F.L.A.W Series Book 1: AMETHY...

By mimzee23

36.3K 2.4K 145

Warning: SPG / R-18 / Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 1: AMETHYST ... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Epilogue

Chapter Ten

1.1K 88 8
By mimzee23

She went back to her old pretend self. The old maiden look that she portrayed for three years is back. She's back being her boss' secretary as if nothing has ever happened in between them.

Balik na naman siya sa mga gawain niya. Taas noo siyang pumapasok araw araw sa opisina na wala naman ding nakakapansin sa kanya. Kahit nga nawala siya ng ilang araw noon ay parang wala namang nakahalata. She's that invisible to other people that no one ever notices she was gone.

Tuloy-tuloy lang siya sa nakasanayang gawain gaya ng paglilinis sa loob ng opisina ng amo niya. Lahat din ng mga nakabinbin na trabaho ay kaagad na niyang ginawa upang mabawasan.

Isang linggo na magmula nang bumalik siya sa trabaho. Wala namang nagbago sa mga gawain niya maliban na lang mismo sa kanyang amo. Pormal na itong makitungo at hindi siya kinakausap kung wala naman itong kailangan sa kanya.

Naninibago siya sa atmospera sa pagitan nila. Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang lumalayo sa binata o ang lalaki na mismo ang lumalayo sa kanya. Iyon naman din ang gusto niyang mangyari ngunit bakit parang hindi na niya nagugustuhan iyon sa ngayon?

Just like another day, she was busy on her computer when Dev came.

"Good morning Mr. Laveau." Bati niya na mabilis lang ginawang pagtingin rito at muling ibinalik ang tingin sa harapan ng computer.

Hindi naman sumagot ang binata at dire-direcho sa loob ng mismong opisina nito. Iwinasiwas niya ang pagbangon ng inis sa dibdib dahil maski sa paningin ng binata ay invisible na din siya.

Kinse minutos muna ang pinalipas niya bago siya tumayo sa kanyang upuan para ipagtimpla ng kape ang lalaki. Kumatok siya ng dalawang beses bago siya pumasok sa loob at naabutan niyang seryosong nakatuon ang binata sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa.

Ni hindi rin ito nag-angat ng tingin nang ilapag na niya ang tasa ng kape sa gilid nito. Naninibago na talaga siya at ayaw man niyang aminin ay talagang naiinis siya sa hindi nito pagpansin sa kanya nang mahigit isang linggo na. Kaya naman siya na ang kumuha mg atensyon nito.

"Sir, you have a three o'clock meeting with your subordinates and also, Mr. Fischer called and wants to check out the brand new parts we have for his private plane." Paliwanag ni Taniesha. "And also, I have set a meeting presentation with the-"

"Just email me my schedule for the week and I'll look into it later." Putol nito sa kanya na hindi man lang siya talaga tiningnan.

Napakuyom siya ng kamao dahil sa inis ngunit kaagad din naman niyang napakalma ang sarili.

"Noted, Sir." Magalang niyang sagot at saka umatras na para makalabas ng kwarto.

Mukhang nilalagyan na ng boundaries ng lalaki ang pagitan nila at umaakto na naaayon sa kanilang posisyon. Iyon naman ang ginusto ni Amethyst pero bakit parang nasasaktan siya?

Ganoon nga ang ginawa niya at pormal lang ang pakikitungo ng amo sa kanya. Seryoso lang ang mukha nito kapag may iuutos sa kanya at madalas pa ay sa telepono lang nito itinatawag ang kailangan na para bang ayaw siyang makita.

Iniisip na lamang niya na baka maraming iniisip ang lalaki dahil siksik talaga ang schedule nito ngayong linggo dahil nga matagal tagal din silang nawala at kababalik lang nila noong nakaraang linggo sa trabaho.

Matalas ang pandinig ni Taniesha at kahit nasa labas pa lamang ng kwarto niya ang naglalakad ay alam na niyang babae iyon dahil sa tunog takong ng sapatos. Inihanda na niya ang sarili dahil may itataboy na naman ata siya sa araw na iyon.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng puting mini skirt at pink tube top. Ito ang huling babae na kinalantari ng amo niya sa loob ng opisina at marahil ito rin ang may-ari ng panty na nakita niya sa may sofa noon.

Kaagad siyang tumayo at maayos na humarang sa harapan nito nang akmang di-derecho ng pasok sa loob ng opisina ng boss niya.

"Do you have an appointment with Mr. Laveau, mam?" Magalang niyang tanong.

"Yes I do." Sagot ng babae na balak uli siyang lampasan kaya't mabilis niyang hinawakan ang braso nito at muli siyang humarang sa daan.

"I'm sorry but based on his schedule he doesn't have an appointment with you. But I can set you with another one next month because he doesn't have available time during the next days and he will be quite busy next week and the week after." Pagdadalihan niya para mapaalis na ang babae.

"Oh, no need. Dev just called me and he said he wanted to see me today." Maarteng sagot sa kanya ng babae.

I doubt that!

Mariin niyang bulong sa isip dahil kilala niya ang boss niya at hindi nito gawain ang magtext sa mga babaeng naikama na nito. Fuck and forget ang motto ng lalaki kaya alam niyang gumagawa lang ng palusot ang dalaga.

"I'm sorry, Mam, but I can't let you in because he's busy. I'll just re-schedule your-"

"Can't you understand the words that I said?!" Mataray na ang tono ng babae at kita rin niya ang inis sa mukha nito nang dahil sa kapipigil niya. "He called me and he wants to see me, so get out of my way before I push you to the ground!"

Tumaas ang kilay niya at masamang tiningnan ang dalaga. Iniisip pa niya kung papaano niya ito mapapaalis at kung ano ang susunod niyang gagawin para takutin ito nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang likuran.

Alam niyang nakatayo na sa likod niya si Dev kaya naman hinawakan na niya sa magkabilang balikat ang babae upang itulak na sana palabas ng pintuan nang marinig niya ang boses ng binata.

"Let her in, Miss Guerrero." Ma-awtoridad na utos sa kanya.

Napalingon siya agad sa lalaki upang makita ang mukha nito kung seryoso ba talaga ito sa ipinapagawa sa kanya. Walang bahid ng alinlangan o panloloko ang mukha ng binata at salat din sa emosyon. Kaya't kahit naguguluhan siya ay tumabi na siya at binigyan ng espasyo ang babae upang makaraan.

Umismid pa sa kanya ang dalaga na tila ba inaasar siya dahil sa pagkapahiya niya bago ito naglakad at sinalubong ng halik si Dev. Gumanti din ng halik ang binata na hindi man lang nahiya at ipinakita pa sakanya ang pakikipaglandian nito.

Siya na ang umiwas ng tingin at bumalik na lang sa kanyang pwesto ng tahimik.

"Next time, inform me first about my guests before you shove them away." Na lumapit pa sa gilid ng kanyang mesa. "And by the way, make sure no one will disturb us, okay?" Pahabol pang utos sa kanya ng amo bago hinila ang babae sa loob ng opisina nito.

Nanggi-gigil siya at sa sobrang inis niya ay nabali niya ang hawak na lapis sa isang kamay. She wanted to hurt someone so badly so she could release her anger right now. Kung maaari lang sanang manakit ay kanina pa sana naisugod sa ospital ang dalawang malalandi sa kabilang kwarto.

Hindi na siya nakapag-focus sa trabaho dahil sa kababantay niya sa amo. Mas tinatalasan niya ang pandinig ngunit wala naman siyang naririnig kundi ang paminsan-minsang halakhak ng maharot na babae.

She started imagining what they were doing inside and she isn't that naive not to know what kind of activity they were sharing together. Knowing her boss, he's delightfully banging that bitch on his couch.

Lumipas ang oras na halos nakatulala lang siya sa harapan ng kanyang computer ngunit nang may marinig na siyang kaunting ingay ay nagkunwari siyang busy sa ginagawa.

"Are you going to call me again, Dev?" Malanding tanong ng babae pagkalabas ng dalawa sa opisina ng lalaki.

Gusto niyang mag-angat ng tingin upang makita ang itsura ng dalawa ngunit nilabanan niya ang sarili at nanatiling nakatutok ang atensyon sa computer.

"Definitely. I wanted to spend time again with you." Malandi ring sagot ng binata na ikinarolyo ng mga mata niya.

Those two are getting on her nerves. Naiinis siya dahil sa harapan pa talaga niya naglandian ang dalawa, ngunit mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil dati naman ay hindi siya naaapektuhan sa ganoon. Wala siya noong pakialam sa kung sino ang kinakalantari ng amo niya. Pero ngayon ay tila ba hinihiwa ang kanyang puso at nakakaramdam na siya ng sakit.

Dahil hindi na niya matagalan ay bigla siyang tumayo sa kanyang pwesto para lumabas ng kwarto.

"Where are you going, Miss Guerrero?" Tanong sa kanya ni Dev kaya't napahinto siya sa paglabas.

"to the office of the VP for operations. I need to get the report from last week that you'll be needing for the meeting later, Sir." Magalang pa ding sagot ni Taniesha at dire-direcho na siya sa paglabas.

Saka lamang siya nakahinga nang nasa elevator na siya pababa. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil magmumukha lang siyang nasisiraan ng bait.

Nagtagal siya saglit sa ibaba at nakipagkwentuhan pa sa isa ring sekretarya roon na kahit kailan ay di pa niya ginawa. Ayaw kasi muna niyang bumalik agad sa itaas at baka madatnan pa niya ang dalawang maharot roon.

Nagpalipas siya ng ilang minuto bago muling umakyat. Wala naman na ang dalawa at mukhang nakaalis na ang haliparot na babae habang nasa loob naman na ng opisina ang amo niya.

Makalipas ang isang oras ay bumungad naman sa kanya ang presensiya ni Sarah. Mukhang nag-iba na ngayon ito ng panlasa sa pananamit. Before, she dressed in an elegant, sophisticated way, less revealing, and more appropriate. But the way she looks right now, her body tight dress is more provocative than ever.

"Hi, Taniesha." Bati sa kanya ng dalaga na may kakaibang ngiti sa labi. "I thought you're going to maintain your new look?" at tinitigan pa ang kanyang mukha at kasuotan. "But you went back to your old... decent look." Hindi nakaligtas sa kanya ang may pagkasarkastikong tono nito.

"I told you Mam, it's just for a show." Magaling na sagot na niya. "Do you have an appointment with Mr. Laveau?" Pag-iiba na niya ng paksa.

"I don't need to make an appointment with my future husband." The woman sounded too proud that she almost wanted to break her neck. "I'll wait for him here. I brought him some lunch." And she sat at the guest's couch on the corner.

Nanginginig ang daliri niya sa inis habang inaangat ang telepono para tawagan ang amo.

"Sir, Miss Humphrey is here. Should I tell her to leave and just wait for your-"

"No, let her in." Putol sa kanya ng amo. "Ipagtimpla mo na din kami ng kape." Pahabol na utos pa nito bago siya babaan.

Pagkababa niya ng telepono ay nakailang ulit siyang huminga nang malalim bago siya tumayo at sinamahang pumasok ang dalagang bisita ng kanyang boss.

"How would you like your coffee, Mam? Sweet or plain black?" Tanong niya kay Sarah.

"She's not a bitter person, Miss Guerrero." Si Dev pa ang sumagot na mas lalong ikinainis niya. "A teaspoon of sugar will do."

Tumango na lang siya at saka tumalikod at nagpunta sa maliit na coffee table roon.

She's not a bitter person huh? So I'm the one who's bitter here?! Really?!

Habang nagtitimpla siya ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya dahil sa asar. Kung may dala lang siguro siyang lason ay baka naihalo na niya roon at panonoorin niya ang dalawa na bumubula ang bibig mamaya.

But then again, she's trying not to be the same person as she was before. And she definitely doesn't want to hurt Devereaux even if he's hurting her without him knowing.

"Here's your coffee, Sir, Mam." Aniya sabay lapag ng kape sa harapan ng dalawa na ngayon ay magkatabing nakaupo sa couch. "Let me know if you still need anything." At saka nagpaalam na.

Hindi niya alam kung bakit tila nagbago ang ugali ng kanyang amo. Alam naman niya na mahilig ito sa mga babae ngunit hindi ito umuulit sa iisang babae at mas lalong hindi nito papatulan si Sarah.

Ngunit gaano nga ba niya kakilala ang binata? Marami rin siyang tanong sa kanyang isipan na hindi niya gustong bigyan ng linaw dahil natatakot siya sa maaari niyang malaman.

Wala siyang ganang kumain kaya't bumili lang siya ng sandwich para iyon ang kainin sa pananghalian niya. Late na nga din siya naglunch dahil hindi niya maiwan iwan ang pwesto niya at baka hanapin siya ng kanyang boss.

Malapit nang mag-alas dos ng hapon nang bumukas at lumabas ng opisina ang dalawa. Hindi lang niya ipinahalata ngunit mabilis na niyang pinasadahan ng tingin ang mga ito at mukhang maayos pa din naman ang mga pananamit at hindi nagulo.

"I'm going out with Sarah so if anyone calls just take their messages and I'll get back to them tomorrow." Utos nito sakanya.

"But sir, you have a three o'clock meeting with your-" hindi na niya naituloy dahil pinutol na siya nito kaagad.

"Cancel it. Re-schedule it tomorrow." At saka inalalayan na palabas ang bisita na halos hindi maitago ang kasiyahan sa pagkakangiti.

Naiwan siyang tulala roon. Iyon ang unang beses na nagpakansela ang amo niya ng meeting ng dahil lang sa babae at ang babaeng iyon ay si Sarah pa mismo.

Mahilig sa babae si Dev ngunit pagdating sa trabaho ay kaya nitong isantabi iyon lalo na't importante rito ang sariling kumpanya. Siguro nga ay nagbago na ito dahil ang dalaga ang nais ipakasal rito.

Malapit na mag-alas singko at nagbabaka-sakali siyang babalik pa ng opisina ang boss niya. At dahil gusto niyang makasigurado ay nagpadala siya ng mensahe para rito.

Are you still coming back here, Sir? There are a few papers that you need to sign.

Saglit lang at sumagot naman ang binata.

No, I won't be back. I'm currently engaged in some activity with Sarah. If that's important then meet us at my favorite French Restaurant around six-thirty. We'll have our dinner there.

Halos ibato na niya ang sariling cellphone sa inis dahil sa isinagot sakanya ng kanyang amo. Alam na kaagad niya kung anong klaseng aktibidades ang pinagkakaabalahan nito ngayon at ng babaeng kasama nito. Hindi siya tanga para hindi iyon mahulaan.

Siyempre nga naman ay iba si Sarah sa mga babae ni Dev kaya't hindi nito maaaring gawin iyon sa loob ng opisina nito at malamang ay sa isang hotel o sa bahay mismo nito inuwi ang dalaga.

"Damn it!" Padabog niyang mura habang inaayos ang mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa. At dahil okupado ng galit ang isip niya ay hindi niya namalayan ang pagpasok ng isang lalaki roon.

"You look like you're about to kill someone right now." Anito na kumuha sa kanyang atensyon.

"Mr. Dartagnan." Gulat niyang sambit.

"Taniesha, I told you to stop being so formal with me." He's a little flirty with her. "Mas bata naman ako sa amo mo na kuya ko kaya tanggalin mo na yung 'Mr.' You can call me Dartagnan or just simply call me Dart."

Tipid na lang siyang ngumiti sabay tango rito.

"I'm sorry, pero wala ang Kuya mo rito. Lumabas siya kasama si Miss Humphrey." Aniya at nagpatuloy sa pagliligpit dahil uwian na rin naman niya.

"Really? He's with Sarah?!" Kahit ito ay nagulat sa pangyayaring iyon. "Gaano na ba kami katagal hindi nag-uusap para hindi ko malaman na maayos na silang dalawa? I thought he still doesn't want her as his fiancee because he is still holding a promise to someone else."

Doon siya napakunot ng noo at napatingin rito.

"May iba siyang pakakasalan?" Wala sa sariling tanong niya.

Nagkibit balikat lamang si Dart bago sumagot.

"Yeah. He has an original fiancee. She was gone but he keeps on holding to that agreement. Siya ang gustong pakasalan ni kuya at hindi si Sarah." Paliwanag nito sabay tingin sa relo nito. "It's five, are you going home now?"

Saglit siyang tila nawala sa sarili dahil sa narinig at nataranta pa sa pag-aayos ng mga papeles.

"I was about to but I still have some papers that I need to get to Mr. Devereaux later. I need him to sign these." Sabay pakita rito ng ilang mga folders.

Ang totoo ay pwede naman niyang ipagpabukas iyon dahil hindi naman rush. Ang kaso ay gusto niyang makita ang dalawa at hindi niya alam kung bakit gusto niyang saktan ang sarili nang ganoon.

"Then let's go together." Suhestiyon nito na para bang magandang ideya iyon. "I also need to talk to him about some things and I don't want to end up being a third party in his date, so let's go together as a date."

Napatanga siya sa sinasabi nito. Pupunta lang naman siya roon sa restaurant para magpapirma at hindi para maki-kain. Pero ang kapatid ng amo niya ay iba ang nasa isip at balak pa siyang isali sa plano nito.

"I don't think it's such a good idea, Dart." Aniya.

"Why not? You're single, right? Wala namang magagalit at wala namang magbabawal sayong makipag-date diba?" Patuloy pa din ito sa pamimilit sa kanya. "Besides, it's just a friendly date. Pareho lang natin kailangang makita ang kapatid ko at para hindi rin nakakailang sa parehong panig diba? We all have a date."

She never goes out on a date before but she wanted to genuinely experience it. Before in her mission, she skipped every date and just go into action with her target because she doesn't want to waste time and effort in killing them.

"Okay." Pagpayag din niya sa wakas. "But let me go home first and I'll meet you at the restaurant."

"What kind of date I am if I won't pick you up at your doorstep?" Sabay kindat pa sakanya. "Just give me your address and I'll pick you up at six-thirty."

Tumango na lang siya at saka nilitanya rito ang kanyang address. Pagkatapos niyang magligpit roon ay sabay na silang bumaba sa parking lot at hiwalay na sumakay sa kani-kanilang sasakyan.

Kaagad siyang naligo at nagpalit ng damit pagkauwi niya. Inayusan din niya ang kanyang sarili na taliwas sa araw araw na ayos niya. She isn't Taniesha for tonight but the deadly Amethyst. Her beauty is dangerous so men should be wary of her.

Nagpagbuksan niya si Dart ng pintuan ay literal na napangaga ito. Ilang segundo pang natulala bago nakuhang magsalita.

"Damn, Taniesha! I didn't know you're such a bombshell! You're hiding your beauty behind your thick glasses and your old maiden suit. Is that your way so that your boss won't put you in his list of toys?"

Medyo naapektuhan siya roon dahil nailagay na yata siya sa listahan. Ngunit matigas siya at hindi siya padadaig sa sakit at kaya niyang labanan iyon.

"No. And I won't let men use me and treat me like a toy. I am a whole lot better than that." At saka siya humakbang palapit sa binata. "So if you're planning to play with me, I suggest you stop. Because I am already too broken for you to break me, Dart."

Saglit lang itong nagulat at tumawa nang bahagya sa sinabi niya.

"Hmmm... I guess you heard that from my brother huh?" At ito na ang umatras mula sa kanya. "Don't believe anything he says, coz most of it are just figments of his heated imagination."

Nagkibit balikat na lang siya at saka sumunod rito papunta sa sasakyan nitong nakaparada.

Habang bumabiyahe sila ay hindi niya maiwasan na hindi ito hagurin ng tingin. Just like his older brother, Dartagnan is literally a gift to women. He also possesses a physique that resembles the Greek Gods of Olympians.

"Pumasa ba ako sa panlasa mo?" Untag nito na ikinailing lang niya at ikinatawa naman nito.

She's not worrying about Dart because he's not that dangerous as what his brother had told her about. He is simply a flirt by nature and if you don't know how to play by the rules of his game, then be ready to take the consequences.

But what Amethyst worries about is the man who is seriously staring at her as she and Dartagnan entered the place. He's eyeing her dangerously and it made her knees tremble. She doesn't know if she can win this game, knowing that he is her opponent.

But the real question for her is, does she know how to play his game? Well, she's just about to figure it out right this moment.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 14K 48
Ang sabi nila masarap ang bawal.. Tulad ng letchon, masarap pero bad for the heart. eh kung sa love kaya masarap din bang mag mahal sa alam mong baw...
860K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...