Chapter 1.23 ✓

973 13 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Sinalubong ng dalawang kawal ang lady of the prophecy sa pamamagitan ng pag-alalay dito. Sinamahan ng dalawang kawal kanilang pinuno paakyat ng hagdanan.

"Bumalik na kayo" Saad ni lady dërrîmt sa dalawang kawal.

"Masusunod po" Saad naman ng mga ito sabay yuko ng kanilang mga ulo.

Nagtungo sa tore ng palasyo si lady dërrîmt para kausapin ang lord of light. Pinagmamasdan siya nito mula sa mataas na tore habang naglalakad sa malawak na paselyo ng palasyo.

"Lord tëruvbrôn nakita ko ang bata, lumaki siyang mabuti at hindi ko nakikita sa kaniyang mga mata ang panaginib" Saad nito habang naglalakad patungo sa malaking bintana ng tore.

"Wag kang magsinungaling lady of prophecy, baka nakakalimutan mo kung ano ang mga nakikita ko sa hinaharap" Sabay talikod sa babaeng nakatanaw sa labas ng kaharian.

"Patawad" Saad nito kay lord tëruvbrôn.

"Mangyayari ang propesiya my lady kahit nasa atin ang itinakda. Kailangan lisanin ni laurhim at ng bata ang lupaing ito bago pa tayo mahanap ng mga anino. Alam mo ang mangyayari kung sakaling mahanap ng mga anino ang itinakda, nakita mo ang digmaan at mangyayari iyon" Mahabang salaysay ni lord tëruvbrôn sa lady of prophecy.

"Patutungo ako ngayon sa oitisagiri para balaan si laurhim" Makikita sa mga mata ni lady dërrîmt ang takot. Ang kaniyang mga mata ay nakikita ang posibleng mangyari sa hinaharap.

Muling nilisan ni lady dërrîmt ang Indirhusurhus mountain para puntahan ang salamangkero sa kubo nito. Matatagpuan ang kubo malayo sa sentro ng bayan, makikita ito sa liblib na kagubatan.

Malapit nang lumubog ang araw nang makarating sa kagubatan si lady dërrîmt sakay ng kabayo.

Naglakad ito pagkatapos iwanan ang kabayo sa tabi ng puno. Maraming mga puno ang naglalakihan at halos kasing taas na ng mga sylpherian ang mga ugat nito.

Habang naglalakad ang lady of prophecy ay bigla nitong naapakan ang isang sanga ng kahoy dahilan upang magliparan ang mga ibon sa paligid.

Napalingon si lady dërrîmt sa likuran nito dahil bigla na lamang nagpupumiglas ang kabayo mula sa pagkakatali sa puno.

"My lady! Pumasok ka" Saad ng matandang salamangkero habang nakatayo sa harapan ni lady dërrîmt.

Mabilis na nagtungo si lady dërrîmt sa munting kubo ng matandang salamangkero dahil sa alok nito.

Lumubog na ang sikat ng araw at kumalat na ang dilim. Tanging ang mga lampara na gawa sa kawayan lamang ang nagsisilbing liwanag sa kubo ng matandang salamangkero.

"Paumanhin my lady kung hindi ko po kayo nasamahan papunta rito" Paghingi nito ng paumanhin.

"Wag mong isipin iyon laurhim, naparito ako para alamin ang kalagayan ng bata" Mahinhin nitong wika habang nakaupo sa upuang kahoy.

"Natutulog na po siya" Saad ng matandang salamangkero. Nakatayo ito sa harapan ng kaniyang pinuno.

"Tignan mo" Inilagay nito sa mesa ang isang buhok na kulay itim. "Ito ang buhok ng isang kabayo" Dagdag pa nito.

The Chronicles Of Senra TrilogyWhere stories live. Discover now