REYALONA (COMPLETED)

By KUMPARENGMILBEN

3.8K 606 241

Fantasie Serere #1 Sa pagtuklas ng makabagong mundo laban sa iba't ibang kritisismo o opinyon ng ibang tao ma... More

REYALONA
MGA DAPAT KUMPIRMAHIN
MUNDO NG RELUHEMI
APAT NA KABISERA
REYALONA: SIMULA
01_REYALONA ACADEMY
02_PROPESIYA
03_REYA'S ALLIANCE
04_INTERNAL QUESTION
05_REQUEST GRANTED
06_ ROYAL ORIENTATION
07_BRUTALITY TRAINING
08_LINE UP
09_BURNING REVELATION
10_COSMOS MARK
11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES
12_PRESTIGIOUS FAM
13_FRUSTRATION/PRESSURE
14_ANVIL GUTS
15_RESET
16_QUESTION. QUESTION. QUESTION.
17_HIDDEN ANSWER FT. JERK
19_FADED LIFE
20_CONFESSION
21_CHAOS VS SPATIAL
22_THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING
23_NOTHING BUT A TRUTH
24_FINAL READY
25_GRAND MEETING
26_QUEST BEGGIN
27_ABYSSUS ISLAND
28_CONTINUATION WITH FEAR
29_SOLAR ORB RISSSEN
30_CONSPIRACY THEORY
31_ATTRIBUTIVE FACTICITY
32_GAME OF LIFE
33_REYA'S SOUL
34_EVERY CHOICES IS DEPTHS
35_END QUEST
REYALONA : EPILOGUE
Feedback
PASASALAMAT

18_DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT

27 10 1
By KUMPARENGMILBEN

CHAPTER 18:
DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT


Gaya ng normal na nilang nakagawian dito sa paaralang 'to, nakasanayan ko na rin gaya nila na maaga na ring gumising tuwing umaga.

Pasado mag a-alas syete ay gising na rin ako gaya ng ibang estudyante rito. Ang laking pagbabago ang ginawa sa 'kin ng paaralang 'to kahit na nasa binggit ako nang pagiging makasarili at hindi nag iisip noong mga araw na walang-wala akong makapitan nang dahil sa mga nangyari sa 'kin.

Tanda ko pa noon kung papaano ako naging makasarili noong araw na hinihikayat nila ako maging ka isa sa pagligtas ng Reyalona. Pero ngayon, tila nagbago ang lahat pero ang prensipyo ko na mailigtas ang kapatid kong si Ella ay hindi pa rin nagbabago.


Hindi pa ako nakakatayo sa kama ko nang makita ko ang isang tray na may takip, napaka-aga rin talaga ng mga maid dito na kumilos mahainan lang ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

Sa tuwing naalala ko yung mga panahon na kinakailangan ko pang kumilos para sa kakainin nila Mama at Ella, ngayon, nakikita ko ang kaibahan ng sitwasyon ko dito, bukod kasi sa diperensiya ng sistema, nakita ko rin ang malaking pinagka-iba sa oras na maranasan mo ang klase ng ganito karangyang buhay. Hindi naman sa kinakalimutan o nawawala sa isip ko ang pinanggalingan ko pero, sa oras na maalala ko o maisip ko na may taong nangangailangan ng tulong ko, naiinis ako sa sarili ko, feeling ko kasi ay parang nagpapasarap lang ako dito habang yung kapatid ko ay hindi ko alam kung ayos ba ang kalagayan niya ngayon.

Habang naalala ko yung mga panahon na iyon, nakita ko ang isang pouch na ginamit ko noon sa event dito sa school na 'to, binuksan ko ito at nakita ko nga ang larawan na pinaka-iniingatan ko ngayon.

Ngayon buwan na 'to ang unang buwan ng pagkamatay ni mama, labis ang paghihinagpis ko noong araw na 'to noon. Itong araw na rin na 'to ay ang araw na pagkawala rin ni Ella. Kumusta na kaya si Ella, kumusta na rin kaya ang labí ng katawan ni mama doon sa tapat ng bahay namin.

Isinantabi ko saglit ang larawan na hawak ko at saka ako tumayo mula sa kama. Inayos ko lahat ng mga gamit na ginamit ko at saka ako naghilamos.

Nang matapos ako maghilamos ay saka naman ako kumuha ng tuwalya at saka ako umupo sa may tabi ng lamesa ko. Binuksan ko ang laman ng lalagyanan ng pagkain ko at nakita ko nga ang ilang hindi pamilyar na pagkain para sa 'kin, kahit na kasi hindi ko kilala ang pagkaing ito alam ko na mamahalin ito. Nakakalungkot nga rin pala talaga noong unang araw ko dito na kung saan kasabay namin ang iba naming ka mag-aaral at guro na kumain noon sa may Main Hall, sa ngayon kasi ay inihihiwalay o kundi naman kaya ay sari-sarili na kami, simula kasi na malaman nila Prof-T ang tungkol sa 'kin bilang isang tagapangalaga, iniwas niya na ako sa ibang tao bilang pag iingat daw, nakakalungkot man pero respeto at pag uunawa na lang talaga, sana nga matapos na 'to e.

Nang matapos kong ubusin ang pagkain ko, muli kong kinuha ang pouch at saka ko tinitigan ang itsura ng litrato nina Mama at Ella, pinagmamasdan ko ang litrato nila lalo na si Mama, mas lalong umigting ang lakas ng loob ko na sana makita ko siya ngayong unang buwan nang pagkamatay niya. Sa tuwing binabaliwala ko at sinusubukan iwasang isipin dahil nga malabo naman talaga na payagan ako, hindi ko na pinipilit pa ang sarili ko, ngunit ngayon, para bang may kung anong nanghihikayat sa 'kin na umalis at puntahan ang labi ni mama roon sa may tapat ng bahay namin kung saan ko siya inilibing.

Habang pinagmamasdan ko ang litratong hawak ko, sunod-sunod na katok naman ang gumulat sa 'kin dahilan upang tumayo at pumunta ako sa may pinto. Nang silipin ko ang butas na tumatagos sa labas ng pinto ko, nakita ko sina Billy, Ralph, Iryll, Janelyn, Jane at Athena. Nang makita ko si Athena ay medyo nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam kung bakit siya naririto sa kuwarto ko kasama ang mga kaibigan ko. Ang dumi-dumi pa naman ng kuwarto dahil tamad talaga ako. Kahit na kasi na may tagalinis ako, ayokong nagpapalinis, gusto ko kasi na ako lang ang mag lilinis sa kuwarto ko dahil kaya ko naman ito at personal ko itong kuwarto kaya dapat matuto akong maglinis nito.

Teka, bakit hindi ko kaya subukan magpatulong sa kanila na magpaalam para maka-alis at makapunta ako labí ni mama? Pero baka kasi mas lalong hindi ako matuloy, gustuhin ko mang magpaalam sa gagawin ko pero alam ko naman na walang papayag dahil nga sa sinasabing tagapangalaga ako at maraming gustong pumatay sa 'kin. Kaya, kahit na walang paalam, gusto ko pa ring puntahan ang bangkay ng mama ko kahit na ako lang mag isa. Isa pa, pupuntahan ko ang labí ni mama bilang pagpapaalala sa kanya na hindi ko siya makakalimutan kahit kailan dahil mahal na mahal ko siya.

Habang tutok sa kaka-isip sa mga balak ko mamayang pagpunta ko sa labí ni mama, sunod-sunod na muling katok ang gumulat sa 'kin dahilan para itago ko agad sa pouch ko ang litrato nina Mama at Ella.

Nang maayos ko na ang lahat ng kalat sa kuwarto ko, agad akong nag madali patakbo sa may pinto para buksan ito. Kaya kahit na sobrang conscious at intense ko sa maaring makita ni Princess Athena sa loob ng kuwarto ko, huminga muna ako nang malalim bago ko buksan nang nakangiti ang pinto.

Whuu, self kalma. Minus one points kapag halatang na p-pressure ka.

Nang buksan ko ang pinto, bumungad silang nakangiti sa akin kaya naman nginitian ko na lang sila.

"Oy goodmorning, ano't napadalaw kayo lalo na po kayo Ms. Athena? Anyway, pasensya na po kung mukhang makalat, hehehehe," saad ko with full of pressure and tense.

"Oy ano ka ba!? Ayos lang 'yan 'wag kang mahiya sa 'kin! Burara rin ako sa gamit ko noon kaya medyo na dala ko hanggang ngayon sa paglaki ko. Pasensya na talaga ha."

"Dai ayos lang 'yan! Importante may jowa!" aniya ni Iryll.

"Amen!" saad nina Ralph at Billy habang bungisngis na nakatitig sa 'kin.

"Yes, true!" sabay-sabay namang sabi nina Jane, Janelyn at Athena.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung mga nangyari kagabi! Urgh! Kainis!

Kaasar!

Napairap na lang ako sa kawalan, "Ano ba kailangan niyo?" Kunyaring badtrip kong tanong.

"Wala, we just wanted you to invite lang for ahm... Breakfast na hindi mo lagi naabutan?"

"I wondered kanina pa tapos?" tanong ko.

"Mag aaksaya ba kami ng oras maglakad dito kung wala pa? Kaya late ngayon breakfast kasi yung nag iisang  gourmet chief dito kahapon lang nag-resign. Sa tanda na rin nang gourmet chief na 'yon, kapanahunan pa 'yon nina Prof-T," paliwanag ni Jane.

"Si Ginoong Bonza ba tinutukoy mo? Yung matabang batugan?" tanong ni Athena.

"Oo siya nga," pangsasang-ayon naman ni Jane. "Si Ginoong Bonza, kahit na ganoon ka batugan 'yon ay lehitimong pinipilahan siya ng mga kilalang pamilya at matataas na maperang opisyales dito. Noong nawala ang partner niyang si Baby Bethy hindi na siya naglakbay at tumuklas pa ng ibang kaalaman tungkol sa mga pagkain. Kaya nga siguro mas pinili niya na lang na mag pa laki ng tiyan sa bawat tinutuluyan niya e. "

"Totoo 'yon, yung mag kaibigang 'yon, hindi mapaglayo dati!" aniya ni Janelyn.

"La kala mo buhay na siya noon oh? Assuming ka?" Pambabasag trip naman ni Iryll.

"Ikaw epal ka talaga!" pikon na sigaw ni Janelyn hanggang sa mag away na sila.

"Ikaw ba Rona, noong nasa gubat ka ba may mga magagaling bang mag luto roon?" Napabaling muli kay Jane ang atensyon ko.

Meroon nga ba?

"Ayos lang naman?" tanging sagot ko.

"Huh?"

"Wala na kasi kaming pakialam na mga nakatira sa gubat kong anong nakahain sa mga plato namin. No double meaning pero kasi kung anong nakahain sa amin ay kinakain na namin," sagot ko.

"Buti nasisikmura mo. Pero ayos lang 'yan, sa ngayon 'di mo na 'yon mararanasan kasi naririto ka na," anito.

"Sa totoo nga niyan, mas nahihirapan akong sikmurahin yung lagay niyo rito e," sagot ko na medyo awkward na natatawa.

Totoo naman kasi!

Ito a, ikaw ba naman na nagmula lang sa mga gugubatin, sa tingin mo ba mabilis lang na makibagay sa lahat ng mga bagay na nakakagawian nila dito? Kahit na kasi na sa simpleng pagkain sa amin, kung ano itsura nito, basta pagkain ayos na 'yon. Sadyang hindi lang talaga magkaunawan ang magka iba kong prensipyo na nararanasan ko ngayon kumpara sa noon.

"Hmm... Ayos lang 'yan, magkaiba nga siguro tayo ng nakasanayan."

Tumango na lang ako. Bihira sa mga nakakaangat sa buhay umunawa ng paniniwala ng iba kaya kudos ako sa mga kaibigan ko rito.

***

Bulungan...

Tawanan...

Tinginan...

Na miss ko 'to!

Habang papalapit kami sa isang lamesa kung nasaan ang iba naming kasamahan. Boring silang naka upo habang may mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Siguro dahil hindi pa luto ang pagkain gaya ng sabi nila kaya naman walang ibang magawa ang mga estudyante rito.

Umupo na ako sa tabi ni Janelyn kahit na nahihiya ako. Sa halos bilang lang sa daliri sa loob ng isang buwan at kalahati akong naka-attend sa breakfast na 'to, sino ba naman ang hindi mahihiya. Yung mga maid pa at rules sa paaralan na 'to ang nag adjust sa pagiging tulog mantika ko kaya dinadalhan na lang nila ako ng pagkain sa kuwarto ko.

Ten o'clock na at mag e-eleven na, halos buryong na lahat ng tao rito sa kani-kanilang lamesa wala pa ring nakahain. Yung lamesa lang namin ang tanging may pagkain na isang karne at isang takal ng kanin.

"Anim na oras pero wala rin ni itlog ang nakahain sa plato namin tapos yung iba dyan kumakain na? Ano 'to, nagigipit na ang Reyalona?" tanong ng isang estudyante.

"Baka binulsa niyo na pambili ng mga pagkain namin ha? Nagbabayad din mga magulang namin dito kaya ipapaalala lang namin, baka kasi nakakalimutan niyo e." sarkastikong pagpaparining noong isa pang boses kaya naman lalong umingay.

Walang kumibo sa mga kasamahan ko kaya nakigaya na lang ako. Totoo naman kasi kaya nga hindi ko magawang kainin 'tong nasa plato ko.

"Oy Rona, kainin mo na 'yan mag t-training pa tayo," bulong ni Janelyn.

"Nahihiya kasi ako be," sagot ko.

"Saan, doon ba sa sinabi ng lalaki?" tanong niya.

Umiling naman ako, "Sa lahat ng estudyante dito na hindi pa kumakain."

"Ay naku girl, hayaan mo sila. Ang sisihin nila yung gourmet dito hindi tayo kaya ku—"

Hindi ko na natapos paringgan ang sinasabi ni Janelle nang isang plato ang biglang nabasag at ilang hiyawan ang biglang nangyari.

Napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang babae na walang malay na nakahilata sa sahig sa ilalim ng lamesa.

"Hala feeling ko gutom 'yan." Rinig kong sabi ni Iryll.

Agad ako tumayo at hinatak si Janelyn papalapit doon sa mga nagtutumpukan na mga estudyante. Nagsitabihan naman ang lahat nang makita kami.

"Hoy be! Ano ginagawa natin dito! Medical team ang kailangan dito, hindi tayo," bulong ni Janelyn pero hindi ko siya pinansin.

"Gamutin mo siya." Utos ko

"Per—"

"Bilis!" Pinandilatan ko siya.

At agad na nga niyang ginawa

"Janelle!" sigaw ko na pansin ko namang kinagulat niya.

"O!?" Nakabusangot niyang sigaw.

"Paki abot ng pagkain ko rito!" Utos ko.

"What!? Why!?"

"Gawin mo na lang!" sigaw ko na siya namang ginawa niya at nilapit niya nga ang pinggan ko na may pagkain gamit ang kulay violet niyang kapangyarihan.

Nang maabot ko ang pagkain ko, napalingon na akong muli sa harap ng walang malay na estudyante.

"Mukhang na puyat 'to kagabi kaya naman hindi na kinaya ang gutom," aniya ni Janelyn habang ginagamot ang estudyante.

"O tapos ayaw mo pang tulungan!" sagot ko.

"Be, hindi tayo required dito."
    
"Then? Sa binggit ba ng kamatayan kahit simpleng solusyon lang ang kailangan, kailangan ba may required pa rin ang pagtulong?"

"Be may rules dito! Let their individuality do their job."

Napa-angat ang kilay ko sa sinabi ni Janelyn.

"Put her situation in you Janelyn, anong mararamdaman mo kung hindi ka tulungan ng mga tao sa paligid mo ng dahil sa sinasabi mong rules."

"No need to feel anything because I understand the rules. Rules is a rules."

Napa-iling na na lang ako hanggang sa biglang magkamalay ang estudyante na tinutulungan namin.

Bakit ba ganito sa lugar na 'to, nangingibabaw ang patakaran sa kaysa sa buhay na halos nasa binggit na ng kamatayan.

"Salamat po... Pasensya na po." Nahihiyang sambit ng estudyanteng tinulungan namin.

"Kainin mo 'to." Abot ko sa kanya ng pagkain ko.

"Rona!" sambit ni Janelyn pero hindi ko siya pinansin.

"Naku hindi na po. Aantayin ko na lang po yung sa amin." ramdam ko ang hiya niya habang punagmamasdan ang mga taong nakatingin sa amin.

"Hindi na, sige na at sa iyo na 'yan, baka atakihin ka na naman sa gutom," sagot ko.

"Pero paano po kayo..."

"Ayos lang ako." Saka ko siya nginitian bago ako tumayo.

"Salamat Ms..."

Nginitian ko na lang siya bago ako umalis.

"Dapat hindi mo ginawa 'yon." Napatingin naman ako kay Janelyn.

"Kung rules din 'yon, bahala k—"

"Hindi 'yon rules, sa ginawa mo maaring insulutuhin ngayon 'yong babaeng tinulungan mo." Napatingin naman ako kay Janelyn at tinaasan siya ng kilay dahil hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi niya.

"Huh?"

"Nakalimutan mong Reyalona Academy 'to at mayayaman ang mga tao dito. Kahihiyan para sa kanilang mga mayayaman ang salitang tulong mula sa kapwa nila. Lalo na't kung malalaman pa nila na hindi ka naman talaga mayaman."

"Patakaran. Batas. Katayuan sa buhay, ano pa? Ano ba 'yang takbo ng mga utak niyong mayayaman dito. Tulungan 'to, tapos insulto para sa inyo!?"

"H'wag mo lahatin, hindi kami gaya ng ibang pamilya na sinasabi mo na nagpaparamihan ng mga salapi. Sinasabi ko lang sa 'yo ang mga posibleng mangyari sa ginawa mo."

Nang makarating kami sa lamesa namin, muli nang nagsilabasan ang mga napakaraming maid na may kanya kanyang dala ng pagkain.

"Pasensya na po kung napakatagal ng paghain ng pagkain, pero ngayon kumain na po kayo. Pasensya na po ulit sa mga oras na nasayang." Pag a-announce ng isang matandang babae na sa tingin ko ay Head Maid ng eskwelahan na 'to.

***

"Manipulative jerk, sa tingin mo kaya mo ako! Mag sama kayo ng kakampi mo!"

Isang nakakalulang apoy ang biglang lumabas sa palad ni Yumi nang dahil sa pangangasar sa kanya ni Pollux, natipuhan kasi ata ni Pollux si Yumi kaya tumigil siya sa panlalandi sa akin nang sabihin sa kanya ni Noah na magjowa na kami nito. Nagtataka nga ako kasi sa pagkakaalam ko type ni Yumi si Pollux e.

Teka.

Muntik ko nang makalimutan, pupuntahan ko nga pala ang labí ni mama ngayong araw.

Hindi ko alam kung paano ako tatakas sa tag team training na 'to, kakampi ko si Janelyn dito tapos kami na ang next pagkatapos nina Pollux, Riza, Yumi at Janelle.

"Magbabanyo lang ako prof. Babalik ako agad."

Hindi ko alam kung papaano ako lalabas at hindi ko rin alam kung papayag sila sa gusto ko, pero kasi kung mag papaalam ako alam ko naman na pagbabawalan nila ako.

Alas otso trenta e-tres. Sapat na ang lilim ng gabi para matakasan at malabasan ang malaking paaralan na 'to. Hindi ko man alam kung saang parte ako lalabas pero, alam ko na sa dulo ng malalagong puno ng mga gubat sa harap ng pinto sa papasok ng sentrong bulwagan, mayroong masukal na gubat na ang labas siguro ay bayan.

Habang papalapit sa madilim na gubat. "Ms. Amon saan po kayo pupunta!?" Napahinto ako bigla.

Isang lalaking nasa edad forties na meroong ash gray na buhok na nakasuot nang full body firm blue armor na may simbolong solar orb sa left chest at blue na kapa na may disenyo na kabuoang simbolo ng kaharian ng Reyalona na gawa sa isang galaxies stones. Siya ang kapitan ng mga kawal dito sa Reyalona, isang beses pa lang kami nagkita sa meeting sa office ng Principal noong nakaraang araw.

"Kapitan Jozel, nagpapahangin lang po ako rito sa labas. Kayo po?" pagsisinungaling ko.

"Gano'n ba? Pupuntahan ko ang kawal sa silangang bahagi ng paaralan. May problema raw sa daan doon kaya titingnan ko."

"Ah sige po, mag ingat po kayo."

Tumango naman siya.

"Salamat pero, paalala ko lang na lumayo-layo ka sa gubat na 'yan dahil baka mapagdiskitahan ka ng tagapagbantay dyan na malaking sirpiyente."

Sirpiyente... Bakit hindi ko alam 'yon.

"A-Ah... S-Sige po, salamat."

Habang pinagmamasdan ko papalayo si Kapitan Jozel, napa-isip tuloy ako bigla kung bakit naglalabas ng kakaibang usok ang katawan niya. Ang gaan kasi sa pakiramdam ng inilalabas ng usok ng katawan niya. Ang lamig.

Habang marahan kong pinasok at pinagmamasdan ang gubat, hindi ko rin maiwasang hindi kabahan sa mga nararamdaman ko. Sirpiyente? Hindi ko pa alam kung ano itsura no'n, at wala akong balak na makita ito dahil gusto ko nang makita ang Mama ko sa araw na 'to. Habang marahan kong nilalakad ang loob ng gubat, isang kakaibang liwanag ang natanaw ko mula sa harap ko, mukhang papalabas na ako sa paaralang 'to. Habang mimamadali ko ang paglalakad, napahinto ako ng bahagya nang dahil sa ilang kakaibang galaw ng mga halaman at sangga sa paligid ko.

Isang tunog ng ugong ng ahas ang biglang nagpalinga sa akin mula sa aking likod. Walang kahit anong sumalubong sa paningin ko ngunit halos nanginig ang paa ko nang makita ang isang malaking isang uri ng ahas na may tatlong ulo na meroong mapupulang mata at mahahabang dila.

Makapal at malalaking uri ng ahas, nakakapangilabot, nakakalula, nakakagulat. Hindi ko alam kung anong uri ito ng ahas pero sapat na siguro ang itsura nito para matakot ako.

"Mama..."

Isang patak ng luha ang biglang bumagsak sa kaliwang mata ko ngunit, napahinto ako nang marinig ko muli ang pamilyar na tono ng boses.

"Mama..."  Napatingin ako sa kaliwa

"Mama..." Napatingin ako sa kanan

Dalawang ako ang kasalukuyan kong nakikita.

Bakit?

Ano 'to?

"UGRH!!!"

"MAMA!"

Biglang nawala kasalukuyang kumakatawan sa itsura ng aking ina.

"Wala akong kuwenta. Hindi ko nailigtas si Mama... Si Mama..."

"Dapat lang sa kanya 'yon... Hindi ko siya tunay na magulang."

Nang marinig ko ang sinasabi ng dalawang utak ng ako, para akong biglang nanlumo.

Ano bang inisip ko noong mga araw na 'yon, ano...

Matinding takot ang kasalukuyan kong nararamdaman, naglalaban na emosyon at nagtatalong isip, 'yan ang kasalukuyan kong nararamdaman. Ngunit ang pinagtataka ko, bakit ko ito nararamdaman.

Hindi.

Hindi ako gantong klaseng tao. Walang muang sa ganitong klaseng pag-iisip ko ang lahat ng 'yon lalo na kung tungkol kay mama... Tama.

      
Hindi ako ganito!

Hindi!

Hindi ako ganito!

Mahal ko si mama!

Mahal!

Mahal!

Mahal!!

Mahal ko siya!!!

Hindi ko alam kung bakit ko naririnig ang mga naiisip ng dalawang ako. At higit sa lahat hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang lahat ng ito.

Napahawak ako sa ulo ko at unti-unti kong nasabunutan ang sarili ko hanggang sa ma-iyak at mapaluhod na ako nang nararamdaman ko.

"Dapat siyang mamatay. Hindi dapat siya mabuhay."

"Kasalanan ko 'to... Wala akong silbi."

"HINDI! MAMA!"
_____

-KUMPARENGMILBEN

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...