F.L.A.W Series Book 1: AMETHY...

By mimzee23

36.3K 2.4K 145

Warning: SPG / R-18 / Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 1: AMETHYST ... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Epilogue

Chapter Twelve

1.1K 86 10
By mimzee23

Instead of simple vacation leave, Amethyst filed for an indefinite leave. It was also more than three weeks that had passed after that surprising incident at the bar, and it made her a little paranoid and suspicious of everyone around her.

Ni hindi na niya nakausap pang muli ang boss niya at sa text na lamang niya idinaan ang pagpapaalam. Sa HR siya nagfile ng leave at sinabi niyang may kailangan siyang ayusin na importante.

Ngunit ang totoo ay nagtatago na siya. Wala na siya sa Canada at nasa Amerika na, sa may Atlanta, Georgia. Doon siya nakakuha nang mauupahang bahay at doon niya balak muna manatili habang nag-iisip siya sa kung ano ang susunod niyang hakbang.

Mabuti na lamang at marami-rami na din ang naipon niya kaya't mabubuhay naman siya kung sakaling hindi na talaga siya babalik sa trabaho.

Subalit nagulat siya nang sumulpot ang binata sa bahay niya kahapon. Hindi niya alam kung paano nito nalaman kung nasaan siya at ang mismong nilipatan niya.

I am a Laveau, Darling and I have connections everywhere.

Naalala pa niyang sagot nito sa kanya nang tanungin niya ito kahapon.

Naroon ang lalaki dahil dadalo ito sa isang pagtitipon. Devereaux will attend the party for the most influential businessmen in the world. He was invited and he wants her to accompany him. May dala pa itong damit na susuotin niya para sa pagtitipon na iyon.

Ngunit tumanggi siya dahil ayaw nga niyang lumabas at makita ng mga tao. Hangga't maaari ay ayaw niyang makita siyang kasama ng lalaki dahil ayaw niyang madamay ito kapag nagkaproblema sa bandang huli. Alam niyang binabantayan ang mga kilos niya ng dating organisasyon at sa isang maling kilos niya ay iba ang magbabayad niyon.

Pero sadyang mapilit ang binata. Kahit sinabi niya na magreresign na lang siya sa trabaho niya bilang sekretarya nito ay hindi nito iyon tinanggap. Tataasan pa daw nito ang sahod niya para manatili lang siya.

Kaya heto siya ngayon, nakaharap sa salamin habang pinag-iisipan kung sasama nga ba siya o hindi. Sinabihan niya na huwag na siyang sunduin kundi doon na lamang siya di-direcho sa venue.

"You fucked up, Amethyst!" Bulyaw niya sa sarili sa harap ng salamin. "You fucked up because you let your emotion to consume you! You're damn in love with him!" At saka halos sabunutan niya ang sarili.

Sa huli ay napagdesisyunan din niyang sumama ngunit hindi siya nag-ayos at hindi rin niya sinuot ang damit na ibinigay ni Dev sakanya.

She chose to stick with her old maiden look to hide her true self again. It would be much safer for her boss if she stayed with her pretentious look than reveal her real appearance.

Pagkatapos niyang isuot ang makapal na salamin sa mata ay muli niyang sinipat ang itsura niya. Mahabang itim na palda at puting blusa na may mahabang manggas ang suot niya at ang kanyang buhok ay itinali na lamang niya patalikod.

Naglagay lang siya ng manipis na nude lipstick sa labi bago niya itinaas ang kanyang palda at saka siya naglagay ng maliit na kutsilyo sa holster na nakalagay sa kanyang hita.

Kailangan niyang maging handa kahit sa anong paraan dahil hindi niya alam kung kailan siya aatakihin ng kalaban.

She just took a cab instead of bringing her car. Upon arrival at the hotel venue, she saw how she looked totally different from other women who are also attending the party.

Mukha kasi siyang a-attend ng isang prayer meeting kaysa sa a-attend ng high-class party. Sosyal na sosyal ang itsura ng lahat, samantalang siya ay mukhang galing sa lumang panahon.

Gumilid lang muna siya sa isang tabi habang inililibot ang paligid. May mga ilang tao siyang nakikilala dahil sa naging kliyente rin nila sa kumpanya ng amo niya at ang ilan naman ay naging bahagi mg misyon niya noon.

May mga pagkakataon kasi na kailangan niyang kumuha ng impormasyon tungkol sa target niya kaya nasubukan din niyang landiin ang ibang tao para magawa ang balak niya.

Mabuti na lang talaga at hindi siya nag-ayos dahil baka may makakilala sa kanya at magkaroon pa ng komosyon roon.

"Seriously?!" Halatang naroon ang pagka-inis sa tono ni Devereaux nang lapitan siya. "I gave you a dress to wear tonight. Why didn't you wear it?" Kunot noong tanong nito. "This is a party, not a praying meeting or some religious cult activity."

Tinaasan ni Eshe ng isang kilay ang lalaki at saka niya ipinagkrus ang kanyang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib.

"I didn't want to come in here in the first place but I did. This is what I want to wear so if you're not happy about it then I might as well leave this instant." At saka tatalikod na sana nang pigilan siya nito.

"Okay fine!" Pagsuko nito sabay buntong-hininga. "I know why you're doing this." Bulong nito sa kanya. "Do you think that by looking like that, you can actually hide from everyone? Think again. Look around you, everyone looks the same, but you, you're the odd one out. Now, all eyes will be on you."

At saka lang niya napagtanto na tama nga ang lalaki. Nang muli niyang ilibot ang mga mata ay nakakakuha nga siya ng atensyon dahil sa itsura niya. Siya nga lang kasi ang naiiba at halatang nasa maling lugar siya.

"I should leave now."

Kakawala na sana siya pero mas hinigpitan pa ng binata ang pagkakahawak sa braso niya.

"No! You're staying." At saka nito hinila ang kanyang tali sa ulo kaya naman nalugay ang kanyang alon-alon na buhok.. "Take off your blouse." Utos nito.

"What?!" She whispered back with a little amount of curiosity in her tone.

"Take it off." Ulit nito nang may diin.

"Why would I strip my clothes off here? Do you really want me to steal more attention here?!" Inis niyang balik rito.

"Hindi ko sinabing hubarin mo lahat ng damit mo. Iyang pang-itaas mo lang."

"Ganun din yon! Maghuhubad pa din ako!" Pagdidiin niya.

"I know that you're still wearing a spaghetti strap shirt underneath your blouse, so technically, you won't be naked." Sandali pa nitong hinagod ang katawan niya. "Do you think I will ask you to get naked in front of these people? Kung hindi mo lang kailangang itago yang pagkatao mo sa iba, wala akong pakialam kahit ganyan pa ang ayos mo o kahit magbalot ka pa ng kumot dahil mas gusto kong walang makakita sayo na ibang lalaki!"

She can sense that he's already starting to get pissed.

Para matigil na silang dalawa sa pagtatalo ay sinunod na lamang niya ang sinabi ng lalaki. Mabilis niyang tinanggal isa-isa ang butones ng blusa niya at saka niya iyon hinubad at inilapag sa likod ng isang mesa sa gilid niya.

Dahil itim rin ang suot niyang damit ay naging all black na ang suot niya. Mabuti na rin at sexy ang panloob niyang spaghetti strap dahil kita ang malulusog niyang dibdib roon. Na kahit plain lang ang suot niya ay maganda pa din.

"Here." May inabot itong isang box galing sa bulsa sa loob ng coat nito.

Pagbukas niya ay isang maganda at mamahaling kwintas ang naroon.

"What's this?" Tanong ni Taniesha kahit alam naman niya kung ano iyon.

"To complete your look." Sagot nito at ito na ang kumuha sa kwintas sa lalagyanan at saka siya pinaikot upang iharap ang kanyang likuran rito.

He took the initiative to put the necklace on her. She was stunned for a moment there, and she felt her heart skipped a bit. This man is the only one who can make her feel that way.

"It would have been perfect if you had worn the dress I gave you yesterday." Anito na ipinaharap siyang muli.

"If I did that then I'd become more visible to everyone and that's gonna be a problem for me."

Nagkibit balikat ito sakanya.

"If that's the case then let's just leave your thick glasses so it can still hide your face." Suhestiyon nito.

"Yeah." Simpleng sagot niya habang inayos ang salamin sa mata.

"Shall we go inside?" Aya sa kanya na tinanguan na lamang niya.

Naramdaman niya ang marahang paghawak ng binata sa kanyang baywang habang naglalakad sila. Nang makapasok na sila sa loob ng bulwagan ay namangha siya sa dami ng tao na dumalo.

May mga sikat na artista at mga kilalang businessman sa buong mundo. Napansin niya na naroon din ang kapatid ng amo niya na si Dartagnan na may kasamang modelo. Kinawayan lang sila nito habang nakikipagusap sa iba.

Walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha ngunit nagawa niyang sumimangot dahil sa nakikitang pigura na papalapit sa pwesto nila.

"Dev, I thought you're not gonna attend?" Tanong ni Sarah na nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. "Why are you with your secretary?"

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagdiin ng babae sa huling salita. Nagtataka marahil ito kung bakit nga naman siya ang kasama ng lalaki ngayon at hindi ito na siyang fiancee mismo.

"I asked her to accompany me here at this party." Walang paligoy ligoy na sagot ng boss niya.

"Oh," iyon lang ang tanging nasambit ni Sarah na halatang hindi nagustuhan ang narinig na sagot.

Napukaw ang atensyon nila nang may lumapit na mga kalalakihan na nakipag-usap kay Dev, kaya't kinuha iyon ng babae bilang pagkakataon na makausap siya.

"Are you trying to steal my fiancé my from me?" Mas malakas nang kaunti sa bulong iyon at siya lang ang nakarinig.

"I'm not, Ms. Humphrey. I'm just following his orders." Pormal na tugon niya.

"Don't make me a fool, Taniesha. I know what you're doing. I can see that you're trying to steal him from me, indirectly."

"You're wrong, Ma'am-"

"Am I?" Putol nito sa kanya. "Tell me, are you not attracted to him, even just a bit?"

Hindi kaagad siya nakasagot na ikinainis naman niya sa kanyang sarili. Ayaw niya ng gulo o makagawa ng komosyon roon ngunit nahihirapan din siyang itanggi ang totoong nararamdaman.

"Being attracted to someone is harmless." Aniya imbes na sagutin nang direcho ang tanong nito.

"Yes. But a simple attraction could turn into obsession and that obsession could lead to danger. Right?" Ramdam niya na may laman ang pinaparating nito.

"Right." At saka siya humarap rito at ipinakita ang totoong katapangan niya. "So you better look out for yourself, Sarah because your obsession for Mr. Laveau can get you in real danger."

Biglang nagbago ang itsura ng dalaga at nagtaas pa ng isang kilay.

"Is that a threat, Taniesha? Are you threatening me?!"

She puts a smirk on her face before answering.

"Oh, it's not a threat, my dear." Sabay lapit pa nang kaunti hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga pisngi at saka siya bumulong malapit sa tenga ni Sarah. "It's just a warning. A warning that you should take seriously, or else, we don't want to lose that pretty face of yours, are we?"

"What are you two talking about?" Biglang singit naman sa kanila ni Dev.

"Nothing." Sagot agad ni Amethyst. "I'm just giving her a-" she glanced at Sarah real quick. "not so friendly advice." And she gave them both a small evil grin.

"I think you should get back to your father, Sarah. He might be looking for you already." Ani Dev nang mapansin siguro nito ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang babae.

Tumango naman ang dalaga at binigyan pa muna siya ng nagbabantang tingin na tinapatan naman niya ng mas mapanganib na titig.

"Your fiancee is bit feisty, Mr. Laveau." Pagpaparinig niya nang mawala na si Sarah. "She's lucky that I know how to control myself. But if she becomes a threat to me... you know what I am capable of." Aniya rito.

Habang sinasabi iyon ni Eshe ay hindi siya nakaharap sa binata, kaya naman ay hindi niya napansin ang naging reaksyon nito sa kanyang banta. His eyes were full of amusement.

Patuloy lang siya sa paglilibot ng tingin sa lahat nang naroon. Ni hindi rin naman siya iniwang mag-isa ni Dev kahit pa may mga ilang kababaihan ang mga lumalapit rito.

Wala naman siyang napapansin na kakaiba ngunit naitulos siya sa kinatatayuan nang mapatingin siya sa taong kapapasok lamang ng bulwagan.

She couldn't believe her eyes from what she's seeing right now. She felt like she wanted to run towards her and give her a tight hug. But she remained in her place as she watched her gracefully walks her way towards the people.

Ruby

Bulong niya sa isipan.

Sobrang miss na niya ang bunso nila. Wala na kasi siyang naging balita matapos silang maghiwa-hiwalay noong araw na tumakas sila.

She can still vividly remember that day. They were on the run for them to escape. Each of them was supposed to take a flight for their new mission but they decided to ditch it and went running. They couldn't go to the port where Diamond was waiting because they knew that they will be ambushed there. So instead, they headed somewhere far from the main city of Dublin.

But because they were all taught to become hunters as well, they were caught up in the nearby mountain. They fought Sapphire, Amber and Onyx. Three versus three.

They all knew that betraying Madame would end their lives so they fought hard to win against their sisters. So when she had a chance, she told Ruby and Emerald to jump off the cliff. She then took the first jump without hesitation.

Mabuti na lamang at rumaragasang ilog ang kinahulugan niya kaya't kaunting galos lang ang natamo niya. At iyon ang huling araw na nakita niya ang mga kasamahan niya b nagkahiwa-hiwalay na sila.

Sinubukan niyang hanapin ang mga ito ngunit sa huli ay naisip niya na mas mainam kung tumigil na siya dahil mas madali silang matatagpuan at mahuhuling tatlo kung magkakasama sila. At kung may maghahabol man ay hindi sila sabay-sabay na mahuhuli.

"Oh Ruby." Mahinang bulalas niya.

"You know her?" Tanong sa kanya ni Dev.

"Yeah." Sagot niya habang tumatango. "She's one of my sisters from the island. I can't believe I'd be seeing her here. It's been a long time since the last time I saw her."

"Why don't you go and talk to her? I'm sure she's also excited to see you." Udyok sa kanya.

"I don't know. I'm not sure about that. Look at her, she's..... different." Aniya na may pag-aalangan habang pinagmamasdan ang dating kasamahan.

"Different?" Pag-uulit nito. "How? In what way?"

"In every way." Na tiningnan pa ang babae mula ulo hanggang paa. "There is nothing left of her past self. I can't see my sister in her. No signs of being an ex-assassin." At saka lumamlam ang kanyang mga mata. "She's a renewed woman. Look at her, look at her smile. She looks so happy, genuinely happy.

She felt a little envy towards Ruby. She looks so sophisticated and classy. She's even wearing a genuine smile which she finds hard to do it herself. She's happy living her new life without the demons haunting after her.

Unlike Amethyst who is still trying to fit into this world, who is still trying to find her purpose and live a normal life. She is still trying to follow a path that leads her away from her dark past. But no matter how she tries to avoid it, the road that she's taking is always leading her back to that hell place.

"She's free while I am still tied up. I'm still trapped in that island but Ruby, she did escape and I am so happy for her." Dagdag pa ni Eshe na biglang tumalikod upang hindi na makita pa ang dalaga.

"If you're happy for her then why don't you show yourself to her? Go talk to her." Pagpipilit ng binata sa kanya.

"No, I can't." Tanggo niya. "She already moved on, and seeing me again will only bring painful memories and horrific nightmares to her. And that's the last thing I would want for my sister, to suffer pain again."

"But what if she wants to see you? What if she was looking for you all these years? Don't you want to reunite with her? What if meeting her can help you move on with your life too? Maybe she can help you with how you can forget about your past." At hinawakan pa siya sa kanyang balikat. "Think about it, okay. I'll be right in the bar if you need me." Sabay turo kung nasaan ang mga inumin.

Devereaux gave her something to ponder. She wanted to smile that way too. She wanted to have a genuine happiness like her. At kung ang pakikipagharap sa kapatid niya ang susi upang magawa niya ang bagay na iyon ay handa siyang sumubok.

Naghintay siya ng pagkakataon na maaari niyang kausapin ang dalaga. Hindi niya puwedeng basta-basta lalapitan ito nang may mga nakapaligid sa kanya. Kaya naman nang makita niyang lumabas ito sa may balkonaheng mag-isa ay sinundan niya ito.

Ngunit napahinto siya sa may gilid ng pintuan nang may mapansin siyang anino na papalapit rito. Balak sana niyang kuhain ang atensyon ng dalaga dahil baka nasa kapahamakan ito ngunit nanlaki ang mga mata niya nang napagtanto niya kung sino ang nakatayo roon sa gilid ni Ruby.

It was none other than Diamond.

Another one of her sisters has shown up. How lucky can she get to have found both of them in that particular party? She was asking herself if this was only a coincidence or a mere plan by someone who is after them all?

Mas pinili na lang niya ang makinig sa dalawa kaysa ang lumapit. Nang tawagin ni Diamond ang pangalan ni Ruby ay kalituhan lang ang rumehistro sa mukha ng dalaga. Iginiit pa nito na nagkakamali lang si Diamond dahil Vixyn ang pangalan nito at hindi Ruby.

"Stop acting now, Ruby! Only the two of us are here. No one can here us. And I know that you're hiding your real identity too just like me." Tumaas na ang boses ni Diamond at saka hinawakan pa ang dalaga sa magkabilang balikat. "How did you escaped the island? Do you know where Emerald and Amethyst are? How are they?" Sunod-sunod nitong tanong.

Kumabog ang kanyang dibdib nang marinig ang kanyang pangalan.

"I said I'm not Ruby! I don't what you're talking about! I don't know any Emerald or Amethyst, and I certainly don't know you! So please leave me alone, or I will have my husband escort you out of this building. He's a law enforcer for your information." Pananakot nito ngunit mas mukha itong natatakot kay Diamond at hindi niya iyon maintindihan.

Pinipilit pa ring tanungin ni Diamond si Ruby tungkol sa kanilang nakaraan lalo na ang mga nangyari sa isla, ngunit halatang hindi na iyon nagugustuhan ng dalaga. Diamond was clearly upsetting her.

Napahawak pa sa ulo si Ruby na mukhang may iniindang sakit. Pinapakalma naman ito ni Diamond ngunit mas lalong nagwala ang dalaga.

"I said, stay away from me! I don't know you! I can't remember anything! Just stop saying that name because I am not her! I am not Ruby! I am Vixyn!" Umiiyak nang wika nito habang patuloy pa din ang paghawak sa ulo. "Make this stop! It hurts so much."

Hahawakan pa sanang muli ni Diamond ang bunso nila ngunit nagsisisigaw na ito at tinawag ang asawang si Percy.

Wala namang nagawa na ang kasamahang si Diamond kaya tumalon na ito roon sa may barandilya upang makapaglaho na. Kaya naman nang pagsaklolo ng asawa ni Ruby ay hindi na nito naabutan ang kasamahan.

Matapos patahanin at pakalmahin ni Percy ang asawa ay inakay na nito ang dalaga upang makaalis na siguro roon. Balak sana niyang lapitan si Ruby ngunit napahinto siya nang sa paglingon nito sa gawi niya ay wala siyang nakita na bahid sa mga mata nito na kilala siya nito.

Doon niya napagtanto na nagsasabi ito ng totoo kay Diamond. She really doesn't recognize them. She can't remember anything from their past that's why she lived her life in peace for the past years. And Amethyst doesn't know if that was a blessing for her sister to have amnesia because no dark past can haunt her.

What happened to you, Ruby? Why you ended that way? What really happened that day in the cliff?

Sunod-sunod na tanong ni Amethyst sa sarili.

"What happened?" Tanong sa kanya ni Dev sa gilid niya.

"She doesn't recognized me." Sagot niya habang nakatingin sa papaalis na kapatid. "She has forgotten everything."

"I'm sorry to hear that." Anito nang biglang mapukaw ang atensyon nila dahil sa kaguluhan roon.

"Anong meron?" Tanong niya habang pinapanood ang mga tao na nagkakagulo sa may isang gilid.

"Someone just received a death threat." Wika ng binata nang makita ang isang umiiyak na babae habang may isang kahon na naibagsak sa sahig.

"It's like a warning for me too." Mapait na wika niya habang unti-unting kumukuyom ang kanyang kamao. "My sisters can't help me anymore."

Things are getting dangerous and out of hands already. She saw her two sisters and both have their own lives which she might ruin if she shows herself to them. She should live her own life too, and she should take care of her own problem without involving them.

So in short, she's alone. She has to do this on her own without anyone's help. But Devereaux has probably read her thoughts because he held her hand like he never wanted to let it go.

"You don't have to do this alone. I'm here. I will always be here for you, Amberleigh."

Continue Reading

You'll Also Like

24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
524K 6.6K 22
The Neighbors Series 3: A Neighbors Affair Kendall Rush is having an affair with her married neighbor Jacobo Smith. Ero Martin, her handsome, sexy ne...
93.2K 957 39
Cassandra Balenciaga is famous at their school because she is the daughter of Maki and Patrick Balenciaga, the owner of the product which is Balencia...
5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...