Chapter 1.10 ✓

957 24 0
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang paglalakbay patungo sa west land at ang mga panganib.

Nagtungo ang hari ng balandhor sa lupain ng mga ninuno nito. Ang milkwood kung saan nakatira ang mga naunang lahi ng mga e'n sa balandhor.

Sakay ng liyon ay nagtungo sa mataas na tore ang haring alron. May liham mula sa kunseho ng high king ang nakarating sa tanggapan ng balandhor.

"My lord magandang gabi sa iyo" Saad ni haring alron sa hari ng milkwood.

"Lord alron pinatawag kita dahil gusto kong sabihin sa iyo na kailangan ng itinakda ng gagabay sa kaniya" Saad ng high king.

"My lord sa oras na ito ay naglalakbay na ang isa sa magigiting kong mandirigma. My lord ang west land ay isang lupain na walang buhay at kamatayan. Ang unang lupain na sasalubong sa kanila ay ang surgordhon. My lord ang malaking karagatan ng surgordhon ay may halimaw" Nababahalang saad ng hari.

"Lord alron matagal ng panahon ang nakalipas at ang tungkol sa kaniya ay kinalimutan na ng lahat" Saad ng high king.

Samantala mag-isang naglalakbay palabas ng south land ang isang elf sakay ng itim na kabayo. May espada itong nakasabit sa likuran habang pinapatakbo ng mabilis ang kabayong itim.

Habang binabaybay nito ang kahabaan ng daan palabas ng kagubatan ng irindhir ay bigla na lamang may humarang sa unahan ng kabayo nito. Halatang takot ang nilalang na iyon at para bang may tinatakasan.

Hinila ni ronder ang lubid dahilan upang tumigil ang kabayo sa pagtakbo. Muntikan pang maapak ng kabayo ang isang nilalang na nakatumba sa lupa.

"Ginoo? Anong ginagawa mo dito sa kagubatan ng irindhir? At mukha yatang nanggaling kapa sa greenwind sapagkat suot mo ang marka ng mga tao" Saad ng mandirigmang elf sa batang takot na takot.

"Opo nanggaling ako sa greenwind, isa akong gremlin na nagmula sa northwood. Ginoo tulungan mo'ko mayroong humahabol sa'kin mula sa madilim na kagubatang ito" Nang sabihin ng batang iyon ang salitang may humahabol sa kaniya ay bigla na lamang may narinig ang mga ito.

Huni ng mga kabayo ang umalingawngaw sa buong paligid ng kagubatan. Kakaiba ang boses ng mga kabayo, masakit pakinggan ang mga hiyaw na iyon.

Ang kabayong sinasakyan ni ronder ay bigla na lamang napaatras dahil nakaramdam ito ng takot.

"Halika! Sumakay ka batang gremlin!" Saad ng mandirigmang elf.

Napatayo ang batang gremlin at nagtungo ito sa harapan ng mandirigmang elf. Hinawakan ng mandirigmang elf ang isang kamay ng batang gremlin para isakay sa kabayo.

Ang hiyaw ng mga kabayo mula sa madilim na sulok ng kagubatan ay unti-unting lumalapit.

Mabilis na pinatakbo ng mandirigmang elf ang sinasakyan nitong kabayo. Napahawak ng mahigpit sa baiwang ang batang gremlin dahil sa mabilis na pagtakbo ng kabayo.

"Hindi pa tayo nakakalabas ng kagubatan ng irindhir. Sa kagubatang ito ay walang mga e'n ang nakabantay kaya't hindi imposibleng may mga espiya sa lugar na ito na nagmamasid sa mga lupain" Saad ng mandirigmang elf.

The Chronicles Of Senra TrilogyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum