NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

19.1K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chydaeus

615 19 3
By MaidenDione

Chapter 3

Diana's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Masakit pa ang ulo ko at sumakit din ang buong katawan ko. Hindi ko nalalaman ang nangyari sa kin. Ang alam ko lang ay nasa likod ako ng mansion nila Angel, may tumatawag sa pangalan ko at may liwanag.

Nang bumalik na ko sa wisyo, tumayo at luminga linga sa paligid. Para akong nasa gubat dahil sa dami ng puno. Maraming puno sa likod ng mansion nila Angel, pero nasisigurado kong ibang lugar ito, hindi ito sa mansion nila Angel.

Tinignan ko ang langit, maliwanag ang bilog na buwan kasama ang mga bituin. Nagsimula akong maglakad. Madilim ang kagubatan kaya nakaramdam ako ng takot na baka may mga ligaw na hayop dito. Hindi ko nalalaman kung saan ako patungo, ang nasa isipan ko lamang ay makaalis sa gubat na ito.

Maya maya'y nakaramdam ako ng isang presensya. Luminga ako at umikot para matukoy kung saan ito nagmula. Hindi ko na sana ito papansinin nang may namataan akong sa isang malayong parte ng gubat.

Nilapitan ko ito, mayroong dalawang kulay pula na lumiliwanag sa isang parte ng gubat. Nang mas lumapit ako sa kinaroroonan nito, muntik na akong mapasigaw ng makita kung ano ito.

Lumabas ang isang higanteng pusa. Makapal ang kulay abo nitong balahibo. malalaki ang mga tainga nito matalim na nakatingin sa akin ang kulay pula nitong mga mata.

Napaatras ako sa takot. Ngayon lamang ako nakita ng ganitong kalaking pusa. Higit na malaki ito sa akin at kayang kaya ako nitong gawing hapunan. Anong gagawin ko!?

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi na rin ako makahinga nang maayos. Paatras nang paatras ang ginagawa ng mga paa ko nang naramdaman ko ang isang puno sa aking likuran. Patay, wala na kong aatrasan.

Matalim pa ring nakatingin saakin ang higanteng pusa. Akmang sasakmalin na ko nito kaya't wala akong nagawa kundi ang pumikit at sumigaw.

"Huwag!"

Alam kong katapusan ko na ito. Nagantay ako ng pagsakmal ng higanteng pusa pero wala akong naramdaman. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ito. Matalim pa rin ang tingin nito sa akin pero hindi ito gumagalaw. Anong nangyari?

"Umalis ka dito. Lumayo ka sa akin!", sigaw ko kahit alam kong hindi ko ito mapapasunod.

Laking gulat ko nang tumalikod ito. Naglakad ito paalis pero ramdam kong ayaw nito ang ginagawa. Bago ito tumalikod at matalim pa rin ang tingin sa akin. Handang handa nitong kainin ako.

Nakahinga ako nang maluwag nang di ko na maramdaman ang presensya nito. Umupo muna ako at sumandal sa isang puno. Nakaramdam ako ng matinding pagod. Napagpasyahan kong matulog nalang muna kahit alam kong maaaring may panganib pa sa paligid. Bahala na.

Nagising ako sa silaw ng liwanag na nanggagaling sa araw. Nandito pa rin ako sa gubat at himalang buhay pa ko. Hindi na ko umaasang mabubuhay pa ko dahil sa higanteng pusang nakita ko kagabi.

Nagsimula muli akong maglakad. Luminga linga ako sa paligid. Pansin kong puro puno ang gubat na ito, walang mga halaman kundi puno lang. Wala rin mga higanteng hayop akong nakikita tulad nung kagabi.

Sa aking paglalakad, namataan ko ang isang grupo ng mga kalalakihan. May mga dala itong mga putol na puno na sa tingin ko'y galing sa pagtotroso. Sinundan ko na lamang ang mga ito dahil wala naman akong alam na mapupuntahan.

Halos isang oras ko na rin silang sinusundan. Nangangalay na ang aking mga binti pero hinayaan ko lang. Kailangan kong makalabas ko gubat na ito.

Maya maya'y nakita ko na ang dulo ng gubat. Mayroon doon isang malaking gate na gawa sa kahoy. Nakabukas lamang iyon kaya pumasok lang ang mga lalaking sinusundan ko. Sumunod na rin ako para pumasok.

Kakaiba ang nasa loob nito. maraming bahay na gawa sa kahoy at dayami. Halos magkasinlaki lang ang mga bahay at dikit dikit din ang mga ito.

Tuloy tuloy akong naglakad nang makapunta ako sa isang lugar kung saan maraming tao. Maraming mga nagtitinda ng mga kagamitan at mga pagkain kaya't sa hula ko ito'y isang palengke. May mga babaeng nakasuot ng mga paldang abot sahig ang haba, may mga balabal at nakasabit ito sa kanilang mga ulo. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng payak na pangitaas na mahahaba manggas at mahahaba at maluluwag na pantalon.

Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga tao. Alam ko rin na sinusuri nila ang kasuotan ko. Hoodie ang aking pantaas at jogging pants ang aking panbaba, na ibang ibang sa kasuotan ng mga tao sa lugar na ito.

Naglakad na lamang ako at hinayaan ang mga pinupukaw nilang tingin sa akin. Naramdaman kong tumunog ang aking sikmura. Wala pa pala akong almusal.

Tumingin ako sa mga tindahan. May natanaw akong isang tindahan na maraming tindang tinapay, mabuti na lamang at may lamang pera itong hoodie ko na to, sinuot ko kasi to bago umalis sa kwarto ni Angel at naramdaman kong may perang papel sa bulsa nito. 100 lang to pero siguro naman sapat na to para sa isang tinapay.

Pagkalapit ko ay agad kong tinuro ang isang tinapay.

"Isa po nitong tinapay.", saad ko tsaka inabot ang isang daan.

Kumunot ang noo ng tindera at tinignan ang perang inabot ko. Medyo gusot kasi at halatang nabasa ito, siguro'y naiwan ko ito sa hoodie ko at nilabhan.

"Aaa.. pasensya na ate kung masyadong gusot na. Ito nalang po kasi natitira kong pera.", pagpapaumanhin ko.

Mas lalong kumunot ang noo ng tindera. "Hindi binabayad ang papel iha. Wala ka bang kahit pilak na dala?".

Nagtaka ako sa sinabi nito, "Pera po ito, tsaka ano pong pilak?".

"Isang pilak ang katumbas ng tinapay na iyan. Di ko rin alam ang pera na sinasabi mo.", sagot nito. "Pero ibibigay ko na itong tinapay na ito. Halatang gutom ka na. Hindi dapat ginugutom ang mga magagandang binibining tulad mo.", pagtapos ay inabot sakin nito ang tinapay at tumuon na sa ibang namimili.

Tinanggap ko na lamang ang tinapay dahil sobra na kong nagugutom. Nakakapagtaka at di niya tinanggap ang pera. Ang isang pilak para sa tinapay? Silver? Nagtaka rin ako sa sinasabi niyang magandang binibini, hindi maaring ako ang tinutukoy niya.

Umalis na ko roon at nagsimulang kumain ng tinapay. Buti nalang at di nagpabayad ang tindera at may magagamit pa ko kung sakaling magutom ako.

Naglalakad ako nang makita kong gumilid ang mga tao. Nagulat ako pero nagawa ko namang makisabay sa kanila. Rinig ko ang bulungan ng mga tao lalo na ng mga kababaihan.

"Dadaan na ang mga magus at virtus!"

"Makikita ulit natin ang anak ng viceroy na si Caiele!"

"Nasasabik na ko makita muli ang mga geminus!"

"Sana talaga isa nalang akong virtus o magus, para isa ako sa mga taong nasa paradang iyan."

"Sana di na dumating ang prinsesang walang pangalan, para taon taon may parada sila dito sa chydaeus."

"Shh! Wag ka magsalita ng ganyan! Baka may makarinig sa iyo."

Anong mga salita sinasabi nila? Magus? Virtus? Geminus? At sino yung pinaguusapan nilang Caeile? Sikat ba iyon dito? Influencer ba yon?

At mas pinagtataka ko ay may prinsesa dito. Prinsesang walang pangalan? Meron bang ganon? Nasa Pilipinas naman ako dahil Tagalog ang wikang gamit nila at demokrasya ang Pilipinas at hindi monarkiya. Imposibleng may prinsesa dito.

Pinanood ko na lamang ang parada. Sa simula nito ay mga taong nagpapatugtog ng di ko makilalang instrumento. Kasunod nito ay mga dalaga't binata na nakasuot ng uniporme. Ang mga babae'y nakasuot ng blusa na kulay dilaw na may mahabang manggas at kwelyong itim. Maikli ang itim na palda nito ngunit may fitted itong itim na pantalon at boots na hanggang baba ng tuhod. Ang mga lalaki naman ay may polong may mahabang manggas, itim ang kwelyo, at itim na pantalon at boots na panlalaki.

Sumunod naman ang isa pang grupo ng mga taong nakauniporme. Katulad lang din ito ng mga nauna ngunit kulay pula at itim ang kulay ng uniporme at may pulang coat.

Nagulat na lamang ako at nagsitilian ang mga nanonood.

"Ayan na silaaa!"

"Ang mga geminus!"

"Si Caiele!"

Nakita kong paparating ang isang grupo ng mga tao. Maliit ang bilang nito kumpara sa mga nauna dahil limang tao lang ang meron dito. Kaparehas lang din ang suot nito subalit kulay asul at itim ito at mas mahaba ang coat nito.

Hindi ko nakita ang mukha ng mga ito dahil lumilinga linga ang mga ito na para bang may hinahanap. Napansin ko rin ito sa mga naunang grupo. Pero hindi ko na lamang pinansin at umalis na.

Sa aking paglalakad hindi ko mapigilan mamangha sa lugar na ito. Payapa ang mga tao at hindi magulo. Hindi tulad sa amin na laging nagkakagulo dahil sa hanap-buhay, edukasyon, pera, at kung ano ano pa.

Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sa lugar na ito. Na para bang ang tagal kong nanirahan dito at malapit ako sa mga taong nandito.

Namamangha pa rin akong nakabangga nang di ko mamalayan ay nakabangga na pala ako.

Nahulog ang mga dalang damit ng babae. Lumuhod ako at tumulong sa pagkuha niya nito. Nang nakuha nna niya ang mga damit ay tumayo na kami kaya't agad ako humingi ng tawad.

"Sorry po, di po kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko.", saad ko at bahagyang yumuko.

Nagtaka ang babae, sinuri nito ang kasuotan ko. Nakaramdam ako ulit ng hiya sa suot ko. Kapareha kasi ng suot ng babae yung suot ng lahat ng babae dito.

Matandang maganda ang babae. Sa tingin ko ay ina ito na nagtatrabaho para sa anak. Siguro'y ibebenta nito ang mga damit na dala dala.

"Anong sorry ang sinasabi mo iha? Hindi ko iyon maintindihan.", takang tanong nito.

Huh? Hindi ba sila marunong umintindi ng English. Naalala ko ang sarili ko noong kakakuha pa lang nila Tita Icy sa kin. Namiss ko tuloy sila tita, musta na kaya sila?

"Ah.. patawad po at nabangga ko po kayo. Hindi po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.", saad ko.

"Ay naku iha ayos lang. Tinulungan mo naman ako.", saad nito. Sinuri nito ulit ang mukha ko na para bang may naalala. Kinabahan tuloy akong bigla.

Lumiwanag ang mukha ng babae, "Kahawig mo yung batang inaalagan ko ilang taon taon na ang nakalipas. May pupuntahan ka ba iha? Sumama ka muna sa akin.", nakangiting saad nito.

Nagtaka naman ako, kamukha ko? Pero di ko rin alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa babaeng kaharap ko. Parang matagal ko na siyang kilala.

"Ah.. sige po wala rin po kasi ang mapupuntahan.", sagot ko. Tingin ko nama'y mabait na tao ito.

Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Tumulong na rin ako sa mga dala niyang damit. Nakarating kami sa isang bahay. May maliit na tindahan sa harapan nito at maraming damit sa loob.

"O siya iha suutin mo itong damit na ito at kakaiba ang iyong suot. Baka naiinitan ka na rin.", saad ng babae pagpasok namin sa loob ng bahay at nagabot sa akin ng damit.

"Sige po, salamat po...", di ko matuloy ang sasabihin ko dahil di ko alam ang itatawag sa kanya.

"Tita Fransica nalang iha. Ikaw anong ngalan mo?", nakangiting saad nito.

"Diana po Tita Fransica.", sagot ko.

Nagpalit na ko ng damit. Ngayon ko lang naramdaman ang init sapagkat masyado akong namangha sa lugar na ito. Pagkapalit ko'y lumabas ako at hinanap si Tita Fransica. Nang mapansin kong wala ito sa bahay pumunta ako sa tindahan. Naabutan ko si Tita Fransica na nanahi ng mga damit.

Pinapasok ako ni Tita Fransica at tinignan ang kabuuan ng tindahan. Maraming magagandang damit at hindi ito katulad ng mga damit ng mga tao rito. Makukulay ang mga damit nito at halatang pang mayaman. Pinanood kong magtahi si Tita Fransica. Magaling itong manahi kahit walang makina. May gamit itong panahi pero di ko matukoy kung ano iyon. Naisip ko tuloy kung sino ang anak nito. Yung kahawig ko ba?

"Tita Fransica, may anak po kayo? Di ko pa po siya nakikita kahit sa loob ng bahay.", tanong ko.

Ngumiti lamang siyam "Wala sa bayan na ito ang anak ko. Nasa diatriba siya sa bayan ng Dicio.", sagot nito.

"Diatriba po? Saan po yun? Saan po yung Dicio?", takang tanong ko.

Kumunot ang noo ni Tita Fransica, ngunit sinagot pa rin nito ang tanong ko. "Ang Dicio ang bayan ng mga taong may kakaibang kakayahan. Kadalasang mga nakatira doon ay mga mayaman at lahat ng naroon kung may abilidad o kaya mahika. Ang diatriba ay paaralan kung saan nagaaral kung paano gamitin ang kanilang kakayahan."

Nagtaka ako. Abilidad? Mahika? Ano itong lugar na ito? Hindi ba nababasa lang iyon sa mga pantasyang libro? Bakit meron ditong ganun?

"May mga mahika po rito? Baka nagbibiro lang po Tita?", pumilit akong tumawa.

"Totoong may mahika Diana. Lahat ng tao rito'y alam iyan."

Nalaglag ang panga ko. Walang halong biro na mababakas sa mukha nito. Pero bakit nandito si Tita Fransica pero nandoon ang anak niya?

"Kung ganoon po bakit kayo po nandito? Bakit di niyo po kasama ang anak niyo?", tanong ko.

"Lumabas ang mahika ng anak ko noong maglabing anim na taon siya. Sa kanya pinasa ng kanyang ama ang mahika nito noong mamatay na siya.", malungkot na saad nito.

Nakakalungkot pala ang buhay ni Tita Fransica. Masakit mawalay sa anak, at masakit din mawalay sa ina. Kahit wala akong magulang ay alam ko ang pakiramdam non. Kasi kahit ako, naghahangad ng sariling magulang.

"Yung anak niyo po yung sinasabi niyong kahawig ko? Kaya niyo po ba ako pinatuloy dahil naaalala niyo ako sa kanya?", tanong ko.

Umiling ito. "Ang batang iyon ang inalagaan ko ng sampung taon. Matalik na magkaibigan sila ng anak ko. Kaya lang bigla na lamang siya nawala. Umiyak nang ilang taon ang anak ko dahil nawalan siya ng matalik na kaibigan."

Nawala? Paano nawala. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa. Ang swerte naman ng batang iyon dahil simula bata ay may kaibigan ito at iniiyakan siya. Naalala ko tuloy si Angel. Namimiss ko na siya, baka nagaalala na yon sa akin.

Nagpatuloy sa pagtatahi si Tita Fransica. Nang may tumigil sa harap ng tindahan na kalesa, may kalesa rin pala dito. Bumaba doon ang dalawang lalaking nakakulay asul, isa ata ito sa mga pumarada kanina.

Tatayo sana si Tita Fransica para puntahan ang mga dalawang binatilyo, pero naprisinta akong ako na lamang. Para naman may maitulong ako kahit papaano.

Nang makaharap ko ang dalawa ay nagulat ito. Para bang di inaasahan na isang dalaga ang haharap sa kanila.

"May bagong tindera si Manang Fransica?", tanong ng isang lalaking blonde ang buhok at kulay asul na mga mata. Matangkad ito at maputi ang kutis.

"She's damn pretty man.", saad nung lalaking kulay brown ang buhok. Katamtaman ang kulay ng balat nito at mas matangkad ito sa kasamang lalaki. Bumagay sa kanila ang mga kakaibang kulay ng buhok at mata. Sa lugar ko kasi minsan nagmumukha silang adik. Pero teka, ako maganda? Bulag ba sila?

"Stop man, she can hear you. She's infront of us.", saway nung nakablonde na lalaki. Tama naman ito, nasa harapan nila ang pinaguusapan nila.

"Nah, it's okay. She can't understand us.", sagot nung lalaki at tumingin sa akin. Ano? di ko siya naiintindihan? Kung dati di ko alam ang wikang Ingles ay iba na ngayon. Naalala ko tuloy si Thylane.

"Hindi po ako maganda.", saad ko, para malaman din nila na naiintindihan ko sila. Nagulat ang mga ito.

"Wait, ano sabi mo?", tanong ng isa.

"Sabi ko po hindi ako maganda."

"Paanong naintindihan mo ang sinabi ko?"

"Bakit naman pong hindi ko maiintindihan?"

"Kasi tagadito ka."

"So? Is there any problem?", ayon, nag-english na ko.

Mas lalong nagulat ang dalawang lalaki. Tila hindi inaasahan  ang mga narinig. Hinayaan ko na lamang sila at tinanong kung ano ang kanilang bibilhin. Kahit nagtataka sinabi nila ang bibilhin at binigay ko ang mga iyon sa kanila, inabot nila ang bayad at tinitigan muna ako tsaka umalis.

Nagtaka rin naman ako pero di ko pinahalata. Bakit naman di ko maiintindihan ang wikang Ingles? Marunong ako nito at fluent ako magsalita pero di ko masyadong ginagamit. Pilipino ako kaya kung maaari'y Tagalog lang ang gagamitin ko.

Pero nagulat din ako sa sinabi nung isa. Ako maganda? Marami akong tigyawat at maiitim ako. Hindi na kailangan tumingin sa salamin ay alam ko nang pangit ako.

Pinuntahan ko si Tita Fransica at tinanong ito. Malay ko ba kung ano ang tipo ng mga tao rito para sa salitang maganda.

"Tita Fransica, pano po masasabi ng mga tao rito na maganda ang isang babae?", tanong ko.

Napatingin ito sa akin, "Iba iba ang panlasa ng tao iha. Pero ikaw kahit anong panlasa ng tao ay talagang sasabihan kang maganda. Kahawig mo talaga yung batang inalagaan ko dati."

Nagtaka ako. Masyado namang mababa ang standards ng mga tao dito. Lumapit ako sa malapit na salamin at napasigaw ako sa nakita ko. Napansin kong lumingon sa gawi ko si Tita Fransica. Gulat pa rin akong nakatingin sa salamin. Anong nangyari sa mukha ko? Sino itong nakikita ko sa salamin? SINO!?

*****

Continue Reading

You'll Also Like

80.1K 4.2K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
193K 6.2K 33
Genre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016...
5.2K 194 34
He's living in a dark world but it's not a hindrance to have a normal life. He's an assassin, merciless and kill anyone in a snap of his fingers. He...
1.1K 129 49
Sa lugar Ng Fairy Land ay may mga ibat ibang uri Ng nilalang .. Hindi mga pangkaraniwan Ang lakas at may mga kapangyarihang taglay Ngunit ,Hindi laha...