Chapter 1.22 ✓

1K 13 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Indirhusurhus mountain ang lupain sa labas ng prime asia. Malayo sa digmaan at kaguluhan, ang lupaing ito ay nasa mga kamay ng mga sylpherian. Sila ang unang purong lahi ng mga e'n, nagmula lamang ang bagong saling lahi ng mga e'n noong mapadpad sa prime asia ang ilan sa mga sylpherian at magmula noon dumami na ang lahi ng mga sylpherian sa prime asia. Dahil sa paglipas ng mahabang panahon sila ay tinawag na e'n, nag-iba ang kanilang mga wangis.

Hindi na taglay ng mga e'n ang puting mata ng mga sylpherian at hindi na rin nila namana ang pagkakaroon ng puting buhok, napakahabang tainga at pati na rin ang pagiging matangkad. Mas mataas ang mga sylpherian gaya ni tamberow na isang salamangkero sa mga bagong saling lahi ng mga e'n.

Nagtungo ang matandang salamangkero sa banal na kabundukan ng Indirhusurhus na matatagpuan sa napakataas na tuktok ng bundok.

Malawak at napakalaki ng mga palasyo ang makikita sa tuktok ng bundok. Puting puti ang pader at may mga desinyo ito ng kapati at mga uwak.

Sa pagpasok ng matandang salamangkero sa tarangkahan ng palasyo ay bumungad sa kaniya ang mga mamamayan ng Indirhusurhus na abalang naghahanda para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang pinuno.

Pare-parehong nakasuot ng mga mahahabang puting damit ang mga sylpherian, ang pagkakaiba nga lang ay may kaniya-kaniya itong mga desinyo, gaya ng mga bulaklak na binurda gawa sa ginto at mga kalapati na tinahi gamit ang purong pilak.

"Indirhusurhus, naparito na ako" Saad ng matandang salamangkero sa kaniyang sarili habang nakasulyap sa mataas na tore ng palasyo.

Karga-karga ng matandang salamangkero ang sanggol, nagtungo ito sa bulwagan ng mga pinuno ng mag-isa.

Nang makarating sa tuktok ng tore ay agad na naupo ang salamangkero sa mesang ginto. Walang sylpherian na makikita sa loob ng kunseho maliban sa mga kawal na nakabantay sa labas ng silid.

"Laurhim!" Ang boses na iyon ay narinig ng salamangkero sa pamamagitan ng kaniyang isipan.

Hindi kumawala sa buong paligid ang boses nito bagkos kinausap siya sa pamamagitan ng isip.

"Matagal na simula nang lisanin mo ang banal na tahanan, namalagi ka sa bayan ng oitisagiri pagtakatapos ng digmaan sa prime asia. Sa naganap na unang digmaan ikaw ay nakabalik, ngayon laurhim dinala mo ang banta sa banal na bundok. Sabihin mo anong magagawa ng isang gaya mo para pigilan ang kaniyang misyon sa hinaharap?" Saad ng isang sylpherian sa pamamagitan ng isip.

"My lord malaking banta sa prime asia ang itinakda. Inilayo ko ang sanggol para siguraduhing hindi na muling babalik ang kadiliman, my lord ano po ang dapat kong gawin? My lord humihingi po ako ng gabay mula sa mabuti niyong mga kamay" Saad ng  matandang salamangkero habang nakaupo.

"Laurhim! Sinuway mo ang banal na kasulatan ng ating angkan. Alam mo na walang makakapigil sa kagustuhan ng dark lord, sa oras na dumating ang araw na siya ay handa na, ang itinakda ay dapat pagtuunan ng pansin" Saad muli nito habang nasa likuran ng matandang salamangkero.

"Lord Tëruvbrôn bigyan natin ng panahon ang itinakda. Para sa'kin mababago ni laurhim ang kapalaran ng bata. Umaasa ako na magagabayan mo ng tama ang itinakda laurhim" Saad ni lady dërrîmt wayvin.

"Maraming salamat po my lady, my lord hindi ko po kayo bibiguin. Mananatili ang kapayaan sa Indirhusurhus hanggang sa dumating ang tamang panahon para sa itinakda. My lord, my lady kailangan ko na pong umalis" Saad ng matandang salamangkero sabay kuha sa tungkod nito na nakasandal sa mesang ginto.

Nilisan ng matandang salamangkero ang banal na bundok ng may mga ngiti sa kaniyang labi. Nasisiyahan ang matandang salamangkero sapagkat nanggaling mismo sa labi ng mga nakakataas na sila ay pumapayag na manatili sa indirhusurhus ang itinakda.

"Hindi makikita ng dark lord ang itinakda sa indirhusurhus, alam mo 'yan" Saad ni lady dërrîmt sa nakaupong si lord tëruvbrôn.

"Nababahala ako hindi para sa itinakda, kundi para sa hinaharap ng mga bansa sa prime asia. Panahon na para kumilos" Sabay  taas ng kaniyang mga kamay at inilagay niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa.

Pagkatalos no'n isang napakalakas na aura ang lumabas sa palasyo ng indirhusurhus. Isang napakalakas na hangin ang kumawala sa buong paligid ng palasyo at naramdaman iyon ng matandang salamangkero habang tumatawid ng tulay palabas ng kaharian.

"Nagpahayag na siya ng pakikiisa, maraming salamat my lord sa pagtitiwala sa akin" Saad ng matandang salamangkero sabay yuko sa harapan ng malaking estatwa ni lord tëruvbrôn.

Inaruga ni tamberow laurhim ang sanggol sa munting kubo na matatagpuan sa gitna at liblib na kagubatan ng oitisagiri.

Namuhay siya kasama ang sanggol ng payapa, maraming naging kaibigan ang bata noong ito'y nagkaroon na ng pag-iisip.

Sa tuwing pupunta ng bayan ang salamangkero ay palagi nitong kasama ang bata.

Naiiba ang bata sa lahat ng mga nilalang sa bayan, sa mga mata nito makikita ang malaking kaibahan sa lahat ng bagay.

Habang abala sa pamimili ng mga gulay ang matandang salamangkero ay hindi nito namalayan na umalis sa kaniyang tabi ang batang itinakda.

"Isang piraso ng papaya at tatlong bigkis ng alimango" Nakangiting tugon ng salamangkero "Ito ang bayad ko" Iniabot ng salamangkero ang tatlong peraso ng ginto sa matandang lalaki.

"Alam mo ba" Napahawak sa kaniyang tungkod ang salamangkero ng mahigpit dahil sa takot. "Nasaan kana grynford? Grynford? Nasaan ka?" Nagpalinga-linga ang salamangkero sa buong paligid para hanapin ang batang itinakda.

Samantala makikita ang bata na mag-isa na naglalakad palabas ng bayan. Magtutungo sana ito sa masukal na kagubatan ng oitisagiri.

Malapit na sanang makalabas ng bayan ang bata nang biglang may humawak sa kaliwang kamay nito.

"Sa ganitong lugar anong ginagawa ng munting nilalang na ito?" Saad ng estranghera.

Nakasuot ng puting kapote na gawa sa balahibo ng tupa. Nakatalukbong ang ulo, tanging mga mata lamang nito ang makikita.

Hindi umiimik ang bata habang nakatitig sa mga mata ng estrangherang iyon.

"Grynford! Nandiyan ka lang pala. Halika dito uuwi na tayo" Saad ng matandang salamangkero sa bata.

"Sino ang tinitignan mo do'n?" Tanong ng matandang salamangkero.

"Babae, isang babae po. Nakasuot siya ng magandang damit, mga mata niya katulad po ng sa inyo" Saad ng bata.

Napatingin ang matandang salamangkero sa masukal na kagubatan ng oitisagiri. Mayroon itong napansin na papaalis na kabayo na mayroong sakay.

"My lady" Iniyuko ng matandang salamangkero ang kaniyang ulo sa papaalis na nilalang na iyon.

"Umuwi na tayo" Hinawakan ng matandang salamangkero ang kamay ng bata at saka naglakad patungo sa kagubatan kung saan matatagpuan ang munti nilang tahanan.

Samantala makikita naman sa pinakatuktok na tore ng indirhusurhus ang pinuno nito. Si lord tëruvbrôn ay pinagmamasdan ang paparating na nilalang.

Nakasakay sa puting kabayo habang papasok sa tarangkahan ng kaharian.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra TrilogyWhere stories live. Discover now