Chapter 1.3 ✓

935 19 6
                                    

THE FIRST ERA:

PARANDHOK VISTHAWOULD POV:

Ang bagong makakasama sa paglalakbay

Ang mga e'n ay hindi nalalayo sa mga elf. Sapagkat halos magkakapareho lamang ang kanilang mga wangis, lalo na sa kulay ng balat at mga kasuotan.

Ang balandhor ay matatagpuan sa south land, ang lupain ng balandhor ay pinamunuan ng highest king of e'n. Si lord alron mula sa angkan ni lord hilaydis at pariya.

Pinamuan niya ang balandhor sa loob ng maraming taon. Maayos ang kaniyang pamumuno sa lupain ng mga e'n ngunit ang kaniyang pagkamuhi sa mga tao ay hindi niya nalilimutan.

Dinala ako ng mga kawal nito sa kulungan, matatagpuan iyon sa ilalim ng palasyo. Dalawang kawal ng balandhor ang naghatid sa'kin papasok sa kulungan.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko napansin ang isang elf na nasa loob ng kulungan kasama ko.

"Elf? Noong nagdaang araw may nakilala ako. Isang elf, at ngayon ay may makikilala na naman ako. Nais ko bang malalan kung paano ka napunta dito?" Saad ko sa lalaking elf na nakaupo sa sahig.

"Marami kaming ipinadala sa iba't ibang bahagi ng north land, south land at west land para mag espiya. Binabantayan namin ang posibleng pagpasok ng mga goblins mula sa west land. Hindi ko inaasahan na mahuhuli ako ng mga e'n sa borderlands" Kitang-kita ko sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. Marahil may mahalagang misyon siya.

Ang mahaba nitong puting buhok ay aabot sa kaniyang mga paa. Kulay puti ang mga mata at may mahabang tainga. Matangkad ito sa'kin sapagkat isa siyang elf.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong pangalan?"

"Ako si ronder skywolf, nagmula sa east land. Ikaw munting gremlin ano ang ginagawa mo rito sa balandhor? Hindi ba't malayo ang norte sa silangan?" Nagtataka ito sapagkat hindi niya aakalaing makakarating ako ng ligtas sa balandhor.

"Naparito ako upang humingi ng tulong sa hari nila. Namataan ko ang mga goblins sa kakahuyan ng eradhor. Mga espiya sila mula sa mundoghor, hindi rin magtatagal ay magpapadala ang dark lord ng hukbo sa norte. Umabot na ang mga balita sa aming bayan na tuluyan ng bumagsak ang iba't ibang kaharian sa west land. Kabilang na ang orc land" Mahaba kong salaysay sa kaniya.

"Matandang gremlin wala ng makakapigil pa sa digmaang ito. Magsisimula ang kaguluhan sa norte at aabot ito sa lahat ng kaharian sa iba't ibang bahagi ng silangan at hindi rin magtatagal ay maaaring umabot ang kaguluhan sa east land, kung saan maraming mga kaharian ang babagsak" Nababahala rin siya para sa kaniyang kaharian. Kaligtasan ng kaniyang angkan ang una nitong iniisip bago ang pangsariling interest.

"Kailangan makalabas ako rito para balaan ang hari ng mga elves. Pero paano ako makakalabas sa kulungang ito"

Kahit ako ay walang ideya kung paano makakalabas sa kulungang gawa sa purong ginto. Mahirap takasan ang mga bantay kung sakaling makalabas man kami ng kulungan.

Napatayo ang elf at naglakad ito patungo sa rehas ng kulungan. Nagmasid ito sa buong paligid hanggang sa may dumating na hindi inaasahang bisita.

"Pakawalan ang dalawang bihag, utos ito ng nakakataas" Saad ng isang e'n.

Nang makalabas kami ng kulungan ay dinala kami ng isang kawal palabas ng palasyo. Sa oras na iyon ay nasa labas na kami ng palasyo kung saan matatagpuan ang matataas na puno ng balete.

Maraming mga alitaptap sa buong paligid at bawat puno ng mga balete ay mayroong mga bahay. Sa mga punong iyon ay nakatira ang mga mahaharlikang mamamayan ng balandhor.

"Sundan niyo lang ang agos ng tubig sa lawa. Dadalhin kayo nito sa pinakadulo ng gubat palabas ng balandhor. Ngunit bago iyon ay may bisita kayong makikita na hindi niyo inaasahan. Magmadali kayo, gamitin niyo ang bangka para mabilis kayong makaalis sa lugar na ito" Pag-uutos ng kawal sa amin.

Nasa gitna kami ng malawak na lawa, naglalakbay sa kawalan at walang ideya kung ano ang naghihintay sa amin.

Marami pang mga puno sa magkabilaang pangpang ng lawa ngunit nang makalabas kami ng balandhor ay bigla na lamang nawala ang mga puno.

Bumungad sa'min ang mga natutuyong halaman at mga puno. Umabot na ang tagtuyo't sa lupain ng mga e'n.

Nang bumanga sa sanga ng kahoy ang sinasakyan naming bangka ay dali-dali kaming nagtungo sa natutuyong lupain ng mga e'n. Nasasakupan pa rin ng south land ang lupain ito. Ngunit bakit nagkaganito ang lupain ng mga e'n? Hindi kaya't mahihina na ang kapangyarihan ng mga e'n lords pagdating sa pagkontra ng mahika ng kadiliman?.

"Miklwood! Ang mahabang daan na nasa harapan natin ay ang nag-iisang daan patungo sa kaharian ng milkwood. Ang tahanan ng mga nakakataas, kailangan pa rin nating mag-ingat dahil hindi tanggap sa lupain ng milkwood ang mga taga-labas" Saad ng elf sa akin.

"Kung gano'n makikita natin ang mga elder lords ng prime asia. Nakakatuwa naman kung gano'n sapagkat malaki ang maitutulong nila sa digmaan kung sakaling sumiklab ang digmaang hatid ng dark lord"

Nagmamadali kaming nagtungo sa mahabang daan patungo sa kaharian ng milkwood. Inabutan na kami ng takip-silim dahil sa layo ng aming nilakad.

Sa mahabang tulay na gawa sa purong bato kami ay naglakad. Sa lugar na iyon hindi pa lumulubog ang araw, ang paligid ay nagkulay dilaw dahil sa natitirang liwanag ng araw.

Sa tarangkahan ng kaharian makikita ang malaking estatwa ng tatlong elder lords ng mga e'n. Bawat isa sa kanila ay may hawak na espada. Sila ang pinakaunang lahi ng mga e'n.

Mahuhusay ang enhero ng mga e'n dahil nakalikha sila ng magandang gusali. Matitibay ang haligi't mga pader at may magagandang desinyo na hindi kayang gawin ng mga tao.

Ang tarangkahan ng milkwood ay bukas kaya't naglakad kami papasok dito nang biglang may marinig kami na isang malakas na tunog ng trumpeta.

May mga kawal na nagdatingan, bawat isa sa mga ito ay may dalawang sibat at mga espada.

Pinaligiran nila kami kaya't hindi na kami nakapaghanda pa at nakapagsalita.

"Isang elf! Kailangan mabalaan ang mga elder lord patungkol dito. Ikaw gremlin-man of the north, maliit na insekto! Anong ginagawa niyo sa lupain ng e'n dito sa south land? Mga espiya siguro kayo mula sa mundoghor?" Ang sakit niya magsalita, tinawag niya akong insekto. Ngunit kagalang-galang pa rin siya sapagkat siya ang isa sa namumuno sa kawal ng milkwood.

"Paumanhin kagalang-galang na punong mandirigma ng milkwood. Naparito kami upang harapin ang mga elder lord, kailangan namin silang makausap tungkol sa isang mahalagang bagay" Iniyuko ko ang ulo ko sa punong mandirigma. Bilang paggalang sa posisyon nito.

"Hindi haharapin ng elder lord ang isang gremlin na gaya mo... Lalo na ang isang elf mula sa east land. Mga kawal ihatid sila sa labas ng milkwood. Tiyakin niyong ligtas silang makakaalis sa kahariang ito" Pag-uutos ng punong mandirigma sa kaniyang mga kawal.

CONTINUITION=>Hanggang sa muli

The Chronicles Of Senra TrilogyWhere stories live. Discover now