Chapter 19

6.8K 305 130
                                    

Chapter 19

Picture

"Coincidence lang," I told Kamille and she glared at me.

"Aiah, pangatlong beses na 'to na nakikita ko si Jadon sa kung saan ka nag-aayang pumunta!"

Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Kasalanan ko bang gusto ko rin talaga ang lugar na pinupuntahan nina Ida Mishal at Jadon?

I always see Jadon in Ida Mishal's IG stories nowadays. Parang parati nang nagkakasabay ang oras ng dismissal nila. Sometimes, they're with their whole gang. Minsan ay si Jadon lang at Hiel. Mukhang silang tatlo talaga ang magkakatugma ang oras ng dismissal.

Totoo ngang sa sumunod na mga araw, kapag inaaya ko si Kamille na pumunta sa kung saan, parating nandoon sina Jadon. Gusto ko lang naman talagang subukan ang mga kinakainan nila! Ida Mishal is an influencer, what's wrong with that?

Napangiwi ako. I can't believe that I sound like a clown even in my mind. I sighed and glanced at where Ida Mishal and her friends are sitting right now.

Kumpleto sila ngayong araw. Naka-uniporme ang lima at si Ida Mishal lang ang hindi. Tulad ng nangyayari sa tuwing nalalaman ng mga taga-hanga ni Ida Mishal kung saan sila kumakain, marami ring estudyante ngayon sa restaurant kung nasaan kami.

It's a different restaurant this time but still kind of a non-student friendly restaurant.

"Pero kumpleto sila ngayon," ani Kamille habang umiinom sa tubig na pinaunang ibigay ng waiter dahil nanghingi kami no'n kanina. "They're all good-looking! Walang tapon. I feel like this is the first time I saw Hanani after a long time. Mas gumanda!" She said.

Tumango ako at tinanaw si Hanani. Magkakatabi sila nina Asiel at Ida Mishal. Sa tapat naman nila naka-upo sina Jadon, Hiel, at Adonijah. Kanina pa sila nagsimulang kumain at natatanaw ko si Asiel na nagsasalin ng inumin para kay Hanani na agad namang ngumiti sa kan'ya.

"Ano ulit ang course ni Hanani?" Si Kamille.

"Med-related," I answered.

"Kung gano'n, gano'n din ang kurso ni Adonijah?"

I nodded. "Kaya siguro sila lumipat ng Clermont."

Tumango-tango si Kamille at nilingon ang gawi nina Jadon bago ibinalik ulit ang tingin sa akin, may idudugtong sa sinabi.

"Kaya siguro hindi active sina Adonijah at Hanani sa social media ever since they entered college? Tingin mo?" Pumangalumbaba si Kamille at interesadong-interesado sa pinag-uusapan.

"Hindi rin naman active sina Hiel at Jadon," I said.

"Oo, pero Hanani, Adonijah, Asiel, and Ida Mishal are the active ones when they were still in senior high school. Pero nang mag-college sila, biglang nawala sa eksena sina Adonijah at Hanani."

"Maybe they wanted to maintain their privacy," I shrugged.

Tumango si Kamille.

"Some are speculating that they're finally dating," aniya at napakunot ang noo ko. "Pero no'ng nasa birthday naman tayo ni Adam, ang sabi ni Adonijah, he's not dating anyone."

"Saan mo naman narinig na nagde-date na nga silang dalawa?" I asked.

"Sa mga kaklase natin. Puro kaya sila ang pinag-uusapan no'ng ilan nating babaeng kaklase!" She sighed. "Hindi ko naman gustong manghimasok sa buhay ng iba pero dahil parati kong naririnig, hindi ko mapigilang ma-curious."

Natigil lang ang usapan namin ni Kamille nang dumating na ang order naming dalawa. I smiled at the waiter and thanked him before I looked at Kamille again when she started talking.

War Has Begun (War Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ