NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

19.2K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Not A Typical Day

574 16 2
By MaidenDione

Chapter 5

Diana's POV

Nandito ako sa main hall kasama si Friella. Maraming tao na ang nandito at medyo magulo.

"Bakit kaya tayo pinatawag?"

"May nangyari ba?"

Napatingin ako kay Friella. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Maya maya may lalaking pumunta sa harapan. Ang head teacher.

"Greetings, magus at virtus. We are gathered here for an important announcement. The land of chydaeus was attacked by a fuscus early this morning. It gives a warning about their future invasion and the chydaeus are first target. We send off soldiers to protect the land but we, including you magus and virtus must prepared for the upcoming war.", saad ng head teacher.

Nagsalita ang isang babae, "But head teacher, the nameless princess is still missing. Only a member of the royal family can eliminate the fuscus."

Nameless princess? Missing? Anong nangyari bakit nawawala ito?

"Friella, anong nangyari sa prinsesa? Bakit wala itong pangalan?", tanong ko kay Friella.

"Ang sabi ipapakilala daw ang prinsesa 8 years ago. Kaarawan nun ng prinsesa at may kasiyahan non kaya lang sumugod ang mga fuscus. Napatay ang lahat ng royal family at hindi rin ito napakilala. Walang nahanap na bangkay na maaaring maging prinsesa. Kaya umaasa kami na buhay pa ito.", paliwanag niya.

"Bakit sabi ang prinsesa lang ang makakapatay sa fuscus? Hindi ba ninyo matatalo? May mga kakaibang kakayahan naman kayo diba?", tanong ko.

Bumuntong hininga si Friella, "Hindi sapat ang ability at build namin Diana. Nasa propesiya na tanging royal family lang makakatugis sa mga ito."

"Bukod ba sa prinsesa ay wala nang makakapatay ng mga fuscus?"

"Nung una ay mayroon. Si Prince Liam ang inaasahan ng lahat na tatapos sa mga fuscus lalo na at taglay nito ang pinakamalakas na build. Sadly, natagpuan itong patay sa gubat. Kaya ang prinsesang walang pangalan ang inaasahan namin, at baka napasa rin dito ang build ng prinsipe."

"Napapasa ang build?", takang tanong ko.

"Napapasa ang build ng isang magus kung malapit na itong mamatay. It's either virtus o normal na tao ang maaaring pasahan nito. Tulad ko, normal lang ako pero ang tatay ko ay isang magus, pinasa niya ang build niya sa akin bago siya mamatay.", Huh? Normal lang din siya dati?

"Magus lang ba ang may kakayahang magpasa?"

Umiling ito, "Kaya rin ipasa ng isang virtus ang kanyang ability. Meron ding inborn na sa build o ability dahil kapwa magulang ay magus o virtus, tulad na lamang ng royal family."

Ibig sabihin ay baka may nagpasa sa akin ng abilidad? Pero imposible dahil sino namang patay na ang magpapasa sa akin? O baka ang mga magulang ko ay mga virtus? Pero hindi rin kasi di ko pa nga sigurado kung may abilidad ba ako o wala.

Magtatanong pa sana ako kay Friella nang magsalita ang head teacher.

"Kaya't kailangan nating magtyagang hanapin ang prinsesa. Kaya ang mga geminus ay nagsasanay para sa kanilang misyon, ang misyong hanapin ang prinsesa. Kayong mga magus at virtus ay magsasanay para sa nalalapit na digmaan. Hanggang dito na lamang at maaari na kayong bumalik sa inyong mga silid.", saad ng head teacher at umalis na.

Nagsibalikan na rin ang mga tao sa kanya kanyang silid. Nang makabalik na kami ay nagtanong ako kay Friella.

"Kung ang mga virtus ay may ability, ang magus ay may build. Ano yung geminus Friella?"

Umupo si Friella bago sagutin ang tanong ko. "Ang mga geminus ay kakaiba Diana. Mayroon itong kapwa ability at build."

"Hindi ba masyadong malakas na iyon? Kung maraming geminus ay tiyak matatalo na ang mga fuscus.", masyado na malakas ang may build o ability, pano pa kaya pag dalawa meron ka hindi ba?

"Iyon din ang problema Diana. Kakaunti lang ang mga geminus. Bihira magkaroon ng mga geminus dahil kahit sa royal family ay bihira ito.", sagot nito.

"Ilan ba ang geminus? 50? 30?", tanong ko.

Umiling lang si Friella. "Bilang lang sa kamay Diana. Lima lang sila."

Lima? Ang unti nga nila. Paano matatalo ang mga fuscus kung ganun sila kaunti?

"Paanong bihira na may geminus?", tanong ko ulit.

"Iisa lang inborn na geminus. Ang iba pang geminus ay nakuha ang ability o build sa pagpapasa. Pero mahirap ito kumpara sa pagpapasa sa isang normal na tao dahil kung ipapasa ang isang ability o build sa isang magus at virtus, hinuhukuman nito kung karapatdapat ba na humawak ng dalawang kakayahan ang taong iyon."

Kung ganon ang paghuhukom ng ability at build ang nagpapahirap para magkaron ng mga geminus. Pero sino yung inborn na geminus?

"Sino yung inborn geminus?"

"Ang anak na viceroy. Si Caie--", nagring ulit ang doorbell. Tumayo sa Friella at binuksan ang pinto. Sa likod ng pinto ay isang lalaki, may hawak itong envelope at nilingon ako nito at nagsalita.

"This is your class schedule. Tommorow is your first day so be prepared.", saad nito at binigay ang envelope kay Friella tsaka umalis. Isinara ni Friella ang pinto at muling umupo sa tabi ko.

Kinuha ko ang envelope at binuksan. Nakasulat dito ang iba't ibang subjects, oras at kung saan akong pangkat.

8:00 am - 9:00 am                   English                             Virgus 101

9:30 am - 11:30 am                Combat Training          Virgus 102

12:00 pm - 1:00 pm               Lunch

1:30 pm - 3:30 pm                 Ability Control                Virtus 103

English lang ata ang normal na subject dito pa sakin. Pero alam ko naman kung para saan yung iba. Kinakabahan lang ako sa combat training kasi wala naman akong alam sa pakikipaglaban.

"Parehas lang pala tayo ng schedule. Parehas din tayo sa combat training, 102 rin ako. Sabay tayo maglunch after class ha?", sabi ni Friella.

Tumango na lang ako. Nagsabi na rin si Friella na magluluto siya para sa hapunan namin. Sinabihan na rin niya ko nang matapos siya. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin.

Nagayos na lang ako at pumasok sa kwarto. Humiga na ko sa higaan para matulog nang maaga dahil unang araw ng klase ko na sa diatriba. Iniisip ko pa rin kung totoo ba talaga ito. Sa gitna ng pagiisip ko ay di ko namalayan na nilamon na pala ako ng antok at nakatulog.

*****

Gumising na ako at nilingon ang orasan. 5 am palang kaya masyado pa akong maaga para sa first class ko. Nasanay na rin akong maaga gumising dahil lagi akong naglilinis bago pumasok.

Nagpalit ako ng damit at nagsipilyo at naghilamos. Tulog pa si Friella kaya nagluto nalang ako ng agahan para paggising niya ay kakain nalang. Marunong naman ako magluto kahit si Tita Icy ang kadalasang nagluluto sa bahay noon. Pagkatapos ay inihanda ko na sa lamesa at nagtimpla ng kape.

Lumabas si Friella na halatang bagong gising lang. Hindi pa nga ata ito nagsisipilyo at naghihilamos.

"Marunong ka pala magluto Diana?", saad nito na nagiinat pa.

Ngumiti na lamang ako, umupo na rin siya at nagsimulang kumain. Nagkwento pa si Friella ng mga bagay tungkol sa dito sa diatriba. Pagkatpos namin kumain ay nagprisinta si Friella na maghugas ng pinggan. Maaga pa kaya nagbasa muna ako ng mga libro tungkol sa mundo ng Arbelya.

Ang Arbelya ay tahimik na mundo ng mga geminus, magus, virtus, at mga normal na tao. Hiwalay ang mga normal sa may mga kakaibang kakayahan kaya nabuo ang bayan ng chydaeus at dicio kung saan ang mga normal ay nasa chydaeus at ang mga may kakaibang kakayahan ay sa bayan ng dicio.

Matiwasay ang pamumuhay ng mga taga dicio at chydaeus ngunit may isang normal na tao ang tila hindi nasisiyahan sa nangyaring paghihiwalay, si Samael. Inisip nito na diskriminasyon ang ihiwalay ang mga taga chydaeus, na para bang mas mataas ang antas ng mga taga dicio dahil may mga ability at build. Sa mga taga dicio lang din tinuturo ang wikang Ingles kaya't mas lalong nagalit si Samael.

Pinaliwanag ng hari na para ito sa kaligtasan ng mga taga chydaeus dahil normal lamang ang mga ito ngunit hindi nakumbinsi si Samael. Bumuo ng grupo si Samael upang magrebelde sa royal family. Akala ng hari ay hindi ito magiging malaking pinsala sa Arbelya, pero kakampi pala ng itim na engkantada. Tumulong ito na gumawa ng itim na salamangka kaya't humaba rin ang buhay nito kumpara sa buhay ng mga taga Arbelya. Bumuo ito ng isang bayan ng fuscus, kung saan ang itim na mahika nabubuhay.

Isang araw ay kinausap ng itim na engkantada si Samael. Isinaad nito nalalapit na ang araw ng katapusan ng mga fuscus. Nagalit si Samael dahil ang matagal niyang pinaghirapan ay mawawala lang parang bula ngunit may idinugtong ang engkantada. Kailangan mamatay lahat ng miyembro ng royal family dahil ang miyembro nito ang tatapos sa buong fuscus.

Kaya't lumusob ang mga fuscus sa kaharian at pinatay ang hari at reyna. Napatay din ang prinsipeng inaasahan na tatapos sa mga fuscus, pero lingid sa kaalaman ni Samael ay ipapakilala sa araw na iyon ang nagiisang anak na babae ng hari't reyna. Hindi nakita ang maaaring bangkay nito kaya ang lahat ay umaasa na babalik ito at ililigtas ang buong Arbelya.

Ganun pala ang nangyari sa Arbelya. Nagsimula ang lahat kay Samael. Sa totoo lang ay naiintindihan ko ito, nakaramdam ito ng diskriminasyon at kahit ang mga tao sa mundong pinanggalingan ko ay ganto magisip. Ang mali lamang ay gumawa ito ng kasamaan sa halip na kausapin ang royal family at bigyan ng maayos na solusyon.

Nagbasa pa ko saglit at dumiretso na sa pagaayos. Hindi ako pwede mahuli sa klase dahil unang araw ko ito. Naligo lang ako at nagbihis ng uniporme. Nakakagulat nga at saktong sakto ito sa katawan ko kahit hindi ako sinukatan pero naalala ko na may mahika pala ang aparador ko. Itinali ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.

Nang matapos ako magayos ay lumabas na ko at nadatnan si Friella na nakaayos na rin. Bagay sa kanya ang kulay pula na uniporme at lalong napakita ang kagandahan nito. Bagsak ang asul nitong buhok na hanggang dibdib. Nilingon ako nito at bumilog ang kulay asul nitong mata.

"Halaaa! Ang ganda ganda mo Diana. Ang sexy mong tignan sa uniform niyo. Tas ang ganda mo rin pala pag nakatali. Ano make up mo?", manghang tanong nito.

Make up? Uso rin dito ang make up."Di ako nagme-make up."

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Hala oo nga. Natural na natural beauty mo dai."

Ngumiti ako nang pilit. Hindi ako sanay na tinatawag akong maganda, hindi naman kasi ganto dati ang itsura ko. "Ikaw rin naman, ang ganda mo nga sa uniform niyo e."

"Pero iba kamandag mo dai. Ang ganda ng kulay ginger mong buhok at hazel brown mong mga mata. Tara na nga at baka malate pa tayo."

Lumabas na kami ng silid at dumiretso sa klase namin. Magkahiwalay kami ni Friella ng English Class pero hinatid niya muna ako para di ako maligaw.

"O, sunduin kita rito mamaya a. Antayin mo ko wag ka muna aalis. Mauuna na ko at baka malate ako.", saad nito at umalis na.

Pumasok ako sa silid. Nagulat ako dahil bente lang kami, nasanay kasi ako na nasa 60 plus ang kaklase ko.

Tinignan lang ako saglit ng mga kaklase ko at nagpatuloy sa kanya kanya nilang ginagawa. Maya maya pumasok ang isang babaeng nakasalamin. Maliit ito at kulay kayumanggi ang buhok.

"Good morning class. Are you done with the assignment I gave you?", saad nito nang biglang tinuro ako ng isa sa mga kaklase ko.

"Ma'am may bago po tayong studyante, pwede po wag muna tayo magenglish ngayon?", saad nito. Bakit? Kadalasan sa mga english subject ay may English Only Policy, dahil lang may new student okay na magtagalog?

Tumango ang guro. "Sige, magtatagalog muna tayo ngayon dahil may bagong salta sa klase ko.", nilingon ako nito, "Iha maaari ka bang tumayo?", saad nito.

Tumayo ako, may ilang nag sabi sakin ng kaya mo yan, pero di ko pinansin. Ano bang gagawin?

"Ilang araw rito sa diatriba?", tanong ng guro.

"Kahapon lang po.", sagot ko.

"Siguro naman ay alam mo na kailangan magpakilala ang mga bagong studyante gamit ang wikang Ingles.", saad nito.

Tumango na lamang ako. Inaasahan ko na may introduce yourself kapag new student ka.

"Hindi mo kailangan kabahan. Alam naming bago ka at inaasahan naming di ka pa kagalingan.", saad pa nito.

Bakit? Alam kong minsa'y kinakabahan ako sa pagpapakilala dahil di ako nakikipagusap sa maraming tao. Ano rin yung sinasabi niyang di ako kagalingan? Iniisip niya bang di ako marunong magenglish?

"Maaari ka nang magsimula.", saad nito at tumango.

"Ahm... Good morning to each and everyone, especially to you ma'am. My name is Diana. 18 years old. Nice to meet you all.", tuloy tuloy kong sabi.

Nagulat ang lahat. Kahit ang guro ay nalaglag ang panga. Tila hindi inaasahan ang pagpapakilala ko.

"T-that's g-great. You may now seat.", utal utal na saad nito.

Umupo na ako. Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya nilingon ko ito.

"Nagsanay ka buong araw no?", tanong nito.

Kumunot ang noo ko, "Nagsanay saan?"

"Yung pagpapakilala mo? Parang marunong ka na sa wikang Ingles e.", saad nito.

"Marunong talaga ako ng wikang Ingles.", sagot ko.

"Ha? Kelan pa?"

"Nung sampu--"

"Ms. Diana at Ms. Biean, nakikinig ba kayo?", sita ng guro.

"Opo/O-opo", sabay naming sagot.

"Kung gayon ano ang preposition at saan gamit ito?", tanong nito upang masiguro na nakikinig kami.

Bakit ganto ang tinatanong nito. Kahit hindi nakikinig ang studyante ay masasagot nito ang tanong.

"Ms. Biean?"

Kinabahan si Biean, hindi niya ba alam ang sagot?

"H-hindi ko po a-alam ma'am.", hindi nga niya alam. Hindi ba talaga tinuturo sa kanila ang English?

"Ms. Diana? Tatanggapin ko kung hindi mo alam dahil bago ka at---"

"A function word that typically combines with a noun phrase to form a phrase which usually expresses a modification or predication.", sagot ko.

Lumaki ang mata ng guro. Bakas din sa mukha ng mga kaklase ang gulat. Nakita ko rin si Biaen na napalitan ng gulat na mukha ang kaninang kinakabahan.

"T-that's correct.", saad ng guro.

Nagpatuloy sa pagtuturo ang guro. Part of speech ang itinuturo nito kaya nagtataka talaga ako. Pero naalala ko ang librong binasa ko. Hindi kaya puro taga chydaeus itong mga kaklase ko?

Natapos ang klase at naabutan ko sa labas si Friella, nagpunta na kami sa sunod naming klase kahit may tatlong pung minuto pa kami bago ito.

Nasa isang silid kami na walang upuan. Malawak ito at ang lahat ng gamit ay nasa gilid. Umupo kami sa gilid ni Friella at nag antay,

"Talaga bang hindi marunong sa wikang Ingles ang mga bagong studyante?", tanong ko kay Friella.

"Oo, kahit ako nung bago ako di ako marunong. Kaya nga nagulat ako sayo na marunong ka e.", sagot nito.

"Nagpakilala kasi ako kanina gamit ang wikang Ingles.", saad ko.

"Laging may ganun pag bago. Di ko na sinabi sayo kasi alam ko namang marunong ka. Nagulat classmates at teacher mo no?"

Tumango na lamang ako. Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni Friella nang dumami na ang tao sa silid. Nasa bente rin kami katulad ng nauna kong klase. Maya maya pumasok ang isang lalaki. Matangkad ito at nakasalamin. Naramdaman ko ang pagtahimik ng mga kaklase ko. Terror ba tong teacher na to. Nilingon ako nito at nagsalita.

"May bagong bruha pala sa klase ko. What's your name bruha?", tanong nito.

"Diana po."

Kumunot ang noo nito, dahil ba sinagot ko ang english niyang tanong?

"I see you already know English. I use English as my language for teaching and if you don't understand it and learn nothing, then so be it.", saad nito. Pansin kong medyo pangbakla ang galaw nito.

Tumango na lamang ako.

"Any ways my name is Mikael Giraya your teacher in Combat Training. You can call me Sir Mikael.", dugtong pa nito.

Nagsimula na itong magturo. Dahil nga bago ako ay nagsimula ulit siya sa defending skills. Hindi ako magaling sa ganto pero natututo ako. Magaling magturo si Sir Mikael kaya nakakahabol ako sa mga tinuturo niya.

Natapos ang klase namin kay Sir Mikael at nandito na kami sa cafeteria. Magulo ang cafeteria ngayon. Napansin ko namang may isang lamesa dun na halos walang dumikit.

"Friella bakit parang iniiwasan ng mga tao yung lamesa na yun?", tanong ko at tinuro ang lamesa.

Tinignan iyon ni Friella at tumingin sa kin. "Off limits kasi yon. Pagmamay ari yon ng mga geminus."

Kumunot ang noo ko. Bat parang may special treatment ang mga geminus?

"May special treatment sila?", tanong ko.

"Parang ganun. Mataas kasi ang tingin sa kanila. Tsaka isa sa kanila ang anak ng viceroy. Ang nangunguna ngayon dahil wala pa ang prinsesa.", sagot nito.

Kaya naman pala. Kaya minsan ayoko ng mga may nakakataas na posisyon. Like pareparehas lang naman tayo. Pero tingin ko di yon maaapply dito, nasa ibang mundo ako e.

Naramdaman kong tumahimik ang buong cafeteria. Parang tumigil ang mga tao sa kanya kanyang ginagawa, nakatingin ito sa pinto ng cafeteria. Tinignan ko ito at pumasok galing dun ang limang tao.

Tatlong lalaki at dalawang babae. Nakasuot ito ng kulay asul na uniporme na may mahabang coat. Iba iba ang kulay ng buhok at mata ng mga ito. Napatingin ako dalawang pamilyar na lalaki. Parang nakita ko na ang mga ito nalimutan ko lang kung saan.

Naglakad ang mga ito, sinusundan ito ng tingin ng mga tao. Nagulat ako nang tumigil sila sa harap ng lamesa namin ni Friella.

*****

Chapter 6! Hope you like it.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 217 41
Si Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya...
6.3K 370 26
Paano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?
177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
91K 4.8K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...