanong magkakabalikan, hindi nga naging kayo?" Diretsang sabi n'ya. Lalo akong napasimangot. "At kung hihingi ka ng tawad, ibig sabihin ba no'n, kailangan n'yo ngang magkabalikan?" Kamille crossed her arms. "Hindi! Hihingi ka ng tawad kasi mali ang ginawa mo."

Napabuntong-hininga ako at uminom ulit. Hindi ako kaagad nakasagot. 

She's right. What am I even thinking? But how could I talk to Jadon? Ni hindi ko na nga s'ya matingnan nang diretso.

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon