REYALONA (COMPLETED)

By KUMPARENGMILBEN

3.8K 606 241

Fantasie Serere #1 Sa pagtuklas ng makabagong mundo laban sa iba't ibang kritisismo o opinyon ng ibang tao ma... More

REYALONA
MGA DAPAT KUMPIRMAHIN
MUNDO NG RELUHEMI
APAT NA KABISERA
REYALONA: SIMULA
01_REYALONA ACADEMY
03_REYA'S ALLIANCE
04_INTERNAL QUESTION
05_REQUEST GRANTED
06_ ROYAL ORIENTATION
07_BRUTALITY TRAINING
08_LINE UP
09_BURNING REVELATION
10_COSMOS MARK
11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES
12_PRESTIGIOUS FAM
13_FRUSTRATION/PRESSURE
14_ANVIL GUTS
15_RESET
16_QUESTION. QUESTION. QUESTION.
17_HIDDEN ANSWER FT. JERK
18_DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT
19_FADED LIFE
20_CONFESSION
21_CHAOS VS SPATIAL
22_THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING
23_NOTHING BUT A TRUTH
24_FINAL READY
25_GRAND MEETING
26_QUEST BEGGIN
27_ABYSSUS ISLAND
28_CONTINUATION WITH FEAR
29_SOLAR ORB RISSSEN
30_CONSPIRACY THEORY
31_ATTRIBUTIVE FACTICITY
32_GAME OF LIFE
33_REYA'S SOUL
34_EVERY CHOICES IS DEPTHS
35_END QUEST
REYALONA : EPILOGUE
Feedback
PASASALAMAT

02_PROPESIYA

106 21 13
By KUMPARENGMILBEN

CHAPTER 2:
PROPESIYA


Hindi ko alam pero parang may kung anong humampas sa batok ko dahilan upang magising ako dahil sa sobrang sakit nito.

Pasado madaling  araw pa lang kung hindi ako nagkakamali at napaka-aga pa para magising. Hindi ko alam ang dahilan pero ang sakit talaga ng batok ko kaya napaigtad ako at napahawak sa batok ko, grabeng hapdi nito at napaka-init din na para akong tinutusta.

"Ah! Aray!" mahina kong pag-iinda.

Pinilit kong tinitiis ang sakit at pinilit ko rin na hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay dahil ayokong magising sina Mama at Ella kaya naman grabe ang pagtitiis ko.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kisame.

Ang sakit ng batok ko nakakainis!

Humihip ako sa kawalan upang kahit papaano nama'y maibsan ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi rin sapat 'yon.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin! Ah!

Napatingin ako sa labas ng bintana habang tinitiis ang sakit at nakita ko na nga na ang langit na kulay asul na hinaluan ng kulay itim na hindi ko maaninag kung anong kulay nga ba ang mas matingkad sa dalawa kaya't bilang pag-intindi sa sakit ko, hindi na ako nag abala pang mag-isip at sa halip hinayaan ko na lang ito sa kung anong mang kulay ang mero'n ito.

Habang unti-unting sumasakit lalo ang batok ko, tumayo ako para pumunta ng sala para doon ko i-inda lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Uminom ako ng tubig at saka ako puwesto ng upo sa isang mahabang kahoy ba upuan dito sa sala namin.

"Ugh! Araay!" Halos masira na ang ipin ko kakikiskiss nito upang hindi lang makagawa ng kahit na anong ingay.

Damang dama ko ang sakit ng batok ko pero hindi ko alam kung ano ang dahilan nito kaya habang naka-upo, pinilit kong tiisin na lang at ipahinga kahit na malabong makakatulog pa ako sa lagay kong ito.

                                  *****

Dumaan ang ilang mga oras kong pagpapahinga ay nawala na nga ng tuluyan ang sakit na nararamdaman ko.

"Salamat. . . Hay. . ." saad ko habang todo hinga ng malalim.

Tumayo ako para tignan sa salamin kung anong mero'n sa batok ko kung bakit ito sumakit. Ngunit, akmang titingin pa lang sana ako sa batok ko nang may bigla akong marinig na pamilyar na boses at kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni mama na mula sa loob ng k'wartong tinutulugan namin kaya naman agad ako pumunta roon.

"Rona, anak." Napatingin ako sa k'warto namin kung saan kami natutulog lahat nina Mama at Ella.

Nang makapasok ako sa loob nagulat ako sa itsura ni mama, bakas sa mukha niya ang lagi kong nakikitang ekspresyon kapag siya'y nag-aalala.

Nang makita ako ni Mama, marahan itong tumayo dahil sa pagaalala. "Bakit anak? Naramdaman ko na parang may iniinda ka kaya nagising ako," aniya ni mama.

Kakaiba talaga ang kapangyarihan ni mama, biruin mo kahit nasa gitna ng pag tulog gumagana ang abilidad ng kapangyarihan niya.

"Nahilo lang po ako kaya uminom ako ng tubig Ma. Kayo Ma, bakit gising pa po kayo?" tanong ko rito.

Pinagmasdan ako ni mama na parang alalang-alala ngunit biglang na agaw ang pansin niya sa labas ng bintana namin ng parang may napansin siya na kung ano. Hinawi niya ang kurtina at naramdaman ko na parang umiba ng kaunti ang timpla ng itsura ni mama na para bang napalitan ng kaba at tensyon ang kaninang ekspresyon niya na pag-aalala.

"Ma."

"M-Ma?"

"M-Mama!"

"Mama!?"

Mahigit tatlong beses kong tinawag si Mama at naalimpungatan lang siya ng tapikin ko siya sa pang-apat na beses.

"A-Ah. . .w-wala anak, m-matulog na tayo." Utal-utal na saad ni mama at saka niya ako nilapit sa kanya at saka niya ako niyakap habang hinihimas ang ulo ko.

"Ayos ka lang Ma?" tanong ko kay mama habang nakatingala sa mukha niya.

"Oo anak, tulog ka na." Saka niya ako nginitian.

Nginitian ko na lang din si mama bago ko siya niyakap pabalik at saka ko na hinayaan ang sarili ko na makatulog sa mga hita niya.

*****

Sa sobrang himbing ng pagkaka-tulog ko nagising na lang ulit ako sa mga narinig kong sunod-sunod na ingay mula sa labas ng bahay namin kaya naman napabangon ako ng mabilis upang alamin kung ano ang ingay na iyon.

Para kasing ginigiba ang gawa sa kahoy naming bahay nang dahil sa matinding ingay at ilang mga yabag na mula sa labas na hindi ko mawari kung ano ba 'yon at ganoon na lang kalakas na parang ginigiba ang bahay namin.

Nang maalimpungatan nga ako ay agad akong tumayo mula sa aking pagkakahiga, kinusot ko rin ang mata ko dahil sa sobrang antok pa talaga ako. Nang mahimasmasan na ako ng kaunti ng dahil sa ingay, ay saka ko na nga napansin na parang kami na lang ata ni Ella ang nasa kuwarto namin, na siya namang tunay kaya naman labis ang kabang naramdaman ko bigla. Tinignan ko ang orasan mula sa katapat kong dingding at pasado alas-dyis na nga umaga.

Tuloy pa rin ang ingay sa labas na para bang mga yabag ng kabayo na may bitbit-bitbit ng mga karwahe ang kasalukuyan kong paulit-ulit na naririnig. Hinawi ko ang kurtina sa bintana namin at tinignan ko nga ang labas namin at inaalam ang mga hindi matapos-tapos na ingay simula kanina at tama nga ako, puro karwaheng may mga bitbit na pamilya ang madaling madali na animo'y para silang may tinatakasan at nagpapabilisan na parang ewan. Ngunit habang tinititigan ko ang mga karwaheng tuloy lang sa pag arangkada, ang mas umagaw ng pansin ko ay ang kulay nga ng langit na hanggang ngayon ay itim pa rin. Mistulang gabi pa rin ito sa dilim ngunit umaga na sa orasan nang tignan ko ito kanina.

Ang gulo, ano ba ang nangyayari?

Sa ilang segundo kong pagmamasid sa langit, nakaramdam ako ng kaba kaya dali-dali akong tumayo dahil wala rin dito sa tabi namin si mama at mukhang kailangan na rin naming kumilos sa kung ano man 'tong nangyayaring 'to.

Ano ba to!?

Lumabas ako papuntang sala para tignan kung nandon si mama ngunit hindi ko pa rin siya nakita. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya naman lumabas ako ng bahay para doon mag hanap. Sa ilang minuto kong paglilingon-lingon, nakita ko si mama sa labas na may kausap kaya agad ko silang nilapitan.

Haaay! Kinabahan naman ako doon.

"Ang dagat mare, naglabas ng liwanag kaninang madaling araw. Bali-balita na naglabas ito ng mga masasamang pangitain sa mga tao dito sa atin at gano'n din sa ibang kabisera." Halos tarantang-taranta sagot nang kausap ni mama.

"May balita kaba kung anong ibig sabihin niyan, nararamdaman ko kasi na may mangyayaring gulo." Ramdam ko sa bawat bigkas ni mama ang takot na hindi niya hinahayaang makita ng kahit sino kahit na nababalutan ang paligid niya ng tensyon at katatakutan. Ngunit, bilang anak, mas kinakabahan din ako sa kalagayan niya ngayon dahil hindi dapat siya tumatayo o kumilos man lang dahil baka makasama sa kanya ito at sa katawan niya.

"Mare lumikas na lang kayo ng anak mo, sabi ng mata dito sa bayan natin, kailangan maghanda sa pagbabalik ng panganib dahil malapit na raw ito. At mukhang ngayon na nga ito. Kumilos na kayo kung aalis kayo dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam dito nang nakararami kaya kumilos na kayo!" takot na takot na sigaw ng kausap ni Mama sa kanya

"Tama nga ako." Bulong ni mama sa sarili niya.

Kapag ang mga sinasabing mata ang nagpahayag, ibig sabihin totoo ito at maaaring ito'y makasama o makabuti sa bawat taong naririto sa mundong ito. Ang mga tinatawag na mata ay ang mga nakakakita sa propesiya o hinaharap na posibleng ka harapin ng mundo namin at kaming mga naninirahan dito.

Lumapit na ako sa kanila at hinawakan ko ang braso ni mama.

"O anak gising ka na pala." Ramdam kong pinilit ni mamang ngumiti upang hindi ko makita sa kanya ang pangangamba.

"Ano me—"

Hindi matuloy ang sasabihin ko nang biglang may napakalakas na pagsabog ang naganap sa hindi kalayuan sa lugar namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung papaano nagsitumbahan ang mga malalaking puno nang dahil sa malakas na pagsabog.

"Mare kumilos na kayo bilis!" Sigaw no'ng kaibigan ni Mama saka niya kinuha sa loob ng karwahe ang anak niya.

"Anak, sumakay ka kay mama ha, kumapit ka!" aniya nito sa anak na sobrang taranta kaya kinabahan naman ako lalo. "Mare, paalam," anito saka hinawakan ang kamay ni mama.

Napaatras ako nang makita ko kung paanong nag ibang anyo ang kaibigan ni mama. Naging isang malaking kulay brown na lobo ito na sobrang nakakatakot ang itsura sa sobrang laki at tataalim ng mga pangil at kuko na mero'n ito.

Tinitigan kami nito ni mama kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni mama. "H'wag kang matakot anak," aniya ni mama saka hinawakan ang mukha ko bago lumapit doon sa bata at binuhat ito pasakay doon sa likod ng mama niya. "Paalam, mare," aniya ni mama at tumango naman ang lobo.

May sumabog ulit ng malakas at napaatras kami doon ni mama, sa sobrang lakas nito kahit malayo ito sa amin ay damang-dama namin ang pagsabog nito.

Umalis na ang kaibigan ni mama at si mama naman ay inutusan akong pumasok sa loob ng bahay at gisingin si Ella dahil aalis din daw kami.

Akmang papatakbo na ako papasok sa loob ng bahay nang makaramdam ako ng malakas na hangin dahilan para mapalingon ako sa gawi ni mama.

Naglabas ng kulay rosas na aura-ng hangi si mama habang nakapikit. Maya maya ay dumilat ito at saka siya tumalon nang napakataas sa punong kaharap ng bahay namin.

Sa ginawang iyon ni Mama, nagulat ako at hindi ko akalain na maglalabas pa ito ng gano'n kalakas na kapangyarihan na aura sa edad niya at sa kalagayan niya.

At dahil doon, naaalala ko rin bigla ang sanabi ng Healer tungkol sa kalagayan ni Mama.

"Anak, umalis na kayo nandito na sila!" nagulat ako nang makita kong katabi ko na si mama at pumasok ito sa loob ng bahay.

Sinundan ko si mama at tinanong kung anong nangyayari ngunit hindi ako nito pinapansin at sa halip abala ito sa kinukuha niya sa kabinet niya. Maya maya, pansin ko ang isang mahabang kahon na hawak ni mama.

"Gisingin mo na si Ella, sumunod ka na at 'wag ka nang maraming tanong, naiintindihan mo ba?" Nakaramdam ako nang takot sa boses na iyon ni mama kaya sumunod na muna ako sa utos niya.

Ginising ko si Ella ngunit ang tagal niyang bumangon kaya niyugyog ko ito ng todo hanggang sa isang pagsabog mula sa sala ng bahay namin ang narinig ko.

Mama!

Lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya minadali kong gisingin si Ella. Habang ginising ko si Ella, isang kamay nang pang halimaw ang mahigpit na sumakal sa leeg ko.

"Ahh!" Hawak ko sa matigasnat magaspang na braso na nakahawak sa leeg ko.

A-Ano 'to!?

Ramdam na ramdam ko ang malapot na likido mula sa kamay nito na gumagapang sa leeg ko paibaba.

Sa takot ay nanatili akong nakatayo hanggang sa iluwa ng kurtina namin ang mukha nito.

Isang mukha ng kakaibang tao o hayop na hindi ko maipaliwanag kung ano. Kulay asul ito at lahat ng sulok ng katawan nito ay punong puno ng kaliskis ang bawat balat, matigas at magaspang din kanyang kamay at katawan. Hindi rin normal ang ipin nito at ang haba ng dila, ganoon din ang tulis ng tenga kaya naman kakaba-kaba talaga ang nararamdaman ko.

"WAAAAAAA!" napasigaw si Ella kaya napatingin ako sa kanya, nakatitig siya sa halimaw na sumasakal sa akin.

Gustuhin ko man gumalaw ngunit parang nalanta ang lahat ng bahagi ng katawan ko ng dahil sa takot. Tumayo si Ella para tumakbo ngunit naabot din siya ng halimaw kaya napasigaw na lang din siya.

Gustuhin ko man gamitin ang kapangyarihan ko ngunit hindi ko magawa kahit anong pilit ko. Umiyak si Ella ng malakas at napapikit ako sa sobrang awa. Pinaghalong awa, lungkot at takot ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko.

Please. . . Gumawa ka ng paraan Rona.
    

Naramdaman ko na lang na parang lumuwag ang daluyan ng hinihingahan ko nang mapadilat ako na wala na ang kamay ng halimaw sa leeg ko at tumalsik na nga ito.

"Anong nangyari?" tanong ko sa sarili ko. Para akong hingal na hingal nang napatalsik ko ang halimaw na may hawak-hawak sa amin.

Paano ko nagawa 'yon?
 

    

Agad kong niyakap si Ella na sobrang takot. "Ate. . . Natatakot ako," aniya ni Ella habang nakayakap sa akin habang umiiyak.  

Ilang sigundo pa lang nang biglang mabutas naman ang dingding ng kuwarto namin nang dahil sa isang halimaw na tumalsik dito. Napatili si Ella sa takot at maging ako ay kinalabutan sa nakita ko. Butas ang katawan ng halimaw na tumalsik dito sa kuwarto namin at duguan. Ngunit ang kulay ng dugo nito, kulay asul at parang buhay pa rin ang itsura.

Si Mama.

Biglang pumitik sa utak ko si mama na nasa sala. Agad akong tumakbo habang hatak-hatak ang kamay ni Ella.

Nakita ko si Mama sa sala na hingal na hingal habang hawak-hawak ang ispada niya na nababalutan din ng aura.

"Anak umalis na kayo." Kalmado ang tono ng boses ni mama ngunit ramdam ko ang paghahabol ng hininga niya sa dibdib niya.

"Hindi ka namin p'wedeng iwan dito Ma! Sama-sama tayong umalis!" saad ko hanggang sa may sinunggaban na naman si mama na papalapit na halimaw.

Nagulat ako nang magsitalsikan ang dugo nito sa amin.

"Hindi. Mauna na kayong umalis dahil madami na sila! Hahabulin lang nila tayo." sigaw ni mama at tinitigan ako nito ng napakatalim kaya napaatras ako.

"Ma. . ." saad ko.

"Rona! Alis na!" Sigaw ni Mama.

Kahit ayoko ay pinilit ko kaya napatakbo ako mula sa kusina para lumabas sa likod ng bahay namin ngunit huli na.

Mula sa bubong ng kusina namin tatlong kaparehong halimaw kanina ang biglang humarang sa dinadaanan namin. Mangiyakngiyak sa takot si Ella habang nakahawak sa bewang ko. Ako naman ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa totoo lang ay natatakot ns din ako.

Akmang susugod na sila kaya inurong ko sa likod ko si Ella at inumpisahan ko nang ingat ang kamay ko.
 

Tumalsik sa magkabilaang gilid ang tatlong halimaw ng gamitin ko ang kapangyarihan ko sa kanila.

"A-Ate. . . S-Si Mama. . ." aniya ni Ella.

Tama si Ella, si Mama, hindi namin siya p'wedeng iwan.

Agad kong hinatak si Ella pabalik sa sala upuang sunduin si Mama. Hingal na hingal si Mama nang makita ko siya. Ngunit kahit na ganoon, bakas pa rin ang pagpapanatili ni Mama ng lakas ng aura niya para lumaban.

Nang makita ako ni Mama ay nagalit ito pero saglit lang 'yon dahil muli ulit siyang napalaban. Sumugod ang isang kalaban ni mama sa kanya at sinalag lang ito mama gamit ang ispadang hawak niya. Kitang kita ko rin ang panginginig ng hita ni mama habang pilit na sinasalag ang matutulis na kuko ng halimaw. Maya maya ay may pumasok pang limang halimaw kaya mas lalo akong kinabahan para kay mama.

Napakarami nila, mukha silang taong halimaw na mula sa dagat ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit napakarami nila, at anong mero'n, bakit kami ang inaataki nila.

Tila wala na ba ang ibang bayan at kaming mga taga Relunaphia na lang ang natitira?

Habang pinagmamasdan namin si Mama, isang halimaw ang bumagsak mula sa itaas ng bubong namin at akmang pupuntiryahin nito si Mama kaya agad akong bumitaw sa pagkakahawak kay Ella at agad ko ring tinabi si Mama papunta sa may dingding gamit ang kapangyarihan ko upang maiwasan niya rin ang isa pang papalapit sanang aatake sa kanya mula sa likod niya.

Tagumpay kong naiwas si Mama kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Siya nga! Ang babaeng 'yan! Siya ang may kapangyarihan ng Chaos Manipulation! Patayin siya agad!" aniya ng mala-surot na boses na narinig ko mula sa halimaw na nakatingin at turo-turo ako.

Teka? Ako ba yung tinutukoy niya! Anong sinasbi niya? Chaos Manipulation. . .

Ha? Ano raw? Chaos?

Hindi. Hindi. Hindi maaring mangyari 'yon. Alam kong noon pa man ay Gravitational na ang kapangyarihang na sinabi sa akin ng guro ko.

Bigla akong nanghina sa mga narinig ko. Tinignan ko si Mama na para bang tinatanong ko kung tama ba ang narinig ko ngunit napailing siya.

Chaos. . .

Chaos. . .

Chaos. . .

Kaya pala gano'n na lang kalakas ang puwersa ng kapangyarihan ko kapag ginagamit ko.

"Anak. . . " natigilan ako sa pag-iisip nang makita ko si Mama.

Tumulo na ang mga luha sa mata ko.

"Mam—"

"Hulihin sila!" utos noong isang halimaw.

"Ate Rona!" Napatingin ako kay Ella na hawak-hawak na ng isang halimaw.

"Ate. . ."

"Ella!"

"Bitawan niyo anak k— A-ah. . ." Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mama na unti-unting nawawalan ng aura at kasabay non ay ang pag buga niya ng dugo mula sa kanyang bibig.

"Mama!!" Rinig kong bigkas ni Ella habang umiiiyak.

"A-Anak. . . " aniya ni Mama at tuluyan na siyang napapikit.

"MAMA!"

Umakyat lahat ng inis at galit ko sa ulo ko, hindi ko pinigilan ang inis na gustong kumawala sa katawan ko. Wala na akong alam sa sarili ko hanggang sa lumutang na lang ako.

"Ate Rona!"

Napatingin ako kay Ella na akmang sasaksakin sa leeg no'ng halimaw ngunit ng titigan ko ito ay pumutok ang ulo nito at nagsitalsikan ang dugo.

"Hulihin siya!" Utos nang kakaibang halimaw na sa tingin ko ay siya yung boss sa kanila kaya siya ang inuna ko.

Inangat ko siya gamit ang kapangyarihan ko at napahinto naman ang mga kasamahan niya. Halata sa mukha niya ang biglang pagkagulat nang makita niyang lumulutang kami pareho. Kaya naman dahil do'n, binigyan ko siya ng isang kamatayan na hinding-hindi niya malilimutan gaya nang ginagawa nila ng mga kasamahan niya kay mama.

Kitang-kita ko kung paano kumukulo ang bawat parte ng katawan ng halimaw na kaharap ko. Akmang tutulong pa ang mga kasamahan niya ng bigla silang bumagsak sa lupa at hindi makagalaw.

"Pagbabayaran niyo lahat ang ginawa niyo sa mama ko!"

Dahan-dahan na lumalaki ang bawat katawan ng halimaw na nasa harap ko, at makalipas ang ilang sigundo tuluyan nang lumaki ng lumaki ang mga parte sa katawan nito hanggang sa hindi niya na nakayanan at tuluyan nang pumutok ang katawan nito at kasabay noon ang pagsitalsikan ng dugo niya sa buong paligid.

"Ate. . ." Takot na takot si Ella na nakatitig sa akin ngunit nawala muli ang atensyon ko sa kanya nang lalong dumami ang halimaw sa bahay namin.

Agad kong pinalutang ang mga kutsilyo, itak, ispada ni mama at kahit na anong matutulis na nasa loob ng bahay namin at saka ko ito isa-isang itinarak sa mga halimaw na narito sa bahay namin. Nagkalat ang dugo at mga patay na katawan ng mga halimaw dito sa bahay namin ngayon at hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin.

Nang maubos ko na ang lahat ng halimaw, bigla akong bumagsak sa sahig na pagod na pagod. Para bang naubusan ako nang napakaraming lakas sa lahat ng ginawa ko na hindi ko man lang alam kung papaano ko nagawa. Nakadapa ako sa sahig at pinilit tumayo. Napatingin ako kay Ella na nasa ilalim ng lamesa at yakap-yakap ang sarili niyang tuhod. Bakas sa mukha niya ang takot sa akin.

"Be. . . Ella," saad ko.

"Ate. . . " aniya.

"Halika, si ate 'to." Nakangiting saad ko at marahan naman siyang lumapit.

Mangiyak-ngiyak ko siyang niyakap at saka kami pumunta sa walang malay naming ina.

"M-Ma. . . Mama. . ." Niyakap ko ang ulo ni Mama at saka pinakawalan ang lungkot na dapat kanina ko pa nalabas.


Ramdam na ramdam ko ang sakit lalong lalo na para kay Ella na hawak-hawak ang kamay ng ina niya habang umiiyak.

"Mama. . . Ang sasama nila," aniya ni Ella.

Nilapit ko si Ella papalapit sa akin para mayakap ko siya. Tinignan ko ang kawalan mula sa sira naming bubong at gano'n pa rin ang kulay nito, itim na asul pa rin ito. Nangangamba man ako pero kinakailangan ko maging matapang.

Biglang bumitaw si Ella sa pagkakayakap sa akin at napatingin ito sa kuwarto ng binata namin na sira-sira. Bakas sa itsura niya ang panginginig habang nakakapit sa braso ko.

"Ate may mga paparating pa." Napatingin ako kay Ella at na pahinto sa mga sinabi niya.

"Sino?"

"Yung mga kagaya nila." Turo niya sa mga bangkay ng halimaw.

Bigla akong nagulat nang ma-klaro ko ang mga iniisip ko. Nagagamit na nila ang kapangyarihan na meroon siya gaya ng mama niya. Agad akong hinawakan ang kamay niya.

"Magtago ka sa may puno ng niyog sa likod ng bahay natin, 'wag na 'wag kang maingay do'n. Babalikan kita mamaya." Napatingin si Ella sa akin na bakas na bakas ang takot. "Bilis na!" Tinulak ko siya pa tayo at saka siya tumakbo papalayo.

Tinignan ko ang langit, "Punyeta ka, ang laki ng problemang dinala mo sa amin." Saka ko pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko at hinalikan si mama sa noo at inayos ang pagkakahiga niya.

Tumayo ako at saka ko hinatak sa ulo ng halimaw yung ispada ni mama na nakatarak sa ulo nito.

_____

-KUMPARENGMILBEN

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...