Breaking the Rules (Mondragon...

Oleh DarlingVee

1.6M 42.6K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... Lebih Banyak

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Sixty One

18.7K 742 69
Oleh DarlingVee

Chapter Sixty One

Eliz

HINDI KO mapigilan na mapa-lingon ulit sa kanya, nagdadalawang-isip kung papapasukin ko ba siya sa loob ng apartment unit namin o dito na lang kami sa may labas mag-uusap at papaunahin na lang muna sa loob si Iris para hindi ito ma-istorbo doon sa mahimbing pa rin nitong pagkakatulog sa bisig ni Eros kung sakali mang magsimula itong magtaas ng boses o hindi kaya'y magalit sa akin.

Magmula rin nang magkita kami sa may taxi bay kanina at mapuna nito iyong munting paslit na kasa-kasama ko, hindi na nito inalis ang atensyon nito sa mukha ni Iris at ito na rin ang nag-presenta na kumarga dito mula sa pagsakay namin sa taxi hanggang sa makarating na nga kami dito sa may apartment complex.

Sandali ko ring sinilip iyong kabilang unit, naghahanap ng senyales kung may tao na ba doon para doon na rin muna sana maiwan si Iris kung sakaling magising ito at maghanap ng pamilyar na mukha o kung naka-balik na ba si Beatrice mula sa madalas na pagkawala nito. Pero sa dismaya ko, nanatili pa ring walang ilaw at tila walang tao sa loob ng unit nito.

"What are you waiting for?" Kunot-noong tanong ni Eros dahilan para mapatitig ulit ako sa mukha nito. "Hindi ka pa ba papasok? Malamok dito sa labas, Monique. Hindi mo naman siguro gustong pagpiyestahan ng insekto itong... itong maliit na ito." Dagdag pa niya, hindi masiguro kung ano ba ang dapat niyang itawag sa batang hawak.

Alam kong matalinong tao si Eros at hindi na nito kailangang maghula pa kung kanino ang batang dala-dala nito lalo pa't hawig na hawig ito sa akin.

Bahagya rin akong nagulat nang marinig itong mag-Tagalog at iyong pagkawala ng mala-foreigner na punto nito sa pagsasalita.

"Ang galing mo nang magsalita ng Tagalog." Bigla kong nasabi ang nasa isip ko bago ko pa iyon mapigilan.

"Thank you. Now. The door." Pagdidiin niya sa huling salita na naging dahilan para mapilitan ito na sundin na lang.

Bigla akong na-concious sa itsura ng loob ng apartment. Dahil na rin sa pagma-madali namin kanina na maka-alis, hindi ko na naayos pa iyong kalat na naiwan namin sa bahay. Kaya kitang-kita nito iyong mga nagkalat na damit, gamit at ilang laruan ni Iris sa sahig.

"Pasensya ka na sa kalat." Sabi ko habang inaalis iyong ilang gamit na naroon sa sofa at marahang pinagpag iyon. "Maupo ka muna. Akin na si Iris. Ilalagay ko muna sa kwarto."

"No. Ako na. Nasaan iyong kwarto n'yo?"

"Hindi na! Nakakahiya naman sa'yo." Pagpupumilit ko pa saka pilit binawi si Iris mula sa bisig nito pero mabilis din niyang iniwas sa akin iyong bata.

"Ako na." Pagdiin muli niya sa mga sinabi at sa tono na tila ba hindi ito magpapatalo sa akin kung sakaling sumubok na naman ako na pigilan ito sa gustong gawin. "Where's your room?"

Napabuntong-hininga na lang ako saka tinuro iyong nag-iisang pinto sa may gilid at pinanood ito na pumasok doon at naghintay na lumabas ito sa loob.

Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko at biglang pagbalot ng hiya sa katawan nang maalala ko kung ano iyong mga nasa loob ng kwarto namin ni Iris.

"Eros! Sandali lang—"

Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nang makitang naka-harap ito sa may pinto, nakatitig sa direksyon ko, ang isang daliri ay nasa tapat ng bibig nito, senyales na hindi ko kailangan gumawa ng kahit anong ingay at pinanood ito sa marahang paghe-hele nito kay Iris na tila naalimpungatan yata.

Parang tinutunaw ang puso ko habang pinapanood si Eros sa ginagawa nito, ang isang braso naka-yakap na maliit na katawan ng bata, ang isang kamay ay nasa likod ng ulo nito at marahang naka-suporta at habang umuusal ito ng isang pambatang-kanta para hindi tuluyang magising si Iris. At tila naging epektibo ang ginagawa nito ngayon dahil mula sa kalahating pagdilat ng mga mata ni Iris ay dahan-dahan iyong muling sumara, humikab at binagsak ang ulo sa balikat ni Eros.

Wala akong nagawa kundi ang mapa-ngiti na lang sa sarili, mapa-sandal sa hamba ng pinto at tahimik na pakinggan iyong musika na ginagawa ni Eros na hindi ko alam ay may maganda palang boses at sandaling pinasadahan ng tingin ang mga canvas at painting ng mukha ni Eros na naka-paskil sa pader ng kwarto.

Magmula nang magtutong magsalita at mag-isip si Iris, hindi ko itinago rito ang tungkol sa ama nitong si Eros. Bata pa lang pinaliwanag ko na sa kanya kung bakit hindi namin kasama ngayon ang Papa niya, na may sakit ito at kailangang magpa-galing sa malayong lugar at laging ipaalala sa anak ko na kahit hindi naman nakakasama ang Papa nito ay mahal na mahal siya ni Eros at lagi itong iniisip at inaalala ng tatay mula sa malayo.

At kahit pa nga alam ko na may bahid ng kasinungalingan ang iba kong sinabi, alam ko naman na iyon din ang magiging reaksyon ni Eros kung sakaling nalaman nga nito na nagbunga ang mga gabi na pinagsaluhan namin at malaman ang dahilan kung bakit ko siya kailangang iwan apat na taon na ang nakakalipas.

Kaya sa kabila ng kawalan ng presensya ng ama sa bahay, hindi naging malayo si Iris kay Eros, dagdag pa na laging ito ang subject ng mga pinipinta ko sa nakalipas na mga taon at hilig din ng bata na makarinig ng kwento tungkol sa ama nito—kung anong itsura nito, anong ginagawa nito, kung may asul din bang mata ang papa niya gaya ng sa kanya at marami pang iba.

At ilang buwan matapos ang ikalawang kaarawan ni Iris, humiling ito sa akin ng espesyal na regalo.


"Mama! P'wede ko po bang hinging birthday gift si Papa?"

"Anak, hindi ba't sabi ko sa'yo may sakit pa si Papa at hindi pa siya p'wedeng magpakita sa'yo hangga't hindi pa siya magaling?"

"Pero p'wede po natin siyang puntahan sa ospital, hindi po ba? Sige na po, Mama! Gusto ko pong makita Papa ko!"


Sandali akong tumalikod kanila Eros, pinahid iyong luha na nagbabadyang bumagsak sa gilid ng mga mata ko, saka mabilis na inayos ang sarili at muling humarap dito.

Muntik pa akong mapa-tili sa gulat nang sa pagharap ko ay naka-tayo na pala sa likuran ko si Eros at na-ilagay na pala nito sa kama si Iris.

"Now, let's talk."


"BUMALIK AKO sa Alta Pueblo para humingi ng tulong sa lola't lolo mo." Panimula ko ng pagku-kwento at paliwanag. "Pero nanatiling matigas ang puso ng lolo mo na tulungan ka kahit pa sinabi ko sa kanila na nasa panganib ang buhay mo at kailangan ka agad ma-operahan. Pagkatapos kong maka-alis sa isla, pagbalik ko sa ospital, sinabi sa akin no'ng doktor na tumingin sa'yo nabayaran na ang bill mo at may sumagot na ng pag-transfer mo sa Maynila para doon ka magamot nang maayos."

May kinuha ako sa bulsa ng damit ko, bagay na kinuha ko kanina bago ako sumunod sa kanya dito sa may sala, at saka iyon inabot at pinakita sa kanya.

"Iniwan sa akin itong mensahe na ito. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na umalis at huwag nang magpakita sa inyo o kahit na tumapak pang muli sa lugar n'yo basta masiguro ko lang ang kaligtasan mo."

"This is abuelo's handwriting." Komento ni Eros matapos inspeksyunin ang maliit na note na binigay ko.

"Naisip ko na rin ang posibilidad na 'yan na baka siya nga ang nag-iwan sa akin n'yan." Wika ko sabay napabuntong-hininga. "Kaya nga mas minadali ko ang pag-alis ko sa Palawan dahil ayoko nang mas lumaki pa ang atraso ko sa Lolo mo at baka bawiin pa niya iyong tulong na binigay niya sa atin—kahit pa nga sinabi na niya sa akin na hindi siya p'wedeng maging unfair sa iba at bawiin iyong naging desisyon niya na tulungan ka matapos mong talikuran ang pamilya mo."

"I cannot believe he can do this to me!" Mas halong sama ng loob sa tono nito.

"Huwag kang magalit sa lolo mo, Eros." Pag-aalo ko sa kanya. "Nagpapasalamat pa nga ako na kahit paano, natulungan niya tayo at hindi niya tuluyang sinara ang puso niya para sa'yo."

"But this is bullshit!" Mariing sabi nito, nagpipigil na gumawa ng kahit anong malakas na ingay na magiging dahilan para magising namin si Iris. "Kinuha ka na nila sa akin. Pati ba naman iyong anak ko inilayo na rin nila sa akin?!"

"Kailan ko lang din nalaman na nagdadalang-tao na pala ako." Paliwanag at pagtatama ko doon sa huli niyang sinabi. "No'ng nasa fast food na ako, doon ko naramdaman iyong mga normal na senyales ng mga nagbubuntis. At no'ng magpa-check up nga ako, doon ko nalaman na dalawang buwan na pala si Iris sa sinapupunan ko."

"I'm sorry that you have to go all through this alone, mi alma." Gustong madurog ng puso ko sa emosyon na nababasa ko sa mukha at mga mata ni Eros, maging sa tono na rin ng pananalita nito na tila ba natalo ito sa isang giyera.

Hindi ko na siya pinigilan nang hilain niya ako palapit sa kanya para sa isang mahigpit na yakap at naramdaman ang paghalik niya sa nook o.

Isang simpleng gesture lang iyon pero nagulat na lang ako nang makita na unti-unti na palang bumubuhos ang mga luha sa mata ko. Na sa mga oras na iyon, tila binuksan ni Eros ang box kung saan ko tinago lahat ng lungkot, pakiramdam ng pag-iisa, kawalan ng pag-asa at hirap na kailangan kong danasin mag-isa para lang masunod ang gusto ng pamilya nito na mawala ako sa buhay nila.

Sinuklian ko ang mahigpit na yakap ni Eros at saka umiyak nang umiyak sa dibdib nito habang patuloy naman ito sa paghagod sa likod ko at tahimik akong hinayaan na isuko ang buong sarili ko sa kanya.

We spent the remaining hour of the day in that position, whispering words of love and longing and let ourselves feel the warmth of one another just by hugging and comforting each other for all the years that we have lost.

"I want to meet your friends and personally thank them for taking care of you and Iris Selene." Usal nito matapos ko ring mabanggit sa kanya na hindi naman talaga ako tuluyang nag-iisa no'ng pinagdadalang-tao ko si Iris.

"P'wede kitang isama sa studio bukas para makilala mo si Michelle," suhestyon ko. "Si Bea naman, hindi ko alam kung kailan mo siya p'wedeng makita. May pagkakataon kasi talaga na bigla siyang nawawala dito sa amin nang walang pasabi at babalik nang wala ring abiso."

"I guess I'll meet her next time then." Sagot na lang ni Eros saka ako muling hinalikan sa noon at patuloy na nilalaro-laro ang buhok habang ako naman ay naka-sandal lang sa malapad na dibdib nito.

"Ikaw? Ano namang kwento mo?" Bigla kong naitanong sa kanya saka sandaling umalis sa pagkaka-sandig sa kanya para harapan siya. "Maayos ka na ba talaga? Na-operahan ka ba talaga? Naka-balik ka na ba sa inyo o nandoon ka pa rin sa Barrio Huego? Siguro naman hindi mo masyadong pinapagod ang sarili mo sa mga taon na wala ako?"

"Regarding my health, I'm doing fine. I got all the medical attention that I need. All thanks for what you did. And for your other questions, you need to see it for yourself."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I'll take you home. Kayo ng anak natin. Let's go back, mi alma."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
10.8K 341 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
477K 11.4K 25
Book Five of Bachelorette Series ✔️ Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one grea...