Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Sixty

17.9K 789 100
By DarlingVee

Chapter Sixty

Eliz

"SOBRANG DAMI pala ng tao!" Tila nalululang sabi ko habang sinisilip ang event hall mula dito sa likod ng kurtina kung nasaan kami ngayon, sampu pa ng ilang curator at artist na kasama rin ang gawa sa naka-display sa labas.

Ilang minuto na lang ang natitira bago opisyal na magsimula ang event na magsisimula sa mga usual event innuendos na susundan ng ribbon cutting.

Balita pa ni Michelle, isang kilalang socialite raw ang magka-cut ng ribbon mamaya at may ilan ding kasamang artista, ilang mall executives at maging mismong event coordinator na rin.

"Sana pala hindi ko dinala si Iris." Wika ko pa saka niyuko iyong batang hawak ko na kasalukuyang naglilikot ang mga bata sa kakatingin sa mga tao sa paligid nito at kumakaway pa sa kanila na siya namang ikinaka-tuwa no'ng iba pa naming kasama.

"Bakit nasaan iyong kumara mong tumatayong baby sitter din d'yan sa anak mo kapag wala ka?" Tanong ni Michelle na ang tinutukoy ay si Bea.

"Hindi ko rin alam. May mga pagkakataon talaga na bigla siyang nawawala ng ilang araw o linggo doon sa apartment complex namin," sagot ko sabay napabuntong-hininga matapos maalala iyong note na iniwan ni Bea sa letter box ko.

"Alam mo, nahihiwagaan pa rin talaga ako d'yan sa kaibigan mo na 'yan!" Komento ni Michelle. Maging ako ay gano'n din ay may ganoong pakiramdam kay Bea pa-minsan-minsan lalo pa kapag nawawala ito nang walang pasabi.

Hindi lang kasi siya basta-basta 'nawawala'. Literal na parang binubura nito iyong existence niya sa mundo sa tuwing nawawala ito sa amin. May isang beses pa nga na naabutan kong bukas iyong inuupahan niyang apartment at ang mga gamit na lang na natitira doon ay iyong mga default na gamit na nandoon kapag may bagong rerenta o titingan doon sa unit.

Bigla siyang nawawala na tila ba may pinagtataguan siya at hindi niya gustong may makaalam o makakita ng mga bakas niya.

"Sigurado ka bang magandang impluwensya 'yan kay Iris Selene?" Kumpletong banggit ni Michelle sa pangalan ng anak ko. "Hindi naman sa nagiging judgmental tayo, ano? Pero may kakaiba talaga sa babae na iyon e! Hindi ko lang ma-point out kung ano."

Iris Selene. Iyan ang ipinangalan ko sa anak ko na sinunod sa pangalan ng dalawa sa Greek Goddess: Iris, one of the goddess of sea and the sky at Selene naman para sa goddess of the moon. Nakuha ko ang inspirasyon na ito base na rin sa kung saan nabuo si Iris at kung paanong isinunod din sa pangalan ng Greek God ang pangalan ng ama nito at kung saan lumaki ito na napapalibutan ng tubig ng isla ng Alta Pueblo.

"Michelle, nakalimutan mo na ba na kayo lang ni Bea ang naging katuwang ko no'ng pinagbubuntis ko 'tong si Iris?" Pagpapaalala ko sa kanya. "Isa pa, kung hindi dahil sa kanya, hindi ako agad masusugod sa ospital no'ng biglang pumutok iyong patubigan ko."

"Ah! Oo nga pala!" Natatawang sabi pa nito. "Na-kwento mo nga pala iyong bigla niyang pagmaneho doon sa tricycle no'ng kapit-bahay n'yo sa sobrang panic na madala ka sa ospital agad."

"Kaya nga huwag mo nang kuwestyonin iyong impluwensya ni Bea sa anak ko," turan ko pa sa kanya. "Isa pa, kahit may iba rin akong nararamdaman para kay Bea, alam ko naman na mabuting tao talaga siya."

"Okay. Sabi mo e! Ikaw ang nanay kaya ikaw laging may say sa anak mo." Kibit-balikat na sabi na lang ni Michelle. "O, siya! Mamaya mag-ready ka, ha? Kapag may tumingin doon sa gawa mo, kausapin mo agad! Malay mo bilhin, hindi ba?"

"Sana nga." Usal ko na may kasamang piping hiling na magkatotoo nga 'yon.

Kung saka-sakali mang may mabenta kahit isa sa dalawang art na naka-display sa akin, magiging malaking tulong iyon para maka-dagdag sa perang ilang taon ko na ring itinatabi at iniipon.

Malapit nang mag-tatlong taon ang anak kong si Iris Selene. At sana sa taon na ito, maibigay ko na sa kanya iyong regalo na matagal na niyang hinihingi sa akin.

Bibo at matalinong bata si Iris. Maaga rin itong natutong maglakad at magsalita. Namana rin niya ang asul na mata ni Eros habang sa akin naman niya namana ang iba pa gaya na lang ng sa buhok, mukha at iyong hilig na rin nito sa art.

Mas unang natutong mag-memorize si Iris ng mga kulay kaysa sa mismong alphabet. Noong una nga, hirap na hirap pa akong turuan ang bata dahil na rin sa pagiging likas na makulit nito at pagpupumilit na mas gusto raw niya mag-color kaysa kumanta ng ABCD at matutong mag-trace ng letters sa papel.

"Mama! Mama!"

Nagulat ako nang biglang hilain ni Iris ang kamay ko at tawagin ang pangalan ko, dahilan para malipat sa kanya iyong atensyon ko.

"Bakit ano iyon, anak?" Tanong ko sa kanya saka naupo sa harapan nito para magpantay ang mga mukha namin

"Nasaan po si Jabibi?" Tanong nito na ang tinutukoy ay iyong sikat na fast food restaurant. "Nagugutom na po ako! Gusto ko nang kumain!"

"Anak, p'wede bang sandali lang? Mamaya lalabas na rin tayo dito."

"Nagugutom na po ako!" Pangungulit pa nito saka muling hinila-hila ang kamay ko.

"Nako, Eliz! Pakainin mo muna 'yan. Mamaya mag-alburuto pa 'yang si Iris." Singit ni Michelle. "Saka hindi p'wedeng malipasan ng kain ang mga bata, hindi ba? Kumain muna kayo. Ako na muna ang bahala rito."

"Sigurado ka?" Alanganing tanong ko. "Akala ko ba lalapit ako agad kapag may tumingin doon sa gawa ko?"

"Ako na bahala doon!" Wika pa niya saka kami pinagtulakan. "Tatawagan na lang kita mamaya kapag may lumapit na possible client. Sige na! Pakainin mo na si Iris. Basta bumalik kayo agad, ha?"

"Tita Michelle! Gusto mo rin ng Jabibi?" Tanong pa ni Iris. "Masarap po spaghetti nila!"

"O, sige. Bilhan mo si Tita, ah? Gusto ko maraming cheese."

"Okay po!" Sagot pa ni Iris na nagpakita ng okay sign gamit ang daliri nito. "Mama! Halika na! Baka magsara na si Jabibi!"

Parehas na lang kaming natawa at napapa-iling sa ka-cute-an ni Iris at hindi na nagpapigil pa ng ito na mismo ang humila sa akin palabas doon sa event hall.


"IRIS, HUWAG mong paglaruan ang pagkain." Saway ko doon sa anak ko na kanina pa inaalis-sawsaw iyong fries doon sa ice cream nito.

"Gusto ko po maraming ice cream sa fries," sagot pa nito saka inilapit sa akin iyong hawak niyang pagkain. "Mama, ah!"

Napangiti muna ako sa kanya saka sinunod iyong utos nito at kinain iyong inaalok niyang pagkain.

"Masarap po?"

Tumango ako bilang sagot saka ako naman ang nagsubo ng spaghetti sa bibig nito.

Hindi pa masyadong gamay ni Iris ang pag-gamit ng kobyertos. Sa bahay, pang-batang kutsara't tinidor pa rin ang gamit nito. Isa pa, kung papabayaan ko siyang kumain mag-isa, paniguradong madudumihan lang iyong puting dress na suot nito kahit pa nga nilagyan ko pa siya ng panyo sa may damit.

"Oh my god! Eliz?!"

Napa-angat ako ng tingin sa narinig kong tumawag sa pangalan ko sabay nabalot ng gulat ang mukha ko nang makilala kung sino iyon.

"Elisha!"

"My god! Ikaw nga!" Natutuwang sabi nito saka walang ano-ano'y hinila ang bakanteng upuan sa harapan ko at naupo doon.

She looks so out of place sa lugar base na rin sa ganda at tila mamahaling na suot nito maging doon na rin sa mga alahas na suot nito.

Napapatingin din sa kanya iyong ibang customer, pati sila ay nagugulat at namamangha sa ganda na nakikita nila at may narinig pa akong nagbubulungan, nagtatanong kung modelo ba ito o artista.

"Akala ko namamalik-mata lang ako no'ng makita kita sa labas nitong resto." Wika pa niya saka ako pinasadahan ng tingin. "Goodness! Where have you been? You look stunning with that clothes by the way!"

"S-Salamat..." Iyon na lang nasabi ko, may kasamang tuwa at hiya sa papering nakuha ko mula sa kanya.

Hindi naging maganda ang huling impresyon na iniwan ko kay Elisha. Tanda ko pa na parang galit at disappointed siya nang malaman ang tungkol sa amin ni Eros at kung paanong tila sinisisi niya ako sa naging kinahinatnan ni Eros at sa pagkaka-alis nito sa angkan ng mga Mondragon.

"Mama. Sino siya?"

Tila doon lang napansin ni Elisha na may kasama ako at sunod kong nakita ang panlalaki ng mga mata nito at paglagay ng isang kamay sa tapat ng bibig nito para pigilan ang isang singhap.

"Who's this pretty little thing right here?" Tanong ni Elisha saka muling ibinalik ang atensyon nito sa akin. "Is this Eros'...?"

"Ah! Kilala n'yo po si Papa?" Halos magningning ang mga mata na sabi ni Iris.

Tinapunan ako nang nagtatanong na tingin ni Elisha, na pinili ko na lang sagutin ng isang tango.

"Alam niya ba? Did Eros know about this?"

"Elisha..." Tawag ko na lang sa kanya, hindi alam sa kung paano o saan ba ako dapat magsimula ng pagpapaliwanag sa kanya.

"Wait here!"

Pinanood ko si Elisha na tumayo at bahagyang lumayo sa akin, hindi alintana ang mga mata na naka-sunod sa kanya saka nito kinuha ang cellphone at tila may tinatawagan.

"Darling! Yes, hi. I found her. And you wouldn't believe what I saw!"

Darling? Ulit ko sa narinig ko. Si Eros ba iyong...

Agad ko nang pinutol iyong mga tanong at senaryo na biglang naglaro sa isip ko saka mapait na lang napangiti.

Sabagay. Hindi na ako magtataka kung magkaka-balikan sila, sa isip ko pa. Matagal naging sila. Kahit pa sinabi ni Eros na wala siyang nararamdaman para kay Elisha noon, hindi naman ibig sabihin na hindi magbabago nararamdaman nito para dito ngayon, hindi ba?

Isa pa, apat na taon akong nawala. Apat na taon akong nagtago para sa kanya. Kung sino man ang nag-utos sa akin na umalis, hindi ko rin sila p'wedeng sisisihin dahil sila lang ang may kakayahan na makatulong sa kanya noong mga panahon na kailangang-kailangan nito ng tulong.

"Mama?"

Muli akong napa-lingon kay Iris at nakita ang lungkot at pag-aalala sa mukha ng anak ko.

"Bakit po kayo umiiyak? Inaway po ba kayo no'ng ale?"

Bigla kong kinapa iyong gilid ng mga mata ko at doon nalaman na umiiyak na nga pala ako.

Mabilis kong pinunasan at inayos ang sarili ko at siniguro sa anak ko na wala lang iyon at napuwing lang ako. Sakto naman nang matapos kong maayos ang bakas ng lungkot sa mukha ko ay siya namang pagbalik ni Elisha sa harapan ko.

"He's coming."

"H-ha? Sinong—"

"Eros, silly!" Putol niya sa akin saka muling tiningnan ang anak ko. "Hello, baby! What's your name?"

Tumingin muna sa akin si Iris, nagtatanong kung ayos lang ba na sagutin nito ang tanong ni Elisha na isang estranghero pa para rito. Agad ko naman siyang binigyan ng ngiti at sinenyasan na sagutin ang tanong ni Elisha.

"Iris Selene Romualdez po." Nahihiyang sagot ng bata.

"What? Romualdez? Who's that?" Taas-kilay na tanong ni Elisha saka muling napatingin sa akin. "Is that yours?"

"Oo."

"Eliz, sweetie. This little angel is a Mondragon." Sagot pa ni Elisha na tila ba nahihintakutan ito na hindi ko sinunod sa apelyido ni Eros ang pangalan ng anak ko. "And Mondragon she will always be."

"Dragon? Gaya po no'ng mga nasa picture book?" Curious na tanong ni Iris, tuluyan nang nakalimutan ang pagkain na nasa harapan nito. "Nakakita na po kayo ng dragon, ale?"

"I'm not an ale, baby." Pagtatama ni Elisha sa anak ko. "Call me, Auntie Elisha."

"Auntie?"

"Wait! Do you prefer tita?"

"Elisha." Singit ko sa usapan nila ng anak ko saka seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ka ba... hindi ka ba nasusuklam sa akin?"

"Why would I?" Taas-kilay muling tanong nito.

"Dahil sa mga nangyari." Nahihiyang sabi ko. "Elisha, hindi ko sinasadya na—"

"That's all in the past, Eliz." Muling putol niya sa mga sasabihin ko saka niya kinuha ang dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at mariing hinawakan iyon. "Yes. I do despise you for few weeks. But what can we do? It is what it is. Eros made a decision. So does Gael and you. Ano bang karapatan kong magalit sa'yo o kahit na sino sa inyo?"

"Pero nasira ko iyong relasyon n'yo ni Eros."

"He already called it quits bago ko pa nalaman ang tungkol sa inyo." Paliwanag niya saka binitawan ang kamay ko at nagpatuloy. "Eros and I were partners for so long. One way or another, I know that our relationship will end once he found the woman who wants to share the rest of his life with. I always knew that. Ang hindi ko lang nagustuhan ay kung paano sinugal ni Eros ang lahat para sa'yo. That's a very stupid move for a once called formidable businessman."

"I'm sorry..."

"Again, you shouldn't be." Muling pagdidiin ni Elisha. "Besides, Eros is my friend. Sino bang kaibigan ang hindi magagalit sa taong naging dahilan para danasin niya ang lahat ng iyon para lang sa pagmamahal, hindi ba? Not me, for sure."

Hindi na ako naka-imik doon sa mga sinabi niya at muli na lang umusal ng paumanhin sa lahat ng mga nangyari noong nakaraang apat na taon.

"If you're still worrying about me, harboring hate towards you, I have already forgiven you, Eliz." Muli akong napatingin sa mukha ni Elisha at nakita ang matamis na ngiti sa labi nito. "Ikaw ang pinili ni Eros. I will respect that. And after all, we're just playing pretend. I have no romantic affiliation towards that man. He's just a dear friend."

Pero tinawag mo siyang darling kanina. Gusto ko pa sanang idagdag pero pinili ko na lang na huwag sabihin iyon.

"So, where have you been this whole time?" Pag-iiba ni Elisha ng usapan. "Alam mo bang halos mabaliw si Eros kakahanap sa'yo?"

"Alam niyang aalis ako."

"Pero alam din niyang hindi ang gaya mo ang basta-basta aalis habang may taong nanganganib ang buhay nang walang sapat na dahilan." Sambit pa niya. "That's what he kept telling me for months since you've been gone."

"Okay lang ba siya? Ayos lang ba siya? Naka-balik na ba siya sa Alta Pueblo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Why don't you ask him yourself?" Suhestyon ni Elisha. "He's coming here. Pinag-booked ko na siya ng flight papunta rito sa Manila. If there will be no delay, he might be here before the mall closes."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ng mga oras na iyon.

Nandoon ang tuwa, takot, kaba, maging pag-alala sa kung ano ang magiging reaksyon niya oras na magkita kami ulit at malaman niyang nagbunga iyong mga nangyari sa amin sa katauhan ni Iris.

"I didn't tell him that he's already a father yet." Narinig kong sabi ulit ni Elisha. "As much as I want to see his reactions, I can't. My appointment ako this afternoon. I'm actually running late sa cutting ribbon event ko sa mall na ito."

"Sandali! Ang tinutukoy mo bang event ay iyong sa art gallery?" Hindi maka-paniwalang tanong.

"Yes. That's my event." Kunot-noong sabi niya. "Oh! Right! I remember Eros told me that you're also into art! Don't tell me kasama sa piece sa event ang gawa mo?"

"G-Ganong na nga." Naiilang at nahihiyang sabi ko.

"Well, I cannot wait to see how good you are."

Nagpalitan pa kami ng salita at kumustahan ni Elisha bago ito nagpaalam na mauuna na at sumagot naman ako na susunod ako sa event kapag napatapos ko na ang pagpapakain kay Iris.

And just then, the event went smoothly. Maraming artista at ilang kilalang socialite curator ang nagpunta sa event. May pinakilala rin sa akin si Elisha na isang art collector at pinakita ang gawa ko. She helped me sell one of my art work at umusal ako nang pasasalamat, kasama ni Michelle, nang mabili ang isa sa mga iyon.

Naging abala ako sa buong maghapon sa event. Sa pakikipag-usap sa kapwa ko artist, sa pagpapaliwanag ng inspirasyon ko sa mga gawa ko doon sa mga curator at collector at maging sa maya-maya ay pagbibigay ko ng atensyon kay Iris.


"SURE KA bang may na-booked ka nang taxi?" Pangungulit pa ni Michelle kahit nasa loob na ito ng sarili nitong sasakyan. "P'wede ko naman kayong ihatid nitong makulit kong inaanak e!" Nguso pa nito sa natutulog na sa likod kong si Iris.

"Hindi na! Mapapa-layo ka pa! Mahaba pa byahe mo." Pagtanggi ko sa inaalok niya saka muli itong sinabihan na ayos lang ako at malapit nang dumating iyong sasakyan namin.

Nang mawala na si Michelle, sandali akong naghanap ng mauupuan dito sa may taxi bay at doon inilapag ang natutulog na si Iris saka naupo na rin sa tabi nito, hinayaan na maka-pahinga ang ulo nito sa mga binti ko at maya-maya napapatingin sa cellphone ko para tingnan kung nasaan na iyong taxi namin.

"You do know how to hide yourself and make any man go crazy looking for you."

Kulang ang salitang napigil ang hininga at nalaglag ang puso para ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko ng mga oras na iyon matapos kong marinig ang oras na iyon makalipas ng mahabang panahon.

Dahan-dahan kong inangat ang mga tingin ko sa pares ng mga paa na naka-tayo sa harapan ko, bago iyon tuluyang tumama sa mga malalalim na asul na mga mata na naka-yuko at naka-tingin sa akin ngayon.

"Good to see again, mi alma."

Continue Reading

You'll Also Like

249K 14K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6M 107K 32
She needs money He wants sex Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
182K 7.3K 23
MYKAEL SY - Mykael has been living a carefree life, spending time in night clubs, going home wasted, and waking up with another one night stand. All...
293K 9.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.