Chapter 1.12 ✓

886 14 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang paglalakbay ng estranghero at ng isang elf.

West land ang lupain para sa mga halimaw, mga anino at mga mandirigma na gumagamit ng mga bakal. Kamay nila'y kasing tibay ng kahoy, kalasag nila ay kasing tigas ng bakal.

Kinakatukan ang west land dahil sa masasamang gawain ng mga kaharian dito. Sa west land matatagpuan ang iba't ibang kaharian gaya ng orc kingdom, goblin land, centur mountain at troll guard. At marami pang iba.

Ang mundoghor ay ang orihinal na kaharian ng mga centur. Dahil sa kalupitan ng mundoghor ay kanilang inalipin ang mga ocrs at goblin at ang mga kahariang nasasakupan ng west land.

Dahil sa ginawa ng mundoghor ay mas lalong lumakas ang hukbo nito. Pero ngayong natalo na ang aninong gumagabay sa mundoghor ay mababawasan ang pwersa nito.

Hindi na magtataka ang mga e'n lords kung sakaling bumalik man sa dati ang lakas ng mundoghor sapagkat mayroon pa ring umaalalay dito. Ito ang mga mangkukulam at ang mga pinuno ng iba't ibang hanay ng mundoghor.

Lumipas na ang isang taon ngunit ang banta ng kadiliman ay hindi pa rin nasusugpo. Alam ng lahat na muling babalik ang kadiliman sa oras na matagpuan ng dark lord ang itinakda.

Bago bigyan ng misyon ang mandirigmang elf ay kumonsulta mo na ang high king ng milkwood sa mga elders. Nalaman niya na hindi pagpaslangin ng dark lord ang itinakda bagkos ito'y gagamitin niya upang makabalik ang kaniyang katawan.

Ang layunin ng mga namumuno sa mundoghor ay hanapin ang itinakda kung saan man ito naroroon kaya naman ang mga taong nasa borderlands ng west land ay pinahuli ng mga ito para wakasan ang kanilang mga buhay.

"Dalhin sila sa ilalim ng lupa para pagpyestahan ng mga sigbin! Hahahaha" Sabay baba sa kaniyang sinasakyang kabayo at mabilis na kinuha nito ang kaniyang espada. "Dapat matagpuan ang puno para magkaroon ng bunga. Hahahaha alam ko na isa sa inyo ang puno, kailangan pigain ang mga ugat nito para lumabas ang bunga" Muli nitong saad habang nag-iikot sa mga taong nakakulong sa malaking kulungan na yari sa ugat ng kahoy na mayroong mga tinik.

"Eninri tur na murin [Palayain niyo ang mga bata]" Matapang na wika ng isang matandang babaeng tao habang masama ang titig sa evil hand ng dark lord.

"Kuroc la nirhin diuo da ri [Lahat sila ay mapupunta sa anino]" Sabay dila sa hawak nitong espada. "Humanda na para sa pagtitipon" Saad nitong muli.

Itinulak ng dalawang trolls ang malaking kulungang kahoy pababa sa malaking butas ng lupa. Sa butas na iyon matatagpuan ang hagdan-hagdang bakal na puno ng mga goblins at orcs.

Binabantayan nila ang mga abalang sigbin na nagpapanday ng mga espada, sibat at mga kalasag. May mga tali ang leeg ng mga sigbin habang abala sa mga kaniya-kaniya nitong mga gawain.

"Pinapatawag ka ni uno! Dalhin mo raw sa kaniya ang dugo ni ogar" Saad ng isang goblins sa nagmamasid na centur.

"Bantayan mo rito matandang olin!" Bago lisanin ng centur ang kweba ay nagpakawala ito ng isang malakas na sigaw. Umabot pa iyon sa ibabaw ng lupa.

Nakasalubong ng centur ang isang malaking kulungan na itinutulak ng dalawang troll pababa ng kweba.

Dadalhin nila ang mga bihag patungo sa kulungang gawa sa bakal. Matatagpuan sa kulungang iyon ang mga halimaw na sigbin kung saan abala ang mga ito sa paglikha ng mga itlog.

Bago pa man makarating sa kulungan ng mga sigbin ay may humaharang sa dalawang trolls. Nakasuot ito ng bakal pandigma na may tatak ng mundoghor.

"Enirin tindi! Nur ma dusdorin [Dadalhin sila sa likod ng kulungan utos iyon ng dos]" Saad nito sa dalawang trolls na walang mga utak.

Sinunod ng dalawang trolls ang utos ng kawal, ginabayan ng kawal na iyon ang dalawang trolls patungo sa madilim na bahagi ng kweba.

Nang marating ng dalawang trolls ang likod ng kulungan ng mga sigbin ay bigla na lamang may umatake sa likuran ng mga ito.

Sa isang pagtama ng malaking espada sa leeg ng isang troll ay mabilis itong bumagsak patungo sa isang troll. Bumagsak sa mga batuhan ang dalawang troll dahil sa ginawa ng isang estranghero.

Tumama ang ulo ng mga trolls sa mga matutulis na bato dahilan upang mawalan sila ng buhay.

"Paumanhin kong ngayon lang kami nakarating" Saad ng isang babaeng elf.

"Lumabas na kayo bilisan niyo" Saad naman ng isang estrangherong lalaki.

Magkasama ang dalawang manlalakbay na sina lady zaler indiwolks ng greenwind at lady eruvhindyl narwood ng riverwood kingdom. Magkasama nilang iniligtas ang mga taong nasa mga kamay ng kadiliman.

"Wala ng ibang daan maliban sa isang 'yon" Itinuro nito ang nag-iisang daan palabas ng kweba.

"Kamatayan ang naghihintay sa atin do'n, lady mukha yatang magagamit pa natin ang ating mga espada" Saad nito sa babaeng elf na nakatingin sa mga taong nasa sulok.

"Hindi maaari sapagkat madadamay sila" Sabay turo sa mga taong takot.

"My lady narinig mo na ba ang kwento tungkol sa kagubatan ng maldbor?" Saad ni zaler.

"Wala ng ibang daan maliban sa maldbor, naririto ang kweba na ating nakita kanina at marahil may daan palabas sapagkat naaamoy ko ang bulaklak ng waling-waling" Naunang maglakad papasok ng kweba ang mandirigmang si zaler.

Samantala nasa likuran ng mga tao ang mandirigmang elf. Hindi baba sa dalawampu't isa ang mga nailigtas nila. Karamihan sa mga ito ay mga bata at mga babae.

Maldbor forest, ang kagubatan ng mundoghor. Ang kagubatang ito ay sagana sa mga punong balete at mga kalape na mayroong mga tinik. Isa ang maldbor forest sa pinakamatandang gubat sa buong west land.

Wala ni isang mga orcs o centur ang napapadpad sa kagubatan ng maldbor sapagkat ang kagubatan ay may lihim na tinatago.

"Nandito na tayo sa likod ng kabundukan ng mundoghor" Saad ni zaler"Nakikita niyo ba ang mga naglalakihang puno ng balete? Doon tayo dadaan para makalabas sa mundoghor " Dagdag pa nito.

"Kagubatan ng maldbor na may lihim na tinatago. Nalaman ko lang ang tungkol sa kagubatan nang ikwento ng aming ama ang tungkol dito. Ayon sa alamat mayroon daw halimaw na nagbabantay sa kagubatan ng maldbor kaya't walang nangangahas na pasukin ang masukal na kagubatan" Saad ni lady eruvhindyl sa lalaking nakatanaw sa kagubatan ng maldbor.

"Mauna ka at ako ang gagabay sa mga bata. Kailangan makarating agad tayo sa ilog, sa ilog natin aabangan ang mga humahabol na goblins" Saad ni zaler. "Sige mauna na kayo" Muli nitong wika at mabilis na kinuha nito ang kaniyang espada na nakasabit sa likod.

"Mag-iingat ka mandirigma, ingatan mo ang mga bata. Magkita-kita na lamang tayo sa ilog ng kamalasan" Nakangiting wika ni lady eruvhindyl.

Nagkahiwalay ng daan ang dalawang mandirigma, hinati nila ang mga tao. Kasama ni lady eruvhindyl ang mga matatanda samantala kasama naman ng estranghero ang mga bata.

Nagtungo sa masukal na kagubatan ang pangkat ni lady eruvhindyl samantala nagtungo naman pababa ng talampas ang pangkat ni zaler.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra TrilogyМесто, где живут истории. Откройте их для себя