Sa pagbabalik ng dark lord ay may malaking digmaan ang magaganap. Isang malawakang digmaan na maaaring humantong sa katapusan ng lahat ng lahi sa buong daigdig. Ngunit bago pa man tuluyang maganap ang digmaan sa prime asia ay may isang batang itinakda na siyang pipigil sa mangyayaring digmaan sa hinaharap. Ang kaniyang layunin ay punan ang mga misyon ng mga nakakataas, isang mabigat na misyon ang ipinataw sa batang may mata ng buwan. Siya lamang ang makakatalo sa dark lord kung mapagtatagumpayan niya ang mabigat na misyon na kaniyang tinanggap. Mapipigilan kaya niya ang digmaan? O kaniyang tatakasan ang responsibilidad bilang tagapagligtas ng buong mundo? Ating subaybayan ang matindi at walang katapusang digmaan sa mundo ng prime asia, ito ang natatanging mundo ng The Chronicles of Senra: The Man of the North. A Novel Written by: C.B. Servano Continuation of The Morûnunthor
35 parts