Chapter 1.13 ✓

699 13 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang pakikipagtagisan ng lakas sa mga elemento ng kagubatan.

Ligtas ang pangkat ni lady eruvhindyl na nakarating sa kabilang pangpang. Ngunit ang pangkat ni zaler ay nahihirapang sa pagtawid sa malawak na ilog sapagkat mga bata lamang ang kaniyang kasama. Aabot hanggang baiwang ang tubig at masyadong malakas ang agos nito.

"Ang mga centur at goblins ay paparating na" Saad ni lady eruvhindyl habang nakatingin sa mataas na bahagi ng lupa kung saan makikita ang paparating na kalaban.

"Maabutan sila ng mga centur! Kailangan kong gumawa ng paraan" Dagdag pa nito.

Tatawirin na ni lady eruvhindyl ang ilog ngunit natigilan siya sa kaniyang paglalakad nang biglang may lumipad sa himpapawid na tatlong sunud-sunod na palaso.

Nagmumula ang palaso sa kaniyang likuran, may ibang dumating para tumulong sa kanila.

Tatlong centur ang bumagsak sa lupa nang tamaan ang mga ito. Nagptuloy sa pagpapalipad ng palaso ang mandirigmang si ronder skywolf. Walang kasama ang mandirigmang elf maliban sa kabayo nito.

Ligtas na narating ng pangkat ni zaler ang kinaroroonan ng pangkat ni lady eruvhindyl. Makikita sa kabilang pangpang ng ilog ang mga centur at goblins na hindi makatawid dahil takot ang mga ito sa tubig.

"Kapatid? Anong ginagawa mo dito? Hinahanap ka ng ating ama" Saad ni ronder skywolf sa kapatid nitong elf.

"Naparito ako para iligtas ang mga bilanggo. Sinabi sa'kin ng punong e'n na matatagpuan sa lugar na 'to ang itinakda. Alam naman nating hindi pa naisisilang ang bunga ngunit kailangan alagaan ang puno bago ito mahanap ng anino" Saad ni lady eruvhindyl.

"Pareho tayo ng ipinunta kapatid ko, ngunit kailangan na nating lisanin ang lugar na ito. Magmadali tayo kapatid ko, magtungo tayo sa" Napanganga na lamang ito habang nakatingin sa malawak at masukal na kagubatan ng maldbor.

"Sa kagubatan ng mga bangungut" Muli nitong saad habang nakatayo sa unahan ng dalawang mandirigma.

"Sandali! Sundan natin ang agos ng tubig, may hangganan ito kaya't natitiyak kong makakarating tayo ng ligtas sa labas ng mundoghor. Ang kagubatang iyan ay ang kagubatan ng mga patay" Sumabat sa pag-uusap ang mandirigmang si zaler. "Ano ang pasya ng mga elf?" Muli nitong wika.

"Ako at ang kapatid ko ay magtutungo sa kagubatan para iligaw ang mga halimaw na posibleng makasunod sa atin. Ang hangin ay patungo sa maldbor kaya't hindi sila magdadalawang isip na pumasok dito. Sundan ang agos ng tubig hanggang sa makarating sa ligtas na lugar. Pumunta kayo sa greenwind kung saan tanggap ang mga tao" Ito ang mga salitang binitawan ni lady eruvhindyl bago sumama sa kaniyang kapatid na noo'y nauna nang pumasok sa kagubatan.

Kasama ni zaler ang mga taong kanilang iniligtas. Napaisip ito sa kaniyang gagawin sapagkat siya ay tinutugis ng mga tauhan ni throne master celidavir. Siya ay takas na kawal at isa siyang banta sa trono kaya't hindi makakapasok sa greenwind ang punong mandirigma ni haring andor.

Sumabay sa agos ng tubig ang mga tao dahil sa pamamagitan no'n ay nakakasiguro sila na makakarating sila ng ligtas sa isang lugar na malayo sa mundoghor.

Nakalayo na rin sa ilog ang magkapatid na elf, matapang na pinasok ng mga ito ang kagubatan ng maldbor.

"Kapatid dito!" Umakyat ito sa puno ng delete ng mabilis. "Bilis pumarito ka" Muling pagtawag ni ronder.

"Ano ang nakikita mo?" Saad ni lady eruvhindyl habang umaakyat sa puno.

"Tignan mong mabuti ang nag-iisang tore sa gitna ng dalawang kaharian. Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa aninong humihigop ng kaluluwa? Sabi nila matatagpuan ang mga ito dito mismo sa kagubatan ng maldbor. At ang tore na kung tawagin ay iskaviras ang siyang kanlungan ng mga ito. Dito nila inilalagay ang mga kaluluwa na kanilang kinukuha" Saad ni ronder skywolf sa kaniyang kapatid habang nakatingin sa mataas na tore ng iskaviras.

"Hiraghudis ang tawag sa mga halimaw na kumakain ng mga kaluluwa. May isang mga mata na siyang ginagamit para akitin ang mga biktima, may malaking bibig para lunukin ang katawan ng mga biktima. Ronder! Umalis na tayo rito bago pa lumubog ang araw" Saad ni lady eruvhindyl.

Magkasamang naglakbay sa malawak na kagubatan ang dalawang elf. Ang kagubatan ng maldbor ang isa may pinakamalawak na kagubatan sa buong west land. Aabutin ng dalawang araw bago makalabas sa kagubatan.

Samantala hindi na sinundan pa ng mga centur at goblins ang dalawang elf dahil sa paniniwalang may halimaw sa kagubatan ng maldbor na kumakain ng mga kaluluwa.

"Hindi rin magtatagal mamamatay rin sila" Saad ng isang centur.

"Bumalik na tayo!" Saad naman ng isa pa.

Habang naglalakad sa masukal na damuhan ang dalawa ay may bigla na lamang tumawa mula sa kanilang likuran.

Nanggagaling ang halakhak sa kung saan, noong una ay narinig ni ronder na nasa likuran lamang nila nagmumula ang halakhak nito ngunit nang tumagal ay mas lalong dumami ang mga boses sa paligid.

Kinakabahan na ang mandirigmang si lady eruvhindyl kaya't hindi na ito nakatiis pa na tanggalin mula sa kaniyang likuran ang kaniyang mahabang espada.

Gano'n din ang ginawa ni ronder, para sa paghahanda ay dali-daling nilisan ng dalawa ang kagubatan at matiyagang naglakad patungo sa mga naglalakihang ugat ng balete.

"Magpahinga mo na tayo dahil gabing gabi na" Nagtago ito sa malaking ugat ng kahoy at agad naman itong sinundan ni lady eruvhindyl.

Nakatulog si lady eruvhindyl kaya't hindi nito namalayan na wala na sa kaniyang tabi ang kaniyang kapatid.

Mabilis na kinuha ng mandirigmang elf ang kaniyang espada at agad itong nagtungo sa labas para tignan ang kaniyang kapatid.

Ngunit wala sa labas ng mga ugat ng kahoy ang kaniyang kapatid.

Pero biglang natigilan ang elf sa kaniyang paglilibot sa kagubatan nang makita nito ang katawan ng kaniyang kapatid na nakahandusay sa puno ng nara.

Nangingitim na ang buong katawan nito habang ang mga mata nito ay nagkulay puti na.

"Hiraghudis! Hiraghudis!" Galit nitong sigaw na siyang dahilan para magliparan ang mga ibon na nakadapo sa puno. Hating gabi na nang puntahan ni lady eruvhindyl ang tore ng iskaviras.

Matapang nitong tinungo ang toreng bawal. Ang tore ng mga kaluluwa.

Ang napakataas na tore ng iskaviras ay inakyat ng isang elf. Matiyaga nitong inakyat ang mataas na pader para makita ang kaniyang kapatid.

Ang tinutukoy ng mandirigmang elf ay ang kaluluwa ng kaniyang kapatid na kinuha ng mga Hiraghudis.

Nang makarating sa tuktok ng tore ay mabilis na tinungo ng mandirigma ang malawak na paselyo nito.

Habang naglalakad ang mandirigmang si lady eruvhindyl ay bigla na lamang lumakas ang hangin.

Naramdaman nito ang kakaibang lamig mula sa kaniyang unahan. Sa bawat paghakbang niya ay nakakaramdam siya ng kakaibang kaba.

Hanggang sa may bigla na lamang lumitaw sa kaniyang unahan. Isang napakakapal na itim na usok ang siyang nagpakita sa babaeng elf.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon