NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

19.2K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Build?

505 16 1
By MaidenDione

Chapter 10

Diana's POV

"Caiele..."

Lumapit ito sa'kin. Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko at ganon rin ako sa mga mata niya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito dahil nakapokus ang atensyon ko sa mga mata niya.

"You have a beautiful voice."

Hindi ako nakasagot. Masyado akong nabighani sa mga mata niya, tila inaakit ako ng mga ito.

Bumalik ako sa wisyo nang maramdaman ko ang hinlalaki nito sa pisngi ko, umiiyak pala ko!

Mabilis kong inalis ang kamay nito. Pinunasan ko ang mukha at nagiwas ng tingin kay Caiele. Mukha siguro akong tanga sa harap nito. Baka pinagtatawanan na niya ako sa loob looban niya.

Nabigla ito sa ginawa ko pero kalauna'y bumalik ang dating ekspresyon nito. Tumitig ito sa'kin bago magsalita.

"You're early."

Pilit akong ngumiti, "M-may gagawin daw kasi si Friella, kaya dumiretso na ako dito.", saad ko.

Hindi pa rin nagbabago ang ekpresyon nito. Bakit pakiramdam ko may ginawa ako na hindi nito nagustuhan?

"How about your guy?",tanong nito

My guy? Sino ang tinutukoy niya?

"Wala naman akong lalaki.", tanging sagot ko.

"The one with a while ago.", seryosong sabi nito.

Napaisip naman ako, si Markell ba ang tinutukoy nito?.

"Si Markell ba? May gagawin rin kasi siya.", sagot.

Dumilim ang ekpresyon nito, "You didn't even deny that he's your man."

Ano? "Anong ibig mong sabihin?", tanong ko.

"Nothing. Let's start.", saad nito.

Kahit nagtataka ako sa mga sinasabi niya, isinawalang bahala ko nalang iyon. Nagayos na rin ako ng sarili para sa pagsasanay. Bigla akong kinabahan nang maalala ko na si Caiele ang kokontrolin ko.

"Paano kita kokontrolin?", tanong ko kay Caiele.

Saglit itong nagisip. Bigla naman itong ngumisi. May pinaplano ba 'to?

"May binabalak ka ba?", tanong ko.

"Turn around.", hindi nito sinagot ang tanong ko. Nagaalinlangan akong tumalikod.

Natigilan ako nang may maramdaman akong kamay mula sa aking likuran. May kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang naramdaman ko ang bisig nito. He leaned his chin on the right side of my shoulders.

"W-what are you d-doing?", ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

"Hugging you.", sagot nito.

"Bakit mo ko yinayakap?", nagtataka rin ako sa nararamdaman ko!

Naramdaman kong ngumisi ito. "Try to remove my hands around you."

Ano? Yayakap yakap siya tapos papatanggalin niya?

"Ano?"

"Use your ability, manipulate me."

Naiintindihan ko ang mga sinasabi niya. Pero bakit parang umaangal ang katawan ko na tanggalin ang yakap niya sa'kin?

Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkokontrol sa kanya. Ilang ulit ko sinubukang manipulahin na tanggalin ang pagkakayakap niya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay may pumipigil sa'kin sa kaloob looban ko.

Ilang beses ko muling sinubukan. Napaghihinaan na ako ng loob at gusto ko na sumuko.

"I-i can't."

Hindi pa rin nito tinatanggal ay yakap nito sa'kin. Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Do you feel anything other than the feel of controlling me?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman?

Hindi ako nagsalita. Ayokong isipin na may ibang ibig sabihin ang nararamdaman ko. Hindi pwede, lalo na pag si Caiele.

Tinanggal ni Caiele ang pagkakayakap niya sa'kin. Humarap ako sa kanya at nakita itong madilim ang ekpresyon.

"Forget what ever that feeling is. Focus on manipulating me. Now, command me to leave this place."

Naitigilan ako sa sinabi nito. Naramdaman ko ring may kumirot sa bandang dibdib ko. Bakit nasasaktan ako sa mga sinabi nito?

"A-anong ibig mo s-sabihin? K-kakasimula lang natin tapos---"

"I'm just teaching you how to control a human, after that we're done for todays class."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit nagaalinlangan ay napilitan ang tumango.

"Now, command me to leave."

Ang sabi niya ay ako ang maguutos sa kanya. Pero bakit parang ako ang inuutusan niya? Gusto na ba niyang umalis at dinaan niya lang sa ganito? Sawa na ba siyang turuan ako? Pangalawang araw palang naman 'diba? O baka may usapan sila ni Charlene ngayon?

Malapit na akong umiiyak pero hindi ko pinahalata iyon. Alam ko rin na nasasaktan ako pero di ko malaman ang dahilan. Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi utusan siya.

"I-i c-command you, to l-leave..."

Ginawa ko ang lahat para sumunod siya sa sinabi ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkontrol sa kanya. Ilang sandali lang ay tumalikod ito. Dirediretso ito palabas ng auditorium. Hindi man lang ito lumingon sa gawi ko, kahit sulyap lang.

Nang makalabas si Caiele ay naibuhos ko ang iniipon kong luha. Napaluhod din ako dahil sa paninikip ng dibidib ko. Alam kong mababaw lang ang dahilan at parte to ng pagtuturo niya sa'kin. Pero parte ba ng pagtuturo niya na kailangan kong masaktan nang ganito?

Ang sakit, ang sakit makita siyang palayo sa'kin, at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

*****

Kasama ko muli Friella at papunta na kami sa cafeteria para maglunch. Buti nalang at maaga aga natapos ang klase namin kay Sir Mikael, makakahanap pa kami ng lamesa sa cafeteria.

Namataan ko naman si Markell malapit sa'min kaya nilapitan namin ito.

"Markell sabay ka ulit sa'min?", tanong ko.

Nagisip muna ito bago sumagot, "Pasensya na Diana pero baka di na ulit ako sumabay sa inyo."

Kumunot naman ang noo ko, "Bakit naman?"

"Hindi ba sa geminus na kayo sasabay maglunch? Kayong dalawa lang naman talaga ang balak nila isabay."

Naalala ko ang sinabi ng geminus na simula kahapon ay sa kanila na kami sasabay maglunch. Naalala ko na naman si Caiele, hindi pa kita nagkikita simula kahapon at mukhang hindi maganda desisyon na sumabay kami sa kanila.

Ngumiti ako, "Huwag kang mag-alala. Hindi kami sasabay sa geminus maglunch ngayon. Maaga pa naman."

Nakataas ang kilay na tumingin sa'kin si Friella, "Hindi ba sabi ng mga geminus kahit maaga tayo sa kanila tayo sasabay?"

Hinarap ko ito, "Kahit na Friella. Hindi naman tayo geminus para sumabay sa kanila.", saad ko at hinatak ang dalawa papuntang cafeteria.

Nakarating kami sa cafeteria at kahit paano ay may mga bakanteng lamesa pa. Namataan ko namang kumakaway si Nikole pero nginitian ko lang ito at bahagyang tumango. Dumiretso kami sa pinakamalapit na bakanteng lamesa at umupo kami doon.

Si Markell ang nagorder ng pagkain kaya naiwan kami ni Friella sa lamesa. Napansin ko naman itong tila may iniisip.

"Ayos ka lang Friella?", tanong ko.

Tinitigan muna ako nito bago magsalita, "Kasi Diana yung mga geminus parang hindi nagustuhan na di tayo sumabay sa kanila. Lalo na si Caiele."

Nilingon ko ang gawi ng mga geminus. Nakita ko ang mga ito na seryoso at tahimik. Nakita ko naman si Caiele na matalim na nakatingin sa'kin kaya nagiwas ako ng tingin.

"Hayaan mo na. Maiintindihan naman nila kung bakit.", saad ko kay Friella.

Dumating na si Markell dala ang mga pagkain namin. Tinapos lang namin ang lunch at dumiretso na sila Friella at Markell sa klase nila. Hindi ako pumunta sa auditorium at dumiretso nalang ako sa dorm, pakiramdam ko naman ay hindi pupunta si Caiele don. Naturuan na naman niya ko ay kaya ko nang gamitin ang abilidad ko.

*****

Dalawang linggo na ako rito sa diatriba. Karulad lang din nung una ang buhay ko dito. Bihira ko na rin makita si Caiele dahil hindi na naman ako pumupunta sa auditorium at tingin ko ay ganun din siya.

Tapos na ang lunch at nagpasyahan ko munang maglibot libot. Nakapunta ako sa hardin at nakita si Rhaine. Nagkakausap na rin kami ni Rhaine pero hindi naman niya ako sinasaktan tulad ng ginagawa niya kay Charlene kaya hinayaan ko nalang ito. Nagtataka rin ako kay Charlene dahil hindi ko na muli itong nakita noong malaman niyang si Caiele ang nagturo sa'kin.

Nahagip ako ng mata ni Rhaine kaya ngumiti ito sa'kin. Lumapit ito sa akin habang kumakaway.

"Hello Diana!", saad nito ng makalapit sa'kin.

Ngumiti na lamang ako dito. Hindi pa rin ako komportable na kausap si Rhaine dahil sa mga naririnig ko tungkol sa kanya.

"Wala ka bang klase?", tanong nito.

"Maaga pa.", totoo na maaga pa para sa sunod na klase, pero hindi naman ako pumupunta sa auditorium.

"Sabagay. Any ways I have a question."

Kumunot ang noo ko, "Ano yon?"

"Have you seen Charlene? I haven't seen her for days.", iritadong sabi nito.

Si Charlene? Bakit ba ang laki ng galit niya sa Charlene?

"Rhaine."

Seryoso itong tumingin sa akin. Nagtatanong kung bakit ko tinawag ang pangalan niya. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Sa tingin ko dapat mo nang tigilan si Charlene."

Tumaas ang kilay nito, tila hindi nagustuhan ang mga sinabi ko. "Why would I do that?"

Kahit kabado ay nagawa ko itong sagutin. "Wala naman siyang ginagawang masama----"

"How can you say that she has done nothing wrong to me?", galit na saad nito.

Umuurong ang dila ko. Paano pag sakin mabunton ang galit nito? "Kung about yan sa geminus, hindi niya kasalanan----"

"You know nothing Diana! You don't know anything, so do not barge into other people's business!", galit na sigaw nito.

Nakaramdam ako ng takot. Masyado ko atang inabuso ang pagiging mabait nito sa'kin noong mga nakaraang araw at nakalimutan na may pagkamaldita ito. Matalim pa rin itong nakatitig sa'kin nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang lingunin yon. Nakita ko si Markell patungo sa kinaroroonan namin. Pagkalapit nito ay tumingin ito kay Rhaine.

"Huwag mong ituon ang galit mo kay Diana dahil wala si Charlene dito. Umiwas na siya sa mga geminus kaya sana iwasan mo nalang din siya Rhaine.", seryosong saad ni Markell.

Inirapan lang ito ni Rhaine at umalis. Nakahinga ako nang maluwag bago harapin si Markell.

"Maraming salmat.", ngiting sabi ko kay Markell.

Nginitian ako nito pabalik, "Wala 'yon Diana. Iwasan mo nalang din yun si Rhaine. Alam mo naman ugali non."

Tumango na lamang ako. Alam ko na ang pakiramdam na malditahan ni Rhaine kaya alam ko na kailangan ko na talaga siyang iwasan.

Hinatid ako ni Markell sa dorm. Alam na nila ni Friella na wala na akong klase after lunch pero hindi ko sinabi ang dahilan. Hindi rin kasi alam ni Markell ang tungkol sa abilidad ko pero di rin naman siya nagtatanong tungkol doon.

Nagbasa na lamang ako ng mga libro. Halos mabasa ko na ang lahat ng libro dito ni Friella dahil hindi naman siya mahilig magbasa. Pagkatapos ay nagluto ako ng hapunan para pagdating ni Friella ay kakain na lang kami.

Kumuha ako ng tubig at dinala iyon sa lamesa, inilapag ko iyon pagkatapos inumin. Balak ko sana magbasa ulit ng libro pero napatitig ako sa tubig sa baso. Napaisip ako kung paano kaya kung isa ang magus? Ano kaya ang magiging build ko. Itinaas ko ang aking kamay at itinapat ko iyon sa baso na parang tanga. Alam ko namang hindi ko makokontrol ang tubig non.

Nilaro laro ko ang kamay ko. Nagkukunyari akong isang magus na nagkokontrol ng tubig. Pero bigla akong natigilan nang lumutang ang tubig at natapon.

Laking mata akong tumingin sa tubig. Kalat at basa na ang lamesa. Luminga linga pa ko dahil baka may ibang tao sa dorm. Wala naman akong maramdamang presensya kaya sigurado ako na ako lang ang tao rito.

Nilapitan ko ang baso. Muli kong itaas ang kamay ko upang maniguro. Lumutang ang tubig kaya sigurado akong ako ang may gawa non. Hindi kaya kasama ito sa abilidad ko? Ang alam ko ang mga magus ay nakakapagkontrol at nakakagawa ng build nila. Sinubukan kong gumawa ng tubig.

Ilang beses kong sinubukan iyon pero walang nangyari, kakalimutan ko nalang sana nang biglang may tumalsik na tubig galing sa kamay ko.

Nabigla ako. Anong ibig sabihin nito? Isa akong virtus pero may build ako. Ibig sabihin ba non ay isa akong geminus?

Sinubukan ko ulit. Sa pagkakataong ito ay nakapagpalabas ako ng tubig at nakontrol ko na ito. Pinapalutang ko ang tubig nang biglang sumakit ang ulo ako.

Napaluhod ako at humawak sa upuan. Kumikirot ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Anong nangyayari?

Basang basa rin ako dahil natapon ang tubig na mula sa kamay ko. Sa sobrang kasakitan ng ulo ko ay nilamon na ako ng dilim.

Nakita ko ang isang babaeng nanganganak sa loob ng isang marangyang silid. Katabi nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay asawa nito, may katabi rin itong isang batang lalaki.

"Umiri ka pa mahal na reyna. Malapit na lalabas na siya."

Mahal na reyna? Masyado na bang malawak ang imahinasyon ko at sa panaginip ko ay may reyna?

"Aaaahh!", sigaw ng babaeng nanganganak.

Kabado ang asawa ng babae. Puno ng pagmamahal itong nakatingin sa babae at hindi kayang makita ang asawa na nasasaktan.

Maya maya pa ay tumigil sa pagsigaw ang babae at narinig ko ang palahaw ng isang sanggol.

Tinignan ito ng mag-asawa na puno ng pagmamahal.Ngumiti ang magasawa at humarap sa batang lalaki.

"Look Liam. She's you're baby sister.", nakangiting saad ng babae.

Tinignan ito ng batang lalaki at muling humarap sa magasawa, "What's her name Mom?", nakangiting saad nito.

Nagkatinginan ang magasawa, tila naguusap ito gamit ang kanilang mata. Bigla naman nagsalita ang babaeng nagpaanak sa babae.

"Ano po ang ibibigay niyong pangalan sa kanya mahal na reyna?"

Ngumiti nang malungkot ang babae, "Hindi muna sa ngayon. Kailangan pangalagaan ang nagiisang anak ng royal family."

Royal family? Ibig sabihin ang sanggol ang prinsesang walang pangalan?

Nagtaka ang babaeng nagpaanak, "Kung gayon hindi niyo po siya bibigyan ng pangalan?"

Nagsalita ang lalaking asawa, "Pagdating ng takdang panahon, ibibigay namin ang pangalang pinakanababagay sa kaniya."

Sumingit ang batang lalaki, "How should we call her then, dad?"

Ngumiti ang babae, nakaramdam ako ng kaginhawaan kapag nakikita silang ngumiti. Sino ba sila at napakalapit ng loob ko?

"Tatawagin natin siyang diwata. Ang ating pinakamamahal na diwata.", saad nito at yinakap ang sanggol.

Lalapit sana ako para makita ang sanggol. Hindi ko rin alam ang dahilan bakit hindi nila ako nakikita gayong nasa harapan lamang nila ako. Unti unti akong lumalapit nang---

Diana! Gising! Dia---

Nagising dahil sa biglang pagsigaw. Hinarap ko ang aking paningin at nakita si Friella na nagaalala. Nakahinga naman ito nang maluwag nang makita akong gising na.

"Kinabahan ako sa'yo Diana! Pagpasok ko nakita nalang kitang basang basa at walang malay! Ano bang nangyari sayo? Nadulas ka ba? Ang daming tapong tubig tapos----"

"Ayos lang ako Friella.", sambit ko.

"Anong ayos lang? Wala kang malay dyan sa sahig tapos ayos lang? Nadulas ka ba tapos nauntog? Anong nangyari?"

Bago pa man ako makasagot ay may narinig kaming katok mula sa pinto. Pinuntahan ito ni Friella kaya't tumayo na ako. Pagbukas ng pinto ay nasa likod nito ang isang lalaki.

"Ito po ba ang kwarto ni Ms. Diana?"

Itinaas ko ang kamay ko. "Ako po iyon. Bakit niyo po ako hinahanap?"

"Pinapatawag po kayo ng Head Teacher.", sagot nito.

Kumunot naman ang noo ko, "Para saan daw po?"

"May mahalaga daw po siyang sasabihin sa inyo. Ngunit maaari po muna kayong magayos. Maghihintay na lamang po ako dito.", saad nito habang binaba ang tingin sa suot ko.

Basa nga pala ang suot ko. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Ang naalala ko ay gumawa at nagkontrol ako ng tubig kaya basa ako ngayon at may mga natapong tubig kanina. Nagtataka ako kung bakit may build ako pero isa akong virtus, pati na rin ang panaginip ko kanina na tungkol sa royal family. Kahit nagtataka ay nagmadali akong magayos at lumabas.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Friella at ang lalaki. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Friella kaya't nginitian ko nalang ito at sinabing ayos lang ako. Lumabas na rin ang lalaki kaya sinundan ko iyon.

Hinatid ako nito patungo sa opisina ng Head Teacher. Naabutan ko itong nakaharap na para bang inaantay ang pagdating ko.

Tumango ang Head Teacher sa lalaking kasama ko kaya lumabas na iyon ng opisina. Nilingon nito ang gawi ko at tinignan ako.

"Have a seat Ms. Diana.", saad nito at tinuro ang sofa.

Umupo at doon at sumunod din ito at umupo sa harapan ko.

"Ano po ang sasabihin niyo?", tanong ko.

"I learned about you ability."

Natigilan ako. Paano nito nalaman kung si Caiele, Sir Makker at Friella lang ang nakakaalam tungkol dito?

"Huwag mo nang isipin kung paano ko nalaman. I just want to inform you about something.", dugtong nito. Nakalimutan kong abilidad pala nito ang makabasa ng isip ng tao.

"Ano po iyon?", tanong ko.

"Your ability is not an ability of a normal virtus.", nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya.

"Yours is a powerful one.", dugtong nito.

Napalunok ako. Tila may sasabihin ito na hindi ko kailan man aasahan.

"We'll keep your ability hidden. No one must know how powerful your ability is.", tumango ako.

"That's why you needed to be protected."

Kumunot ang noo ko, "Paano po yun? Mas lalo po magtataka ang mga tao kung may magbabantay sa'kin?"

"That's why not just normal people will watch over you."

Mas lalo akong nagtaka, "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Lilipat ka ng dorm."

Ano? Bakit ako lilipat? Paano si Friella.

"Maayos na po ako sa dorm ko. Mabait naman po ang roommate ko.", angal ko.

"I know Diana, but we must ensure yung safety. No one knows what will happen. Worst, baka malaman ng mga fuscus ang tungkol sa abilidad mo.", sagot nito.

Napabuntong hininga ako. Saan naman ako lilipat? Maiiwan ko si Friella. Kinakabahan rin ako sa bagong roommate ko.

"Saan po ako lilipat."

Tumitig muna ito sa'kin bago magsalita.

"You'll move to the geminus...."

*****

So ayon napagpasyahan ko na tuwing 8:00 pm ako magaupdate. Araw araw pa rin naman.

Continue Reading

You'll Also Like

463K 11.2K 50
Prologue: Healer is considered to be the weakest offensive magic user in the Enchantasia- the World of Magic. However, there's someone who strongly d...
10.8K 549 57
Elizabeth is the only survivor of the Garcia Family. She was left in the care of her Godfather who happened to be the headmaster of one mysterious Ac...
3.8K 117 46
Namumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Mi...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...