NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

19.2K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Sorrow

450 16 8
By MaidenDione

Nagrereklamo sila na bitin daw kaya ayan HAHAHA Enjoy Reading!

Chapter 31

Diana's POV

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa chydaeus. Isang linggo na nang mawasak ang chydaeus.

Walang natira na mamamayan ng chydaeus. Walang naligtas. Nahuli kami ng dating.

Kahit man lang si Tita Fransica ay hindi namin nasagip. Labis akong nasasaktan dahil siya ang nagaruga sa'kin noong nasa chydaeus ako. Pero walang wala ang nararamdaman ko sa nararamdamang pagdurusa ni Friella nang mamatay ang ina.

Nagkukulong ito sa dorm. Sinubukan ko siyang kausapin pero nais niyang mapag-isa. Mabuti na lamang ay pinatigil muna ang klase dahil sa nangyari.

Ang ginagawa na lamang ngayon ay pagsasanay para sa darating na digmaan. Ang digmaan na tatapos sa lahat.

Nagpadala ng mensahe ang mga fuscus. Alam kong naghihinagpis si Charlene dahil sa pagkawala ng tatay niya. Poot na poot ito at gusto agad tapusin ang buhay namin, ang buhay ko.

"Diana, bisitahin natin si Rhaine."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Victoria na may malungkot na mga mata. Pilit akong ngumiti at tumango.

Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kay Rhaine. Isinakripsiyo niya ang sarili sa'kin. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

Pinuntahan namin ang kinaroroonan ni Rhaine. Nakita namin ito na nakahiga sa isang puting kama.

"Rhaine?", mahinahong tawag ko. Nakapikit ang mga mata nito.

"Gising na Rhaine.", mahinang saad ni Victoria.

"Bangon na."

"Nandito na kami."

Pero hindi pa rin nito minumulat ang mga mata. Komportable pa rin itong nakahiga sa puting higaan.

Nabigla na lamang ako nang sampalin ito ni Nikole kaya napalikwas ito ng bangon.

"Ouch naman Nikole! What was that for!?", hawak hawak ni Rhaine ang pisnging sinampal ni Nikole.

"Kanina ka pa namin ginigising. Kailangan mo lang pala ng isang sampal.", sagot ni Nikole.

"It hurts kaya!", nakangusong saad ni Rhaine. Napatawa na lamang kami.

Tumabi kami at umupo sa tabi ni Rhaine na ngayon ay nakaupo na sa higaan.

"Masakit pa ba ang sugat mo?", tanong ni Eros.

"A liitle, but I can handle.", sagot ni Rhaine. Napabuntong hininga ako kaya napatingin sa akin si Rhaine.

"You're blaming yourself again?", saad nito sa'kin.

Pilit akong ngumiti, "Kasalanan ko naman---"

"Again, again, again. I've already told you a hundred times. Wala kang kasalanan.", saad nito habang nakatitig sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napayuko ako.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, "Don't you dare cry, Diana. Yari ako kay Caiele niyan."

Napatawa ang iba at napatingin kay Caiele, kahit ako ay napatingin din dito. Seryoso lang itong nakatitig sa'kin.

"Bumalik na kayo at magsanay. May digmaan pa na paparating. I appreciate your visit.", biglang saad ni Rhaine. Tinanguan na lamang namin ito at ngumiti. Kinawayan namin ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naglakad na lamang kami patungo sa dorm. Isang linggo nang nasa pagamutan si Rhaine at nagpapahinga. Mabuti na lamang ay maayos na siya ngayon hindi katulad noon dahil sa pinsalang tinamo nito kay Samael.

May naramdaman akong lumapat sa kanang kamay ko. Napatingin ako dito at nakita ang isang kamay na humawak dito. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Caiele na seryosong nakatingin lang sa dinadaanan.

Napansin nito ang pagtingin ko sa kanya kaya iniharap niya ang ulo sa gawi ko at nagtagpo ang mata namin. Umangat ang isang kilay nito.

"Nanghahawak ka nalang bigla."

Umangat ang gilid ng labi nito, "I can hold what's mine, and you're mine, baby"

Uminit ang pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Napansin nito ang pamumula ko kaya bahagya itong napatawa. Bakit ba ganito si Caiele?

Nakarating na kami sa dorm at nagpunta sa kaniya kaniyang kwarto. Humiga ako at nagpahinga. Kailangan ko ng lakas dahil magsasanay kami mamaya.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Hindi ko pinansin iyon dahil komportable na ako sa higa ko. Ipinikit ko ang mga mata ko pero mas lumakas ang katok mula sa pintuan. Takte, galit ba siya?

Padabog akong tumayo at nagtungo sa pinto. Pinihit ko ang hawakan saka binuksan iyon. Nakasimangot akong tumingin sa taong nasa likod nito pero nagulat ako nang mapagtanto kung sino iyon.

"C-Caiele, ano ginagawa mo rito?", bakit pa sa tuwing nakikita ko si Caiele ay hindi ako makahinga nang maayos?

Bigla na lamang ito pumasok at hindi pinansin ang sinabi ko. Umupo ito sa higaan at nilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Isinara ko na ang pinto at pumunta sa harap ni Caiele.

"Anong ginagawa mo rito?", tanong ko muli.

Saglit itong tumitig sa'kin, "I miss you."

Kumunot ang noo ko, "Kakakita lang natin kanina."

Tumayo ito at lumapit sa'kin, "I miss you every single time."

Uminit na naman ang pisngi ko. Bakit pa ganito itong si Caiele? Umiwas ako ng tingin at napakagat ng labi.

"You really want me to bite that huh?"

Napatingin ako muli dito na ngayon ay nakatitig sa labi ko. Napangiti ako nang may maisip.

"Ano naman kung gusto ko?"

Natigilan ito sa sinabi ko. Mas lalo akong napangiti dahil sa reaksyon nito.

"Sa simpleng salita ka lang pala---"

Nagulat ako nang hatakin nito ang beywang ko para ilapit sa kaniya. Nang magkadikit na ang katawan namin ay tinitigan ako nito sa mata. Patay, nagsisi ako kung na sinabi ko 'yon.

"You naughty girl.", saad nito at agad agad sinakop ang bibig ko.

Hindi pa man gumagalaw ang labi niya ay napapikit na 'ko. Naramdaman kong hinawakan ng isa niyang kamay ang batok ko habang ang isang kamay ay pumulupot sa beywang ko. Pinalalim niya ang halikan namin.

Nanindig ang balahibo ko nang naramdaman kong sinisip nito ang pang-ibabang labi ko. Nagpalit kami ng pwesto at hiniga niya ako sa kama na hindi pa rin tinatanggal ang halik.

Humiwalay kami ni Caiele at nagkatitigan sa mata ng isa't isa. Kapwa kaming naghahabol ng hininga dahil sa matagal na paghahalikan.

Hindi rin iyon nagtagal dahil agad dinampi ni Caiele ang labi niya sa'kin. Nakapulupot na ang dalawa kong kamay sa batok ni Caiele habang siya ay nakapatong sa akin na nakahiga sa kama. Bigla naman nitong kinagat ang pang-ibabang labi ko kaya napahiwalay ako.

"Nangbibigla ka naman!"

Ngumisi naman ito at hinawakan ang labi kong kinagat niya at tumingin doon, "Get used to it.", saad nito at hinalikan muli ako.

Naramdaman ko na lamang na hindi na labi ko ang hinahalikan nito. Nasa pisngi ko pababa sa aking panga ang labi nito. Nakaramdam ako ng kiliti nang maramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko.

Pinaulanan niya ng halik ang leeg ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na simpleng halik ang ginagawa nito dahil nadama ko ang dila niya.

"C-caiele..."

Napatigil ito nang tinawag ko ang pangalan niya. Tumingin ito sa akin saka hinila ang kumot at ibinalot sa aming dalawa. Naramdam ko ang mainit na pagyakap nito sa'kin at mabilis na halik sa labi ko.

"Let's sleep.", malambing na saad. Yumakap ako pabalik dito at nakita ang aking sariling nilamon na ng antok.

*****

Nandito na kami sa paraiso ng caelum. Nakatitig kaming lahat sa isang estudyanteng nangingitim ang mata at may mga itim na ugat.

"Papatayin ko kayo! Mamamatay kayo! Lalo ka na Diana!"

Napapikit na lamang ako sa sinabi nito. Nagkagulo ang dorm ng mga virtus dahil bigla na lamang nagwala ang estudyanteng ito. Bigla na lamang daw nito inatake ang kapwa estudyante na nakikita. Kumain lamang daw ito at naging ganito na.

Kung ibabase sa nakikita ko ngayon ay paniguradong kagagawan ito ng mga fuscus. Isa itong hudyat na nais na ng mga fuscus magsiklab ng digmaan.

Bigla na lamang lumipad ang isang palaso at tumama sa noo ng estudyante. Nawalan ito ng malay at nawala ang mga itim na ugat. Linapitan ito ni Nikole na siyang pumana at hinatak ang palaso mula sa noo nito. Unti unti gumaling ang sugat nito pero wala pa rin itong malay.

Napansin ko ang isang papel mula na hawak nito. Kinuha ko iyon at binuklat. Nabasa ko ang dalawang salitang bago sa aking pandinig.

Relicta Orginem

"Relicta Orginem? Ano 'yon?", biglang tanong ni Nikole nang mabasa ang nakasulat.

Nagkibit balikat lamang ang iba. Napatingin ako sa gawi ng Light Enchantress na ngayon ay tahimik na parang malalim ang iniisip.

"Alam niyo po ba ang ibig-sabihin nito?", tanong ko rito.

Napabuntong hininga ito, "I have a bad feeling about this."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? May masama bang mangyayari?", tanong ni Eros.

"Relicta Orginem is an abandoned place. Pero hindi lang ito isang ordinaryong lugar, dahil dito, dito nagsimula ang lahat.", paliwanag nito.

Lahat kami nagtaka sa sinabi nito. Doon nagsimula ang lahat? Kahit bumalik na ang alaala ko tungkol sa Arbelya ay wala akong alam sa lugar na nagngangalang Relicta Origem.

Lumabas na kami ng paraiso. Lumapit agad si Caiele sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi na rin ako nagsalita dahil nasanay na 'ko. Pero hindi pa rin nawawala ang kuryente na dumadaloy tuwing naglalapat ang balat namin.

Nang mapunta kami sa hardin ay natigilan ako sa nakita. Nakita ko si Markell sa harapan namin na ngayon ay nakababa ang tingin sa kamay namin ni Markell. Babawiin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan iyon ni Caiele. Tinignan ko nito kaya pinanlakihan ko ito ng mata.

Nakita na lamang si Markell na pilit na ngumiti at umalis. Masama akong tumingin kay Caiele.

Hindi ito natinag sa tingin ko, "Everyone should know that you're mine, including him.", saad nito.

Napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong nasaktan si Markell dahil kitang kita iyon sa mga mata niya. Wala akong magawa dahil hindi naman siya ang sinisigaw ng puso ko. Hindi siya ang mahal ko.

Nakita ko naman si Thylane na nakaupo sa hardin. Umiiyak na naman ito at nagmumukmok.

Nilingon ko ang mga geminus at sinabing sasamahan ko muna si Thylane. Tumango na lamang ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto pa nga sumama ni Caiele pero pinigilan ko ito.

Pagkalapit ko kay Thylane ay umupo ako kaagad sa tabi nito. Naramdaman nito ang presensya ko kaya agad nitong pinunasan ang mga luha.

"What are you doing here?", mataray ang pagkakasabi niya pero halata na nasasaktan siya.

"Huwag kang magalala. Sisikapin kong makakabalik ka.", malungkot kong saad.

Napasinghap ito, "For what? Wala na si mom.", pumiyok ito sa huling sinabi. Tumulo ang mga luhang pinipigilan.

Dinukot si Thylane ng mga fuscus mula sa Earth. Napatay si Tita Icy dahil sinubukan nitong protektahan ang anak. Wala silang laban dahil kung walang kakayahan ang mga taga chydaeus, mas wala silang kakayahan na mga taong mula sa mundong walang alam sa mga mahika.

Nakakatawa lang, lahat ng malalapit sa akin namamatay. Lahat ng nagaruga sa'kin iniiwan ako. Lahat ng taong mahal ko ay napapahamak. Una ang pamilya ko, sunod si Tita Fransica, ngayon naman ay si Tita Icy.

Alam kong walang binatbat ang nararamdaman ko sa nararamdaman ng mga anak nila. Pero doble ang sakit dahil si Tita Fransica at Tita Icy ang nawala. Sila ang nagsilbing pangalawang ina ko dahil sila ang nagaruga sa'kin. Mas nakakasakit pang isipin na isa ako sa dahilan ng pagkamatay nila.

"I regret it. I regret it being mean to her when she's still alive. Nagsisisi ako.", humihikbi na si Thylane habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"Sana naging mabuting anak ako. Akala ko.. akala ko matagal pa kaming magkakasama ni Mom.", hindi ko na maipigilang mapaluha sa mga sinasabi nito.

"I hate myslef. I fucking hate myself. Hindi ko man lang naiparamdam kay Mom na mahal ko siya. Wala akong kwentang anak.", saad nito at hinampas hampas ang sarili.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yinakap si Thylane. Humahagulgol na ito dahil sa sakit na nararamdaman. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

"Everything will be okay... Maaayos din ang lahat, Thylane.", mahinang sambit ko.

Nagtagal kami sa hardin. Ang dami nang nangyari at ang iba ay hindi pa lubusang pumapasok sa isip ko. Sana.. sana matapos na ang lahat ng ito. Ayoko nang may mawala pa sa'kin. Hindi ko na kakayanin.

Kailan ba magiging payapa at masaya ang buhay ko?

*****

Sa mga silent readers (kung me'ron man) thankful pa rin ako sa inyo kahit hindi kayo nagpaparamdam HAHAHA. Pero huwag mahihiyang magchat o message sa'kin. Pwedeng sa FB, Twt, IG, o kaya dito sa watty. Pwede niyo rin ako iemail kung gusto niyo HAHAHA

Mabait po ako, hindi ako pumapatay ng character.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
5.2K 194 34
He's living in a dark world but it's not a hindrance to have a normal life. He's an assassin, merciless and kill anyone in a snap of his fingers. He...
193K 6.2K 33
Genre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016...
66.7K 2.2K 52
Shantell Reese an IT student, she have the wit, beauty and most of all a gamer who always stand out in this field. One day, she received a golden mem...