The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

41

22 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Ikaw nga, umamin ka." Napasinghap si Axel sa ginawa kong pagkurot sa braso niya. Hinimas niya ito at sinamaan ako ng tingin. "Nag-away ba kayo ni Kuya Gavin?"

Inialis niya ang tingin sa akin saka tumingin ng diretso sa hallway. "Hindi."

"Isang linggo ko na kayong pinagmamasdan. Minsan, hindi sasama iyong isa sa iniyo when normally, kayo na nagyayaya kumain na magkakasama. Kung hindi naman sumama, puro kayo excuses para lang hindi makasama."

"Wala nga kasi, ang kulit mo." sagot niya saka ako inakbayan. "Bilisan mo na lang maglakad."

"Ayaw pa kasi sabihin. Parang hindi niyo ako kaibigan kung paglihiman niyo ako."

Habang nakaakbay pa rin, nilamukos niya ang palad niya sa mukha ko kaya siniko ko siya para tumigil. "Hindi nga kasi kami nag-away."

"Hindi nag-away pero simula nang umalis tayo sa hotel noon, hindi na kayo nagpapansinan?"

"Alam mo, tumigil ka na sa katatanong kasi wala kang mapapala. Magmadali na lang tayo kasi nandun na sina Trista sa math club."

"Hindi ako magtatanong pero hindi mo maiaalis sa akin na mag-isip."

Nakarating kami sa club ng boyfriend ko at nadatnan namin si Trista at Kuya Gavin na nag-uusap habang ang mga ka-club naman ni Lie Jun ay nasa likuran, may sinasagutang mga papel. Binati ko sila saka ko tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Axel. Tumabi ako kay Kuya Gavin at kinumusta ito na sinagot nito ng okay lang.

"Bakit raw ba tayo pinatatawag rito?" nagtatakang tanong ni Trista.

"Not sure. Hindi raw ba talaga makakapunta sina Keera at Patch?" Ipinatong ang mga braso ko sa lamesa at sumalong baba. "Bakit kasi hindi kaagad nila ginawa ang mga school work nila. Baka importante kaya tayo ipinatatawag rito."

"Ewan ko sa iyo. Aba, ikaw itong girl—" Natigilan siya nang pinanglakihan ko siya ng mata't isinenyas ang mga kasama namin na nasa likuran. "Sabi ko nga, hindi mo alam."

"Mag-message na lang ako sa kaniya. Ipapaalam ko na nandito na tayo." Tumango kami sa sinabi ni Kuya Gavin at pinanuod ito sa pagtipa sa cell phone.

Nag-usap lang kami ni Trista tungkol sa designs habang naghihintay at itong dalawang lalake sa tabi namin, hindi naimik. Alam kong may problema sila pero ayaw naman nilang ipaalam sa amin. Gusto ko malaman para malaman ko kung paano ako makakatulong pero wala yata silang balak sabihin. Nakakasama ng loob, oo pero baka sobrang personal kaya hindi nila masabi-sabi sa amin. Ultimo boyfriend ko, halata na wala rin alam kaya duon ako mas nanglumo kasi kung may sikreto man itong dalawa, ang boyfriend ko kaagad ang pagsasabihan nila.

Wala pang 15 minutes nang dumating ito at hindi ko lang inaasahan na may mga kasama ito. Sina Sharon at Tyron. Hindi ko pa sila makikilala kung hindi lang sila nagtanggal ng cap at shades. Nakangiting lumapit sa amin si Lie Jun habang nakabuntot sa kaniya ang dalawa.

"Guys," bungad nito. Napatayo sina Kuya Gavin at Trista habang tulala sa mga bisita. Pati ang tatlong ka-club ni Lie Jun, natulala na rin sa mga ito. "Sina Sharon at Tyron." pagpapakilala nito tapos isa-isa kaming ipinakilala sa dalawa.

"Anong mayroon? Bakit kayo napabisita?" tanong ko dahil mukhang walang balak magsalita ang mga kasama namin. They're probably fans.

"Ako kasi nakatoka kay Jun bilang senior niya since ako ang nag-refer sa kaniya." sagot ni Sharon habang nakangiti bago itinuro si Tyron, na nakangiting nakatingin rin sa akin. Bahagya pa nga itong kumaway bago dinugtungan ni Sharon ang sinasabi. "As for him, may kakausapin raw kasi siya dito na pinakakausap sa kaniya ng amo namin. Ang sabi, i-re-recruit niya raw."

"Hindi ba kayo nagbibigatan sa trabaho niyo? Ginawa kayong model slash recruiter."

"Hindi naman. Sobrang bihira lang makiusap sa amin ang amo namin tungkol sa mga ganitong bagay kaya nasunod na lang kami. Isa pa, may bonus namang ibinibigay sa amin kapag successful kaming nakapag-recruit."

"Ikaw, Pat?" Napatingin kaming lahat kay Tyron nang magsalita ito. "Ayaw mo pa rin ba kagatin iyong offer ko? Puwedeng-puwede kita ilakad."

"Sus. Gamitin mo pa ako para lang sa bonus." nakangising sagot ko rito. "Kidding aside, hindi ako model material."

"Anong hindi? May katangkaran ka, 5'7, I guess? Maganda ka. You have the body."

"Dude, chine-check out mo ba tropa ko?" pagsabat ni Trista. Binalingan muna nito si Lie Jun ng tingin bago itinuon ang tingin kay Tyron. "Kulang na lang, banggitin mo vital stats."

Salubong ang kilay ni Lie Jun kaya tumayo ako't nginitian siya. "Excuse us. May kailangan lang ako sabihin." Hinawakan ko siya sa pulso at hinila palabas. Pumwesto lang kami sa tapat ng room at sumandal sa railing. "Anong mayroon? Kanina, ngingiti-ngiti ka tapos ngayon, kung makasimangot ka, akala mo pasan mo buong mundo."

He sighed bago ipinatong ang mga braso sa railing at tinanaw ang kalsada, kung saan may mga estudyanteng naglalakad. "Akala ko kasi ayos lang sa akin na i-check out ka ng mga tao kasi hanggang ganuon lang naman sila, hindi ka nila mahahawakan kasi hindi naman ako papayag pero... nakakasama pa rin pala ng loob kapag harap-harapan iparinig sa akin kahit na alam na girlfriend kita."

Napangiti ako dahil sa pagseselos niya. "Hindi naman siguro niya ako chine-check out. Remember, model iyong tao. Normal sa kaniya sumipat o i-examine ang katawan ng balak niyang i-recruit. Professional lang siguro talaga siya."

"Probably."

"Bakit pala sila nandito? I mean, alam ko iyong rason ni Tyron pero si Sharon?"

"Don't tell me you're jealous as well." Inikutan ko siya ng mata at tumanaw rin sa kalsada. "Titingnan niya kasi iyong kabuuan ng school. Chine-check niya kung may puwede ba gamiting location rito para sa photoshoot. Hindi raw kasi enough na sa internet lang siya tumingin."

"Is that even a part of her job?"

"I don't know and we shouldn't question since we don't know shit about what they do and the scope of their job."

"Hoy. Lunch out. G kayo?" Napatingin kaming dalawa kay Axel nang magsalita ito mula sa likuran. Nakatayo ito sa door frame habang hinihintay ang sagot namin.

Pumayag kami at ang ipinagtataka lang namin, hindi sumama si Kuya Gavin. Iyong mga ka-club ni Lie Jun, niyaya niya pero hindi raw puwede dahil may klase after ng ginagawa nila. Dahil nga may mga klase rin kami, sa cafeteria lang kami kumain at sinagot ni Tyron ang mga pagkain namin.

Naging masaya naman kami sa pagkain habang nag-uusap-usap. Gusto rin mag-model ni Trista pero hindi raw siya puwede. Duon lang namin napag-alaman na aalis siya after ng term na ito para ipagpatuloy ang pag-aaral sa US.

Iyon pala ang parati nilang pinag-aawayan nila ni Patch. Hindi ko ito binigyang pansin dahil normal naman ang pagtatalo ng mag-partner. Hindi lang raw nila sinasabi dahil ayaw naman nilang pag-alalahin ang barkada. Hindi na namin sinubukan tawagan si Patch dahil na rin sa pakiusap ni Trista at sa mariing pagsabi nito na siya na ang bahala.

Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko? Una, sina Kuya Gavin at Axel tapos ito namang sina Patch at Trista. Natatakot tuloy ako na mauwi kami sa ganito ni Lie Jun. Kay Keera, hindi ako nag-aalala masyado kasi masyadong matapang ang personality ng babaeng iyon, na para bang kaya niya ang lahat.

Nang matapos, nagpresentang sumama ang boyfriend ko kay Sharon para mailibot at nang maipakita ang mga potential spot na puwede sa photoshoot. Pati ang mga kaibigan ko, umalis para gawin ang kani-kaniyang pinagkakaabalahan kaya naiwan ako kay Tyron pero bago umalis si Trista, pinaalalahanan ako nitong bumalik na in an hour dahil may klase kami.

"Kumusta naman iyong channel mo?" tanong nito matapos ilapag sa lamesa ang basong pinag-inuman.

"10k na iyong subscribers ko." nakangiting sinabi ko.

"Tapos isa pa rin video mo."

"Wow. Nag-aabang?"

"Naman. Ang galing mo kaya. Puwede ba ako mag-request sa next cover mo? I-po-promote kita ulit kapag pumayag ka." Lumaki lalo ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

When an opportunity knock, hindi na dapat pinakakawalan.

"Sure. Anong gusto mo kantahin ko?"

"Hmm. Sa boses mo, bagay iyong songs ni Ariana. Needy. Gusto kong i-cover mo iyong Needy niya."

"Sure. Wala sa itsura mo na fan ka ni Ariana. I mean, you wouldn't recommend an Ari song if you're not."

"Sino bang hindi niya fan?" matawa-tawang sinabi niya. "May klase ka pa, hindi ba?"

"Yep. Pero hindi ako didiretso sa klase ko. I need to meet people kasi may mga kukuhanin ako sa kanila."

"Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na. May kailangan ka pa rin puntahan."

"Actually, kausap ko na iyong sinabi kong kakausapin ko rito."

Nagsalubong ang mga kilay ko at nang ma-realize ko ang pinararating niya, naituro ko ang sarili ko. "Ako?"

Tumango siya bago sumandal at humalukipkip. "Gusto ko kasi malaman kung hindi mo pa rin kakagatin iyong offer ko. Hindi ka naman nag-message o tumawag sa akin kahit pa ibinigay ko na sa iyo number ko. Nag-send ako ng message sa iyo sa Facebook pero napunta lang yata ako sa pending requests kasi hindi mo pa rin na-vi-view."

"Ang dami kong pending requests na mga hindi ko kilala kaya hindi ko talaga binubuksan iyong mga request." Nagkibit-balikat ako't kinuha ang bag sa tabi ko't isinabit ito sa isang balikat ko. "Mauna na ako. Marami pa kasi akong kakausapin."

"Sama na ako." Tumayo siya't ibinulsa ang cell phone at wallet na nasa lamesa.

"Sigurado ka? Hindi ka ba busy?"

"Hindi naman ako sasama kung busy ako kaya tara na."

Hinayaan ko na lang siya sumama sa akin at habang naglalakad kami, pinakiusapan ko siyang tulungan parati ang boyfriend ko since nasa iisang company lang naman sila. He even joked na ginawa ko siyang baby sitter pero um-oo pa rin.

Tinext at tinawagan ko ang mga pagkukuhanan ko ng mga nagpapagawa ng research paper at encoding. Inabot rin ng isang oras dahil sa dami at nagulat pa nga siya nang malaman ang ginagawa ko. Tinanong niya ako kung puwede raw ba ito sa school dahil alam niyang bawal ito kaya sinagot kong bawal kung may magsusumbong. Mukha raw akong may pera kaya nagtaka siya kung bakit ko ginagawa ito para lang sa pera pero hindi ko sinabi ang dahilan. Dala ang folders at mga flashdrive, hinatid niya ako sa room ko kaya nagpaalam na ako't nagpasalamat. Bago siya umalis, ipinaalala niya na tanggapin ang pending request niya sa Facebook ko.

"Nag-c-cheat ka ba?" bungad ni Trista pagkaupo ko sa tabi niya.

Isinilid ko sa bulsa ng bag ko ang mga flashdrive at iniayos ang mga folder sa ibabaw ng lamesa. "Kung mag-c-cheat ako, hindi rito sa loob ng univ. At walang dahilan para mag-cheat ako dahil mas guwapo ang boyfriend ko duon."

"Talagang idinepende mo ang pag-c-cheat sa mukha, ah?"

"Ganun talaga."

Naging mabilis ang takbo ng oras at buong pag-s-stay ko sa univ, hindi ako nakatanggap ng message sa boyfriend ko. Nag-send naman ako ng message pero hindi siya nag-reply hanggang sa matapos ang klase ko. Naghiwalay na lang kami ng landas ni Trista habang naglalakad palabas ng univ, hindi pa rin siya nag-re-reply.

Normally, naghihintayan kami para sabay umuwi kaya tumambay ako sa guard house na nasa gilid lang ng parking lot. Dalawang guard ang naka-duty at hinayaan naman ako ng mga ito na tumambay dahil kilala ako ng mga ito gawa ng parati kong pagbati sa kanila tuwing papasok at uuwi.

"Pat-Pat?" Napatingin ako sa lalakeng tumawag sa akin. It's Kuya Gavin. Napatigil siya sa paglalakad habang nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka pa nauwi?"

"Kasi galit ako sa iniyo." Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya sa loob-loob ko, gusto kong tumawa.

"Bakit?" Lumapit ito sa akin at bumati sa mga guard.

"Joke lang. Pauwi ka na ba?"

"Siraulo ka. Pinakaba mo naman ako." He sighed bago ako nginitian. "Yep. Hinihintay mo ba si Jun?" Tumango ako kaya nagsalubong ang mga kilay niya. "Kasama siya ni Sharon, ha? Hindi niya ba sinabi sa iyo na pupunta sila sa Myoui?"

"H-Hindi." Dali-dali kong kinuha ang cell phone sa bag ko para tignan kung may tawag o message ba galing sa boyfriend ko pero wala akong nakita. "Are you sure, Kuya? Nagsasabi kasi sa akin iyon kapag uuwi na."

"Sure ako. Nakasalubong ko pa sila habang palabas noong pupunta ako sa next class ko. Around 3 pa lang, umalis na sila, eh."

Nanglumo akong nagpaalam sa kaniya at tinanggal sa pagkakakandado ang bike ko. Maraming bagay na umiikot sa isip ko habang nag-ba-bike pauwi at para lang mawala ang pag-iisip ko tungkol kina Lie Jun at Sharon, inasikaso ko na lang ang mga request dahil marami-rami ito.

Dahil nga hindi pa rin ako mapakali, isinantabi ko muna ang folder na tinitignan ko't hinablot ang cell phone ko saka ko tinawagan ang boyfriend ko pero cannot be reached ito. Tumayo ako't inilapag sa lamesa ang cell phone ko bago ko nilapitan ang bintana ko. Itinaas ko ang blinders saka ko ito binuksan at tinignan ang bintana sa kwarto ni Lie Jun.

Pinag-aalala mo akong lalake ka.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 49.6K 48
Im Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakak...
86.6K 1.7K 38
Paano kung may maligaw na NUMBER sa Cellphone mo?? hindi lang basta ISA kundi MARAMI papatulan mo ba?? sino sa kanila?? paano kung manligaw sa yo?? F...