Chapter 1.18 ✓

968 16 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang itinakda at ang pagdating ng iba't ibang kaharian mula pa sa malalayong bansa.

Masayang-masaya ang throne master nang makita ang mga mata ng sanggol. Kakaiba ito kumpara sa mga ordinaryong tao na naninirahan sa greenwind.

"Throne master celidavir alam niyo naman po siguro ang tungkol sa banta? Ayon sa mga alamat hahanapin ng kadiliman ang itinakda para paslangin. Throne master pakiusap kailangan nating ipatapon sa labas ng greenwind ang sanggol bago tayo matuntun ng kadiliman" Saad ng punong mandirigma sa throne master na wala na sa tamang pag-iisip.

"Sino ang magpapasya? Hindi ba't ako? Mananatili sa greenwind ang itinakda hanggang sa dumating ang araw na handa na siya para lumaban. Sa oras na mapatay niya ang dark lord ay sa atin ang papuri at kikilalanin ang lahi ng mga tao sa susunod pang mga henerasyon bilang isang mahusay na lahi sa lahat hahahaha" Ito ang mga planong naiisip ng throne master. Nawawala na sa tamang pag-iiisip at hindi niya na makilala ang kaniyang sarili dahil sa pagtanggap niya sa kadiliman.

Mula naman sa labas ng tarangkahan ng greenwind ay makikita ang dalawang kaharian na nanggagaling sa digmaan. Ang milkwood at riverwood ay nasa lupain ng greenwind para protektahan ang itinakda laban sa nagbabadyang panganib mula sa kadiliman.

"Patawad sa paghihintay aking mga panauhin" Nakadungaw ang throne master sa ibaba kung saan naroroon ang malaking hukbo ng dalawang kaharian.

"Alam naming isinilang na ang itinakda! Ilabas mo ito at kailangan mong dalhin ang sanggol sa kaharian ng white mountain para ilayo sa dark lord" Saad ni lord galandher sa throne master.

"Hindi mo mauutakan ng gano'n ang isang taong balisa na ang pag-iisip" Tinignan ng elf king ang kinaroroonan ng throne master sabay hugot sa espada nito.

"Dahil sa sanggol na 'yan namatay ang aking anak, bilang kabayaran ay kailangang mapunta sa'kin ang kaniyang katawan" Muling saad ng elf king habang nakaduro ang dulo ng espada nito sa throne master.

Nang sabihin iyon ng elf king makikita ang paglabas ng araw. Unti-unti nang naglalaho ang buwan kaya't ang makulimlim na kapaligiran ay bumalik na sa dati. Maliwanag at maaliwalas tignan ang paligid dahil sa pagsikat ng araw.

"Hangal! Kung nais niyong makuha ang sanggol ay kunin niyo ito mula sa akin" Saad ng throne master habang nakadungaw mula sa mataas na pader ng kaharian.

"Ipakita mo ang itinakda upang makasiguro kami na ligtas ito" Saad ni lord galandher.

"Walang problema" Tumalikod ito at saka kinuha ang sanggol sa isang kawal. "Narito! Tignan niyo ang itinakda na papatay sa kadiliman" Itinaas ng throne master ang sanggol. Hawak nito ang sanggol para ipakita sa dalawang kaharian na totoo ang propesiya.

Dahil sa malinaw na paningin ay agad na nakita ni lord galandher ang mga mata ng sanggol. Ang matang buwan na nasasaad sa propesiya.

Habang abala ang lahat dahil sa pagpapakita ng sanggol ay bigla na lamang nagkaroon ng malakas na pagsabog.

Kasabay ng malakas na pagsabog ay yumanig ang buong kalupaan. Nabigla ang lahat dahil sa pagsabog.

"E'nurians!!!!!!" Sigaw ni lord galandher "Bumalik sa hanay!" Dagdag pa nito.

Mabilis na tinungo ni lord galandher ang alaga nitong puting lobo at agad niya itong sinakyan.

Nagtungo sa unahan ng kaniyang hukbo si lord galandher para pangunahan ito.

"Eduro na tin!" Saad ng elf king "Humanda sa pag-atake" Nasa ikalawang hanay ang mga elf sapagkat nasa unahan ng mga ito ang libu-libong hukbo ng milkwood.

Nasa unahan ang mga may gumagamit ng espada at sibat at mga kalasag. Samantala ang mga elf ay nasa likuran na siyang gumagamit ng mga palaso.

Sinakyan ni haring reyvin skywolf ang malaking puting uso. Kinuha rin nito ang kaniyang sibat na nakatusok sa lupa at agad na pinangunahan ang kaniyang hukbo.

Magkasama sa iisang digmaan ang lahi ng mga elves at engkanto. Na noo'y may alitan ngunit isinantabi ng mga ito ang kanilang mga pansariling interest at itinuon ang pansin sa paparating na digmaan.

Mula sa mataas na kabundukan ng greenwind makikita ang pagdating ng mga centurians at orcs. Napakarami nila at bukod pa do'n ay may kasama silang mga trolls na may tulak-tulak na mga bakal pandigma gaya ng kanyon na ang bala ay bakal na may apoy, at mga palasong kasing laki ng mga sibat at mga nakakalasong usok na kayang pumatay sa loob lamang ng ilang minuto.

Kumpleto sa kagamitan ang mundoghor sapagkat sa lupaing iyon ay nakatuon lamang ang kanilang pansin sa paggawa ng mga sandata.

May mga kasama ring sigbin ang mga orcs, may mga kadenang tali lamang ang leeg ng mga halimaw sapagkat mabangis ang mga ito lalo na sa sariwang karne.

"Ihipan ang tambuling pandigma para sa unang pag-atake" Saas ng evil hand ng dark lord habang nakasakay sa malaking itim na alakdan.

"Narinig niyo ang sinabi niya? Ihipan ang tambuling pandigma!" Sigaw ng isang centurians sa mga orcs.

Iniihipan ng mga orcs ang mga tambuling pandigma at nang marinig iyon ng mga centurians at trolls ay agad na humakbang ang mga ito patungo sa patag na lupain ng greenwind.

"Humanda!" Saad ng elf king sa kaniyang hukbo "Ngayon na!" Agad namang pinakawalan ng mga elf ang libu-libong mga palaso sa himpapawid.

Ang mga palasong iyon ay iisa lang ang pinatutunguhan. Ang kinaroroonan ng mga centurians at trolls.

Sa unang pag-atake ng mga elf gamit ang kanilang mga pana ay marami itong napabagsak. Ngunit ang mga trolls na may tulak-tulak na mga bakal pandigma ay hindi man lang tinablan ng mga palaso sapagkat kasing tigas ng kahoy ang kanilang mga balat.

Ngunit ang mundoghor ay hindi nagpatalo sa dalawang kaharian bagkos nagpakawala rin ang mga ito ng mga bato. Ang mga batong iyon ay pinahiran ng langis at sa tuwing papaliparin ito sa himpapawid ay bigla na lamang itong umaapoy.

Sa pagbagsak ng mga batong may apoy sa hanay ng dalawang kaharian ay marami ang napipinsala nito.

Nagtatalsikan ang mga elf at e'n sa tuwing tatamaan ang kanilang hanay ng mga bato.

Hindi na nakatiis pa ang hari ng milkwood bagkos pinangunahan nito ang kaniyang hukbo patungo sa libu-libong mandirigma ng mundoghor.

Habang tumatakbo ang mga mandirigma ng milkwood patungo sa kinaroroonan ng mga centurians at trolls ay makikita naman ang mga elf na nagpapalipad ng mga palaso sa himpapawid.

Sa pagkakataong iyon ay sumabay na rin sa pagkilos ang riverwood. Sinamahan ng mga ito ang mga e'n na nakikipaglaban sa hukbo ng mundoghor.

"Dahil sa sanggol na ito ay nagkakagulo ang lahat. Kailangang tapusin ang bunga para walang mapitas ang kadiliman" Saad ng throne master habang pinagmamasdan ang sanggol na karga nito.

Nagtungo ang throne master sa pinakatuktok ng tore ng kaniyang palasyo para wakasan ang buhay ng itinakda at ng matigil na ang malawakang digmaan.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra Trilogyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن