Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.6K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Fifty Eight

15.7K 557 56
By DarlingVee

Chapter Fifty Eight

Eliz

"ANG LAKAS din naman ng loob mo na bumalik sa pamamahay ko, babae?"

Para akong nakarinig ng malakas na kulog at kidlat sa naging tono ng pananalita ng isa sa matandang Mondragon na si Don Carlos matapos nitong magpasya na harapin ko dito sa may sala ng mansyon. Nasa tabi rin nito sa may sofa si Abuela Katarina na may halong pakiki-simpatya sa mukha para sa akin at mensahe na unawain na lang ang halatang sama ng loob na tinanim para sa akin ng matandang don.

"Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo, s-sir." Nasabi ko na lang, hindi malaman kung sa paanong paraan at pangalan ko ba dapat siya tawagin.

Noong una kong nakilala ang matandang don, mukha itong mabait at hindi maka-basag pinggan na tao. Lagi lang itong naka-ngiti at halata ang nag-uumapaw na pagmamahal para sa asawa nito na lagi nitong kasama. Kaya hindi mo aakalain na ito rin pala ang tipo ng tao na nagtatanim ng galit para sa iba.

Pero gaya na rin nang na-ipaliwanag ni Abuela noon, namana ng mga Mondragon ang temper ng mga ito sa kanilang abuelo kaya siguro hindi na rin dapat ako magtaka kung bakit nanginginig ang buong pagkatao at kalamnan ko sa sobrang kaba at nerbyos ngayong naka-harap ko na muli ang matandang don.

"Hindi pa ba malinaw sa'yo ang naging desisyon ko?" Nang-uuyam na tanong nito. "Walang anumang tulong ang ibibigay kay Eros, mas lalo sa'yo, nang dahil sa kalapastanganan at gulong dinala n'yo sa pamilya na ito. Hindi na Mondragon si Eros at hindi na siya makakatanggap na kahit singkong kusing o kahit charity man lang sa pamilya na ito."

"Sir! Nakiki-usap po ako!" Pagsusumamo ko sabay napa-luhod sa harapan nito. "Kailangang-kailangan po ni Eros ng tulong n'yo. Nasa kritikal po siyang kalagayan ngayon at kailangan agad ma-operahan para maiwasang lumalala ang lagay niya—"

"At ano namang kinalaman ko doon?"

"Carlos!" Hindi maka-paniwalang usal ni Donya Katarina sa inasal ng asawa nito saka ito humarap sa akin, mababakas ang pag-aalala sa narinig na balita. "Anong ibig mong sabihin sa tinuran mo, Eliz? Anong nangyari kay Eros? Nasaan siya?"

"Nasa may isang ospital ho siya sa El Nido at kasalukuyang mino-monitor ng mga nurse at doktor," panimulang paliwanag ko sa matandang donya. "Mayroon daw pong piraso ng buto sa ribs niya ang tumutusok ngayon sa baga niya at kailangang matanggal agad bago ito makagawa ng mas malaking komplikasyon sa lagay ng katawan ni Eros. Pinayuhan po ako ng doktor na ipa-opera siya agad para maalis iyong nasabing buto at kailangan po namin ng malaking pera para doon."

"Dios mio!" Nahihintakutang usal ni Abuela. "Sandali lang at kukunin ko ang card sa wallet ko. Magkano ba ang—"

"Katarina!" Putol ng matandang don at mahahalata ang bahid ng pagbabanta sa tono ng pananalita nito para sa binabalak gawin ng katipan.

"Nagmamaka-awa po ako sa inyo, Don Carlos!" Muling paki-usap ko habang nagpipigil na mapa-iyak sa harapan ng mga ito. "Kung ano man pong naging kasalanan namin ni Eros sa inyo o sa pamilya n'yo, please po! Ako na lang po ang parusahan n'yo matulungan n'yo lang si Eros!"

"A Mondragon's word of honor is our crowning glory." Wika ni Abuelo. "Hindi ko babawiin ang desisyon ko sa kahit ano mang dahilan. At kahit umiyak ka pa ng dugo sa harapan ko, hinding-hindi ko babawiin ang sinabi ko. Pinili ni Eros na talikuran ang pamilya niya para sa'yo. Anong dahilan namin para akuin ang responsibilidad ng mga naging desisyon n'ya?"

"I can't believe I'm hearing this from you, Carlos!" Ani ni Abuela, halata ang dismaya ang lungkot sa mata at mukha nito. "Apo mo pa rin si Eros! Halos tayo na tumayong magulang sa batang iyon. Ano't bakit ganito katigas ang puso mo para sa apo mo? Hindi mo ba p'wedeng isantabi muna ang sama ng loob at pride mo para sa apo mo ngayong kailangang-kailangan niya tayo?"

"Hindi na siya kabilang sa pamilya na ito, Katarina." Walang latoy na sambit ng don. "At kung ipagpipilitan mo ang tulong ang apo mo, para mo na ring sinabi na wala nang halaga sa pamilya na ito ang opinyon ko."

Matagal na nagka-titigan sila Abuelo at Abuela. Tila hinahamon ang isa't isa kung sino ang unang susuko o sino ang unang titiwalag sa gusto ng isa't isa.

Pero sa bandang huli, si Abuela na mismo ang umiwas ng tingin sa esposo nito at tumalikod na lang dito at iniwan kaming dalawa.

"Ano po bang kailangan kong gawin para matulungan n'yo si Eros?"

Muling bumalik ang tingin sa akin ng matandang don. Sa pagkakataon na ito, tila nakuha ko ang atensyon niya.

"Ano ba ang kaya mong isugal para kay Eros, babae?" Balik na tanong niya, nanghahamon.

"Gagawin ko po ang lahat ng gusto n'yo." Matapang at pinatatag ang dibdib na sagot ko.

May iisang posibilidad na tumatakbo sa isip ko ngayon na hihingin niyang kapalit sa hinihiling kong tulong. Parang sa mga telenobela, alam ko kung na kung anong baraha ang gugustuhin nitong ilapag ko sa mesa para makuha ang katiting na awa nito para kay Eros.

"Eros sacrificed a lot for you." Wika ni Don Carlos. "Kung hindi mo kayang gawin iyong ginawa ng apo ko para sa'yo, pinapatunayan mo lang na hindi ka karapat-dapat para sa kanya at isa kang maling pagkakamali na nagawa niya."

Sinalubong ko ang tingin ng matandang don, tumayo mula sa pagkakaluhod ko nang hindi kumukurap at hindi inaalis ang tingin sa kanya bago muling nagsalita.

"Gusto n'yong iwan ko si Eros. Iyon po ba ang hinihiling n'yo sa akin na kapalit?"

"I want you to begone in our lives. Kahit na sa susunod mo pang buhay, hindi ko gustong makita o madikit ka pa sa kahit na sino sa pamilya na ito," sagot ni Abuelo saka nagpatuloy. "Pero hindi ibig sabihin no'n na tutulungan na kita dahil lang sa ginawa mo ang bagay na gusto ko. Hindi ako p'wedeng pumabor sa isang miyembro lang ng pamilya, Eliz. Siguro naman naiintindihan mo na 'yan sa ngayon? Hindi lang ang buhay ni Eros at Gael at ginulo mo sa pagdating mo sa teritoryo namin. Maging ang buhay na rin ng iba. At ngayon lang ay nakuha ko ang disgusto mula sa asawa ko—na kahit kailan ay hindi nagtanim ng sama ng loob sa akin sa loob ng ilang taon naming pagsasama dahil lang sa naging epekto ng ginawa n'yong kapahangasan."

Umusal na lang ako ng paumanhin sa lahat ng sinabi nito saka ito hinayaan na magsalita at sabihin ang lahat ng gusto nitong iparating sa akin.

"Wala akong pinipiling paborito sa mga apo ko o maging sa mga anak ko. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa kanila. Kung may nakaka-angat man, si Katarina lang iyon. At hindi ikaw ang babae o maging si Eros, ang magiging dahilan para gumawa ako ng bagay na magpapakita ng hindi ko pantay sa pagmamahal sa kanila. Nabuhay ako nang ganito katagal dala ang paniniwala na ito. At hindi ngayon ang pagkakataon para magbago iyon."

Pinanood ko na tumayo ang don sa kinauupuan nito sa may sala ng mansyon at hinintay pa kung may susunod pa itong sasabihin.

Pero sa dismaya ko, wala na akong ibang narinig dito kundi ang mga naging yabag nito pa-akyat sa may hagdanan at makita ang pagkawala nito sa paningin ko.

Nanlulumo akong napa-luhod muli sa sahig ng mansyon saka dinala ang dalawang palad sa mukha ko at doon ibinuhos iyong mga luha na kanina pa gustong magbagsakan sa mga mata ko.

"What are you doing here?"

Nahinto ako sa ginawa kong pag-iyak sabay pinahid iyong mga luha sa mata ko gamit ang braso ko bago muling tumayo at harapin iyong direksyon ng pinanggalingan ng boses na iyon.

At ganoon na lang ang gulat at panlalaki ng mata ko nang makita muli si Gael.

Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kaysa doon sa huli kong kita sa kanya. Gone all his charm and good looks and all I can see right now is a man living in his own personal hell and despair.

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo rito?!"

Napangiwi ako sa sakit nang bigla niyang hablutin ang isang braso ko saka iyon mariing hinawakan, pinaparamdam sa akin iyong sakit na posibleng pinaramdam ko sa kanya, o baka ang pahapyaw lang ng sakit na dala-dala nito sa puso nito ngayon.

"G-Gael! Nasasaktan ako!"

"At ako hindi ba?!"

Muntik na akong mabuwal nang bigla niya akong bitawan at marahas na itulak palayo sa kanya para ipakita iyong ginagawa nitong malalakas na hampas sa tapat ng dibdib nito.

"This fucking heart of mine is being stabbed by every second that I remember your face!" Malakas na bulyaw niya na may kasamang poot at kirot sa boses nito. "Tapos ngayon, magpapakita ka pa sa harapan ko na parang hindi ka pa na-kontento na ginago mo ako at sinasaktan ako ng alaala mo? How cruel can you be, Eliz? Ano bang ginawa ko sa'yo to hurt me like this?"

Mariin akong napa-kagat sa labi ko nang makita ko na nagsisimula nang magbagsakan ang mga luha sa mata ni Gael.

"All I did was to love you with all my heart and soul, give you the world and do my best to make you happy sa paraang alam ko. Why can't it be me, Eliz? Why can't you just choose me again and stay with me like how it should be?"

Nang mga oras na iyon, gusto kong yakapin si Gael, tell him I'm sorry. Tell him it's not his fault and it's all on me.

Pero higit sa awa, Gael deserves to know the truth.

"Hindi ako naparito para saktan ka, Gael," panimula ko. "Nasa kritikal na sitwasyon ngayon si Eros. Pumunta ako rito para humingi ng tulong."

"Ha! Karma nga naman!" Nang-uuyam at natatawang sabi nito. "Is he dying? When's the funeral? I want to see him dying."

Mapait na lang akong napangiti sa kanya at pilit inintindi ang naging reaksyon nito.

"Alam kong hindi ka masamang tao, Gael. At alam ko na hindi rin totoo na gusto mong mamatay si Eros dahil lang sa galit ka sa kanya." Umuunawang sabi ko. "At gusto ko lang din ipaalam sa'yo na hindi si Eros ang dahilan bakit hindi ko na gustong ituloy ang relasyon natin. Ako ang problema, Gael. Ako ang napagod. Ako ang nasakal. Ako ang hindi na magawang maging masaya kahit sobrang minahal pa kita."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya sa narinig. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para sabihin sa kanya ang lahat ng mga sinabi ko kay Abuela habang nakikinig pa siya.

"Sa lahat ng ginawa mo para sa akin—sa lahat ng oras, pag-aaruga at pagmamahal, lahat ng iyon sobrang ikinapapa-salamat ko. Kung magku-krus ulit ang landas natin sa ibang panahon at pagkakataon, hindi ako magsisisi na mahulog at magmahal sa isang gaya mo." Wika ko saka nagpatuloy. "You are amazing, Gael. You are close to perfect. Alam ko at naramdaman ko na sobrang minahal mo ako. Pero Gael, iyong pagmamahal mo at pagmamahal na gusto ko, hindi na sila nagtatagpo. You don't listen to me. Pinipilit mo lagi ang gusto mo. Hindi mo napapansin na sa'yo na lang umiikot ang mundo ko at gusto mo na gano'n lang ang gawin ko kasi mahal mo ko. Gael, hindi iyon ang gusto ko. Mahal kita pero may buhay at plano rin ako na gustong gawin para sa sarili ko at nang ako lang. Hindi ako lumpo. Wala akong malalang sakit. Pero pakiramdam ko, sa tuwing magkasama tayo, hindi ko na maramdaman iyong sarili ko. Na hindi ko na alam kung saang daan ba dapat ako pupunta kasi parang hanggang sa kamatayan ko yata, may plano ka na nang hindi ko man lang nalalaman."

"Are you feeling this way all this time?" Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mukha nito nang tanungin ang bagay na iyon. "Eliz, napaka-babaw ng dahilan mo para tapusin ang relasyon natin ng gano'n-gano'n lang! You could have told me all of these and I will obligingly comply with what you want and fix everything!"

"Iyon na nga ang problema," sagot ko sa kanya. "Hindi mo ako pinapakinggan. Ni hindi mo na nga yata naririnig ang boses ko o opinyon ko kasi iyong alam mong tama at makakabuti sa akin ang nasa isip mo at iniisip mong gusto ko ring mangyari. Paano kapag bigla ka na lang nawala? Paano kung ikaw na mismo ang nakipag-hiwalay sa akin? Ano na lang gagawin ko? Masyado mo akong idini-depende sa'yo, Gael hanggang sa magising na lang ako isang araw na hindi ko na makita ang purpose ko sa buhay nang hindi ka kasama sa mga iyon."

"You should have broken up with me then!"

"How can I?" Mapait na sambit ko. "Paano ko gagawin sa'yo iyon kung pinaramdam mo sa akin na wala na akong ibang pagpipilian kundi manatili sa tabi mo? Kung pinangakuan mo na agad ako ng habang-buhay at naglagay ng singsing sa daliri ko? How can I go if you're asking me to stay forever?"

"You always have the option to say no, Eliz!"

"Pero hindi mo pinaramdam sa akin iyon, Gael."

Ilang sandaling katahimikan ang puma-ibabaw sa ere hanggang sa ako na mismo ang bumasag noon para sa aming dalawa.

"Gusto kong malaman mo na totoong minahal kita sa mga taon na magkasama tayo, Gael. Sobra-sobra pa nga hanggang sa puntong nawala ko na sa'yo ang sarili ko," usal ko saka lumapit dito at kinuha ang mga kamay nito at marahang hinawakan iyon. "Thank you for coming into my life, Gael. Thank you for loving me this much. Thank you for everything you have done and I'm sorry. Sorry kasi hindi kita masasamahan sa habang-buhay na gusto mo. I'm sorry."

"Pero bakit kailangan si Eros pa?" Muli niyang sinalubong ang tingin ko at muli ko ring nakita ang nag-uumapaw na sakit sa mata nito. "Anong lamang niya sa akin, Eliz?"

"He let me live, Gael." Mabilis na sagot ko. "Pinaramdam niya sa akin iyong buhay na nawala ko noon. Binalik niya ako sa kung sino at ano ba talaga ako. Pinaalala niya sa akin kung ano bang gusto ko para sa sarili ko. At hindi ka nalamangan ni Eros dahil doon. You used to make me feel that way. It's just that..."

"Napagod ka na kasi mahal na mahal kita. Iyon ba ang gusto mong sabihin, Eliz?"

"May nakalaan na ibang tao para sa pagmamahal mo, Gael."

"I can't imagine loving anyone as much as I love you, Eliz." Wika niya saka siya naman ngayon at kumuha ng kamay ko at humawak doon. "Hindi ba p'wedeng ako na lang ulit? I can do better! Kaya kong higitan si Eros! Just tell me what you want and I will do it! Just please... please come back to me."

Marahan kong hinila ang mga kamay ko mula sa pagka-kapit niya na tila ba doon na naka-salalay iyong buhay niya saka muling nagsalita.

"Kung may gusto man akong hilingin sa'yo ngayon, Gael, iyon ay ang matulungan mo si Eros. He needs you. Bilang pamilya at bilang tinuturing niyang kapatid." Paliwanag ko. "Hindi man niya direktang sinasabi pero alam ko na pinagsisisihan niya na nagawa niya ito sa'yo. He loves you like how much I know you still love and care for him. Tulungan mo si Eros, Gael. Nakiki-usap ako sa'yo. Kung ikaka-panatag ng loob mo na hindi ako mapunta sa kanya, sige. Gagawin ko. At para na rin sa pamilya n'yo. Eros badly needs help right now, Gael."

"Kung tutulungan ko ba siya, babalik ka ba sa akin?"

Marahan akong umiling. "Hindi ko magagawa sa'yo 'yan. Masyado na kitang nasaktan, Gael. Mas lalo lang kitang masasaktan kung lolokohin ko ang  sarili ko na mahalin ka at manatili ulit sa tabi mo. You deserve better than this."

"Hindi ba p'wedeng ikaw lang ang gusto kong maging deserving sa buhay ko, Eliz? I'm not asking for too much. Just you."

"I am too much." Pagtatama ko sa kanya saka siya binigyan ng huling ngiti. "Makakahanap ka ng ipapalit sa akin, Gael. Someone who you will love with all your heart at hindi mapapagod na matanggap ang pagmamahal na 'to mula sa'yo."

"I swear not to fall in love again if it's not you, Eliz."

"Ako ang magiging pinaka masayang tao sa mundo kung hindi 'yan magkakatotoo." Wika ko pa sa kanya. "Aalis na ako."

Laglag ang balikat na umalis ako sa isla dahil hindi ko nakuha ang tulong na kailangan ko.

Inakala ko na magiging bukas ang palad nila para tulungan si Eros. Pero nagkamali ako ng akala. At napapatunayan lang ng nangyayari ngayon na hindi magandang kaaway ang pamilya nila Eros.

No one wins a war against a cold heart.

"PASENSYA KA na at hindi ka na namin hinintay." Salubong na sabi sa akin no'ng doktor na tumingin kay Eros. "Nakapag-arrange na kami ng sasakyan na maglilipat sa pasyenteng dinala mo dito at kanina pa sila naka-alis papuntang Maynila para doon siya mabigyan ng medikal na atensyon na kailangan niya."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng doktor habang nag-iisip kung paano at sino ang gumawa ng paraan para mapa-dali ang pagpapagaling ni Eros.

"Siya nga pala," narinig ko ulit na turan ng doktor. "May iniwan palang sulat para sa'yo dito." Dugtong pa nito saka inabot sa akin iyong maliit na naka-tuping papel saka ko sinimulang basahin ang nag-iisang salita na naka-sulat doon.

Leave.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na mag-isip pa kung sino ang nagbigay nitong sulat saka muli iyong itinupi at inilagay sa bulsa ng pantalon ko.

At hindi ko na rin kailangan mag-dalawang-isip pa sa kung ano ang mas tamang desisyon na dapat kong gawin sa iniwan sa aking mensahe.

Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
205K 12K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
133K 9.7K 52
I followed every rule, every code that was taught in me at the academy. I was blindly following those men that I looked up to. Until someone made m...
6M 107K 32
She needs money He wants sex Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.