Hopeless Romantic (PUBLISHED...

By strawberry008

22.8M 331K 38.7K

Published under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now! More

PROLOGUE (PANINDIGAN KO NA!)
CHAPTER 1 (Is this the sign?)
CHAPTER 2 (Imposible na LALO.)
CHAPTER 3 (PEE BEEBEE TEENS?)
CHAPTER 4 (SIGE NA NGA PAYAG NA!)
CHAPTER 5 (Nakakarami na talaga siya!)
CHAPTER 6 (ANG WEIRD!)
CHAPTER 7 (My dirty little secret.)
CHAPTER 8 (To be continued...)
CHAPTER 8.5 (BIG NO-NO! Okay?)
CHAPTER 9 (You want war? I'll give you war!)
CHAPTER 10 (Butiking nangitlog!)
CHAPTER 11 (Face Palm)
CHAPTER 12 (SPLASH)
CHAPTER 13 (Oh, stress! Lubayan mo ko, please.)
CHAPTER 14 (ANG CUTE CUTE KASI.)
CHAPTER 15 (TYLEEEER, PLEASE REPEAT?)
CHAPTER 16 (JANILYN T___T)
CHAPTER 17 (Umiiyak si Janine!)
CHAPTER 18 (Wow.)
CHAPTER 19 (Sweetdreams...)
CHAPTER 20 (I'm doomed!)
CHAPTER 21 (Pagiisipan ko.)
CHAPTER 22 (Akala ko ba magkakampi tayo?)
CHAPTER 23 (Ang kulit naman!!!)
CHAPTER 24 (Tinamaan na nga ata talaga ako.)
CHAPTER 25 (9 dares to go!)
CHAPTER 26 (ISHA PA PLEEAASH!)
CHAPTER 27 (I'm the happiest slave!)
CHAPTER 28 (Need a shoulder, miss?)
CHAPTER 29 (AYOKO NA! T____T)
CHAPTER 30 (I love my bestfriend! <3)
CHAPTER 31 (Ano daw? :o)
CHAPTER 32 (65-64)
CHAPTER 32.5 (OUR PARENTS???)
CHAPTER 33 (Loading failed!)
CHAPTER 33.5 (I like you most, Tyler!)
CHAPTER 34 (Monkey Guy & Monkey Girl)
CHAPTER 35 (TORPE)
CHAPTER 36 (Mahal na ata kita.)
CHAPTER 37 (Hindi pa ba nagsususpend ng klase??)
CHAPTER 37.5 (JEALOUS)
CHAPTER 38 (Selos si Kuya)
CHAPTER 38.5 (143443, Tyler)
CHAPTER 39 (I'm just hurt, that's all)
CHAPTER 40 (Fine! Walang ilaw dapat.)
CHAPTER 41 (Mas mahal kita)
CHAPTER 42 (Intramurals)
CHAPTER 43 (Christmas Party)
CHAPTER 44 (Thank you lang?)
CHAPTER 45 (DING DONG)
CHAPTER 46 (Wag kang ganyan, baka masanay ako!)
CHAPTER 47 (OMG!)
CHAPTER 48 (ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!)
CHAPTER 49 (Okay, nakapagdecide na ko.)
CHAPTER 50 (If that's what you want)
CHAPTER 52 (Last date?)
CHAPTER 53 (Stay)
EPILOGUE
HOPELESS ROMANTIC BOOK 2
ANNOUNCEMENT
Game Mechanics
Facts and Game Winners

CHAPTER 51 (Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa)

284K 4.2K 464
By strawberry008

CHAPTER 51

Nakakalungkot isipin na yung taong mahal mo, yun pa ang hindi maniniwala sayo. Nasaktan ako ng sobra sobra. Sobra sobra sobra talaga! Akala ko kasi siya na. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Pero ngayon lang din ako nasaktan ng ganito. Mas masakit kesa pagpustahan ka ng tatlong lalaki. Hindi ko naman kasi talaga sila minahal but I did like them. Akala ko lang mahal ko sila kasi ang sweet nila sakin. Masyado lang akong nasabik. Masyado lang akong inosente. Masyado akong immature. Masyado akong... BATA.

Handa na akong tapusin kung ano ang meron samin. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Masakit na masyado. Wala pala siyang tiwala sa akin. Kahit malaman niya yung totoo, andun pa din yung sakit. Andun pa din yung katotohanan na una pa lang, di na siya naniniwala sa akin. Hindi niya ako kayang paniwalaan. Paano pa kaya pag huli na? Baka mas masaktan lang ako, diba?

Tanggap ko ng hindi ako importante para sakanya...

*FLASHBACK*

Habang nasa mall kami, aksidenteng napindot ko yung contacts ni Tyler...

"Teka, bakit pala may A.. sa unahan yung ibang names sa contacts mo."

"Kasi yung may mga A.., yun yung mga taong importante sakin."

*END OF THE FLASHBACK*

Aaminin ko, sobrang nalungkot ako. Pero hinayaan ko na lang. Ayoko ng gawing big deal. Baka isipin niya, isip bata ako. Pero ang sakit. 

Dumilat na ako. Nahihilo ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang init ko. Ang sakit ng puso ko. Nasaan ako? Bakit ganito damit ko? SINO NAGBIHIS SA AKIN?! Ang bango. Damit 'to ni Tyler ah? 

Tumayo na ako. Aalis na sana ako pero may nakita akong pagkain! Wala akong gana kumain. Wala talaga! May nakita din akong papel. May nakasulat...

Get well soon. Eat your breakfast, Jamilah! Sorry and I love you.

-JT


Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil naniniwala na siya sa akin o malulungkot dahil alam kong nakokonsensya lang siya. Hindi ko man matandaan yung nangyari kagabi pero alam kong may nangyaring masama. Ba't ba kasi wala akong matandaan?!

Bumaba ako at nakita ko si Manang.

"Hi Manang."

"Hi iha. Bakit ganyan yung damit mo? Saan ka natulog? Ooops."

Hindi si manang ang nagbihis sa akin? Baka naman yung mommy ni Tyler.

"Yung parents po ni Tyler?"

"Ah. Nasa ibang bansa sila."

Shoot. Si Tyler ang nagbihis sa akin!  Nakita na siguro niya ang... YOU KNOW! Yung alam niyo na, yung matagal ko ng iniingatan! T___T

JOKE LANG! May tiwala naman ako kay Tyler. Siya lang naman kasi ang walang tiwala sa akin. Hay. Kakainin ko na nga lang yung hinanda niyang pagkain. Hihintayin ko siya dumating dito sa bahay nila.

Fast forward ---> Gabi na. Hindi ako makaalis sa bahay dahil una, lowbat ako at ayaw nila ako pahiramin ng charger. Pangalawa, dahil sa damit ko. Baka mapahamak naman ako pag nag bus ako ng ganito ang damit dibaaa?! Baka isipin pa niya mama, ano e. Ay nakoo!

Dumating na si Tyler. Define awkward. Di kami nagtitinginan. Bakit ako titingin sakanya? Ayoko nga! Baka tumulo lang luha ko. Isipin pa niya, nababaliw ako.

"Oh." May inabot siya sa aking paper bag. Hindi pa din niya ako tinitingnan. Hindi ko rin siya tinitingnan dahil nakatingin ako sa paper bag. Naalala ko tuloy nung nasa mall kami. 

*FLASHBACK*

"Oh." May inabot siyang paper bag…

"Ano yan?" Tanong ko. 

"Bumili ako ng damit. Obvious ba?

"Para saan?"

"Diba tinapunan ka ng juice ni Alexa?"

"Ah- paano mo alam?"

"Sinabi ng mga lalaking kasama mo kanina."

"Sino sila?"

"Dali na! Magpalit ka na."

"Ikaw bumili nito?"

"Oo nga. Magbihis ka na nga! Dali na!

Yinakap ko siya at umiyak ako. Ay hindi pala. Humagulgol pala ako. Wala akong pakielam kung madami bang nakatingin sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko, sino ba naman kasing hindi magugulat doon?

"Hey. Bakit?" Tanong niya ng mahinahon pero nagtataka…

"Sorry." So friends niya yung mga guys kanina na ayaw ako paalisin? Pinapahanap ako ni Tyler? Grabe. Touched ako ng sobra! I feel sorry din kasi napagsalitaan ko na naman siya ng masama. Bakit ba kasi ang pikon ko masyado eh.

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

"Teka R-" Hindi na niya natuloy sasabihin niya…

"Sorry umalis ako. Sorry naabala ko pa mga kaibigan mo. Sorry kasi napikon ako. Sorry kung napagalala ko kayo. Sorry talaga." Kasalanan ko naman talaga eh T___T

"Teka nga, wala ka namang dapat ipagsorry eh."

Inalis niya yung yakap ko at hinawakan niya ko sa shoulders ko.

"Ako ang dapat magsorry." Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bakit ganito siya makatingin?

"H-h-ha?"

"Una sa lahat, ako ang may dahilan kung bakit ka nasampal."

Hinawakan niya yung mukha ko.

"Tingnan mo tuloy, namumula na mukha mo." Hinahawakan pa din niya mukha ko.

He wiped my tears.

"Pangalawa, sabi ko ipagtatanggol kita. Pero hindi kita naipagtanggol.

"Dahil wala ka sa tabi ko. Kasalanan ko naman eh. Umalis ako. Sorry!

"Pangatlo, ako din naman ang may kasalanan kung bakit ka umalis. Sumobra ata pambabara ko eh."

"Hindi. OA lang talaga ako. Sorry ah."

"Sawa na ko sa sorry mo. Atsaka pwede ba, wag mong masyadong i-down sarili mo."

"Salamat. Sorry."

Tumulo luha ko.

Yinakap naman niya ako.

"Tahan na. Hindi ka na ulit mahahawakan ng babae na yun. Humanda siya,"

"H-ha? Ano gagawin mo?" Umalis ako sa yakap.

"Basta! Wait, saan ba bahay niyo? Hatid na kita."

"Wag na! Basa ka na rin eh. Sorry ah. Ito oh, gamitin mo na yung damit na binili mo."

"Wag na! Bili na lang ulit tayo."

"Pero wala akong pera."

"Ako na bahala."

Pumunta kami sa isang store.

May nakita akong shirt. Ang ganda.

"Sir, ma'am. Buy one take one po for 300 pesos only"

Only?  Wala nga akong pera tapos only? Ang yaman naman ng saleslady! Nilalang lang yung 300 pesos T__T Sorry, desperada lang yata ako magkapera. 

"Ano to? Couples tee?" Tanong ni Tyler.

"Yes sir. Last na po to. Limited edition po kasi."

"Sige, bibilin namin." Sabi niya.

WHAT?! Siya na nga ang nagbayad ng Mcdo namin, siya pa nagbayad ng Tshirt. 2 shirts na pala yung nabibili niya sakin. Bale 3 shirts na kasi kasama na yung sakanya. Yung totoo, gaano ba kalaki allowance niya?

"Wag na, ang mahal." Sabi ko. 

"Ngayon lang to."

Sabi mo eh!” Yun na lang nasabi ko dahil wala na akong masabi.

"Tingnan mo oh, gwapo ng lalaki. Sayang may girlfriend na."

Napangiti ako sa narinig ko.

"Ikaw lang ang babae na nakangiti pa din pagkatapos masampal, matapunan at mapahiya."

Sumimangot ako. Masama na bang ngumiti ngayon? 

"Salamat ah. Babayaran na lang kita. Dami mo ng nagastos dahil sakin." Sabi ko naman. Nakakahiya naman kung di ko siya babayaran no.

"Wag na." At hinatak na nga niya ako papuntang cr.

Pumasok na ako sa women’s at siya naman sa men’s. Malamang! At yun nga, nagbihis na kami.

Pagkalabas ko, nagulat ako kasi nakita ko siya na nakasandal sa wall at nakalagay yung isang paa sa pader. Malapit siya sa door ng women’s comfort room. Grabe, aatakihin yata ako sa puso… 

"Ang tagal mo naman." Sabi niya. 

"Haba ng pila eh." Sabi ko. Totoo naman eh, madami talaga yung nakapila. Siksikan na nga sa loob eh. Buti maganda yung CR...

"Sige na tara na!"Sabi niya pero wala pa ding expression. Cool, huh?

"Okay." Sabi ko. Inakbayan naman niya ako kaya nagulat ako.

*END OF THE FLASHBACK*

Naligo na ako...

Tae naman! Bakit ang iksi ng binili niyang damit? Di naman ako nagsusuot ng ganito. Mas maiksi pa 'to kesa t-shirt kanina. Nananadya ba siya? Alam naman niyang ayoko ng maiiksing damit. Tapos ang taas pa ng heels. So pinamumukha niya sa akin na maliit ako?! Ugh. Anak ng toknene nga naman! Puro peklat pa naman ako T____T

Tinali ko na yung buhok ko tapos cinlip ko yung bangs. Wala e. Ang laki ng paper bag pero kumpleto! Pati toothbrush meron! Pati sabon, make up, twalya. Aba! Ang arte ng lalaki na 'to. Gusto yata may sarili akong gamit dito sa bahay nila. (hehehehe)

Teka, may make-up ako? Gusto niyang mag make-up ako?! Fine. Naglagay ako ng konting make-up. Konti lang naman e. Saan ba kami pupunta? Err.

Lumabas na ako...

"WOOOAAAAAAAH! O_O

Nanlaki mata ni Jenine, Janine, pati mata ni Manang. Napangiti tuloy ako.

"WOOOOOOOOOOAAAAAAAAAAAAH!"

Mas lumaki pa mata nila. Ano ba yan, ngumiti lang naman ako ah.

"ATE RYLIE. ABA! NAPAKAGANDA MO NAMAN!" Sabi ni Jenine.

"OO NGA ATE! SHOOOCKS!" Sabi ni Janine habang nanlalaki yung mata nila.

"GOSH RYLIE! OO NGA!" Ano ba yan, pati si mamang nakikigosh na din. 

"ATE RYLIE, MUKHA KANG BARBIE!"

"KAMUKHA MO NA SI KIM CHUY." Si Manang talaga! Hindi ko alam kung nagsasarcastic o talagang di alam yung apilido ni Kim Chiu eh. Kim Chuy T____T

"Ate Rylie, sumakay ka na sa kotse. Hinihintay ka ni kuya."

"Huh? Saan?"

"Basta ate, lumabas ka na! Pumunta ka na sa kotse."

Lumabas na ako at wala akong nakitang Tyler sa labas. Hindi naman ako nagagalit sakanya. Di naman niya kasalanan kung bakit hindi siya naniniwala sa akin pero masakit lang kasi talaga. </3

"Manong si Tyler po?"

"Sumakay na lang po kayo Ma'am."

"Ano baaaaa manong! Wag mo kong tawaging ma'am."

Pinagbuksan ako ni manong ng kotse...

Gusto ko sanang sabihin na, manong may kamay po ako. Kaso nakakahiya naman. Hahaha!

"Saan po ba tayo pupunta?"

"Secret."

"Nasaan po si Tyler?"

"Secret."

"Ano po pangalan niyo?"

"Secret."

"Saan ho kayo nakatira?"

"Secret."

"Sa secret po? Saan po yun?"

"Secret."

Okaaay. Ayoko ng magsalita! 


Nakarating na kami sa wakas. Pinagbuksan na naman ako ni manong ng kotse. Sasakay na sana ulit siya sa kotse pero...

"Manong, paano po ako?" Tanong ko na halatang shocked.

"Sundan mo lang yung ilaw pate" Kumindat pa si manong. Buti naman hindi na secret yung sinabi niya diba? 

"Nagsawa na po kayo sa secret?"

"Hahaha, secret!" TAE SI MANOOOONG!


Sumakay na siya sa kotse at iniwanan ako. Tae naman, manong! Nakakatakot. Niloloko ba ako ni manong? Wala namang ilaw eh. Naiiyak na ko sa sobrang takot. Tapos ang tahimik pa. May naririnig ako, pero sht. Ayoko na! Babalik na sana ako pero napakadilim kaya! Walang ilaw, as in wala!

SCARY SHT. MAMAYA SEMENTERYO 'TO EH!

"Tyler?" Tanong ko. Hehe, sorry umaasa lang.  

K. Walang nagsasalita! 

Napansin kong may bumukas na ilaw. Pero isa lang! Pumunta ako doon sa ilaw. Tapos may bumukas na naman. Ngayon ko lang napansin na nasa wooden bridge ako. May bumukas na naman na ilaw. Sinundan ko yung ilaw na bumubukas hanggang sa makarating ako sa dulo ng bridge. 

Wala na naman akong makita ngayon pero alam kong grass yung tinatapakan ko ngayon. Naiimagine niyo ba?  Mahirap kasi ipaliwanag e. 

Ayun! May bumukas na naman na ilaw. Sinundan ko yun. Pagod na pagod na ako. Parang umikot lang naman ako eh. Wala naman akong narating! Kahit sana kainan lang diba? Nagugutom na kasi ako e.

"Nagugutom na kooooo!" Sumigaw ako. Pero wala, ang tahimik pa din. Eeep. Nag echo lang yung boses ko eh. LALO LANG AKO NATAKOT. PUSANG KINALBO!

"Hindi na magandang joke 'to. Natatakot na ko." Naiiyak na ko nang...

May biglang nagpiring ng mata ko.

"Dahan dahan lang." KILALANG KILALA KO BOSES NA YUN NO!

"TYLER! PAGSISISIHAN MO 'TO!"

"Magsisisi kang sinabi mo yan." Ano ba yung pinaplano niya?

"Pag sinabi kong taas, itataas mo yung paa mo ah."

Umakyat na kami. Kahit na nadudulas ako at natatapilok, tuloy pa din ako. So umaakyat na kami sa stairs ngayon? Ahehehe bakit kaya? Oyyy Rylie, wag mag expect!

Bakit ba, nagugutom na nga ako! Any, anong konek?!

Uuuugh. Pagod na pagod na ako. Ang taas ng inakyat namin!

Lalo akong nagutom.

Tinanggal na ni Tyler yung piring sa eyes ko, "Sige na, dilat na."

"Ah. Kain na tayo!"

Tingnan niyo nga, pati sarili ko niloloko ko. Ugh. Actually, nagulat talaga ako. Sobrang naappreciate ko din. Sobra! Pero hindi ko kayang magpanggap na hindi na masakit. Siguro iisipin ng iba na ang sama ko. Pati ang babaw ko. Pero kung kayo yung nasa kalagayan ko, siguro maiintindihan niyo din. 

Sobrang nasaktan siguro si Tyler sa sinabi ko? Pati mahal ko, nasasaktan ko na. Nasasaktan tuloy ako. Kasalanan ko 'to 

Kumuha ng madaming madaming rice at madaming madaming ulam.

"Rylie.."

"Kain ka na din Tyler!"

"Rylie, ano bang nangyayari sayo?"

Hindi ko din alam Tyler. Hindi ko din alam 

"Akala ko ba nagugutom ka na? Bakit nakatulala ka pa diyan?"

Tumulo yung luha ko. Hindi ko na mapigilan. Sa totoo lang, kanina nagugutom ako. Pero simula nung narinig ko siyang magsalita at simula nung maamoy ko na siya, kinabahan na ako. Tumibok na ng mabilis yung puso ko. Corny ba? Yun kasi nararamdaman ko e. Oo, simula nun, nabusog na ako. Wala na akong gana kumain. Titigan ko lang siya, ayos na! Sulit na!

Yinakap niya ako.

"I love you, Jamilah! Please wag na tayong mag-away. Sorry kung hindi ako naniwala sayo. Alam ko na yung totoo. I love you Jamilah." Pesteeee! >.<

Tamang tama! Sobrang lamig ng panahon, ayos 'tong hug na 'to. Mwehehe! 

Naramdaman kong umiiyak na siya. OMG!

"Rylie..." Tinayo niya ako.

"Tingnan mo yung paligid mo. Tingnan mo ako."

Tumalikod ako and oh so sht. Kahit na takot ako sa heights, di ako natatakot ngayon. Tumingin ako sa baba. Yun yung nilakaran ko kanina. Yung sobrang haba na nilakad ko kanina pero wala akong napuntahan. Ito pala yun. 

Sa wooden bridge, may ilaw na sunud sunod at dire-diresto. Doon sa river, pond, or whatever. Basta tubig. May mga petals ng red and white roses doon. Sa dulo ng bridge, may dalawang gazeebo tapos heart-shaped. At yung sinabi ko kanina na parang umikot lang ako, umikot nga talaga ako.

Umikot ako sa puso ko. I mean puso yung inikutan ko.

Sa loob ng puso ko este puso na inikutan ko. May nakasulat na...

JAMILAH RYLIE HAO, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?


So naimagine niyo na ba kung gaano kadaming ilaw ang nilagay niya dito? Naimagine niyo na din ba kung gaano kahaba yung nilakad ko? Naimagine niyo ba yung mga sinabi ko kanina? Naimagine niyo ba kung paano ako lumuha ngayon sa sobrang sweet ni Tyler? Naiimagine niyo ba kung gaano ko siya nasaktan? Naiimagine niyo ba kung gaano ako nasasaktan dahil nasasaktan siya? Mahal na mahal ko siya!

Naimagine niyo ba kung gaano ko siya kamahal? Wag niyo na lang iimagine. Masisiraan lang kayo ng bait. 

Okay. Wala akong masabi.

Sinuot niya yung coat niya sa akin at yinakap niya ako mula sa likod habang tinitingnan namin yung mga ilaw. Inisip nga ba niya talaga 'to? Okay sige. Ayaw talaga tumigil ng luha ko.

"Jamilah..." Nginitian niya ko.

"Ano bang gusto mo?" Iyak ako ng iyak.

"Ikaw."

Humarap ako sakanya. I kissed him passionately.

"Tyler, paano pag sinabi ko sayong ayoko?"

Tama si Ariza. Mahal ako ni Tyler pero nararamdaman ko pa din na walang seseryoso sa akin. Siguro kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko munang magbago.

Siguro pag dumating na yung time na alam kong deserving na ako para sakanya, yung time na mataas na yung tingin ko sa sarili ko, yung time na may confidence na ako, yung time na hindi na ako clumsy, burara, at isip bata, yung time na magiging okay na ako. 

SAKA LANG AKO BABALIK SAKANYA...

Kung makakabalik pa ako. 

"Sorry Tyler."

Sana hindi ako magsisi sa desisyon ko.

"Rylie...."

Lord, alam ko pong humingi ako ng sign. Sorry po kung bibitawan ko na po siya. Mahal ko siya pero hindi sapat yun. Una, wala siyang tiwala sa akin. Pangalawa, wala na akong tiwala sa sarili ko. 

"Mahal kita pero wala tayo sa pelikula. Hindi lahat ng gusto ng audience natin dapat masunod. Nasa reality tayo Tyler. In reality, mahal kita pero ayoko na. Alam kong alam mo na nagustuhan at naappreciate ko yung ginawa mo. Alam kong alam mo na mahal kita. Alam kong alam mo yung nararamdaman ko. Pero sana maintindihan mo ako. Mahal kita pero I don't deserve you. Ako lang naman kasi si Jamilah Rylie Hao. Isang babaeng walang ginawa kundi umasa sa iba. Kundi umasa sayo. Lagi mo akong pinagtatanggol pero yung sarili ko, hindi ko magawang ipagtanggol. Hindi ko kayang tumayo mag-isa. Pati ikaw nasasaktan ko na! Nahihirapan ka na!"

Nakita ko na 'to sa movies. Oo, nakakakilig. Pero iba pala talaga pag ako na yung bida.  Siguro, tama sila, wala talagang happy ending. Paano ka nga kasi magiging masaya kung tapos na diba? Siguro tama sila, wag madiliin ang love. Siguro, masyado kong minadali. Ako tuloy ang nadali.

Tyler, hindi mo kasalanan 'to. Kasalanan ko.

"Sorry Tyler! Sorry talaga!" Umiiyak lang siya!

"Jamilah, tutulungan kita! Tutulungan kitang tumayo."

"Hayaan mo akong tumayo ng mag-isa. Pipilitin kong mag move on. Siguro kapag bagay na tayo tapos mahal mo ako at mahal pa din kita. Siguro saka lang pwede maging tayo. Pero Tyler, hanggang nandiyan ka pa, lagi na lang akong aasa sayo."

Siguro ang daming maiinis pero sana maintindihan niyo ako. Masyado na akong nahihirapan hindi dahil kay Tyler, hindi dahil sa mga tao sa paligid ko, pero dahil tuluyan na akong nilamon ng insecurities ko. Lalo na ngayong alam ko na pati si Tyler, walang tiwala sa akin. Narealize kong hindi dapat ako kay Tyler dahil paano siya maniniwala sa akin, e hindi nga ako naniniwala sa sarili ko. Ni hindi nga ako naniniwala na maganda ako kahit sinasabi nila sa akin yun. Feeling ko kasi, binobola lang nila ako.

Siguro nga alam na niya ang totoo, pero gaya ng sinabi ko kanina, nandun pa din yung katotohanan na simula pa lang, wala na siyang tiwala sa akin.

"Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan. Pero masyado pa tayong bata. Highschool pa lang tayo. Ipaprioritize ko muna yung studies ko at magiging matapang ako. Pag nangyari yun, promise! Hangga't mahal mo pa ako, babalik ako sayo. Dahil ito..." Hinawakan ko yung kamay niya at nilagay sa dibdib ko.

"Para sayo lang 'to. Hindi ikaw ang first boyfriend ko. Hindi  rin tayo. Pero ikaw ang unang minahal ko. Maniwala ka sana sa akin. Pero sabagay, paano ka nga naman maniniwala sa akin kung hindi ko kayang pagkatiwalaan pati sarili ko."

"Pagsalitain mo ako pwede? Naiintindihan kita. Mahal kita, mahal mo ako pero may problema pa din. Hindi dahil yung tao sa paligid mo pero ikaw sa sarili mo. Kasalanan ko din dahil hindi ako naniwala sayo una pa lang. Lalo kang nawalan ng tiwala sa sarili mo, alam ko yun. Sorry Jamilah. Mahal na mahal kita. Pero promise me, babalik ka."

"I'm not sure. Yun ay kung mahal mo pa ako..."

"Rylie, last request na lang."

"Ano yun?"

"Pwede bang akin ka lang bukas?"

"What do you mean?"

"I want a date."

I kissed him. He wrapped his hands around my waist. He kissed me. I wrapped my hands around his neck.  

Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa. 

Continue Reading

You'll Also Like

425K 9.5K 31
Perfect Haters (prequel) the missing piece. What really happened after the proposal and before the wedding? Did they really marry one another or was...
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
162K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...