Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Fifty Nine

16.8K 713 113
By DarlingVee

Chapter Fifty Nine

4 years later...

Eliz

"ELIZ!"

Inalis ko ang tingin ko sa canvas na nasa harapan ko nang may marinig akong tumatawag sa akin sabay ibinaba ang hawak kong chisel at brush bago hinarap iyong lakad-takbong si Michelle papalapit sa akin.

"Hindi ka maniniwala sa dala kong balita!"

"Okay, sige. Hindi ako maniniwala." Pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa ko naman agad nang suklian niya ako ng isang irap.

Si Michelle ay isa sa mga ka-major ko no'ng nasa art school pa ako.

Matapos kong umalis sa El Nido apat na taon na ang nakakalipas, muli akong bumalik dito sa Maynila, dala ang natitirang pera sa wallet ko, at dito na nakipag-sapalaran.

Naging mahirap ang naging unang taon ko dito. Sa renta pa lang ng bed space na nahanap ko, halos maubos na ang pera ko. Sumakto na lang ang natira sa pinambayad ko para sa ilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig at mga naging gastusin ko sa pag-aasikaso ng mga papel na kakailanganin sa paghahanap ng trabaho.

Hindi rin naging madali sa akin ang humanap ng trabaho sa Maynila. Kahit pa nakapag-tapos ako sa isang magandang school, wala naman masyadong naging demand sa kursong natapos ko. Idagdag pa na ang mas hinahanap ng mga kumpanya ngayon ay iyong may background sa business o customer service sa mga international client at mga essential work force na may kinalaman sa negosyo at ekonomiya.

Sinubukan ko ring pumasok bilang call center agent. Pero wala pang ilang buwan, nag-quit na rin ako agad dahil sa hindi ko kinakaya ang papalit-palit na shift at pakiramdam ko ay makakasama lang sa kalusugan ko iyong pressure at pagod lalo na sa grave shift.

Sunod akong nag-apply bilang crew sa isang fast food. Pero ilang buwan lang din akong nagtaggal doon dahil sila na mismo ang nagsibak sa akin dahil sa dami ng absences na nagagawa ko. Muntik pa akong mapa-layas sa inuupahan kong bahay dahil halos magta-tatlong buwan na akong hindi nakakabayad ng renta, tubig at kuryente.

Kaya no'ng mag-message sa akin si Michelle sa Facebook at nagtanong kung nagpipinta pa rin ba  ako, hindi na ako nagdalawang-isip at pumayag doon sa inalok niya na maging isa sa resident artist ng plano niyang itayo na art business at ito na rin ang nagsisilbing art curator sa mga gawa namin at naghahanap ng posibleng kliyente o event kung saan mas mapo-promote ang business niya at kami na rin na mga artist niya.

"May naka-usap ako na event coordinator sa isang mall sa Makati." Pagsisimula ni Michelle doon sa balitang dala niya saka nagpatuloy. "Pinakita ko portfolio mo at natuwa siya sa ilan sa mga gawa mo. Kaya nagsabi siya kung interesado ka bang isama sa display sa art event nila iyong mga gawa mo. S'yempre, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at um-oo na agad! Nagkunwari pa nga ako na tumatawag sa'yo para malaman niya na binigay mo na ang go signal mo."

"Para akong na-scam doon sa ginawa mo, ah!" Pagbibiro ko pa ulit. "Pero, talaga ba? Totoo ba 'yang sinasabi mo? May nagka-interest sa art ko?"

"'Sus! Pa-humble! Para namang bago sa'yo na ma-offer-an ng ganito!" Sambit pa ni Michelle. "Estudyante pa lang tayo, marami nang natutuwa sa ginagawa mo e! Ano pa kaya ngayon na mas naging mature ang art style mo?"

Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Michelle bilang pasasalamat saka napa-tingin doon sa latest art piece na tinatapos ko.

"Ang ganda rin nito, ah!" Sabi ni Michelle na napa-sunod pala ng tingin doon sa tinitingnan ko saka in-inspeksyon iyong painting ko sa canvas. "P'wede rin natin nitong isama sa portfolio mo. Baka maka-sama pa sa idi-display nila. Matatapos mo ba ito within this week?"

"Hindi ko alam..." Alanganing sabi ko saka nagkalkula ng posibleng oras at araw kung kailan ko ito matatapos. "Susubukan kong matapos by this weekend. Pero hindi ko maipapangako, ha? Alam mo naman iyong sitwasyon ko sa bahay."

"Ah! Oo nga pala!" Napa-tapik pa sa noo nito sa Michelle na tila ba ngayon lang niya naalala ang tungkol sa bagay na iyon. "Okay! Sige! No pressure! Pero kung sakaling matatapos mo agad, let me know para mag-present ko rin agad sa kanila."

"Okay. Walang problema. Ite-text kita agad."

Mas lumapit pa sa akin si Michelle, bumulong, na akala mo naman talaga may ibang makakarinig sa pag-uusapan namin kahit pa nga nasa ibang parte ng studio ang iba niyang artist.

"Alam mo, tsismis pa sa akin no'ng organizer, may mga mayayaman at artista raw na pupunta sa ribbon cutting no'ng event. Baka chance na natin ito na makakuha ng big time buyer para sa'yo."

"Grabe ka naman!" Natatawang sabi ko. "Hindi naman siguro gano'n kaganda ang gawa ko para may bumiling mayaman o artista, ano!"

"Malay mo naman! Hindi natin masasabi ang mangyayari." Pangtataas pa nito sa confidence ko. "Isa pa, kapag naging kilala ka na, mas magkakaroon ng exposure ang studio ko. At kapag nangyari iyon, magiging milyonarya na ako!" Dagdag pa ni Michelle saka tumawa na mala-demonyo.

Napapa-iling at natatawa na lang ako kay Michelle saka pinakinggan pa ang ibang detalye tungkol sa event at iba pang promotional strategy na naiisip nito para mas marami kaming mahatak na possible buyer sa mga art namin.

Bilang artist, hindi naman gano'n kalaki ang kinikita namin sa ganitong uri ng trabaho. Kadalasan pa nga, nalalagyan kami ng salitang "lang" sa mga ginagawa namin at iilan lang talaga ang nakaka-appreciate sa art, lalo na sa mga gaya kong gumagawa ng traditional painting.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako na sa kabila ng mga nangyari, muli kong nahanap ang passion ko sa bagay na una kong minahal at heto nga't nagsisimula na ulit puminta at pagkakitaan ang bagay na ito.

Kaya hindi ko rin masisisi si Michelle kung bakit sobrang na-e-excite siya para sa kauna-unahang malaking event na masasalihan namin dahil na rin sa make or break moment na p'wedeng ibigay sa amin ng okasyon na ito.

Hindi pa gano'n kalaki ang art studio ni Michelle. Hindi rin gano'n kalaki ang kinikita ng ibang art na nabebenta namin sa ibang kliyente. Kadalasan pa nga, tumatawad pa sa amin iyong mga customers. Kaya sana talaga, maging successful itong opportunity na nakuha namin.

Magpupuyat na lang siguro ako mamaya para matapos iyong ilang detalye sa isang ito. Nasabi ko na lang sa sarili ko habang pinagmamasdan iyong painting na nasa harapan ko.

It's a realistic portrait of a man with deep, blue eyes. Direkta itong nakatingin sa tumitingin ng painting at ang setting ng backdrop nito ay nasa dagat. May hawak din itong lambat at naka-lubog ang halos kalahati ng katawan nito sa tubig. The center piece of the painting looks like he's the God of the Sea who descend to the human world.

The Eye of the Storm. Ito ang plano kong itawag sa painting na ito kapag natapos ko na—gaya kung paanong nagsimula sa isang hagupit ng masamang panahon ang pagku-krus ng landas naming dalawa at paanong tila isang bagyo rin na ginulo ng mga asul niyang mata at presensya ang takbo ng buhay at puso ko.

Kumusta ka na kaya ngayon? Tanong ko sa imahe na nasa canvas.

Apat na taon akong nagtago at hindi nagparamdam. Apat na taon akong nagpaka-layo-layo para masigurong magiging ligtas ito sa pagkaka-sakit. At apat na taon na rin akong nangungulilala at nasasabik na makita siyang muli.

Eros...


NAPA-TINGIN ako sa orasan na nasa braso ko saka dali-daling bumaba doon sa jeep na sinakyan ko at halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lang mas mapadali ang paglapit ko doon sa bagong paupahang-apartment kung saan ako kasalukuyang nakatira saka umusal ng pasasalamat doon sa guard nang pagbuksan na niya ako ng pinto.

"Nand'yan pa po ba si Bea, kuya?" Aligagang tanong ko kay Manong Guard.

"Oo. Hindi ko pa nakitang lumabas doon sa unit n'yo."

Umusal ako ng pasasalamat sa guard matapos kong maka-hinga nang maluwag na malaman na nasa bahay ko pa ang taong tinanong ko saka dali-daling tinahak iyong hagdanan at umakyat sa ikatlong palapag nitong paupahang apartment.

Hindi na ako nag-abalang kumatok at ginamit na lang ang susi ko ng bahay saka dumerecho sa loob at hinanap iyong taong hinahanap ko.

"Nako! Mabuti na lang at dumating ka na, Eliz!" Salubong sa akin ni Beatrice, o mas kilala dito sa lugar namin na Bea—ang babaeng raketista gaya nang madalas nitong idugtong na tag line kasunod na pangalan nito kapag naghahakot ito ng customer o mamimili sa kung ano-anong pagkakakitaan na pinapasok nito.

No'ng una kong nakilala si Bea, tinaga ko sa sarili ko na hindi siya iyong tipo ng tao na gugustuhin kong maging kaibigan. Nakaka-intimidate iyong itsura niya. May pormahan ito na mala-rebellious teenager kahit pa nga magka-edad lang kami with her pixie cut hair na itim at may ombre na kulay pink, heavy eye liner at make up at iyong namumutok sa itim nitong lipstick.

Pero dahil na rin sa magkatabi ang kwarto na tinutuluyan namin at sa dalas na paghahatid niya ng pagkain sa akin, natutunan ko rin siyang maka-palagayan ng loob. Dahil sa kabila ng itsura nito, si Beatrice ang naging sandalan ko no'ng mga panahon na walang-wala na ako at kailangan ko ng makakatuwang sa buhay.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko doon sa isinalubong niya, biglang binalot ng pag-aalala. "May problema ba?"

"Wala naman. Pero grabe na iyong stress ko sa makulit na 'yan! Ayaw matulog! Hindi raw siya matutulog hangga't wala ka pa."

Saktong pagkatapos sabihin ni Bea ang tungkol sa bagay na iyon ay siya namang pagsungaw at paglabas no'ng taong tinutukoy nito.

"Mama!"

Continue Reading

You'll Also Like

11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
41.5K 907 12
Nang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
900K 22.2K 35
Ysobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own pla...