The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

52

23 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Ipinasok ko na sa bank account mo." Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya matapos ko siya ngitian.

"Promise. I'll pay you back." He sighed then frowned. "Nahihiya na ako sa iyo. Iyong prize money na nakuha mo sa contest, binigyan mo ako tapos itong sa pag-mo-model, binigyan mo ulit ako."

"Huwag mo nga isipin iyon. Ano bang sabi ko? Hindi ba't tutulungan kita tuparin pangarap mo na makasama pamilya mo? Mas importante sa akin na magkita-kita na ulit kayo ng pamilya mo kaya iyong binibitawan kong pera para sa iyo? Huwag mo isipin."

"I still feel guilty. Nakukuha mo magsinungaling para sa akin. Sinasabi mo, sa charity mo ibinibigay pero sa akin naman napupunta. You already gave me half a million."

"Huwag mo muna isipin iyan. Ang mahalaga, malapit mo na mabuo iyong kailangan mo ipunin. Magkano na ba nasa bank account mo?"

"2.8M. Just a little bit more, makakabuo na ako ng 3.5M."

"Kaya mo iyan."

Nasa gilid kami ng field, nakatambay sa ilalim ng puno. Hinihintay naming dumating si Patch dahil gusto nito sumabay sa pagkain namin. Kanina pa rin siya binabagabag dahil sa pagpasok ko ng pera sa bank account niya kaya kung ano-ano nang sinabi ko para tigilan niya na ang pag-iisip ng kung ano-ano at pilit ipinaiintindi na mag-focus na lang sa dapat niyang intindihin.

Nagpasok kasi ako sa account niya ng 500k mula sa ibinayad sa akin ng company na pinagtrabuhan namin as models. Each of us earned 700k kaya 200k lang ang naipasok ko sa bank account nina Mama. May sarili naman akong pera na nakukuha ko sa YouTube. Kahit hindi gaano kalaki, nabibili ko naman ang mga gusto ko.

Another week passed na hindi ako umuuwi at walang contact kina Mama. Nabalitaan ko rin sa kaniya na umiyak raw si Papa at Mama kaya noong isang araw, kating-kati ako umuwi pero dahil sa pride at takot na i-push pa rin nila na mapaghiwalay kami ni Lie Jun, hindi ko ginawa. Ayoko kasing bungaran nila ako ng pakiusap na hiwalayan ko ang boyfriend ko.

I'll do anything but that.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang nakita naming tumatakbo papunta sa kinaruruonan namin si Patch. Hingal na hingal ito at nang makarating sa harap namin, napahawak ito sa tuhod at naghabol ng hininga.

"Anong nangyari sa iyo?"

"S-Si Keera, napunta sa OSA. Nakipagbugbugan."

Nagkatinginan kami ni Lie Jun at dali-daling binitbit ang mga gamit namin. Kahit na pagod, pinilit pa rin ni Patch na sabayan ang pagtakbo namin hanggang sa makarating kami sa OSA.

Maraming tao ang nadatnan namin na nakatambay sa harap OSA. Gustuhin man namin pumasok, naghintay kami sa labas ng nakasarang pintuan, hoping na okay lang ang kaibigan namin. May iilang estudyante na lumalapit sa amin ni Lie Jun para bumati at dahil nga public figure kami, binabati namin ang mga ito pabalik.

Hindi ko sila maintindihan. Nakuha pa nilang bumati kahit na alam nilang narito kami para sa kaibigan namin na nasa OSA. Hindi naman kami pupunta rito para lang tumambay at makipagkumustahan sa kanila.

Nang bumukas ang pintuan, nagsialisan ang mga estudyante sa harap nito at umakto na parang hindi sila naparito para makiusisa. Lumabas mula sa kwarto ang kaibigan namin na may pasa sa pisngi at kasunod ay ang isa pang estudyanteng babae na sobrang gulo ng buhok at puro dumi ang suot na damit.

Amazona talaga itong kaibigan namin.

Nilapitan namin ito at hinila paalis sa kumpulan ng mga tao para dalahin sa rooftop. Hindi sumabay sa amin ang boyfriend ko dahil inutusan ko itong bumili ng pagkain namin pati na pain killer at ointment para sa pasa ni Keera.

"Ano bang pinaggagawa mong gaga ka?" tanong ko nang makarating kami sa rooftop. Naupo kami sa sahig nito at sumandal sa railing.

"Medyo napaaway lang."

"Medyo?!" sabay na sigaw namin ni Patch.

"You still call that medyo kahit na super bugbog iyong nakaaway mo?!" Nagtaas ng dalawang kamay si Patch na parang nasuko saka umiling. "I can't with you."

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo?" tanong ko rito.

"Sinugod ako bigla. Aba siyempre, magpapatalo ba ako?"

"Bakit ka nga sinugod?"

"Ka-text ko boyfriend niya." Nanglaki ang mga mata ko dahil sobrang nonchalant ng pagkakasabi niya.

"Jesus Christ, Keera."

"Hindi ko kasalanan na trip ako ng boyfriend niya. Hindi naman ako ang unang nag-message, iyong boyfriend niya."

"Sana hindi mo na in-intertain."

"Nag-send ng dick pic. Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Besides, sayang ang action." Napa-face palm na lang ako dahil kahit ano yatang reasoning ang sabihin ko sa babeng ito, tatablahin lang ako.

"Sana nga binlock mo na lang si Kuya. Napaaway ka pa tuloy. You know he has a girlfriend tapos you still entertained him." ani Patch.

Humarap siya sa kaibigan namin at nginisian ito. "Tahong pa lang kasi ang natitikman mo. Once you tasted a guy, game over."

"Gusto mong patayin ako ni Mommy? You know naman na I'm not allowed na mag-boyfriend tapos gusto mo tumikim pa ako ng lalake."

"Hoy, Keera," Nilingon ako nito. "Ikaw, tigil-tigilan mo nga iyang pagiging pokpok mo."

"You don't know what you're missing. Palibhasa mga virgin." Inirapan niya kami saka tinignan ang ilang mga estudyante na nakatayo sa dulo ng rooftop.

"Hindi ka ba naaawa sa magiging asawa mo? Wala ka nang itinira sa kaniya."

"Wala akong balak. Men are trash. Hindi naman lahat; majority lang. Nandiyan sila para gamitin nating mga babae. Parang mga gago kasi. Pakitaan mo ng kaonting decency, nasa isip na kaagad nila, gusto mong makipag-sex. Ganuon kababa karamihan sa kanila so why bother acting like human to them? Use them like the tools they are. The only thing that's good about them is their dick."

"Okay. Guys are lowly creatures. We get that pero dapat hindi ka pa rin nakipag-away." pagsabat ni Patch. "Look at you. Nagkaroon ka pa ng pasa."

"Maaga akong sinugod nuong gaga. Nagbanta na ako. Ang sabi, don't fuck with me kasi gumising ako ng alas sais pero si gaga, itinuloy pa rin iyong pagsugod sa akin."

"Keera," pagkuha ko sa atensyon nito. "setting all those aside, hindi namin pakikielam ang mga sexcapades mo. Ang sa amin lang, always be safe. Ayaw naming mabalitaan na nakakuha ka ng sakit o baka makita ka na lang namin, lobo na ang tiyan mo or worse, nakasako ka na."

Pina-dismiss ko na ang topic dahil baka may iba pang makarinig. Medyo naaawa lang ako kasi looking back, hindi naman siya ganito dati. May ipinakilala kasi siya sa aming lalake at ginago lang siya nito. Nag-introduce ulit and the same thing happened. Gusto ngang bugbugin nina Axel iyong mga nanggago sa kaibigan namin pero pinigilan namin. Mahirap na kasi't magkaroon sila ng record sa univ.

Before pa man maging wild si Keera, strong na talaga ang personality niya. Parang mas tumapang lang talaga siya't naging playgirl nang mapaglaruan ng mga lalake na naging interesado talaga siya. Iniisip ko nga, paano kung sila ni Lie Jun ang nagkatuluyan. Crush pa man rin niya ang boyfriend ko noon. Siguro hindi siya magkakaganiyan. I'm pretty sure he would treat her the way he treats me. Baka nga mapaamo niya pa ito.

After class, nag-book ako ng taxi dahil hindi available si Kuya Dane. May taping kasi along with Ate Ella. Kahit hindi ako pumayag, nagpumilit sumama si Lie Jun dahil gusto niya makita ang itsura ng gym na pinag-apply-an ko. Tahimik sa loob ng taxi at nakatingin lang sa bintana ang boyfriend ko. Parang malalim ang iniisip kaya naisipan kong basagin na ang katahimikan.

Sinundot ko siya sa pisngi kaya napatingin siya sa akin. "Nag-aalala ako kay Keera."

"Wala naman tayong magagawa ruon. We can only support her—"

"Ang problema, iyong ginagawa niya, hindi naman dapat sinusuportahan. Paano kung mapahamak siya?"

"Kapag pinigilan naman natin siya, baka ikagalit niya. What she does make her happy kaya bakit natin siya pipigilan, hindi ba? What we can only do is watch her back and always be beside her whenever she needs us. Matanda na siya; kaya niya protektahan ang sarili niya. Para namang hindi mo pa siya kilala."

I sighed nang tumingin ulit siya sa bintana. "I know pero—" Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kaniya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya ako natigilan. "What are you doing?"

Nakahawak siya sa likod ng ulo niya habang nakayuko. Kung titignan mula sa labas ng kotse, hindi siya makikita dahil sa pagyuko niya. Nang tignan ko naman ang bintana, wala namang kakaiba dahil puro kotse ang nasa tabi ng sinasakyan namin.

"W-Wala." Unti-unti siyang umayos ng upo at tumingin saglit sa bintana bago ako binalingan ng tingin. "Akala ko kasi may mangbabato kaya yumuko ako."

"Sa gitna ng kalsada?"

"Yeah. May kotse kasi sa tabi natin kanina. Umamba na mangbabato."

Hinayaan ko na lang siya't ipinagpatuloy ang pakikipag-usap patungkol kay Keera. Medyo na-traffic kami pero ligtas na nakarating sa pupuntahan. Binayaran niya muna ang driver bago kami bumaba sa harap ng station. Binati ako ng guard nang makita ako nito. Kilala na kasi ako nito dahil sa araw-araw na pagpunta ko rito.

Binati ko ito saka ko niyaya si Lie Jun pumasok. Pagkapasok ay naramdaman ko ang pagkahawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kaliwa at nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.

"Anong nangyayari sa iyo?"

"Patricia!" Napatingin ako sa kanan nang marinig ko ang boses ni Astrid. Tumatakbo siya papalapit sa kinaruruonan ko. Galing siya sa kumpol ng mga staff na may kausap na mga pulis sa gilid ng building.

"Anong mayroon?" tanong ko pagkalapit nito.

"May on-going investigation raw. Ewan ko kung ano. Classified raw, eh." Hinawakan ako nito sa kamay habang nakangiti saka tinignan ang boyfriend ko. "Hello." Tinanguan siya ni Lie Jun saka ibinalik ang tingin sa akin. "Sama ka. Hinahanap ka rin sa akin nang makita nila ako, eh. Mukhang fan mo sila."

"Really?"

"Tara!"

Hinila niya ako kaya pati ang kasama ko, nahila ko rin. Nang makarating kami rito, sinalubong ako ng mga nakangiting pulis pati na ng mga bati nila. Namukhaan rin nila si Lie Jun kaya binati rin nila ito. Tanging ngiti lang ang naibalik nito pero hindi ko na inintindi.

Sumaglit lang siya sa station at umalis rin kaagad. Inuna ko ang practice bago ako dumiretso sa gym. Thirty minutes lang ang inilagi ko sa gym like the usual bago ako nag-book ng taxi. Instead of going straight to my manager's house, dumiretso ako sa street kung saan ako nakatira.

Umulan nang makarating ako. At dahil ayokong bumaba, sinabihan ko na lang ang driver na dodoblehin ko ang bayad basta sumunod siya, which he agreed to. Ipinark niya ang kotse sa hindi kalayuan pero sapat ang layo para makita ko ang bahay ko.

Mukhang kauubos lang ng paninda ni Mama kasi nagliligpit na siya. Dati, ipinapasok niya lang sa garahe ang mga ginamit niya sa mga paninda pero ngayong may kotse na kami, hindi niya na ito magamit para sa business.

Katulong niya si Kuya Billy habang labas-masok sa bahay. Medyo gumagalaw na rin ang mga tolda na nagsisilbing bubong para sa mga customer dahil medyo lumalakas na ang hangin. Gusto ko ngang tumakbo at puntahan sila para tumulong pero hindi ko magawa. Para bang nakapako na ako sa kinauupuan ko.

Nang tignan ko naman ang bahay ng boyfriend ko, nakita kong binuksan niya ang bintana sa kwarto niya. Nanatili siyang nakatayo ruon habang nakatanaw, siguro sa bintana ko dahil diretso lang ang tingin niya. Maya-maya pa't umalis siya't isinara ang bintana. Nakita ko na lang siyang lumabas ng bahay niya saka nilapitan sina Mama.

Hindi ko sila nakitang nag-uusap pero bigla na lang siyang tumulong sa pagpasok ng mga kaldero sa loob. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari pero masaya ako sa nakikita ko. Hanggang sa maubos nila ang mga dapat ligpitin, hindi ko sila nakitang nag-usap. Nang umuwi na si Lie Jun at hindi ko na nakikitang lumalabas sina Mama, napagdesisyunan kong umuwi na rin.

Hindi naman siya nagsinungaling sa part na hindi sila nagpapansinan pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang siyang tumulong sa pamilya ko sa pagliligpit. Wala akong ideya kung anong iniisip niya pero kung may plano man siya kaya niya ginawa iyon, gusto ko malaman.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
29K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...