Vampire Kiss

By lucypherrr

27K 1K 50

Have you ever heard about the "NEW GENERATION VAMPIRE" ? They don't drink blood but they kiss human to surviv... More

Panimula
Kiss 1
Kiss 2
Kiss 3
Kiss 4
Kiss 5
Kiss 6
Kiss 7
Kiss 8
Kiss 9
Kiss 10
Kiss 11
Kiss 12
Kiss 13
Kiss 14
Kiss 15
Kiss 16
Kiss 18

Kiss 17

34 3 1
By lucypherrr


Hating gabi na at hindi alam ni Serenity kung bakit hindi sya makatulog. Hindi sya mapakali, kanina pa nya sinusubukan na matulog pero ayaw syang patulugin ng kaniyang diwa. Hindi nya alam para bang may nag sasabi sa kaniya na kailangan nyang umalis ng bahay. 

Nag pasya syang bumangon na sa kaniyang higaan at natungo sya sa balkonahe ng kaniyang kwarto kitang kita nya ang bilog na bilog ang buwan na para bang naka tingin ito sa kaniya na para bang kinakausap sya nito.

Naramdaman nya na tinutulak sya ng hangin na papunta sa isang direksyon na hindi nya alam ngunit sinasabi ng isip nya na mag patangay sya sa hangin na ito. Kung kayat hinayaan nya na tangayin sya ng hangin at dinala sya sa gitna ng kagubatan. 

Napansin nya kung gaano katahimik sa loob ng gubat tangin kaluskos lang ng mga dahon ang iyong maririnig ngunit patuloy itong lumalakas. Sinundan nya ang pinang gagalingan ng ingay at laking gulat nya ng makita kung saan nang gagaling ang mga ingay na ito. 

Nakita nya ang mga Knights ang tauhan ng mga council na may nilalabanan na isang lalaki na duguan natatakapan ang mukha nito ng mahaba nito buhok at dugo ngunit naka ramdam sya ng matinding kaba ata takot habang tinitingnan nya ito. Kasalukuyan itong napapalibutan ng walong Knights habang ang lalaki ay na tayo at may hawak itong espada na puro dugo. Napansin nya din na sira sira na ang damit ng lalaki at puro sugat iyon. Napansin nya din ang malalim nitong sugat sa tagiliran, nilibot nya ang kaniyang tingin sa paligid at nakita nya na may apat ng Knights na naka handusay at sa tingin nya ay patay na ito.  

Ngunit mas lalo syang nagulat nang biglang sumugod ang lalaki upang labanan ang Knights tinangay ng hangin ang ang buhok na nag tatakip sa mata nito at sumambulat sa kaniya ang isang pares ng kulay abong mga mata. 

Agad agad syang bumaba at sinugod ang tatlong Knights na nasa likod ng lalaki na nag babadyang saksakin ito. Mabilis ang kaniyang naging pag kilos, nilabanan nya ang mga Knights.  Nakita nya ang panghihina ng kaniyang kabiyak dahil napa upo ito habang naka tukod ang kamay sa espadang hawak nito. Nakita nyang muling susugurin ito ng mga Knights kaya't wala syang magawa kundi paputukan sa dibdib ang dalawang Knights na naging dahilan upang mamatay ito. 

Ito ang unang pag kakataon na pumatay sya ng mga Knights alam nyang hindi ito magugustuhan ng mga council ngunit kailangan nyang protektahan ang kaniyang kabiyak. Saka nya nalang iisipin ang mga ito kapag nasigurado na syang ligtas ang kaniyang kabiyak.

Inangat nya ang kaniyang tingin, alam nya sa sarili nya nag bago na ang kulay ng kaniyang mga mata. Biglang napatigil ang mga Knights ng makilala sya nito. "Leave or I kill you all" malamig nyang sabi sa mga ito. Tango lang ang naging sagot nito sa kaniya bago nag laho ang mga ito sa kanilang harapan.  

Agad nyang sinalo ang binata ng akmang tatayo ito ngunit natumbal ito. Nakita nyang malalalim ang sugat nito at namumutla narin ito at kung hindi ito magagamot ay tiyak na mamamatay ito. Ilang saglit pa ay nawalan na ito ng malay na naging dahilan upang balutin sya ng kaba. Agad nyang hinawakan ang pulsuhan nito at pinakariramdaman ang tibok ng puso nito na unti unti nang humihina. 

Alam nyang kakamuhian sya ng binata sa gagawin nya pero wala syang magagawa ito na lamang ang para na naiisip nya para mailigtas ito sa bingit ng kamatayan. Kinuha nya ang kutsilyo sa kaniyang bulsa saka nya sinugatan ang kaniyang palad at saka nya itinutok sa bibig ng binata ang pag tulo ng kaniyang dugo rito. Ilang saglit pa ay naramdaman nya ang pag hila nito ng kamay nya at ang pag sipsip nito sa palad nya. 

Hinayaan nya lang ito na sipsipin ang dugo nya. Ngunit bigla syang napa isip noong makita nya ang mga bangkay ng Knights sa paligid. Hindi basta basta papatay ang mga Knights ng mortal kahit pa na Hunter ang mga ito ng wala silang nilalabag na batas ayon ang kasunduan ng mortal at ng mga immortal para mabuhay sila ng mapayapa. Hindi pwede basta basta na pumatay ang bawat isa kung wala itong nilalabag na batas dahil kung gagawin nila iyon na walang sapat na basehan ay mapaparusaan sila ng kamatayan. 

Pero bakit papatay ang Knights ng isang Hunter, bigla nyang naisip ang council. Ito maaari ang nag utos sa mga ito ngunit bakit? Hindi pa naman alam ng mga ito na natagpuan na nya ang kaniyang kabiyak at mas lalong hindi nila kilala ito. Kaya bakit nila papatayin ito. 

Napa baling ang atensyon nya sa kaniyang kabiyak ng pamansin nya ang pag hinto nito sa pag sip sip ng kaniyang dugo. At sumalubong sa kaniya ang nakakasuklam na tingin nito sa kaniya  habang naka tingin sa duguan nyang kamay. Alam nyang galit ito sa kanya, hindi kulang ang salitang galit para sa mga titig na ibinibigay nito sa kaniya. Alam nyang marami itong gustong sabihin sa kaniya ng mga salitang dudurog sa kaniya kayat nag papasalamat sya ngayon na nanghihina ito sa mga kamay nya. 

Napansin nya na huminto na sa pag durugo ang mga sugat nito at unti unti nadin nag hilom ang mabababaw na sugat nito ngunit bakas padin sa ityura nito ang pang hihina. Kung kaya't na mag teleport at dalin ito sa kaniyang bahay. 

Maingat nyang ihiniga ang binata sa kaniyang kama, laking pasasalamat nya nalang na hindi ito umangal. Hindi sya pwedeng tumawag ng doctor upang gamutin ito dahil paniguradong mabilis kakalat na natagpuan na nya ang kaniyang kabiyak kaya nag pasya ito na sya na ang mag gamot sa sugat nito dahil hindi narin naman bago sa kaniya ang pang gagamot ng mga sugat. Ilang beses na basyang nasugatan sa pakikipag laban nya at siya lang din ang gumamot dito. 

Dahan dahan niyang inangat ang damit ng binata at nakita nya ang malalim na sugat nito sa tagiliran. Alam nya na kung nahuli sya ng dating ay maaring namatay na ito at hindi nya mapapapatawad ang sarili nya pag nangyari ito. Agad nya itong nilinis at binendahan nang matapos nya itong bendahan ay napansin nya na naka titig sa kaniya ang binata, puno nang pag kamuhi ang mga tingin nito.

"Bakit mo ako pina inom ng dugo mo" mariin at puno diskusto na sambit nito sa kaniya "Kung hindi ko ginawa iyon mamamatay ka" tugon nya rito. Nakita nya na binigyan yan sya nito ng nakakaasar na ngisi bago ito nag salita "Sana hinayaan mo nalang akong namatay kesa madugtungan ang buhay ko mula sa kagaya mo" puno ng pait nitong sabi sa kanya.

Hindi nya masisisi ang binata, una paman kita nila nila ay alam nya nang galit ito sa mga immortal lalo na sa mga kalahi nya. Ngunit hindi nya parin maiwasan na masaktan dahil kabiyak sya nito pero naiintindihan nya rin naman na may malalim na pinanghuhugutan ang galit nito. 

"Wala akong pakielam kung magalit kapa sakin o kung isumpa mo pa ako dahil kahit anong gawin mo hindi ko hahayaan na mamatay ka" naka titig nyang saad dito saka sya lumabas sa kaniyang kwarto. 

Pag labas na pag labas nya ng kaniyang silid ay agad nang tumulo ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan. Simula ng makita nyang sugatan ang kaniyang kabiyak at nang mawalan ito ng malay. Ni hindi nya na nga alam kung ano sa mga iyon ang rason ng pag iyak nya.

Hindi nya kayang tingnan ang kaniyang kabiyak dahil pakiramdaman nya ay mamamatay sya kung sasalubungin nya pa ang mga tingin nito na puno ng pag kamuhi. Kahit kailan hindi naging problema sa kaniya ang pagiging imortal ngunit ngayon parang gusto nyang hilingin na sana ay isang normal nalang syang tao. Dahil nag babakasali sya na kung isa syang normal na tayo ay hindi nya masisilayan ang tingin na puno ng pag kamuhi mula sa kaniyang kabiyak.

Gulong gulo na sya kung bakit ba sa kaniya nang yayari ito. Buong akala nya ay magiging masaya na sya kagaya ng kaniyang namayapang magulang nang natagpuan nito ang isat isa ngunit kabaliktaran pala nito ang sa kaniya dahil puro sakit ang kaniyang narararamdaman. 

Pinatapang nya ang kaniyang tingin at nag pasya sya na puntahan ang mga council kailangan nyang malaman kung bakit nito pinag tangkaan ang buhay ng kaniyang kabiyak. 


- - - 


Mabilis syang nakarating sa lumang palasyo, walang nag tangkang harangin o batiin man lang sya dahil napapalibutan sya ng nakakatakot na aura at idagdag pa ang ibang kulay ng kaniyang mata.

Mabilis nyang tinahak ang library ng palasyo at binuksan ito agad nyang naabutan ang tatlong council na kausap ang mga Knights na nakasagupaan nya kanina. Nakita nya na sinenyasan ng mga ito na lumabas ang mga Knights. 

"Mahal na Prinsesa" pag bati sa kaniya ng mga ito ng maiwan silang tatlo sa loob ng silid "Sino ang nag bigay sa inyo ng pahintulot na pumaslang ng isang Hunter!" galit nyang sigaw sa mga ito. 

Nakita nya ang pagdaan ng takot sa mga mata nito na agad rin nawala "Wala namang masama kung ipapatay namin ang mga Hunter dahil sila ang umuubos sa lahit natin, Mahal na Prinsesa" sagot ni Hydrix ang pangatlong council. 

Hindi nakapag pigil si Serenity sa galit ng marinig nya ang sagot nito kaya nag bato sya ng bolang apoy na kamuntik ng tumama rito "Nasa batas na hindi kayo basta pwedeng pumatay ng mortal o kahit pa Hunter ito ng walang sapat na batayan" mariin nyang tugon dito.

"Sapat nabang batayan na ang Hunter na pinapapatay namin ay ang iyong kabiyak" sagot sa kanya ni Ezikiel ang pangalawang council na nakapag pahinto sa kaniya "Alam na namin na siya ang kabiyak mo Mahal na Prinsesa at hindi namin matatanggap na isang mortal ito, lalo na na isa itong Hunter" pag papatuloy nito.

"Hindi namin sya matatanggap na maging susunod na Hari. Walang karapatan ang isang mortal lalo na ang kagaya nyang Hunter na pamunuan ang mundo natin" mariin na sagot ni Zdyrix ang pinuno ng mga council 

"Wala kayong karapatan na saktan ang aking kabiyak, dahil sainyo narin na nanggaling na sya ang susunod na Hari!" galit nyang sigaw sa mga ito ngunit nakita nya ang pag ngisi ni Zdyrix "Papatayin namin sya Mahal na Prinsesa dahil hindi sya nararapat sa trono at wala kang magagawa doon" 

Alam niyang hindi nya basta basta mapapasunod ang mga ito dahil ito ang mga council sila ang nag papanatili ng kapayapaan sa kanilang mundo. Mahirap man tanggapin dahil naiintindihan nya rin naman ito dahil ito ang unang pag kakataon na magkaroon ng kabiyak ang susunod na tagapag mana ng trono na isang immortal lalo na ng isang Hunter.

At muli ginamit nya ang kaniyang kapang yarihan upang basagin ang lahat ng salamin sa loob ng silid. Galit na galit na sya, walang pwedeng mag salita ng ganoon sa kaniyang kabiyak. 

"At sino naman sa tingin mo ang dapat na maging susunod na Hari!" sigaw nya sa mga ito.

"Kasalukuyan na namin pinapahanap si Damien sya ang second chance mate mo ayon sa manghuhula. Apo sya ng dating Council at sya lang ang tatanggapin namin na susunod na Hari" sagot ni Zdyrix sa kaniya 

Parang nabato sya sa kaniyang kinatatayuan sa kaniyang nalaman. Hindi na bago sa kaniya na marinig ang Second Chance Mate. Ito ang tinatawag na himala sa kanila mga immortal ang makahanap ng ikawalang kabiyak. Ngunit hindi sya makakapag na saktan ng mga ito ang orihinal nyang kabiyak.

"Hindi ako makakapayag na saktan nyo ang aking kabiyak!" galit na sigaw nya rito.

"Wala kanang magagawa Mahal na Prinsesa dahil sa oras na dumating si Damien dito sa palasyo ayon narin ang araw kung saan mamatay ang Hunter na iyon" mariin na sagot nito sa kaniya "Tandaan mo, hindi pwede na maging dalawa ang susunod na Hari at nakakasigurado ako na ang lahat ng ating nasasakupan ay tatanggapin si Damien kesa sa immortal na iyon"

"Subukan nyong galawin ang aking kabiyak kahit ang hibla lamang ng buhok nito at makakasigurado kayo na ako mismo ang tatapos sa inyo!" sigaw nya sa mga ito bago sya nag laho ng parang bula sa harap ng mga ito. 

Hindi sya makakapayag na patayin ng mga ito ang kaniyang kabiyak. Gagawin nya ang lahat para protektahan ito. Handa syang kalabanin ang mga council masiguro lamang nya na ligtas ito. Ngunit ang pinag tataka nya kung paano nalaman ng mga ito na ang binatang iyon ang kaniyang kabiyak ganong si Leana at Kier lamang ang nakaka alam sa pag kaka kilanlan nito. 


- - -


Madaling araw na nang mag pa sya si Kier na dalawin si Serenity. Mabilis nyang tinahak ang silid ng dalaga ngunit nagulat sya ng hindi si Serenity ang naabutan nya sa silid ng dalaga. 

Naabutan nya ang lalaking kinaiinisan nya na naka tayo sa balkonahe habang naka tingin sa buwan. 

"Bakit buhay kapa?" pag sasalita nya na naka kuha ng atensyon nito, agad naman napa lingon ito sa kaniya at muli syang binigyan ng ngisi ng binata. 

"Sabi kona at ikaw ang dahilan nang tangkang pag patay sakin ng mga Knights" sagot sa kaniya nito "Anong ginagawa mo sa silid ng Mahal na Prinsesa" balik nyang tanong dito. 

"Dinala nya ako rito" nang aasar na sagot nito sa kaniya, napansin nya ang sira sirang damit nito at ang natuyong dugo ngunit wala na itong sugat "Sa tingin mo ba hahayaan nya akong mamatay" nang aasar na sambit nito sa kaniya na naging dahilan para sakalin nya ito. 

Galit na galit sya sa binata. Nag seselos sya rito ngunit kailangan nya itong itago dahil hindi nito pwedeng makita na nasasaktan sya kaya ngumisi sya. 

"Hinahanap ng council ang Second Chance Mate ng Mahal na Prinsesa at sigurado ako na kapag nahanap na nila ito ay hindi kana kailan pa pag tutuonan ng atensyon ng Mahal na Prinsesa" naka ngisi nyang sambit dito ngunit ginantihan din sya nito ng isang ngisi.

"Bitiwan mo siya Kier kundi ako mismo ang tatapos sayo!" isang sigaw naging dahilan para ma estatwa sya at mabitawan ang binata. Kilalang kilala nya ang boses na iyon.

Dahan dahan nyang nilingon ang pinang galingan ng boses at hindi sya nag kamali kung kanino ito nang galing. Sinalubong sya ng tingin ni Serenity na puno ng pag kasuklam. Ito ang unang beses na binigyan sya ng ganong tingin nito at hindi nya matanggap iyon, nasasaktan sya.

Agad nyang nilapitan ang dalaga, hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang gawin o sabihin dito "Serenity..." mahina nyang sambit habang akma nyang hahawakan ang kamay nito ng bigla nitong tabigin ang kamay nya. 

"Huwag na huwag mo akong hahawakan! Narinig kona ang lahat Kier isa kang taksil!" puno nang pag kamuhi na sambit nito sa kaniya. "Umalis kana sa harapan ko habang nakakapag pigil pa ako na paslangin ka" galit na sabi sa kaniya ng dalaga.

Walang nagawa si Kier kundi tumango sa dalaga at lisanin ang silid ng dalaga na puno ng lungkot at pag katalo. 




Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
6M 197K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
11.4M 569K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
3.7M 133K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...