NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

20.9K 612 103

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Lessons

532 17 4
By MaidenDione

A/N: Pinaaga ko na. Hindi ko na sinaktong 8pm. Enjoy Reading!

Chapter 12

Diana's POV

Matagal kaming nagkatitigan ni Charlene. Hindi ko alam kung bakit parang may galit si Charlene sa'kin, maayos naman kami dati, pero maayos nga ba?

Naramdaman ng mga geminus ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Charlene. Narinig ko namang nagsalita si Nikole.

"Dito na kasi nakatira si Diana, Charlene.", saad nito.

Mas nagulat ang mukha ni Charlene, "Bakit Ate? Bakit titira dito si Diana? Hindi naman siya isang geminus.", bakit parang galit ito na dito ako titira?

"Utos ng Head Teacher Charlene. Mismong Head Teacher ang nagsabi---"

"Kung gayon, can I live here?", pagputol nito sa sinabi ni Victoria.

Nabigla ang mga geminus. Kahit ako ay nabigla. Bakit parang hindi si Charlene ang kaharap namin ngayon?

"Look Charlene, utos ito ng Head Teacher kaya nandito si--"

"Bakit naman iuutos ng Head Teacher 'yon Kuya Eros? I doesn't make sense! Why would a filthy virtus live with---"

"Shut it Charlene. You're also a virtus!", galit na saad ni Ethan.

"Exactly! Isa rin akong virtus katulad niya kaya bakit hindi ako maaaring tumira rin dito?", sagot ni Charlene dito.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa inaasta ni Charlene ngayon. Ibang iba ito sa Charlene na kilala ko. Si Charlene ay mahinhin at hindi marunong magalit, pero ang ang Charlene na kaharap namin ngayon ay kasalungat nito.

"Charlene, huwag ka namang---", pinutol nito ang mga sasabihin ko.

"Shut up! Anong ginawa mo noong wala ako? Inagaw mo ang mga kaibigan ko! Sabi ko na nga ba at may tinatago kang baho Diana. Kaplastikan lang din siguro ang ginawa mong pagtulong---"

"Enough Charlene!"

Nabigla kami sa pagsigaw ni Caiele. Galit ang mga mata nito kaya kahit si Charlene ay natigilan sa pagsasalita.

Naiiyak na tinignan ni Charlene si Caiele, "Ikaw rin Cai? Kakampi ka rin kay Dia---"

"I said enough.", seryosong saad ni Caiele.

Tila gumuho ang mundo ni Charlene. Nanunubig ang mata itong nakatingin kay Caiele. Patulo na ang mga luha nito nang maglakad si Caiele papunta rito.

"Come with me.", saad nito kay Charlene at hinawakan ang pulso at lumabas.

Naramdaman ko na naman ang pangingirot ng puso ko. Alam ko na ang kakampihan niya ay si Charlene. Pero bakit umaasa akong ako ang kakampihan niya?

"Si Charlene ba talaga 'yon?", takang tanong ni Nikole.

"Ngayon ko lang siyang nakitang ganon.", saad naman ni Victoria.

"To be honest nainis ako sa kanya. Parang tinuring niya tayong pagmamay-ari niya para sabihing inagaw tayo ni Diana mula sa kanya.", seryosong sabi ni Eros.

"Just forget it guys. Si Caiele na ang bahala kay Charlene.", saad ni Ethan.

Napabuntong hininga naman ako, "Naiintindihan ko naman si Charlene. Nagkulong siya hindi ba? Ibig sabihin may problema siya, tapos makikita niya yung mga kaibigan niya na may bagong kasama.", saad ko.

Tumango naman ang mga ito. Nagpatuloy nalamang kami sa pagkain. Pagkatapos ay nagkanya kanyang ayos na kami para sa klase. Lumabas ako ng dorm para magpahangin. Nagaasikaso pa ang iba kaya lumabas muna ako. May napansin naman akong dalawang tao .

Masinsin na naguusap si Caiele at Charlene. Kitang kita ko na umiiyak si Charlene habang kausap si Caiele. Si Caiele naman ay seryoso lamang na nakikinig sa kung ano mang sinasabi nito.

Sandali silang nagusap. Maya maya ay nagkayakap ang dalawa na naging dahilan na maramdaman ko muli ang paninikip ng dibdib. Iniwas ko ang tingin at bumalik sa loob ng dorm.

Nadatnan ko doon ang ibang geminus na nakahanda na. Lumabas kami ng dorm para pumunta sa klase namin. Napansin ko namang wala na si Caiele at Charlene sa pwesto nito kanina. Saan kaya sila nagpunta?

Napansin kong napunta kami sa isang malawak na silid. Sobrang lawak nito na parang tripleng covered court na makikita sa mundo ko. Maya maya ay may pumasok na isang lalaki. Nagulat ako nang makita ang Head Teacher. Siya ang magtuturo sa'min?

"A pleasant morning geminus, also to you, Diana.", nakangiting saad nito. Ano kaya ang ituturo nito?

"I'll be teaching how to control your ability Diana."

Nabigla ako nang bigla nitong banggitin ang pangalan ko. Naalala ko na nakakabasa pala ito ng isip.

"Any ways, where's Caiele?", takang tanong nito.

"May ginawa lang po ata sir.", sagot ni Nikole.

"I see, but I'll mark him late kung humabol siya.", saad nito.

Nagayos ng gamit ang Head Teacher. Pagkatapos ay nagsalita muli ito.

"Alam kong hasa na kayo sa paggamit ng ability niyo. Kaya gagamit tayo ng mga kakaibang bagay, at bawat isa sa inyo, ay may matututunan.", paliwanag nito.

"Ethan, you go first. The rest, umupo muna.", dugtong nito.

Pumunta kami sa mga upuan at umupo. Nasa harap si Ethan at ang Head Teacher. May kinuha ang Head Master sa mga gamit nito, dumukot siya at nilabas ang isang..... BARIL?

"What's that? Ngayon lang ako nakita ng ganyan.", rinig kong saad ni Nikole. Napalingon naman ako dito.

"It's a gun.", sagot ko.

Takang lumingon sa'kin si Nikole, "Paano mo nalaman?", nagisip pa ito, "Don't tell me meron niyan sa..?"

Tumango ako. Alam ko ang tinutukoy niya. Ang mundong pinanggalingan ko.

Hindi lamang baril ang linabas ng Head Master, naglabas ito ng maliliit na materyales. Tinitigan ko ito, may bato, kahoy, bakal, papel, at isang kulay berdeng tela. Wait, is that Kevlar?

Ang Kevlar ay parang tela na materyales na ginagamit para gumawa ng bulletproof vest. Speaking of bulletproof...

"Is that cloth? Do you know that Diana?", bulong ni Nikole sa'kin.

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito. Iniisip ko kung anong maaaring ipagawa ng Head Teacher kay Ethan. Hindi kaya mamimili si Ethan ng isa sa mga materyales na yan at gagawing ganyan ang katawan niya? Sa pagkakaalam ko iyon ang abilidad niya.

Humarap ang Head Teacher kay Ethan at inilatag ang mga materyales sa lamesang harap nito. Hindi nito naririnig ang mga nasa utak ko ngayon dahil malayo layo sila at na kay Ethan ang atensyon nito.

Itinaas ng Head Teacher ang hawak na baril, "You'll choose one this materials, you'll absorb the material you choose upang maging katulad ng material na iyon ang katawan mo. And then, I will shoot you using this thing in my hand and the material you chose will be your protection. Therefore you have to choose wisely.", paliwanag ng Head Teacher.

Ano? Babarilin niya ito? Maaaring mamatay si Ethan. Bala 'yon.

"Syempre ang pipiliin niya ang bato o ang bakal. Pwede rin naman yung kahoy pero alangan ang piliin niya yung papel o yung telang green diba? Ang dali naman ng pinapagawa ng Head Teacher.", saad ni Eros.

"I'm curious kung ano laman nung hawak ni Sir.", saad naman ni Victoria.

Bala ang laman non. Hindi maaaring ang kahoy, bakal, o bato ang piliin nito dahil magkakaroon pa rin ng damage. Hindi nila alam ang Kevlar!

Akmang hahawakan na ni Ethan ang bakal kaya't napasigaw ako.

"Huwag ang bakal Ethan!"

Napalingon sa gawi ko si Ethan at ang Head Teacher. Napansin ko ring lumingon sa'kin ang mga katabi ko.

"Ms. Diana, we have to let Ethan decide what he'll gonna choose.", saad ng Head Teacher.

Nagipon ako ng lakas ng loob bago magsalita, "Maaari siyang masaktan o mamatay kung ang piliin niya ay ang bakal."

Kumunot naman ang noo ng lahat.

"Sigurado ka Diana? Ang bakal at bato ang pinakamatigas at matibay dyan.", rinig kong saad ni Victoria.

"Yes, matibay ang bakal pero magkakaroon pa rin ito ng damage. Masasaktan si Ethan.", sagot ko.

"Kung gayon ano ang dapat niyang piliin Diana?", rinig kong tanong ng Head Teacher.

Huminga ako nang malalim bago magsalita, "Ang kulay berde po.", sagot ko.

Nagulat ang ibang geminus, "Binabalak mo bang patayin si Ethan, Diana? Tela lang 'yan at baka tumagos pa dyan ang laman ng hawak ng Head Teacher.", angal ni Eros.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Tumingin ako kay Ethan na may nag-aalalang mukha. Nakatitig din ito sa'kin at tila malalim ang iniisip. Humarap naman ang Head Teacher kay Ethan.

"It's your choice Ethan. Think wisely.", saad nito.

Saglit na nag-isip si Ethan. Kabado ako hindi dahil hindi ako sigurado sa sinabi ko. Sigurado ako na ang Kevlar ang dapat niyang gamitin. Kabado ako dahil baka iba ang piliin ni Ethan.

Nakahinga ako nang maluwag nang hawakan nito ang Kevlar. Narinig kong napasigaw ang mga katabi ko pero ngumiti lang ito sa kanila. Tumingin sa'kin si Ethan at tumango. Tumango ako pabalik.

Hinigop ni Ethan ang Kevlar at ang katawan nito ay naging Kevlar din. Namangha ako sa ginawa nito, parang yung kay Kevin sa Ben 10.

Itinutok ng Head Teacher ang baril kay Ethan. Ramdam kong kabado rin si Ethan pero tila nagtitiwala ito sa'kin. Tinakpan ko ang mga tainga ko bago iputok ng Head Teacher ang baril. Nakita ko naman na parang natigil at sinalo lang ng katawan ni Ethan ang bala.

Nagawa pa itong tanggalin ni Ethan na walang kahirap hirap. Nakahinga nang maluwag ang mga katabi ko nang makitang hindi man lang nasaktan si Ethan.

Ngumiti ang Head Teacher, "That's a very good decision Ethan."

Tumango si Ethan, "I'm glad I listen to Diana."

Hinarap naman ako ng Head Teacher, "How did you know about this Diana?", tanong nito.

"Iyang berdeng tela po kasi talaga ginagamit panangga sa weapon po na hawak niyo.", sagot ko.

Nagtaka pa ito pero tumango nalamang, "Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman ang tungkol dyan pero tama ka Diana.", saad nito at ngumiti.

"It's not about the durability, nor the hardness of a material. It's about the proper way to use the material. Kung para saan ba ang materyales na ginamit.", paliwanag nito kaya't napatango kaming lahat.

"You may now sit Ethan. Ms. Victoria, you're next."

Pumunta sa harapan si Victoria. Hindi naman naghanda ang Head Teacher ng kung anong gamit kaya nagtaka si Victoria.

"Ano pong gagawin ko?", tanong nito.

"Make a promise that you will not leave the place you are standing right now.", utos ng Head Teacher.

Kumunot naman ang noo nito, "For what Sir?"

"Just do it.", sagot nito.

Bumuntong hininga si Victoria, "I promise I will not leave the place I'm standing right now."

Tumango ang Head Teacher at humarap sa'min, "You heard her right?", tanong nito sa'min kaya tumango kami.

Humarap muli ito kay Victoria, "Now use your ability to be invisible."

Sinunod iyon ni Victoria. Bigla na lamang itong naglaho. Nandyan pa rin ba siya?

"Exactly what you're thinking Ms. Diana.",biglang saad ng Head Teacher kaya nabigla ako. Binasa na naman nito ang isipan ko.

"Nandyan pa ba siya? Tinupad niya ba ang pangako niya?", dugtong nito. Seryoso kaming nakikinig sa mga sinasabi nito.

"Sa tingin mo Ethan, Is she still there?", tanong nito kay Eros.

Tumango naman ka agad si Eros. Tinanong din nito si Nikole at Eros at parehong oo ang sinagot nito. Humarap naman ito sa'kin.

"How about you Diana? Nandyan pa rin kaya si Victoria?"

Nagaalinlangan akong tumango. Gumaya nalang ako sa iba dahil parepareho naman ang sagot nila.

"Are you sure?", tanong nito.

Napabuntong hininga ako. Paniguradong nabasa nito ang isip ko. "Hindi ko po sigurado.", saad ko.

Tumango ito. Humarap ito sa pwesto kanina ni Victoria.

"Show yourself Victoria.", utos nito.

Unti unting nagpakita si Victoria. Kagaya nang kanina ay nandito pa rin ito sa pwesto niya. Kahit daliri siguro ng paa ay hindi gumalaw.

"Now may I ask you, Ethan, Eros, and Nikole, why did you guys say yes?", tanong ng Head Teacher.

"She's our friend.", sagot ni Ethan.

"Why did you believe your friend?", tanong muli nito.

"We trust her.", sagot ni Nikole.

Ngumiti ang Head Teacher. Humarap naman ito sa'kin kaya kinabahan ako.

"Why did you hesitate Diana?", tanong nito.

Lumunok ako bago sumagot, "I still don't know much about her Sir. Even her ability.", sagot ko.

"How can you say so?", tanong pa nito.

Alam ko kung saan patungo ang mga tinatanong niya sa'kin, "Hindi pa po kami matagal magkakilala."

"Then what is you conclusion about that?"

"It takes time to earn a person's trust.", sagot ko.

"Exactly. You may go back to your sit Victoria. Eros, next."

Bumalik sa kinauupuan namin si Victoria. Nakanguso itong nakatingin sa'kin.

"Hindi mo pala ako pinagkakatiwalaan a."

Ngumiti ako, "Sa ability mo yon. Hindi ko pa naman lubusan alam ang ability mo kaya sinabi ko hindi ko alam.", paliwanag ko.

"Sabagay.", saad nito at umupo na.

Nang tumingin ako sa harapan ay may nakita akong isang bagay. Projector ba 'yon?

"What's that?", tanong ni VIctoria.

Tinitigan ko iyon nang mabuti. Projector nga. Siya niya nakukuha ang mga ganyang bagay na tanging sa Earth lang me'ron?

Nakita ko naman si Eros na iba ang suot. Ang alam ko ay pagpapalit ng anyo ang abilidad na ito kaya sa tingin ko ay elastic suite ang suot nito.

"Using this thing I will show you different kinds of creatures. As I show you one creature you have to change yourself into something that creature is afraid of. Do you understand?", paliwanag ng Head Teacher at tumango naman si Eros.

Pinakita ng projector ang isang pusa, naganyong aso naman kaagad si Eros. Namangha pa ko dahil ang suot nito ay hindi man lang napunit.

"Bakit parang ang dali ng kay Eros?", reklamo ni Nikole.

Sunod namang pinakita ang isang ahas. Naganyong fox naman si Eros.

"Now the last one.", saad ng Head Teacher.

Pinakita ng projector ang isang malaking hayop. Isang ELEPANTE?

"What's that?", seryosong tanong ni Ethan.

"Ngayon lang ako nakakita niyan.", dugtong naman ni Victoria.

"Haba ng ilong niya ha.", biro ni Nikole.

Biglang bumalik sa pagiging tao si Eros. Takang tumitig ito sa larawan.

Wala rin bang elepante rito sa mundong 'to? Sa pagkakaalam ko ay takot ang elepante sa daga. May daga ba rito?

Napansin kong nagibang anyo si Eros, naging werewolf ito na malaki pero akis ang lumabas sa projector. Kung ano anong anyo na ang ginawa ni Eros pero mali pa rin.

Bumulong ako kay Nikole, "Nikole may daga ba rito sa mundong to?"

Kunot noo itong tumingin sa'kin, "Oo, bakit? Kadiri yung mga 'yon e."

Napatango ako. Kung gayon kailangan maging daga ni Eros.

"Takot ang nilalang na iyan sa daga.", sagot ko.

Napatingin sa akin ang tatlo. Nagtataka ang mga mukha nito.

"Ang laki masyado ng nilalang na iyan para matakot sa daga, Diana.", saad ni Victoria.

"Subukan niyo lang.", tipid kong sagot.

Nagisip naman ang mga ito. Maya maya narinig kong sumigaw si Ethan.

"Shapelift into a mice!"

Kunot noong tumingin sa gawi namin si Eros at ang Head Teacher. Napatingin sa'kin si Eros at tinanguan ko ito.

Naganyong daga si Eros. Lumabas ang isang malaking tsek sa projector.

Nagulat din ang mga kasama ko. Lumingon ang mga ito sa'kin.

"Paano mo nalaman iyon Diana?", tanong ni Victoria.

"From my world.", pansin ko lang na napapadalas ang paggamit ko ng wikang Ingles.

"From your world? What do you mean by that?", rinig kong tanong ni Ethan.

"Wala lang 'yon Ethan.", sagot naman ni Nikole dito. Kahit hindi kumbinso at hindi na nagtanong pa si Ethan.

"What's your conclusion about that?", tanong ng Head Teacher kaya napalingon kami dito.

"Anyone can have their own fear. Even the unexpected one.", sagot ko.

"Exactly Diana. No need to elaborate that. Next Nikole."

Bumalik sa upuan si Eros at nakauniporme ulit ito. Nagkasalubong sila ni Nikole at nairinig ko pa ang pagsabi nito ng "Eww naging daga.". Umiling nalang si Eros at bumalik sa upuan.

Naglabas ang Head Teacher ng mga larawan. Tinitigan ko iyon at nagulat ako sa mga nakita ko. Saan nila nakuha ang mga larawan na 'to?

Larawan ito ng iba't ibang senaryo at mula ito sa mundong pinagmulan ko. Pinakita ng Head Teacher ang larawan ng isang namumulubing bansa. Naghihirap ang mga mamamayan nito.

"Hawakan mo ang larawan na ito at alamin ang nakaraan at maaaring sanhi ng nasa larawan na ito.", utos nito.

Hinawakan ito ni Nikole at pumikit. Ilang sandali lang ay dumilat ito at nagsalita.

"May nakikita akong mga taong nagnanakaw. Karamihan sa kanila ay may mataas na posisyon sa lipunan.", saad ni Nikole.

Alam ko kung ano ang nakita niya. Korapsyon ng gobyerno sa bansang pinamumunuan nila. Nagdudulot ito ng paghihirap ng mga mamamayan at paglubog sa utang ng isang bansa.

Nagpakita naman ng ibang larawan ang Head Teacher. Pinapakita nito na ang pagaagawan ng mga bansa sa kung ano anong mga bagay. Ari-arian, lupain, isa pang bansa at kung ano ano pa.

"Now tell us the future of this picture."

Ginawa ulit ni Nikole ang ginawa niya kanina. Pagkamulat ng mata nito ay bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Maraming tao, magulo, maraming duguan at sugatan, at maraming mga patay.", malungkot na saad ni Nikole. Dahil ito sa digmaan.

Tumango ang Head Teacher. Itinabi nito ang mga larawang dala at humarap sa'min.

"Bakit sa tingin niyo'y nangyayari ang mga ganoong bagay?", tanong nito.

"Everything happens with a reason.", rinig kong sagot ni Victoria.

"Correct. What happened in the past, will affect what will happen in the future.", saad ng Head Teacher.

Bumalik na rin sa upuan si Nikole. Malungkot pa rin ang mukha nito.

"Bakit maraming namatay yung nakita mo Nikole?", tanong ni Victoria.

"Hindi ko rin alam. Basta ang nakita ko puno ng mga bangkay.",sagot nito.

"Bunga iyon ng naganap na digmaan. Sanhi ng paglaban laban ng iba't ibang mga bansa.", sambit ko kaya napalingon ang dalawa sa'kin.

"Paano mo nalaman?", tanong ni Nikole.

"Dahil... ang mga nakita mo, ay tunay na naganap sa mundong pinagmulan ko."

Lumaki ang mga mata nila. Balak sana nilang magsalita ngunit narinig ko na tinawag ako na ako ng Head Teacher. Pumunta ako sa harapan at puwesto roon.

"Ngayon naman-----"

Biglang bumukas ang pintuan at inuluwa non si Caiele. Nagulat ako dahil biglaan ang pagbukas nito at mas nagulat ako nang makita si Caiele na pawis na pawis at hinihingal.

"You're late Caiele----"

"Kailangan nating niyong pumunta sa paraiso ng caelum.", mabilis na saad nito.

Napatayo ang ibang geminus. Nagiba rin ang ekpresyon ng Head Teacher.

"Bakit Caiele? Anong me'ron?", tanong ni Eros.

"The Light Enchantress.."

Light Enchantress? Hindi ko alam ang tungkol doon.

"The Light Enchantress... have finally show up."

*****

Continue Reading

You'll Also Like

7K 2.1K 51
"With Great Power Comes Great Responsibility" - spiderman A Extraordinary Girl that born with a powerful magic and her destiny has begin. She have de...
36.9K 2.6K 40
Ang sabi nila kapag namatay ka may dalawang lugar ka lang na mapupuntahan, ang langit at impyerno. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa pagmulat ng aki...
65.6K 2.4K 34
I'm Zenisovich Volstridge , a demon slayer who can tame your mind and soul. Be with me at my journey. ATTENTION: THIS STORY IS BEEN ALTERED OR CORR...
86.9K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...