Chapter 1.27 ✓

972 13 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Namahinga ang mga manlalakbay sa kagubatan ng paragruduros. Bago sila pumunta sa kaharian ng milkwood ay kakailanganin nila ng lakas kaya't ang pamamalagi ng ilang araw sa paragruduros mountain ay magbibigay sa kanila ng lakas.

Samantala sa kaharian naman ng winterland makikita ang mga kababaihan na nakapila sa labas ng tarangkahan.

Nakasuot ang mga ito ng bakal pandigma at may mga hawak na palaso. Halos lahat ay puro mga babae at iilan lamang ang mga kalalakihan sa hanay.

"Alam naman nating kuntrolado ng greenwind ang mga bayan at lungsod sa labas ng lupain nito. Lalo na't ang hari nito ay nakatuon ang pansin sa pagpapadami ng pagkain pang suporta sa kaniyang nasasakupan. Hangga't nakatuon ang pansin ng hari sa kaniyang nasasakupan sa loob ay madali nating magpapasok ang mga bayan at lungsod sa labas. Mapapadali ang pananakop natin sa greenwind kung magpapabagsak natin ang mga bayan na humaharang sa ating daraanan" Saad ng isang matandang babae habang nakadungaw sa mataas na tore.

"Lady xikura lingstad! Ang greenwind ang sentrong lupain ng north land at alam mo 'yon. Sa oras na masakop natin ito ay malaking kaguluhan lamang ang ating maidudulot lalo na't kaibigan ng greenwind ang paroland mountain, ang tahanan ng mga dwarfs. My lady nauunawaan ko na nais mo lamang maghiganti dahil sa pagkamatay ng ninuno mo na siya dapat na mauupo bilang hari ng greenwind. Kung nagkataon na siya ang naupo ay marahil ikaw ang nasa posisyon ngayon ng hari, my lady sana maunawaan mo ang aking sinasabi" Saad ng tagapayo nito.

"Ang pagbawi sa trono ang aking sadya at wala ng iba. Kailangan kong gawin ang huling hiling ng aking mga ninuno" Saad ni lady xikura lingstad.

Si lady xikura lingstad ay ang saling lahi ni lord alador mangos. Nagmula sa angkan ni throne master celidavir mangos na siyang umaangkin noon sa trono ng greenwind.

Nagmula ang angkan ni xikura lingstad sa lupain ng greenwind. Napunta lamang siya sa winterland dahil dito niya nakilala ang kaniyang asawa.

Sa paglipas ng maraming taon ang pagbawi sa trono pa rin ang inaalala ni lady xikura. Ito ang kaniyang misyon na ipinasa sa kaniya ng kaniyang angkan.

Dahil taglamig sa buong nort land ay maraming mga tao ang nagugutom, buti na lamang ang hari ng greenwind na nagmula sa angkan ni haring erundhor wyst ay gumagawa ng paraan para isalba sa pagkagutom ang kaniyang nasasakupan.

Si haring erundhor wyst ay ang pangatlong saling lahi ni haring andor. Nahanap ang hari pagkatapos maglaho ni throne master celidavir mangos.

Sa paglipas ng mahabang panahon ang lahi ni haring erundhor wyst sa greenwind ay dumami. Hanggang ngayon ay dumadaloy pa rin sa dugo ng hari ng greenwind ang dugo ng matatapang na bayani.

Ang greenwind ay may bago ng hari at walang iba kundi si haring laorin wyst, nagmula sa lahi ng mga matatapang na hari.

"Kamahalan ang nag-iisang dagat ng greenwind na lamang ang may natitirang tubig. Wala na pong mga tubig sa lahat ng ilog at lawa na malapit sa ating kaharian" Saad ng kaniyang tagapayo.

"Mahal na hari ang taglamig ay malaki ang naging epekto sa ating pamumuhay. Ang mga lupain sa iba't ibang panig ng prime asia ay hindi dumadanas ng ganito. Kamahalan kailangan nating humingi ng tulong sa mga e'n para hindi na lumala pa ang taggutom" Saad naman ng nakakatanda sa kunseho.

"Kamahalan may malaki po tayong problema" Isang kawal ang pumasok sa kunseho at mabilis itong nagtungo sa harapan ng hari na nakaupo kunseho kasama ang mga nakakatanda sa greenwind.

"Anong balita ang hatid mo?" Saad ng hari sa isang kawal na nakaluhod sa kaniyang harapan.

"Nagpadala ng sulat babala ang ilan nating mga espiya na naroroon sa kagubatan ng balgadur na may nakita silang kakaibang usok mula sa malayo" Saad ng kawal habang nakatayo sa harapan ng hari.

"Anong magagawa ng usok na iyon sa ating kaharian?" Saad ng isang matandang lalaki sa kawal ng hari.

"My lord ang balgadur ay..." Hindi na natuloy pa ang sasabihin nito nang biglang may dumating sa loob ng kunseho.

Isang kawal ang naglakas loob na hawakan ang damit ng hari. Duguan ito at halos hindi na makapagsalita pa.

"A-ang winterland k-kamahalan nandito" Mahina nitong wika sa harapan ng hari habang hawak ng hari ang ulo nito.

"Tawagin ang mga manggagamot!" Sigaw ng hari ngunit ang kawal na nasa bisig nito ay wala ng buhay.

"Sinasabi kona nga! Marami na tayong problema at dumagdag pa ang winterland. Noong nakaraang taon nagbanta sila sa atin na sasalakayin nila ang ating kaharian. Kailangan nating maunahan ang winterland bago sila makapasok sa ating lupain" Saad ng mas nakakatanda sa lahat.

Ngunit ang hari ay hindi sinang-ayunan ang nais nito bagkos kinausap ng hari ang mga tagapaghatid ng sulat na magpadala ng liham sa winterland.

Isang liham kung saan nakasaad na makikipag-usap ang hari para hindi matuloy ang masamang binabalak ng winterland.

Nagtungo ang hari at ang iba pa sa labas para tignan ang pag-ulan ng nyibe.

"Lord salagarus anong gagawin niyo?"

"Kailangan ng hari ang magpapanit sa kaniyang katawan. Kaya't ipinaghanda ko siya ng maiinom na tsaa" Saad ni lord salagarus.

Iniabot ni lord salagarus ang isang basong tsaa sa hari. Makikita naman ang hari na nakikipag-usap sa mga kawal nito na nagbabantay sa labas ng tore.

"Kamahalan isang basong tsaa para sa inyo" Sabay abot sa hari. "Maraming salamat lord salagarus" Saad ng hari.

Ininom ng hari ang tsaa hanggang sa makaramdam ito ng pagkahilo. Nawalan ng balanse ang hari kaya't bumagsak ang katawan nito sa sahig.

"Anong ginawa mo sa hari!" Sigaw ng isang kawal sa matandang si lord salagarus.

"Hulihin siya!" Sigaw naman ng isa pang kawal habang inalalayan ang haring walang malay.

Hindi nagpahuli ng buhay si lord salagarus bagkos tumalon ito mula sa mataas na tore ng palasyo. Bumagsak ang katawan nito sa napakakapal na nyibe.

Ang hari ay nawalan ng malay hanggang sa magising ito. Ngunit sa kasamaang palad ang hari ay wala na sa sariling pag-iisip.

Nagwawala ang hari at hindi na ito makausap ng maayos. Dahil sa nakakalasong tsaa na ginawa ni lord salagarus ay nawalan ng pag-asa ang mga tao sa greenwind.

Ngayong wala na ang hari ay isa-isa ng nagkakagulo ang mga nakakatanda sa kunseho. Wala na silang hari sapagkat ang kanilang hari ay nawala sa sarili.

Si lord salagarus ay matagal nang naninilbihan sa kaharian ng greenwind bilang pinuno ng silid-aklatan. Siya ang namamahala sa lahat ng mga aklat na nililimbag ng mga manunulat.

Nagmula sa angkan ni elunor mangos ang matandang si lord salagarus. Kaya't nasa dugo nito ang paghihiganti.

Nang makasigurong wala na ang hari sa tamang pag-iisip ay nagpadala ng hukbo ang winterland sa kagubatan ng balgadur. Ang balgadur ay ang isa sa pinakamalaking kagubatan ng greenwind.

Nagpadala rin ang winterland ng hukbo sa karagatan ng dul-rad. Sasalakayin nila ang greenwind para sa trono na inaasam-asam ng winterland.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon