Chapter 1.15 ✓

965 23 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang digmaan ng mga elf at e'n sa patag na lupain ng milkwood.

Noong ika-pito ng hulyo bago pumutok ang bukang liwayway ay ligtas na nakarating sa talampas ng milkwood ang libu-libong mandirigma ng riverwood.

Malayo pa lang ay natatanaw na ng mga elf ang matataas na tore ng milkwood. Nakikita rin ng hari ang mga bantay sa tarangkahan na nakatingin sa kanilang hanay.

"Balitaan ang lord of the forest na may bisita siya" Pag-uutos ng isang kawal sa mga kasamahan nito.

Mula sa mataas na talampas makikita ang pagbaba ng libu-libong mandirigmang elf habang nasa unahan ng mga ito ang kanilang hari na nakasakay sa puting uso.

Nagulat na lamang ang mga bantay sa tarangkahan ng milkwood nang bumaba sa talampas ang hukbo ng riverwood.

"Mukha yatang pinadala niya lahat ang kaniyang mga kawal. Napakadami ng aking mga panauhin" Wika ni lord galandher habang tinatanaw ang mandirigma ng riverwood na naglalakad patungo sa harapan ng pader ng kaharian.

"My lord anong ginagawa nila dito? Bakit nakasuot sila ng bakal pandigma? Anong sadya nila sa atin?" Saad ng punong mandirigma sa kaniyang hari.

"Iyon ang ating aalamin luirin laktangle" Saad ni lord galandher sa kaniyang mandirigma.

Nasa itaas ng pader ang hari ng milkwood habang nakatingin sa mga mata ng elf king.

Naglakad patungo sa harapan ng malaking tarangkahan ng milkwood ang elf king habang nakasakay sa kaniyang uso.

"Lord galandher, lord of the forest hari ng milkwood. Hinding-hindi ako yuyuko sa isang tulad mo. Namatay ang aking anak sa west land dahil sa kapabayaan mo. Napakasakit sa isang ama na mawalan ng anak na siyang magmamana ng aking lahi. Ang pagkuha mo sa kaniyang pangarap ay para mo na ring kinuha ang akin" May namumuong luha sa mga mata ng elf king ngunit hindi niya iyon hinayaang mahulog sa kaniyang mukha.

"Lord reyvin skywolf ng riverwood kingdom. Ang nangyari sa kaniya ay hindi ko kasalanan, hindi kona kailangan pang magpaliwanag sa isang hari na balisa na ang pag-iisip" Saad ni lord galandher habang tinititigan ang mga mata ni lord reyvin.

Nilisan ng elf king ang tarangkahan ng milkwood at nagtungo ito sa likuran ng unang hanay.

Nagbigay senyales sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay ang elf king. Nang makita iyon ng kaniyang hukbo ay mabilis na hinugot ng mga ito ang kanilang mga espa.

Ang unang hanay ng riverwood ay may mga hawak na kasalag samantala ang mga sumunod na hanay ay may bitbit na sibat. Ang ika huling hanay ay may mga hawak na pana. Nakahanda na ang riverwood sa pag-atake.

Habang nagaganap kanina ang pag-uusap ng dalawang hari ay palihim na ipinatawag ng punong mandirigma ng milkwood ang malaki nitong hukbo.

Sa katunayan nakahanda na rin sa loob ang mandirigma ng milkwood. Nakasuot ng mga gintong bakal pandigma habang may mga hawak na espada na gawa rin sa ginto.

Samantala ang mga mandirigma ng riverwood ay nakasuot ng mga pilak na bakal at ang mga sandatang kanilang hawak ay yari rin sa pilak.

The Chronicles Of Senra TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon