NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

Autorstwa MaidenDione

20.9K 612 103

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... Więcej

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Perfect Night

461 12 1
Autorstwa MaidenDione

Eros and Nikole's Moment ahead! Enjoy reading!

Chapter 24

Diana's POV

Tatlong araw na simula nang mangyari ang insidente. Inaalam na rin ng diatriba kung ano ang dahilan ng sunog. Lahat ng estudyante ngayon ay naghahanda para sa Cresent Night. Kahit ang mga kaibigan ko ay iyon ang laging sinasabi.

"I'm so excited! Kahit no partner ulit.", bulalas ni Rhaine. Puro babae kami ngayon dito sa cafeteria. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa ang mga lalaki dito. Tanging si Markell lang at parang ang lalim pa ng iniisip. Napansin ko ring wala si Charlene, hindi ko pa siya nakikita simula noong insidente.

"Sabay sabay tayo bumili ng gown. May alam akong bilihan ng damit sa dicio.", saad ni Victoria.

"Si Mama na ang bahala sa gown ko. Sasamahan ko nalang kayo.", ngiting sagot ni Friella.

Tumango si Victoria. Sumulyap naman ito kay Nikole, "Ikaw Nikole? Wala ka na namang partner ngayong taon?", tanong nito.

Umikot ang mata ni Nikole, "Sanay na akong walang kapartner. Mas masaya kaya pag magisa, diba Rhaine?", nakangiting saad nito.

"Correct ka dyan.", saglit itong nagisip, "How about Eros? Ayaw mo ba siyang kapartner.", tanong ni Rhaine.

Nawala ang ngiti ni Nikole at umirap ang mata, "For sure may babae na 'yon. Sa landi non iba ibang babae ang kasama kada taon.", iritang saad nito. Napatawa naman sila sa sagot nito.

Hindi ko naman poproblemahin ang bagay na yan. Pinilit nila akong pumunta pero wala talaga akong balak. Yung mga lalaki lang ata ang walang alam na hindi ako dadalo.

Narinig ko ang pagtawag ni Markell sa'kin. Nilingon ko ito na ngayon ay nakatitig sa'kin. Nginitian ko ito.

Huminga ito nang malalim, "May gusto sana akong sabihin Diana."

Kumunot ang noo ko, "Ano 'yon?"

"Hindi pa naman siguro huli diba? Gusto sana kitang--"

Napatigil ito sa pagsasalita nang may pumukas sa cafeteria kaya't napalingon kaming lahat doon. Nakita ko ang tatlong geminus na sabay sabay pumasok. Agad itong tumngo sa gawi namin. Nakatitig sa akin si Caiele habang umuupo sa tabi ko. Napansin ko namang nagtama ang mata nila ni Markell.

"Ang taga niyo, saan ba kayo pumunta?", tanong ni Nikole.

"Namiss mo lang kami e.", tukso ni Eros. Inirapan lang ito ni Nikole at hindi nagsalita. Napapansin kong tumatahimik na itong si Nikole kapag sinasagot ni Eros.

Naramdaman kong humawak si Caiele sa isang kamay ko. Napatingin ako dito pero seryoso lang ito na parang walang ginawa. Walang nakakapansin dahil nasa ilalim ng lamesa ang kamay namin.

Akmang babawiin ko sana iyon pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Napasulyap ito sa'kin kaya pinanlakihan ko ito ng mata, pero nginisian lamang ako nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Simula noong nangyari ay naging madikit na sa akin si Caiele. Wala naman siyang sinabi na magkasintahan na kami pero kung makadikit ay higit pa sa mag-asawa. Parang hindi si Caiele dahil nagiging makulit din ito kapag kami lang ang magkasama.

Puro tungkol sa Cresent Night ang pinaguusapan nila simula kanina hanggang sa natapos kami sa pagkain. Gusto ko na nga umalis dahil kahit tapos na kami kumain ay hindi pa rin sila tumatayo dahil sa paguusap nila.

Maya maya ang tumayo na si Friella at Markell. May klase pa ang dalawang 'to kaya't hindi sila pwedeng magtagal. Ayaw pa sana ni Markell na umalis dahil hindi niya natuloy ang sinabi niya kanina pero sinabihan ko itong unahin ang klase.

Hindi na rin naman nagtagal ay lumabas na kami at nagtungo sa dorm. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis ng pangbahay. Ang mga geminus at si Rhaine lang ang may sunod na klase dahil wala naman nakakaalam tungkol sa build ko bukod kay Friella. Magbabasa sana ako kaya lang naalala ko na hindi pala ako nakakuha ng libro non. Napahiga na lamang ako sa kama ay nagisip kung ano ang maaaring gawin.

Napaupo ako nang biglang bumukas ang pinto. Tumingin ako roon ang nakita si Caiele. Napansin ko ang mga dala dala nitong mga libro. Taka akong tumingin dito habang papalapit siya at umupo sa tabi ko.

"I got books for you.", nakangiting saad nito. Kinuha ko ang mga iyon at nakitang puro novels ito. Tinignan ko ito at abot langit na ngumiti at nagpasalamat.

Natigilan ako nang bigla ako nitong yakapin. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko at nakapalupot ang dalawang kamay nito sa beywang. Hindi ako makagalaw at makahinga nang maayos. Ramdam na ramdam ko ang paghinga nito sa leeg ko.

"A-anong ginagawa mo C-caiele?", kinakapos na ako ng hininga dahil sa ginagawa niya. Akmang tatanggalin ko ang pagkakayakap niya nang higpitan niya ito. Nanigas ako nang magsalita ito.

"Stay still. Let me hug you.", malalim ang boses nito. Hindi ako nakagalaw dahil para akong nahipnotismo at napapasunod sa simpleng pagsasalita nito. Tumagal kami sa ganoong posisyon. Maya maya naman ay bumitaw na ito, nakahinga naman ako nang maluwag.

Pinagmamasdan nito ang buong mukha ko. Na para bang kay tagal niya akong hindi nakita kaya nagtaka ako.

"I miss you so much.."

Tuluyang kumunot ang noo ko. Halos magkasama kami araw araw tapos mamimiss niya ako?

"Bakit mo naman ako---"

Napalingon kami sa pinto dahil biglaang bumukas ito. Nasalikod non ay si Eros na nanlaki ang mata at ngayon ay kamot kamot ang batok.

"Am I interrupting?", tanong nito at nahihiyang tumingin kay Caiele.

Masama ang tingin dito ni Caiele. Parang hindi nagustuhan ang pagpunta nito, "Yes.", seryosong saad nito.

"Ganun ba? Kayo nalang kasi ang hinihintay sa baba. Yung pinagusapan natin.", sagot ni Eros.

Taka akong napalingon kay Caiele. Anong pinagusapan nila? Sumulyap ito sa akin at bumuntong hininga.

"Come with me.", saad nito. Kahit nagtataka ay tumayo ako. Pagkababa namin ay nadatnan ko lahat na nadun. Wala si Charlene na ipinagtataka ko. Hindi ba nila ito napapansin?

"Anong paguusapan natin?", tanong ni Victoria.

"Wait, where's Nikole?", biglang tanong ni Rhaine. Nilibot ko ang paningin ko. Wala nga si Nikole.

"She's asleep.", sagot ni Ethan.

"Gisingin nati---"

"No. Maguusap tayo nang wala siya.", pigil ni Eros. Kumunot ang noo ko dahil parang may iba sa boses nito.

"Why? Ano ba ang paguusapan natin?", takang tanong ni Rhaine.

"Cresent Night."

Nalaglag ang panga ko. Hanggang dito ba naman? Hindi ba sila nagsawa sa bagay na 'yan?

"Hindi ako pupunta.", naiinip kong saad. Napalingon ang mga lalaki sa akin. Hindi na nagulat ang mga babae dahil alam na nila 'yon.

"Bakit?", tanong ni Eros.

Bumuntong hininga ako, "Hindi ako mahilig sa mga ganyang bagay."

"Then who will be my date then?"

Natigilan ako napalingon kay Caiele. Taka akong nakatingin sa kanya. Wala naman siyang sinabi na magiging date niya ko sa araw na 'yon.

"A-anong ibig mong sabihin?", nanatili itong tahimik.

"Sabi sa'yo Diana, pumunta ka na kasi.", saad ni Victoria.

Napalingon ako kay Caiele na ngayon ay seryosong nakatitig sa'kin. Napakagat ako ng labi. Mukhang kailangan ko talaga sumama.

"Kailangan mong pumunta Diana.", sagot ni Eros.

"Huwag KJ", dugtong ni Rhaine. Napabuntong hininga ako. Tumango na lamang ako bilang pagtugon. Naghiyawan naman ang mga ito pero agad nanahimik dahil baka magising si Nikole. Napasulyap naman ako kay Caiele na nakabusangot pa rin.

"Ano ba talaga paguusapan natin?", muling tanong ni Victoria.

Napalingon lahat kay Eros na ngayon ay may malapad na ngiti.

"I have a favor.."

*****

Nikole's POV

Kasama ko ang mga girls dito sa bayan ng dicio. Hindi namin nakasama si Friella dahil may gagawin daw ito. Namimili na kami ng gown para sa Cresent Night. Kasama namin si Diana at hindi ko alam kung paano nagbago ang isip nito. Nung una ay hindi talaga ito mapilit e.

"Nikole! Bagay 'to sa'yo!", sigaw ni Rhaine sa akin. Nakita ko itong hawak ang isang bistida na kulay pink na dress. Kumunot ang noo ko.

"Gown ang pinunta natin dito Rhaine. Hindi dress.", saad ko.

Napanguso ito, "Bagay kasi sa'yo 'to. Malay mo, magamit mo in the future.", nakangiting saad nito. Bakit pakiramdam ko may ibang ibig sabihin ang sinabi niya?

"Huwag na Rhaine. Next time nalang kapag gagamitin na.", tugon ko.

Umiling iling ito, "Nabili na 'to pag nangyari 'yon. Iisa lang 'to dito.", pagpupumilit nito. Napabuntong hininga nalang ako. Tinanguan ko nalang ito. Knowing Rhaine, ipipilit talaga nito ang gusto.

"Yess! Mamimili na ako ng gown.", saad nito at dali daling pumunta sa mga gowns.

"Nikole, tara dito.", napalingon ako kay Victoria na ngayon ay tumitingin sa mga alahas. Pagkalapit ko rito ay pinakita nito ang dalawang necklace.

"Hindi ako makapili sa dalawang 'to para sa'yo.", saad nito habang palipat lipat ang tingin sa dalawang necklace. Maganda ito pareho, ang isa ay may puso habang ang isa ay buwan.

"Kahit alin naman dyan ayos na sa'kin.", saad ko.

Nagisip ito nang malalim, maya maya ay lumiwanag ang mukha nito, "Parehas nalang natin 'to bilhin.", nakangiting saad nito.

"Bakit naman? Mamili ka nalang ng---"

"Nope, bilhin na natin 'tong dalawa. Baka magamit mo rin yung isa kung sakali."

Kumunot ang noo ko. Bakit parang magkapareho ang sinabi nila ni Rhaine?

"Omyyy Ang ganda ni Diana!"

Napalingon kami dahil sa pagsigaw ni Rhaine. Nakita kong lumabas si Diana suot ang isang kulay puting gown. Ang ganda niya! Kahit walang ayos ayos sa mukha at buhok ay ang ganda nito. Mas lalong nagpaganda ang suot nitong gown. Sumagi na naman sa isip ko na may kamukha siya lalo na sa suot nito.

"Bagay na bagay sa'yo.", nakangiting saad ni Victoria.

"Kung ganyan lang ako kaganda nako, baka dami ko nang boyfriend ngayon.", natatawa kong saad.

Napalingon sa akin ito, "Maganda ka rin naman Nikole. Kaya nga nagu--"

"Diana!", nagulat ako sa pagsigaw ni Rhaine at Victoria. Nakatingin ito kay Diana. Si Diana naman ay kagat kagat ang pangibabang labi. Bakit ganun ang reaksyon nila?

"Sukatin niyo na rin ang mga gowns niyo. May mga nahanap na rin akong accessories para sa inyo.", biglang saad ni Victoria.

Nagpatuloy kami sa pamimili. Nang natapos na kami ay lumabas na kami sa pamilihan. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Diana.

"Nikole, may tanong ako.", saad nito nang makalapit sa'kin.

"Ano 'yon?"

"Mahilig ka ba sa mga public confession?"

Kumunot ang noo ko. Out of nowhere naman ang tanong nito, "Anong about don?", tanong ko.

Sandali itong nanahimik, "Gusto mo ba mga public confession, ganun.", mas lalong kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Yung aamin yung lalaki sa babae sa publiko?", paglilinaw nito.

Sandali akong nanahimik. Sa totoo lang ay ayaw ko non. Pero bakit ba tinatanong niya ang ganyan sa akin?

Umiling ako, "Gusto ko private."

"Bakit?"

"Maraming nakakaalam, nakakainis. Tsaka parang pinepressure lang non si girl na ireceprocate yung feelings ni guy.", paliwang ko.

Tumango ito, "Inaasahan ko na rin.", bulong nito.

"Anong inaasahan?"

Nagulat ito sa pagtanong ko kaya nagtaka ako. Nagisip ito sandali bago sumagot, "Survey lang, nagpatulong kaibigan ko."

Mas lalo akong nagtaka. May kaibigan pa ba si Diana bukod sa'min? "Sinong kaibigan?"

"Hindi mo kilala."

"Kikilalanin ko."

Hindi na ito sumagot. Nakarating na kami sa dorm at inayos na ang mga pinamili namin. Agad agad akong pumunta sa kwarto ko. Nadaanan ko ang kwarto ni Charlene nakasarado. Napapansin ko na rin ang pagkawala nito noong mga nakaraang araw at ngayon. Kinukutuban na ako sa kanya pati ang iba pero hindi namin pinapahalat. Hindi pa naman kami sigurado. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga. Dahil sa sobrang pagkapagod ay napagpasyahan kong matulog muna.

Nagising ako na parang may nagpagising sa akin. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog pero hindi ko magawa. Napagpasyahan kong tumayo at lumabas pero bago ko pa man buksan ang pinto at nakita ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang dress na binili namin kanina. Pati ang mga sobrang alahas na binili ni Victoria ay suot suot ko. Paanong ganito ang itsura ko?

Lumabas ako ng kwarto. Napansin kong tahimik ang buong dorm. Nilibot ko ang buong dorm pero napansin kong walang tao. Nadaanan ko ang kwarto ni Charlene at laking gulat ko nang bumukas iyon at lumabas si Charlene. Taka itong tumingin sa akin.

"Bakit ka nakaayos?", tanong nito. Napatingin din ako sa aking sarili. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakaganto ngayon.

"Nasaan ang iba?", tanong ko.

"Hindi ko alam, kakalabas ko lang ng kwarto ko e.", saad nito. Iba na talaga si Charlene ngayon. Dati ay para itong mahinhin na bata.

"Ganun ba. Bakit hindi kita masyadong nakikita nitong mga nakaraang araw?", tanong ko rito. Kinukutuban na talaga ako dito kay Charlene.

Saglit itong nagisip, "K-kilala mo naman a-ako.", hindi, hindi na kita kilala Charlene, iba ka na. "Nagmumukmok lang ako.", saad nito.

Tumango ako. Pumasok ito muli sa kwarto. Lumabas agad ako at napansing gabi na. Siguradong wala ang iba sa loob ng dorm kaya naglakad lakad ako sa labas. Naisip ko na baka nasa paraiso ng caelum ang mga ito. Dumiretso ako sa paraiso at pumasok sa lagusan nito.

Nabigla ako nang makita ang iba't ibang rosas sa sahig. Madilim pero may mga lumilipad na liwanag. Anong mayroon? Nakita ko ang isang lamesa na may mga kandila at rosas. Ano 'to?

Naramdaman ko ang isang presensya sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Eros na malapad ang ngiti na nakatitig sa'kin.

"A-anong ginagawa--"

Nagulat ako nang inabot nito ang kaniyang kamay. "May I?", tanong nito at tumingin sa kamay ko. Wala sa sarili kong inilahad ang kamay ko sa kamay niya. Inalalayan ako nito para umupo sa upuan. Pagkatapos ay umupo sa katapat.

"E-eros, ano na naman 'to?", tanong ko. Mabilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ito sumagot. Napansin kong may mga pagkain sa lamesa at nakahanda na ang mga iyon. Nginitian ako ni Eros. Kunot noo ko itong tinitigan.

"Pinaprank mo ba ako ha Eros? Anong gimik 'to?", tanong ko muli. Tinaasan ko na ito ng kilay.

Napatawa ito. Nabigla ako nang tumayo ito at lumapit sa akin. Nagulat ako nang lumuhod ito sa harap ko. Bigla naman akong may narinig na tugtog ng piano mula sa kung saan.

"Ang tagal ko nang gusto sabihin ito sa'yo Nikole.."

Napatitig ako kay Eros. Seryoso ang mukha nito. Wala ang mga palabiro nitong ngiti para asarin ako. May bigla akong narinig si Diana, kumakanta siya kaya napalinga ako sa paligid pero wala ito. Si Eros lang ang nakikita ko.

I found a love for me

Darling, just dive right in

And follow my lead

"We've been friends since childhood Nikole. Wala akong inisip kundi asarin ka simula pa man noong bata tayo.", mahinang saad ni Eros pero sapat na iyon para marinig ko.

Well, I found a girl, beautiful and sweet 

I never knew you were the someone waiting for me

"Akala ko lahat asaran lang, akala ko sagutan lang. I never knew it will lead me into this feeling Nikole, that it will lead me into you."

Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

"I'm sorry kung nagiging flirty ako, nagiging nakakainis ako sa'yo. That's my only way for you to notice me, para mapansin mo ko, na gustong gusto kong mangyari."

I will not give you up this time

Darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes, you're holding mine

"Kabado ako na baka one sided lang ito. Natatakot ako na baka ako lang ang ganito sa ating dalawa. Natatakot ako.."

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napipi ako sa mga sinabi niya. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nito. He's confessing! He's confessing his love to me! Pangyayaring gustong gusto kong mangyayari, pero takot akong umasa.

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Lumuhod ako para pantayan siya. Bahagya siyang nabigla sa ginawa ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at ngumiti. Naramdaman ko ang pagbuhos ng mga luha ko.

"H-hey don't cry..", saad nito at pinunasan ang mga luha ko. "I hate seeing you like that."

Ngumiti ako, "I'm just... happy.", nakatitig siya sa'kin habang pinupunasan ang mga luha ko.

"I love you.. I love you Nikole..", napangiti ako.

"I love you too Eros.."

Nanlaki ang mata nito, "Y-you do?"

Ngumiti ako at tumango, "Mahal na mahal kita daga.", saad ko at napatawa. Tumawa rin ito at yinakap ako at yumakap din ako pabalik.

Kumalas kami sa yakap at tumayo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Eros. F*ck I'm so inlove with this man.

"I love you so damn much Nikole. You are the best thing the ever happened to me."

I smiled. His face leaned closer to me looking at my lips. I closed my eyes until our lips met. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He's kissing me, Eros is kissing me. I'm so thankful for this night. I'm kissing the man I love, the man I want to cherish my whole life with.

*****

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

216K 6.6K 75
Isang babaeng napaka TAHIMIK, MATALINO, NERD at masasabi mo talagang walang magkaka gusto sa kanya, Di rin mahilig makipag kaibigan, but aside frome...
22.8K 1.6K 48
Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mund...
103K 4.1K 40
Papayag kaba kung ibabalik ka sa pagkabata? Pano kung ito lang ang paraan para mailigtas ka sa kapahamakan na nag-aabang sayo? Siguro? Kayanin mo kay...
185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...