NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

MaidenDione द्वारा

19.2K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... अधिक

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Mission

458 12 1
MaidenDione द्वारा

Chapter 15

Diana's POV

"Dito na ako titira. Kasama ng mga KAIBIGAN ko."

Binigyang diin nito ang pangalawang huling salitang sinaad nito. Iniisip ba nito na inaagaw ko ang mga geminus mula sa kanya? Hindi ko na sinagot si Charlene at ngumiti na lamang.

"Nag-breakfast ka na Diana?", biglang tanong ni Victoria sa'kin.

Tumango naman ako, "Kumain na ako kila Friella.", sagot ko.

Tumango naman ako. Napansin ko naman ang mga titig ni Caiele, bumaba ang tingin nito sa suot ko, pati ang ibang geminus ay napatingin din. May problema ba sa suot ko?

"What are you wearing Diana?", rinig kong tanong ni Eros.

Napatingin ako sa suot ko. Nakahoodie ako at nakajogging pants.

"Hoodie at jogging pants?", saad ko.

Napansin ko naman ang mga suot nito. Nakadress ang mga babae na lagpas tuhod, ang mga lalaki naman ay nakapolo at nakapants katulad nang nakita ko sa bayan ng dicio. Ito ang unang beses na nakita ko silang ganyan ang damit, kadalasan kasi ay uniporme ang nakikita kong suot nila.

"Hood-- what? Jogging pants? Yung exercise?", takang tanong ni Nikole.

Formal pala kadalasan ang kasuotan sa mundong 'to, na kahit pambahay ay mga naka bistida at mga nakapolo ang mga tao. Itong damit ko kasi ang nasa loob ng cabinet ko dahil ito talaga ang mga tipo kong damit.

"Ganyan lang ba ang mga damit mo?", tanong ni Eros.

Marahan akong tumango, "Hindi kasi ako mahilig magbistida."

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang damit.", saad ni Victoria.

Pilit akong ngumiti. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mabuti na lamang ay nagsalita si Caiele.

"You may go back to your room. We'll just have our breakfast.", saad nito at umalis na. Nakasunod naman si Charlene dito.

Pumunta ako sa kwarto ko. Sinara at linock ko ang pinto. Hangga't maaari ayoko na makausap ang mga geminus. Gagawa rin ako ng paraan para makabalik sa dorm ni Friella.

Naligo ako at nagbihis ng uniporme. Nang makapagayos ako ay umupo muna ako sa kama. Maaga pa naman. Nagisip ako ng maaaring gawin. Tapos ko na lahat ng libro dito. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay may napasin akong sa labas ng bintana. May itim na usok doon.

Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko nang pumasok mula roon ang isang taong nakaitim na kapa. Tago ang mukha nito dahil sa suot nitong kapa. Matalim itong nakatingin sa akin ang papalapit ito. Umatras hanggang sa napasandal na lamang ako pader.

"Sino ka? Hindi ka isa sa mga geminus. Anong ginagawa mo rito?", nakakakilabot ang boses nito. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tinatanong ko kung sino ka!"

Nagtaasan ang balahibo ko nang sigawan ako nito. Narinig ko ring may kumatok sa pinto pero nakalock ito.

Naisip kong gamitin ang abilidad ko. Hindi ako sigurado kung makokontrol ko ito pero kailangan ko subukan. Nang akmang susugurin na ako nito ay pinatigil ko ito sa paggalaw. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumigil ito. Nagtaka ito kung bakit hindi gumalaw.

"Anong ginawa mo? Anong ginawa mo sa akin!?"

Kahit kabado ay kinalma ko ang sarili ko. Matalim ko itong tinitigan. Alam kong isa itong fuscus. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit nang makita ko ito. Parang may nagawa silang kasamaan sa'kin na dahilan ng pagkagalit ko.

Nakatuon ang atensyon ko rito. Gustong gusto ko itong saktan at patayin. Nagdidilim ang paningin ko.

"A-anong g-ginawa mo?", kabado nitong tanong. Nginisian ko lamang ito.

"Anong ginagawa mo rito?", malamig na tanong ko.

"S-sino k-ka? A-ano ka? P-paano mo nagagawa---"

"Tinatanong kita kung bakit ka nandito!", sumigaw ako. Narinig kong mas lumakas ang katok sa pinto.

Nanginig ito sa takot. Pinaluhod ko ito at tinanggal ang kapang tumatakip sa mukha nito. Nakita ko ang isang mukha ng lalaki at kitang kita ang itim na ugat nito. Nakaramdam ako ng pandidiri.

"P-pakawalan mo 'ko..", daing nito.

Himbis na maawa ay mas lalo akong nakaramdam ng galit. Itinigil ko ang paghinga nito kaya't bigla itong namutla.

Narinig ko ang pintong pwersahang binuksan. Alam kong may mga tao sa likod ko pero hindi ko ito pinansin. Nakatuon lamang ako sa fuscus na nakaluhod sa harapan ko ngayon.

Malapit nang mamatay ang fuscus dahil sa pagtigil ng hininga nito. Kaya ko naman itong patayin ng isang kisap-mata pero tila gusto ng puso ko na pahirapan muna ito.

Narinig ko ang pagtawag ng mga geminus sa'kin at naramdaman kong papalapit na ang mga ito pero nagawa ko silang kontrolin. Mas lalong lumakas ang boses nila.

Nang nasiyahan na ako sa nangyayari sa fuscus ay agad akong nagsalita.

"Die.."

Bigla na lamang ito naubusan ng hininga. Napahiga ito sa sahig at unti unting naglaho ang katawan. Hinarap ko ang mga geminus na hanggang ngayon ay hindi pa rin makagalaw.

Matalim ko lang tinignan ang mga ito. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng dorm ng mga geminus. Wala na rin ang pagkakontrol ko sa mga ito.

Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa hardin. Naramdaman kong naginig ang mga tuhod ko nang makabalik ako sa wisyo. Hindi ko na nakayanan ang nararamdaman ko kaya't bumagsak ako, pero bago pa man ako bumagsak sa sahig ay may naramdaman akong sumalo sa'kin.

Tinignan ko ito at nakita ang mukha ng isang lalaki.

"Markell..."

*****

Hindi ako pumasok sa klase ng Head Teacher. Nawalan ako ng gana lalo na kasama ko doon ang mga geminus. Alam kong nagulat sila sa nasaksihan kanina kaya hindi ko kakayanin na harapin sila.

"Ayos ka na ba?", tanong ni Markell sa'kin.

Oo, hindi rin pumasok si Markell sa klase niya at nagprisinta na samahan ako sa hardin. Sinabihan ko nga na huwag na pero nagpumilit pa rin.

"Malapit na palang maglunch. Punta na tayo sa cafeteria?", tanong nito.

Tumango ako at tumayo. Inalalayan pa ako ni Markell dahil medyo nanginginig pa ang tuhod ko. Hawak niya pa rin ang braso ko habang papunta kami sa cafeteria.

Nang makapasok kami ay wala pa masyadong tao. Natigilan ako nang makitang nandito na ang mga geminus. Nagkatitigan pa kami ni Caiele at bumaba ang tingin nito sa kamay ni Markell na nakahawak sa braso ko. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa paghanap ng lamesa.

Umupo na kami ni Markell. Nagorder na rin si Markell para sa tatlong katao. Maya maya ay namataan ko si Friella. Kumaway ako rito kaya't nakita niya kami agad.

Pagkaupo ni Friella ay palipat lipat ang tingin nito sa'min ni Markell.

"Bakit ang aga niyo ditong dalawa? Don't tell me sabay kayo pumunta rito.", takang tanong nito.

Ngumiti na lamang kami ni Markell. Dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Kayo a, may tinatago ba kayo sa'kin?", tuksong tanong ni Friella.

Napatawa kami ni Markell. Ngumuso naman si Friella at bumalik sa pagkain. Maya maya ay bumulong ito sa'kin.

"Kay Caiele boto ko nung una pero ngayon parang si Markell na."

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Noong una si Caiele tapos ngayon si Markell naman?

"Tumigil ka nga dyan.", sagot ko.

Ngumisi ito, "Bakit? Kinikilig ka?", saad nito at marahang tumawa.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay akmang tatayo na kami nang makita ko ang mga geminus sa harap ng lamesa.

Napansin ko namang masama ang tingin sa'kin ni Charlene pero hindi ko na ito pinansin. Bigla naman nagsalita si Caiele.

"Come with us, we have something to talk about.", malamig na saad nito.

Napalunok naman ako. Tungkol ba ito sa nangyari kanina?

"Pwede mamaya nalang sa dorm? Ayoko muna pag-usapan yung nangyari kanina.", sagot ko.

"It's not about that. It's urgent and important."

Nagtaka ako. Ano naman ang maaari naming pag-usapan bukod sa nangyari kanina? Nilingon ko si Friella at Markell na kapwang nakatingin sa'kin. Tumango naman sila kaya't tumayo na ako at sumama sa mga geminus.

Pagkalabas namin ng cafeteria bigla na lamang tumigil si Caiele.

"Charlene, go to your class. You don't have to come with us."

Napataas ang kilay ni Charlene, "Why? Sasama nga si Diana sa inyo bakit ako hindi?"

"Hindi mo kailangang marinig ang pag-uusapan namin Charlene. Pumunta ka nalang sa klase mo.", sagot ni Eros.

"Pero---"

"No buts Charlene. Just go.", malamig na saad ni Caiele. Lumingon sa'kin si Charlene at biglang umirap ito. Bakit parang galit na galit sa'kin si Charlene? Dati naman hindi ganto 'to.

Nang makaalis si Charlene at nagpatuloy kami sa paglalakad. Sumunod lamang ako sa mga geminus at natagpuan ang sarili sa lagusan ng paraiso ng caelum. Pagpasok namin sa lagusan ay nadatnan namin ang Engkantada ng Liwanag kasama ang Head Teacher. Anong meron?

"Nandito na pala kayo mga geminus.", saad ng Head Teacher ng makita kami. Alam kong ang mga kasama ko ang tinutukoy nito dahil walang nakakaalam na isa rin ang geminus at may dalawang build, itatago ko muna siguro ang tungkol dito.

"Mabuti at nandito ka rin Diana.", nakangiting saad ng Engkantada ng Liwanag. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa kanya.

"Bakit niyo kami pinatawag Head Teacher?", tanong ni Eros.

Nagkatinginan muna ang Head Teacher at ang Engkantada ng Liwanag, "Mayroon kaming mahalagang sasabihin. May nakitang pangyayari ang Light Enchantress. Sa bayan ng crustallus."

Nagtaka naman ako, may iba pang bayan bukod sa dicio at chydaeus?

"Oo Diana, subalit hindi mga tao ang nakatira sa iba pang bayan.", saad ng Head Teacher. Talagang binabasa niya ang isip ko.

"Ano po ang mga nakatira doon?", tanong ko.

"Sa bayan ng crustallus naninirahan ang mga Winter Dragons. Gaya ng tawag sa mga nilalang na naninirahan doon. Lugar iyon na puno ng nyebe.", paliwanag nito.

Tumango ako. May snow rin pala sa lugar na ito. Nakarating na ako sa mga lugar na may tag-yelong klima. Bigla namang nagsalita si Ethan.

"Ano ang nakita ng Light Enchantress?", tanong nito.

"The fuscus attacked the land of crustallus. May mga nakontrol na Winter Dragons pero may nakaligtas.", paliwanag ng engkantada.

"Therefore, we have a mission?", saad ni Caiele.

Tumango ang dalawa, "You must save the uncontrolled winter dragons.", saad ng Head Teacher.

"Saan namin sila makikita?", tanong ni Nikole.

"I didn't where the uncontroled winter dragons are hiding. You must find them before it's too late.", sagot ng engkantada.

Tumango ang mga geminus. Nagtaka naman ako kung bakit ako nandito.

"You'll be joining them Diana."

Lumaki ang mata ko sa sinabi ng Head Teacher. Ako? Kasama?

"Bakit po? Hindi naman po ako isang geminu---"

"You have a vigorous ability lady Diana. Your ability is needed to complete the mission.", sagot nito.

"Don't worry Diana. Kasama mo ang mga geminus.", dugtong ng Head Teacher.

Napalingon sa akin ng mga geminus. Nailang ako sa mga tingin nito. Iniiwasan ko nga ang mga ito tapos makakasama ko sila?

Nang makalabas kami sa paraiso ng caelum ay biglang nagsalita si Victoria.

"Diana, about sa nangyari kanina----"

"Sa susunod nalang natin pag-usapan 'yan. I'm not comfortable.", pagputol ko tsaka nagmadaling umalis.

*****

Samael's POV

"Sinasabi niyo bang may mga nakaligtas na Winter Dragons!?"

Yumuko ang mga ito at hindi nagsalita. Mga wala talagang silbi ang mga nilalang na ito. Naramdaman kong humawak sa balikat ko ang Itim na Engkantada.

"Calm down Samael, makukuha rin natin sila."

Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan umayon ang lahat sa plano ko. Hindi ako dapat mabigo.

"May nahanap ka na bang maaaring maging pekeng prinsesa?", tanong ko sa Engkantada.

Ngumiti ito at tumango. Napangisi ako, umaayon ang lahat sa plano, sa plano namin ng Itim na Engkantada, sa plano namin ng anak ko.

"Nasaan siya?"

Hinarap ng engkantada ang mga kawal at tumango, hudyat na papasukin ang babaeng kinakailangan namin.

Pumasok ang isang babaeng hawak ng mga kawal. Napangisi ako nang makita ito.

"Sino kayo!? Anong ginawa niyo sa mom ko!? Nasaan ako!?"

Humarap ako sa engkantada at hindi pinansin ang sigaw ng dalaga, "Ilang araw ang aabutin bago siya lamunin ng mahika?"

"Isang linggo lang ang aabutin Samael. Matitiyak ko na malilinlang niya ang taga dicio. Huwag kang mag-alala."

Napangiti ako. Mabuti na lamang ay may nakapag-sabi sa akin tungkol sa prinsesang walang pangalan. Uunahan ko kayong mahanap siya. Mapapatay ko ang huling miyembro ng royal family. Wala sa isip ko ang salitang pagkatalo.

flashback

Payapa akong nakaupo sa aking trono. Nag-iisip kung paano at kailan lulusubin ang diatriba. Wala na ang royal family na maaaring tumapos sa akin, kaya't madali ko na lamang mapupuksa ang mga magus at virtus.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang isang pigura, ang anak ko.

"Ama..."

Kunot noo ko itong tinignan, "Anong nangyari at bakit ka naririto? Hindi ka ba mapapansin ng mga geminus?"

Ngumisi ito, "Huwag kang mag-aalala aking ama. Naiba ang atensyon ng mga geminus kaya may laya akong makita ka."

"Paano nangyari iyon? Kaninong tao napunta ang atensyon ng mga geminus?", seryoso kong tanong.

"Hindi siya importante ama ko. Hindi siya hahadlang sa mga plano natin.", nakangising saad nito.

Tumango ako, "Ano ang sadya mo at napapunta rito?"

"Hindi ko ito nasabi ama ko, pero may natitira pang miyembro ng royal family."

Nanlaki ang mga mata ko. Paanong may natitira pang royal family!? Napatay ko ang hari at reyna at ang pesteng si Liam!

"Napatay ko na ang buong royal family ilang taon na ang lumipas. Ano ang sinasabi mong may natitira pa!?", sigaw ko.

Umikot ang mata nito, "Huminahon ka ama ko, kaya nga ako nandito para tulungan ka. May isang prinsesang walang pangalan ang hinahanap ng mga taga-diatriba. Itinago siya ng royal family at hindi pinakilala sa mga tao. Kahit sariling pangalan ay wala siya nito.

Kung gayon nalinlang ako ng royal family. Mga hayop sila! Sisiguraduhin kong maglalaho ang prinsesang 'yan!

"Ano ang iyong maiimungkahi anak ko? Paano natin mauunahan ang mga taga-diatriba?", seryoso kong tanong.

Ngumiti ito, "Maghanap ka ng maaaring maging impostor. Ipadala mo sa diatriba upang matigil ang paghahanap nila."

Tumango ako. Kailangan kong maunahan ang mga diatriba.

"Magpapahanap ako sa Itim na Engkantada. Pagnahanap ko ang natitirang royal family ay papatayin ko agad ito. Susugod tayo sa diatriba at puksain lahat ng magus at virtus!"

Seryoso akong tinignin ng anak ko, "Huwag niyong kalimutan ang hiling ko sa inyo aking ama."

Tumingin ito sa akin nang matalim.

"Spare him dad. Huwag na huwag mo siyang sasaktan..."

*****

Team Caiele o Team Markell? HHAHAHA Thank you for reading!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

5.7K 131 24
Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang pa...
66.7K 2.2K 52
Shantell Reese an IT student, she have the wit, beauty and most of all a gamer who always stand out in this field. One day, she received a golden mem...
10.8K 549 57
Elizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Ac...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...