Honest Goodbye [COMPLETED] #W...

By unhappykitten

5.2K 1.7K 197

My sight became blurry as he slowly leaves. All I can see is the darkness he brought. He was the one who gave... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 24

72 25 0
By unhappykitten

Chapter 24

"Are you insane?" he is sniffing the air I breathed. Ang baboy naman neto.

"I was once," he grinned, but luckily he stopped doing what he was doing.

"Kaya pala," bulong ko pero parang narinig yata niya. Dapat pala ay hindi ko sinabi 'yon dahil lumapit na naman siya sa akin at kaunting mali sa na lang ay babagsak na 'ko sa sahig. "H-hey," he's reaching his pointing finger to my lips.

"You know what, you look kinda familiar," isiningkit niya ang mata niya at ino-obserbahan niya ang mukha ko.

"I thought you don't know me," I tried having my natural voice back. Ayokong mautal sa harap niya. He touched my lips with his fingers kaya napaatras ako. "SHIT!" I was going to fall. Nawalan ako ng balanse.

Sinapo niya ang likod ko at naudlot ang pagkakahulog ko sa sahig dito sa harap ng convenience store. "Say, thank you, Master." he amusingly smiled at me while holding my back. He seems to enjoy what is happening, but I don't. "You look really familiar,"

Tumayo na ako nang maayos at pinagpag ko ang likod ko para maalis na ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya. "Who am I then?" kung kilala niya ako ay masasagot niya ang tanong ko.

"My future girlfriend." he said and smiled.

Hindi talaga maayos kausap 'to. Lalo lang akong nainis at inirapan siya.

Hindi ko na tuloy alam kung nasaan na sina Pola at kailangan ko pa silang kitain. "Mukhang inis ka, saan ka ba pupunta?" umayos siya ng tayo at parang tao niya na akong kinausap.

"Haze." maikli kong sagot at parang lumiwanag naman ang mukha niya sa sasabihin ko.

"Oh, really?"

I nodded and he smiled again. Parang sira talaga 'to.

"I was about to drive and also go there, my friends are waiting in my car," he looked to the left and I saw an open car with bunch of guys standing and watching us. They seem enjoying the scenario.

Nagsalita ako pero nakatingin pa rin ako sa mga lalaking nakatayo sa sasakyan. "Don't tell me..." hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ay sumagot na kaagad siya.

"Yes, kanina pa nila ako hinihintay pero wala, e. Tinapon mo ang dala ko." napatingin tuloy ako sa damit niya na ngayon ay basa at pati ang pants niya ay basa rin.

"U-hm.. I'm sorry, right?"

"Parang 'di ka pa sure," he smirked and looked at his friends.

Men.

Pollution.

What are the difference?

Wala akong choice kung hindi sumama kay Sian sa sasakyan niya. Hindi ko alam ang papunta sa Haze at baka kung ano pa ang mangyari sa sa'kin dito. Plus, kaibigan ni Daddy ang erpats niya kaya siguro wala naman mangyayaring masama sa'kin 'pag kasama siya pumunta sa Haze.

Since Sian is going to drive, I opened the door of the backseat, but the two guys are weirdly smiling at
me, "Oops, taken." bumilak pa silang dalawa at sinakop ang buong backseat. Inilahad naman ng isa ang kamay niya paturo sa passenger seat. So, magtatabi pa kami ni Sian? "Single!" hindi ko alam kung ang tinuturo niya ay ang driver's seat o ang passenger seat. Pare-pareho yata silang may sayad sa utak.

Pumasok na ako sa pinto at umupo sa tabi ni Sian. Nadaanan pa namin ang sasakyan ko pero wala nang pag-asa 'yon at dadalhan ko na lang ng gas bukas.

Umikot si Sian sa may bandang XYLO at patuloy lang sa pagda-drive.

"Single! Where are you?" sigaw na tanong naman ng isa sa kanila na tisoy at maganda rin ang katawan. Kanina pa sila nagtatawanan at ngayon sumisigaw pa!

"Present po!" itinaas ni Sian ang kamay niya at tumingin sa'kin kaya napatingin na rin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang nagkanta ang dalawa sa likod ng 'Sa isang sulyap mo'. The fuck? Totoo na talaga 'to. Mga may saltik talaga sila.

"Okay! This is it!" Sian parked the car. 'Hideout' is the signage of the bar here. Dumaan na ako rito kanina.

"I thought we're going to the Club Haze? Where am I?" tanong ko kay Sian at hindi pa rin ako bumababa. Silang tatlo ay napatigil mula sa pagbaba sa sasakyan.

"This is the Club Haze. Hindi mo ba alam na pinalitan na ang pangalan niyan. First time mo ba?" bumaba na si Sian at sinundan ko siyang maglakad papasok sa club. Natawa naman ang dalawang kaibigan niya na sinusundan kami.

"Are you sure?" tumingala ako nang kaunti para titigan siya sa mata. Itinaas-baba lang niya ang dalawa niyang kilay ng dalawang beses as a sign na sigurado siya na ito nga ang tinutukoy ko.

"Yep." he swiped his card two times, "Your entrance fee is on me this time, first time mo, e." naglakad siya papunta sa isang side table sa gilid ng mga sumasayaw na sumasabay sa tugtog. "Bawi ka sa'kin next time ha!" malakas na sabi niya dahil sobrang ingay ngayon dito at nasasahol ng tugtog ang boses niya.

"Okay!"

"Hey! Girl! Ano ginagawa mo diyan?" narinig ko ang familiar na boses kaya napalingon-lingon ako.

"Dine!" I yelled her name as she runs to me. Naglalakad naman sa likod niya ang dalawa at mukhang inis. Tumayo na ako at sasama na lang ako sa kanila. Ayokong kasama itong mga baliw na 'to.

"Alas-dose na sis! Saan ka galing?" bungad ni Lexi pagkaapak niya sa harap ng side table na inuupuan ko.

"Naligaw," I smiled like a five-year old kid who is getting lectured by her mom. 

"Tanga!" singit naman ni Pola.

Sumingkit naman ang mata ni Lexi nan makita ang mga lalaking nagkukwentuhan sa likod ko. "Who are those guys?" patuloy pa rin ang paniningkit ng mga mata niya.

Bumulong ako sa kaniya dahil baka anong isipin ng mga 'to pag nakita siya. "Umayos ka, girl.. Si Sian 'yan, batch mate, remember?"

"No, no, no. Not him, sino ang mga kasama niyang papi?" mahinang sabi rin niya kaya napatingin na rin ako sa dalawang lalaki na nakaupo at mukhang hindi nila napansin ang pagtitig sa kanila ng kaibigan ko. "He looks like my future husband."

"Girl, behave." paalala ko sa kaniya pero hinila niya ang kamay ni Dine hanggang makaupo na sila sa tabi ng dalawang lalaki. Parang tanga!

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil parang wala man akong bilin sa kaniya, "You know her, she won't behave." bulong sa akin ni Pola na siya na lang ang kasama kong nakatayo ngayon. "Oh, are these my drinks?" napalingon siya sa likod niya at nandoon si Bret na may dalang tequila.m

"Kasama mo pala ang hubby mo," I said and smiled at Bret.

"Yes, he won't let me go here if hindi raw siya kasama," lumapit siya sa tainga ko at binulong iyon.

Ang cute naman! Sana all!

"Upo ka na, Krish!" sigaw ni Dine na mukhang nage-enjoy na rin. Nahawa na rin siya kay Lexi sa kaharutan! "Sa tabi ni Sian! Masikip na kasi dito, e!" dugtong pa niya at tinuro ang lugar ni Sian. Nakangiti naman sa akin ang mokong.

Naglakad na lang ako patungo sa upuan ng baliw pero bago pa ako maka-upo, sumigaw naman si Lexi. "Wait, you have a boyfriend and huwag kang nakikitabi kung kani-kanino, girl!"

"Oh, you have a boyfriend?" Sian asked in disappointment.

"Uhm--actually..." hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko nang nagsalita ang mga kaibigan ni Sian.

"Ouch, pare! Taken!"

"Taken pala ang college batch mate mo, bro!"

"Actually, I'm not." wika ko pero parang hindi yata nila narinig dahil wala silang reaksyon at patuloy na inaasar lang si Sian.

"Taken, ouch talaga!" pang-asar naman ng lalaki sa tabi ni Lexi.

"I'm not!" nilakasan ko naman ang boses ko dahil hindi na talaga ako taken. Ilang araw na at ayoko nang balikan pa ang mga 'yon. Napatingin sila at mukhang nabigla rin sina Lexi sa sigaw ko.

"Krisha, tabi!" sumigaw si Dine at tinuro ang sa likod ko kaya napalingon ako.

"Ah!" hindi ko mapigilan ang sigaw ko nang tumama sa'kin ang dalang tatlong bucket ng beer ng waiter. Nawalan ako ng balanse at natumba sa bandang upuan ni Sian. "Fu-ck!"

I felt a strong arm catching me. Maluwag na napahinga ang mga tao sa mesa namin.

Tinayo ni Sian ang katawan ko gamit ang kamay na pinan-salo niya sa akin kanina.

"Careful, kanina ka pa." he smirked and he sat on his seat again. Kanina pa ako clumsy kaya natapon ang dala niya kanina sa harap ng convenience store.

"Shit!" napamura na lang ako sa inis dahil muntik na naman mabasag ang bungo ko. Pinagpag ko rin ang damit ko at nanatiling nakatayo.

Nilagay na rin ng waiter ang tatlong bucket ng beer na order siguro nina Sian.

Tumikhim si Sian at nag-ehem ehem pa bago magsalita. "So, you're single?" tumango ako at nangangalay na ang paa ko dahil kanina pa ako nakatayo.

"Yes!" sigaw ng dalawang lalaki.

"Nice, bro!" bati naman ng lalaki na katabi ni Dine sa kaniya at inapiran pa ang lalaking katabi ni Lexi. Napangiti naman si Sian na mag-isang nakaupo.

Nabigla ako nang tumayo si Dine at diniin ang katawan ko dahilan para mapa-upo ako sa tabi ni Sian. "So, tell me! Why?"

"What, why?" nagtataka kong tanong kay Dine na kababalik lang sa upuan.

"Mateus." ay, oo nga pala. Hindi ko pa sinabi sa kanila ang pagpapanggap niya at ayoko nang isipin pa 'yon kaya nag-isip na lang ako ng palusot.

"Well, it didn't--" I stopped when Sian continued what I was going to say.

"Work out," he said and got a beer from the bucket. Tinagay niya 'yon at nakita kong nakalahati na agad ang laman ng bote. Wow.

"Right." kumuha ako ng isang beer sa mesa at nakipag-cheers ako kay Sian.

Feels good. May init na dumaloy sa lalamunan ko. Ang sarap palang mag-bar ulit. Ang tagal na rin.

Sina Pola ay kanina pa umalis at sumasayaw-sayaw na sa gitna at mukhang may tama na silang dalawa ni Bret.

Lahat sila ay kumuha na ng tig-isang beer at nag-cheers pa kami. Ang apat sa harapan ay naghaharutan at kaming dalawa lang ni Sian ang naguusap ngayon.

"So, what's your current job now?" tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa mata ko. Wala akong nararamdaman na pagka-irita at parang comfortable pa ako sa kaniya.

"I'm currently a nurse at our company," I smiled at him. Kanina pa kami nagngingitian.

"Krish!" sigaw sa'kin ni Dine kaya napatingin ako sa kaniya. "Sayaw lang ako ha!" hinila niya ang kamay ni James papunta sa gitna. Sinundan ng mata ko ang paglalakad nila at pagsasayaw nila. Ang ganda pa ng tugtog dito.

"Do you want to dance?" Nakade-kwatro pa siya ng upo at nakapatong pa ang dalawa niyang kamay sa likod ng upuan habang nakasandal. Wow, boss.

Kaming dalawa na lang sa mesa at ang lahat ay nagsisigawan at nagsasayawan na sa gitna.

"Let's go!" ang lakas ng boses ko dahil ang ingay na ng tugtog dito. Tumayo ako at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Hinawakan niya iyon pero imbis na ako ang humila sa kaniya ay siya ang naghila sa akin papunta sa gitna.

I can't stop myself from smiling. As he pulls me, I can see his smile in his face.

Continue Reading

You'll Also Like

397K 11.9K 83
Ewan ko ba kung bakit naging ganito kagulo ang buhay ko. Ang alam ko lang nagmahal ako ng sobra. At ngayon nasasaktan ako. Makakaya ko pa kaya...
13.7K 250 48
Close na close ang dalawa, merong taong naiinis kay Dixie dahil sa sobrang close nila ni Cove. Kahit merong tao sa paligid niya na nagsasabi na gusto...
79.2K 2.4K 27
"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the res...
567K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...