REYALONA (COMPLETED)

By KUMPARENGMILBEN

3.8K 606 241

Fantasie Serere #1 Sa pagtuklas ng makabagong mundo laban sa iba't ibang kritisismo o opinyon ng ibang tao ma... More

REYALONA
MGA DAPAT KUMPIRMAHIN
MUNDO NG RELUHEMI
APAT NA KABISERA
REYALONA: SIMULA
01_REYALONA ACADEMY
02_PROPESIYA
04_INTERNAL QUESTION
05_REQUEST GRANTED
06_ ROYAL ORIENTATION
07_BRUTALITY TRAINING
08_LINE UP
09_BURNING REVELATION
10_COSMOS MARK
11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES
12_PRESTIGIOUS FAM
13_FRUSTRATION/PRESSURE
14_ANVIL GUTS
15_RESET
16_QUESTION. QUESTION. QUESTION.
17_HIDDEN ANSWER FT. JERK
18_DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT
19_FADED LIFE
20_CONFESSION
21_CHAOS VS SPATIAL
22_THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING
23_NOTHING BUT A TRUTH
24_FINAL READY
25_GRAND MEETING
26_QUEST BEGGIN
27_ABYSSUS ISLAND
28_CONTINUATION WITH FEAR
29_SOLAR ORB RISSSEN
30_CONSPIRACY THEORY
31_ATTRIBUTIVE FACTICITY
32_GAME OF LIFE
33_REYA'S SOUL
34_EVERY CHOICES IS DEPTHS
35_END QUEST
REYALONA : EPILOGUE
Feedback
PASASALAMAT

03_REYA'S ALLIANCE

106 19 20
By KUMPARENGMILBEN

CHAPTER 3:
REYA'S ALLIANCE


"Biyaya ka sa pamilya namin anak, hindi ka ampon. Ikaw ang alala nang namayapa kong asawa at gaya ng pag ingat niya sa 'kin ay iingatan din kita."

"Hindi mo kasalanan na namatay ang asawa ko, anak. Tanging gusto niya lang noon ay ipagtatanggol ang buhay mo. Mabait lang talaga siya at sadyang matulungin kaya hindi mo kasalanan 'yon anak."

"Mahal ka namin anak kahit saan ka pa nagmula."

Isa-isang bumalik lahat ng alaala ko na meroon ako noong panahong kasama ko pang nabubuhay si Mama. Muling nagbalik sa akin ang mga alaala na kung papaano ako trinato ng mabuti ni Mama kahit na hindi niya ako tunay na anak. Ipinaramdam niya sa akin ang tunay na kahulugan ng pamilya kahit na hindi niya ako tunay na anak.

Habang maluha-luha kong tinatakpan ang katawan ni Mama ng makapal na kumot. Marahan kong hinalikan ang mukha nito sa huling pagkakataon. Hindi ko pa rin lubos na matanggap na mangyayari ito ngayon, kung kagaya nga lang ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan ni Mama, o kung 'di naman kaya, mero'n akong kakayahan na makita ang hinaharap gaya ng mga mata. Mabilis ko sanang naililikas sila Mama palayo sa mga kapahamakan na 'to.

Kung mamamatay rin lang naman ako dito sa laban kong ito, hindi ko na pagsisihan 'yon. Dalawang tao na ang nawala nang dahil sa akin, ayoko nang madagdagan pa 'to, handa akong itaya ang buhay ko para makapaghiganti at mapagtanggol lang ang mga mahal ko sa buhay.

Gagamitin ko itong ispada na 'to ni Mama sa mga lahi ng halimaw na pumatay sa kanya at sisiguraduhin ko rin na bago ako mamatay, uubusin ko muna ang mga lahi na mero'n sila, ipapalasap ko sa kanila ang ganti ng nawalan ng mahal sa buhay.

Humarap ako ng maayos sa may tapat ng binta ng k'warto namin. Itinarak ko sa ulo ng patay na halimaw 'yung ispada ni mama at saka ako huminga ng malim. Tinitigan ko ang palad ko at ang mga halimaw na namatay gamit ang kapangyarihang meroon ako.

"Siya nga! Ang babaeng yan ang may kapangyarihan ng Chaos Manipulation!

Chaos Manipulation. Nabasa ko na ito sa isang libro noong nag-aaral pa ako. Halos ganito ang kapangyarihan noon ng Bathalang Reya. Ito rin ang ginamit niya sa pag puksa sa mga madirigma ng Abyssus Ocean at Melo-Aqua na pinapangalagaan noon ni Bathalang Minerva. Hindi ko alam, pero kung tunay na kapangyarihan ko nga 'to, ipagpapasalamat ko na meroon ako nito para maipaghiganti ko sila mama.

Sa buong ilang taon kong nabubuhay sa mundong ito ngayon ko lang ito naramdaman. Sinabi rin ng guro ko noon na baka raw gravitational ang kapangyarihan na meroon ako dahil kaya ko raw kontrolin ang gravity ng isang lugar o tao kung gugustuhin ko dala na nga na kaya ko raw mag pa lutang, pero ngayon? Ewan. Hndi ko alam pero para bang totoo para sa akin ang mga sinasabi ng halimaw na 'yon tungkol sa akin at sa kapangyarihan na meroon ako. Pero hindi pa rin ako makapaniwala, gagamitin ko itong tinatawag nilang Chaos Manipulation na 'to upang ipaghiganti ang buhay na nawala ng aking ina.

Agad akong napalingon sa binata ng k'warto namin, sira-sira na ito dahil sa kagagawan ng mga halimaw na bigla na lang lumusob sa bahay namin at pinatay si Mama. Sa tuwing nakikita ko ang mga pinsalang ginawa nila rito sa amin, umaakyat talaga ang lahat ng dugo ko sa dulo nang dahil sa matinding inis

Lintik lang talaga ang walang lamat. Lahat silang magkakalahi ay tatanggalan ko ng karapatan mabuhay sa mundong 'to.

Maya maya lang, nakita kong biglang nagsibagsakan ang mga puno sa gilid ng bahay namin. Naisip ko agad si Ella kaya lumabas ako at hinatak ang isapadang tinurok ko kanina sa halimaw.

Nang lumabas ako ay nakita ko si Ella na naka-tingin sa langit habang yakap-yakap ang sariling tuhod habang nakatago sa likod ng puno. Halatang halata ko rin ang panginginig ng katawan niya ng dahil sa matinding takot.

Habang pinagmamasdan ko si Ella nakaramdaman ako nang awa, nang dahil kasi sa murang edad, naranasan niya na ang mawalan ng parehong magulang, gustong-gusto ko siya yakapin at iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa, pero dahil nga nasa ganitong sitwasyon kami, hindi ko pupuwedeng gawin iyon dahil hangga't nabubuhay ang mga taong pumaslang sa magulang namin, hinding-hindi maatim ng sikmura ko na huminto sa kagustuhan ko habang sila malaya lang na pumapaslang ng iba pang pamilya o tao. At hinding, hindi talaga maari iyon.

_

Pinunasan ko ang luha ko nang isang puno ang bumagsak papalapit sa akin kaya agad akong lumayo rito upang umiwas.

"Ate!" sigaw ni Ella na halatang nag-alala sa akin, dahil akmang pupunta pa sana ito sa kinatatayuan ko.

"D'yan ka lang Ella!" Utos ko na siya namang mangiyak-ngiyak niyang sinunod.

"Ate sa likod mo!" sigaw muli ni Ella kaya napalingon ako at sakto ngang may isang halimaw na lumusob sa 'kin.

Nakailag ako ngunit ramdam ko ang hapdi sa mukha ko nang dahil sa tulis ng kuko ng halimaw na lumusob sa 'kin.

Pinunasan ko ang dugo sa mukha ko at saka ko hinanda ang ispada ni Mama na gagamitin ko pantapos sa buhay ng mga walang hiya na 'to.

Nakapalibot ang mga halimaw sa akin ngayon na para bang nag-iingat din sila sa mga gagawin nila sa akin.

Mahigpit kong hinawakan ang ispada ni Mama at saka ako huminga ng malalim.

"Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa magulang ko, sisiguraduhin ko na may dadanak na dugo sa sa atin dito at kayo 'yon." Saka ako lakas loob ng tumakbo papalapit.

Hindi ako ganoon ka bihasa sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng mga patalim o kahit na anong sandata. Ngunit sapat ang kakayanan ko upang ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga gaya nitong mga halang ang kaluluwa.

Agad silang tumalon ng mataas kaya napahinto ako. Maya maya ay sabay-sabay naman silang naglikot sa itaas. Tumatalon-talon sila ng mabilis sa bawat puno na masasampahan nila. Sa sobrang bilis nila ay hindi ko na makita ang bawat galaw nila.

Maya maya pa, sa gitna ng patatalon-talon nila, isang kakaibang uri ng kutsilyo ang biglang bumulusong papunta sa p'westo ko kaya agad akong umilag ngunit na-dali pa rin ako ng mabilis nito dahilan upang masugatan ang bewang ko, kaya naman napahawak ako sa bewang kong panay ang pag agos ng dugo ngayon.

Kapareho ito ng sugat ko sa mukha na hindi rin tumitigil sa pagdurugo simula kanina pa. Ano kaya 'to...

Tumayo naman agad ako nang maayos ngunit isang matalim na bagay na naman ang bumulusong papunta sa akin. Natamaan na naman ako sa hita at ganoon na lang din ito kung mag dugo kagaya ng mga nauna.

Peste. Paano ko sila papatayin kung ganyan sila ka likot. Ni wala akong makita sa sobrang liksi nilang kumilos.

Agad akong tumayo ulit ng maayos saka akmang gagamitin ang kapangyarihan ko laban sa kanila ngunit hindi ko pa naku-kontrol ang kapangyarihan ko nang biglang may papunta na naman sa akin na mahigit anim na matutulis na sandata.

Nailagan ko ang dalawang patalim ngunit napuruhan pa rin ako ng ilan dito. Para akong na-uubusan ng dugo nang dahil sa mga sugat na natatamo ko. Hindi normal ang pagdurugo ng sugat ko dahil kahit maliit lang ang galos ay tuloy pa rin ito sa pag dugo. Sinubukan kong tumayo kahit na ayaw na nang katawan ko, ginamit ko ring pang-alalay ang ispadang hawak ko at pinutol ko rin ang mahabang tela sa palda na suot ko upang sa gayo'y makakilos na ako nang mabilis. Ngunit hindi pa ako nakakatayo nang biglang umatake ang dalawang halimaw mula sa likod at harap ko.

Damang dama ko ang tulis ng armas na mero'n sila no'ng tumama ang mga ito sa magkabila-ang gilid ng bewang ko. Tagaktak na ang mga dugo na nawawala sa katawan ko sa oras na 'to. Hindi ko na rin kayang tumayo at lumaban dala nang panlalabo ng paningin ko.

Nakahilata ako sa kumpol-kumpol na halimaw na nakapalibot sa 'kin. Mula rin sa aking pagkakahiga, nakita ko si Ella na takot na takot at umiiyak habang nakatitig sa 'kin. Alam kong gustong-gusto niyang tumulong na hindi ko rin naman maaaring i-utos dahil ayokong mapahamak din siya. Ngunit kahit na ganoon, kapampante ako na mananatili lang siya dahil alam kong pinangungunahan pa rin siya ng takot niya sa edad niya na 'yan.

_

Isang matulis na bagay ang tumarak sa likod ko dahilan nang pagkagulat ko at pagbulwak ko ng dugo mula sa mismong bibig ko. Unti-unting sumusuka na ako ng dugo at unti-unti na rin akong nanghihina.

"Ate!" Rinig kong sigaw ni Ella kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng ibang mga halimaw.

Walang sinayang na oras ang mga halimaw nang makita nila si Ella kaya naman mabilis na nag-si-takbuhan ang mga halimaw papunta sa direksyon ni Ella kaya agad kong pinilit tumayo kahit na hindi ko pa kaya.

Wala nang buhay ang p'wedeng masayang nang dahil sa akin.

Maya maya, isang apoy ang biglang tumusta sa isang halimaw na napakalapit na kay Ella kaya naman nagulat ako.

Apoy? Kapangyarihan ko ba 'yon?

Matapos 'yon, isang lalaki naman na may pagka-blonde ang buhok at isang babae na naka-pang-boyish ang gupit na may hawak na ispada ang biglang sumulpot mula sa ere at sabay silang pumunta sa direksyon ng mga halimaw. Pareho silang dalawa na naka suot ng dark violet na long suit na lagapas tuhod na may tatak ng isang bilog na kristal na kung hindi ako nagkakamali ay simbolo ng solar orb na pinaka-iniingatan ng mga taga Reyalona dahil ito ang nagsisilbi nilang pagkakakilanlan at proteksyon. Hindi ko pa man nakikita sa personal ang simbolo na 'yan ngunit ang sabi-sabi ay mahiwaga raw iyan para sa mga taga-Reyalona.

Sampung halimaw ang namatay bigla nang dahil sa babaeng may pagka-boyish ang istilo ng buhok.

Napakagaling niya makipaglaban dahil kahit hindi niya gamitin ang ispada niya parang kaya niya bumali ng buto gamit lang yung paa at kamay niya na sobrang bigat ng mga ito kapag umaatake siya. Ang astig niyang tignan.

Gano'n din ang isang lalaki na sa tingin ko ay bata-bata pa, kahit kamao niya lang ang gamit niya ay kaya niya pa rin patumbahin yung mga halimaw.

Habang pinagmamasdan ko ang lalaki at ang babae, isang babae naman ang lumilipad sa ere ang umagaw sa atensyon ko. Pababa ito sa direksyon ni Ella na parang kinakausap niya kung ayos lang ba ito at tumatango tango naman si Ella sa kanya.

Kagaya ng dalawa, nakasuot din siya ng suit na meroong kaparehong disenyo.

Sa sobrang dami ng halimaw ay inatake na rin sila nito at halos mamilipit naman ako sa sakit nang bigla akong hatakin ng isang halimaw. Wala akong nagawa dahil hindi na kaya ng katawan ko ang lumaban sa sitwasyon ko, maraming enerhiya na rin ang nawala sa 'kin ng dahil sa mga sugat na gawa ng halimaw at kahit na simpleng pag tayo ay mukhang hindi ko na makakaya.

"Yung babae! Bitbit nila!" sigaw no'ng lalaki na akmang tutulong sana sa 'kin ngunit bigla na lang siya dinumog ng mga halimaw.

Gano'n din yung mga kasamahan niya ngunit maging ang mga 'yon ay wala rin nagawa dahil sa dami ng halimaw na humarang sa kanila. Mabilis akong tinakbo ng isang halimaw sa gubat papalayo doon sa bahay namin at sa mga hindi ko kilalang nilalang na tumong sa amin. Nasa ka sunod nang halimaw na bumubuhat sa 'kin ay ang apat na kapwa niya halimaw.

Sa sobrang hinang-hina na 'ko, naghahabol na lang din ako nang hininga para mabuhay pa, para kasing lubos na kong nauubusan ng lakas ng dahil sa mga dugong nawawala sa akin.

"Hoy. Pag hindi niyo siya binaba, hindi na kayo makakabalik sa mga pinanggalingan niyo!" Napalingon ako kahit hindi ko na kaya sa may kabilang kahuyan para tignan kung sino ang nagsalita, at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang babae na nakasakay sa isang malaking puting lobo.

"Ready na ata sila ma-deads Janelle, uumpisahan mo na, malapit na rin ma-deads yung babae oh." Pinilit ko namang lumingon sa kaliwa at isang babae rin ang nakasakay sa isang malaking itim naman na lobo.

Mabilis ang takbuhan na nagaganap sa aming tatlo sa loob ng gubat kasama yung dalawang babae na nakasakay sa tig-isang lobo.

Napa-gigitnaan ang mga halimaw na may bitbit-bitbit sa akin ng dalawang babae na nakasakay sa dalawang lobo kaya tumalon ang mga halimaw na may bitbit sa akin pa itaas ng puno kaya hindi na kami na sundan noong dalawang babae, ngunit, nagulat ako nang makalipas ang ilang minuto namin dito sa taas ay napahinto ang mga halimaw na bumubuhat sa 'kin sa pag takbo.

Naramdaman ko na lang na parang bumilis ang tibok ng puso nila at hindi ko alam kung bakit.

Napatingin ako sa itaas ng isang puno na kaharap namin at nakita ko nga ang isang lalaki na naka brush-up ang buhok na mayroong nakakatakot sa dating at isa ring babae na may straight long hair na may hawak din na ispada.

Iba itong babae na ito doon sa na unang babae na may pagka-boyish ang buhok, mas matangkad ito 'di hamak at mas babae itong tignan kumpara doon sa nauna ngunit hindi siya ang naka-agaw ng atensyon ko kundi yung isang lalaki na kasama niya. Ang lakas ng dating nito habang nakasandal sa may katawan ng puno. Hindi ito nakatitig sa mga halimaw na may bitbit sa akin sa halip ay sa 'kin siya naka tingin.

"Hoy Noah! Sampalin kita dyan! Sabi mo pahintuin ko sila para matapos na tayo, tapos ngayon nakatunganga ka lang dyan!" ani no'ng babaeng may hawak ng ispada.

Siya pala ang nag pahinto, ang akala ko kusang huminto ang mga halimaw. Kaya pala parang bigat na bigat ang mga halimaw.

"Hoy kayong dalawa dyan! Mamatay na yung babaeng hawak ng mga halimaw nakatunganga pa rin kayo, baka gusto niyong bilisan nang matulungan na natin 'yang babae dyan oh!?" Napatingin yung babaeng may hawak ng ispada sa baba ng puno at tinitignan ko rin kung sino nga ba 'yong nag salita.

Yung dalawang babae at yung dalawang lobong sinasakyan nila.

"Ang tagal punyeta ako na nga tatapos," aniya ng babae na akmang ilalabas na yung ispada niya ngunit wala pang isang sigundo isang itim na anino ang nakita kong gumapang sa kinatatayuan ng mga halimaw at saka nito pinatay ang mga halimaw na may bitbit-bitbit sa 'kin gamit lamang ang hindi ko maintindihan na dilim.

Nang mamatay ang mga halimaw na nag tangka sa akin at nagbitbit sa akin pa papalayo, nalaglag naman ako mula sa pinakamataas na puno at buti na lang ay nasalo ako ng binatang blonde ang buhok na isa sa mga unang tumulong sa 'kin kanina doon sa tapat ng bahay namin.

"Hello. Laban ka lang ha, gagamutin ka na nang kaibigan ko," bungisngis na saad sa 'kin ng lalaking blonde ang buhok kaya nginitian ko na lang siya.

"S-Salamat..." Pilit kong salita at nginitian niya naman ako.

Nang makalapag kami sa lupa ay dahan-dahan siyang umupo at hininga niya ako sa lupa at pinagamit niyang unan sa akin ay ang hita niya.

"Janelyn! Ang bagal mo talaga!" sigaw nitong lalaking bumubuhat sa akin habang tumatawang nakatitig sa 'kin.

"Ito na!" Isang payat na babae ang dumating. Siya iyong isa sa nakasakay sa malaking lobo kanina. "Hala girl otw to heaven ka na sana, buti na lang umabot kami." Isang dilaw na barrier ang bilang bumalot sa amin no'ng lalaki kaya medyo nagulat ako.

"Ayos lang 'yan, ginagamot ka lang niya," aniya ulit no'ng lalaki habang nakangiti.

Hindi kaya nangangawit bagang nito kaka-ngiti sa akin?

Nararamdaman ko na parang unti-unti ngang gumagaan na ang pakiramdam ko, tumitigil na rin yung mga dugo sa sugat ko at unti-unti na rin ang mga itong nagsasara at gumagaling.

"Yun oh, gumagaling ka na!" Masayang bati sa 'kin nitong lalaking blonde.

Nang matapos nila akong gamutin ay umupo ako at inayos ko ang damit ko. Nakakahiya kasi sa kanila lalo na dito sa lalaking bumuhat sa 'kin, ang bango niya tapos ako amoy lupa.

"ATE!!!" Napatingin ako kay Ella na mangiyakngiyak na tumakbo papalapit sa akin. Hinimas-himas ko ang ulo niya dahil panay ang iyak niya habang naka yakap sa 'kin.

"Sino nagpunta sa 'yo dito? Ba't ka nakarating dito ang layo na nito a?" tanong ko.

"Ako ang nagdala sa kanya dito." Napatingin ako sa nagsalita at 'yon nga yung babaeng may kapangyarihan ng apoy kanina na tumulong kay Ella para hindi malapitang ng mga halimaw.

"Hindi na namin papatagalin pa, Ronalette kailangan mong sumama sa amin." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Siya yung gumamot sa akin.

"Papaano niy-"

"Hindi na mahalaga kung papaano namin nalaman kung sino ka. Ang mahalaga ay ang proteksyon niyong magkapatid," aniya ulit.

"P-Pasensya pero 'di ko po kayo kilala at may bahay kami rito na hindi ko pupuwedeng iwan. Kamamatay lang ng Mama namin kaya pasensya, hindi p'wede." paliwanag ko.

"Well, we sorry about sa nangyari sa Mama mo, pero kasi mas lalo kang mapapahamak kung mananatili kayo sa inyo," aniya habang hawak ang kanang kamay ko.

"No," sagot ko at saka ko binawi ang kamay ko sa kanya.

"Hindi ko inasahan na napaka-arte nito a. Anyway, let me know you this, mapapagalitan lang naman kami kung aarte ka dyan, obligasyon namin na isama ka dahil hindi kami pupuwedeng bumalik sa pinanggalingan namin na hindi ka kasama. Proteksyon mo Girl ang hinahangad ng mga nag utos nito sa amin para lumaban at sana naman magkaroon ka ng utang na loob para doon! Kairita, matuto kang makisama ha?!" ani nang isang babae kulay violet ang buhok na kaninang nakasakay rin sa isang lobo.

"Janelle," saway noong Janelyn.

"Isa pa, proteksyon MO 'TO kaya mag-isip ka, mahalaga ang bawat oras!" aniya pa ulit noong nagngangalang Janelle.

"Teka nga lang, ba't parang kasalanan ko pa na niligtas niyo 'ko? Sino ba nag utos sa inyo na iligtas ako. Ako ba?" Napa-taas ng kilay yung Janelle. "Ni hindi ko nga kayo lahat kilala. Well, thank you dahil niligtas niyo ako pero never kong hahayaan na pangit ang kahantungan ng pagkamatay ng Mama ko. Uubusin ko pa yung mga halimaw na 'yon at hindi ko kailangan ng proteksyon niyo. Ok? Salamat na lang." Agad akong tumayo at hinatak ang kamay ni Ella para umalis.

"Tanga. Sinong nagsabi sa 'yo na mauubos mo sila? Halos ikamatay mo na nga kanina 'yong sitwasyon mo?" mariing tugon no'ng Janelle sa akin.

"Ano?!" Harap ko sa kanya at napahinto naman siya.

"Anong ano!?" mataray na tinuran ni Janelle.

"Anong sabi mo? T-Tanga ako?" nangagalaiti kong tanong.

"Yes. Well I said your stupid. You didn't understand? Well sa tagalog ng stupid tanga, yung ikaw?" aniya kaya hindi ako nakapagpigil kaya naman lumipad yung palad ko sa mukha niya.

"Woah, hey tama na." Awat no'ng lalaking blonde ang buhok.

"Hahahaha girl sinampal ka? Rinig ko yung tunog ha. Kahilo ba girl?" nangangasar na tanong naman no'ng babaeng nagligtas kay Ella.

"Punyeta ka? Sino nag bigay sa 'yo ng karapatan sampalin ako!?" Isang kulay violet na aura ang lumabas mula kay Janelle kaya napaatras ako.

"OMG galit siya!" sigaw no'ng Janelyn.

"Janelle 'wag, intindihin mo na lang-" biglang tumalsik yung lalaking blonde na umaawat sa Janelle kaya naman nagulat ako.

"Hala si Iryll tumalsik hahahaha." natatawang saad no'ng Janelyn.

Gusto ko sanang mag tanong kung ba't pa easy-easy lang sila at hindi nila inaawat yung Janelle pero naisip ko rin na kasalanan ko nga pa lang ginalit ko siya.

"Dahil sa ginawa mo tanggapin mo 'to!" Isang kulay lila na bilog na halos kumikislap-kislap pa ang lumabas sa palad ni Janelle habang galit na galit na nakatitig sa 'kin.

Akamang ibabato niya na sa akin 'yon ng matigilan siya.

"Janelle." Napahinto si Janelle nang tawagin siya nang lalaking nakasandal sa puno.

Animo'y nakaramdam bigla ng takot itong si Janelle ng magkatitigan sila no'ng lalaki, kaya huminga si Janelle ng malalim saka siya humarap sa akin.

"Pasalamat kang peste ka, pero tandaan mo, hindi pa ako tapos sa 'yo." Gigil na gigil niyang sabi saka siya naglakad papalayo.

"Phew!" aniya noong lalaking blonde ang buhok na may pangalang Iryll habang nakahawak sa dibdib habang tumatawa.

Lumapit naman sa 'kin yung Janelyn saka niya hinawakan ang kamay ko habang nakangiting nakatitig sa 'kin.

"Sorry sa nangyari ha." natatawa niyang saad kaya napangiwi ako.

"Saya niyo e 'no?" Pagtataray ko.

Anong bang mero'n sa mga taong 'to? Bakit ganito ang mga datingan nila.

"Hello this is Iryll Shawn member of Reya's Alliance, sino 'to?" Napatingin kaming lahat kay Iryll nang magsalita ito habang hawak ang isang teknolohiyang silang mayayaman lang ang nakakabili.

Pero teka, Reya's Alliance?

Napasimangot naman yung Iryll nang makita niya kaming nakatitig sa kanya. "Guys nangamusta lang si Sir 'wag nga kayong chismosa dyan. Ang papanget niyo!" aniya no'ng Iryll at pansin ko naman na natawa yung iba.

Biglang pumitik sa isip ko kung sino ba talaga itong mga 'to. Bakit nila ako kilala at bakit din nila ako pinag t-tyagaan na tulungan.

Anong mero'n? Bat ang w-weird nila.

Reya's Alliance, sino kayo?
_____

-KUMPARENGMILBEN

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...