[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2

Chapter 53

3.4K 106 94
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 53

I R I N E

MATAPOS naming nag-usap ni Errapel, tinawag kaming dalawa ni Sov Krysta para sa isang battle training. Pero mas pinili kong hindi sumali at manatili nalang sa loob ng palasyo kaya si Errapel nalang ang sumama.

Dinahilan kong masama ang pakiramdam ko para payagan ako ni Sov Krysta at pinaniwalaan niya naman.

Matapos ang usapan namin ni Errapel, hindi ko mapigilan ang sarili kong sisihin sa mga nangyari. Na kahit ano pala ang gawin ko, ang existence ko ang nagiging dahilan kung bakit maraming buhay ang nawawala. Kung bakit ang lahat ay nagkakagulo.

Kaya nandito ako ngayon sa kwarto ni Sister Leyva hawak ang isang sulat na ginawa ko kanina. Wala siya ngayon sa kwarto niya at kasama parin si Eoin at iba pang mga Mestro para sa mga kailangang pag-usapang plano.

Tumitig lamang ako sa sulat. Tama nga naman si Sister Leyva, kung buhay pa si Sister Martha, siguradong hindi niya hahayaang mangyari ang nakaraan.

Inipit ko ang sulat sa gitna ng librong nakapatong sa bedside table ni Sister Leyva. Kaagad akong umalis sa kwarto niya at gawin ang nararapat.

'Red,' tawag ko sa kanya gamit ang mindlink.

Patuloy lang akong naglakad sa hallway ng palasyo habang hinihintay ang sagot niya. Bitbit ang sword kong nakalagay sa scabbard at ang ilang mga gamit kong nakalagay sa isang pouch.

'Red,' tawag kong muli.

Lumabas ako ng palasyo at naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang kwadra ng mga kabayo.

'Irine?'

Pumasok sa isip ko ang boses ni Red. Napangiti ako nang mapait nang marinig muli ang boses niya.

'Kailangan ko ng tulong mo,' sagot ko sa kanya gamit ang aking isip. 'Papunta akong kwadra.'

Matapos n'on ay pinutol ko ang link. Sakto namang nakarating ako sa kwadra ng mga kabayo. Mabilis kong pinuntahan ang kabayo kong nasa bandang gitna ng kabuuan ng horse stable.

Hinaplos ko muna ang ulo niya. Habang hinihintay si Red ay minabuti kong kunin ang mga kagamitan para i-ready ang kabayo sa horseback riding.

Nilagay ko sa likod niya ang blanket at saddle pad bago ipatong ang saddle na uupuan ko pagsakay ng kabayo. Sumunod kong ikinabit ang breast collar sa dibdib ng kabayo at kinuha ang girth para ikabit sa saddle. Ikinonekta ko ang girth at breast collar na magsisilbing gamit para manatili ang saddle sa likod ng kabayo at hindi mahulog. Pagkatapos ay kinuha ko na ang stirrup at ikinabit sa saddle bilang aapakan ko kapag sasakay sa kabayo.

Matapos ng lahat ng dapat gawin ay pumunta ako sa ulunan ng kabayo ko at nginitian siya. Hinaplos ko ang ulo niya at pinagmasdan ko ang brownish niyang kulay.

Kung kaya bigyan ko siya ng pangalan? Napaisip ako.

Petra?

Bahagya akong natawa nang maalala ang mundo ng mga tao. Minsan, nakakamiss nalang na mamuhay ng normal.

Mas gugustuhin kong mamuhay ng normal.

"Aalis tayo," sambit ko sa kanya. "At simula ngayon ay tatawagin kitang Autumn."

Hinalikan ko si Autumn at hinaplos muli siya.

"Irine." Tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ang likod ko at nakita kong si Red na nakapamulsa katulad ng inaasahan ko.

"Buti naman at dumating ka," usal ko. Hinarap ko siya bago ngumiti. "Samahan mo ako, Red "

Kumunot ang noo niya at nagtaka kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Sa Aragon Market." Huminga ako nang malalim. "Kung saan tayo unang nagkita."

Ilang segundo niya muna akong tinitigan. Imbes na magtanong kung bakit ay gumalaw siya para kunin ang saddle at iba pang kagamitan bago lumapit sa kabayo niyang namamahinga sa tapat ng kwadra ni Autumn.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang abala sa pag-tack up sa kabayo.

"Pwede ko ba siyang bigyan ng pangalan?" Tanong ko kay Red.

Nilingon niya ako nang saglit pero bumalik din siya sa pag-aayos ng breast collar at girth.

"Irine," sambit niya sa pangalan ko. "Irine ang pangalan niya."

Napanganga ako. "Excuse me? Lalake ang kabayo mo!"

Bahagyang natawa si Red. Minsan talaga, bwisit ang mga banat ng isang 'to. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kabayo habang ikinokonekta niya ang girth sa saddle. Darker brown ang kulay ng kabayo ni Red kumpara sa 'kin. Ano kaya ang magandang pangalan niya?

"Rebel," sambit ko. Napatigil si Red at napatingin sa 'kin. "Rebel ang pangalan niya."

Nilingon ko si Red at tinaas ang dalawa kong kilay para hintayin ang pagsang-ayon niya sa pangalan. Bumuntong-hininga nalang siya at bumalik sa ginagawa niya.

Lumawak ang ngiti ko at tumingin nalang muli sa kabayo–ah hindi–kay Rebel.

Ilang minuto pa ay tapos nang mag-tack up si Red. Bumalik na ako kay Autumn, hinawakan ko ang briddle niya at hinila siya palabas ng kwadra. Ganoon din ang ginawa ni Red hanggang sa tuluyan kaming makalabas at nakaapak sa malawak na ranch ng Elf Palace.

Umapak ako sa stirrup at umupo sa saddle ni Autumn. Nilingon ko si Red. Umapak na rin siya sa stirrup at naupo sa saddle ni Rebel bago tumingin sa 'kin.

"Magtatanan ba tayo?" Biglang tanong ni Red na ikinagulat ko.

Naramdaman kong uminit ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Tumigil ka nga."

"May alam akong lugar na pwede nating tirahan."

"Red."

"Siguradong hindi tayo makikita ng Amaryllis Council."

"Sabing tigil." Diin ko. Hinawakan ko ang reins at bahagya kong sinipa ng dalawang beses ang tagiliran ni Autumn kaya siya naglakad at nilampasan sina Red at Rebel.

"Sabihin mo lang, Irine. Itatanan talaga kita."

"Red!" Lumingon ako sa kanya sa 'king likuran.

Tinaas niya lang ang dalawa niyang kilay habang inosenteng nakatingin sa 'kin. Seryoso lang siya na para bang hindi nga siya nagbibiro sa mga sinasabi niya.

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang puso kong kanina pang gustong tumalon palabas ng dibdib ko.

"Halika na, siguradong ilang oras lang ay malalaman nila Mestro Leyva na nawawala tayo," usal ko. Mas nilakasan ko ang pagsipa ko sa tagiliran ni Autumn. "Heeya!"

Tumakbo si Autumn palabas ng ranch. Sinilip ko sina Red sa likod at sumusunod na nga sila sa 'ming dalawa ni Autumn.

Tinahak namin ang Dryland Village kung saan matatagpuan ang gate papuntang north part ng Amaryllis. Nakakasalubong namin ang palace guards pero sumasaludo lang sila sa 'min. Kilala na kami bilang mga galing sa Amaryllis Camp.

Dinaanan namin ang alley ng dryland village. Ang bawat elves ay nagsisipunta sa gilid para padaanan kami ni Red. Puno ng curiosity ang mga mukha nila pero alam ko namang nakita na nila ang mga kasama namin dito kaya may ideya na sila kung sino kami.

Apat na royal guards ang nakabantay sa dryland gate nang makarating kami sa pinakadulo ng village. Huminto kami sa harap nila.

Lumapit sa 'min ang isang royal guard. "Maaari ko bang malaman ang dahilan kung bakit kayo narito?"

Bago ako makasagot ay umabante si Red at Rebel. "Sisimulan na namin ang pag-iimbestiga sa Northeast Amaryllis."

"Patawad ngunit wala kaming natanggap na utos mula sa hari," sagot ng royal guard.

"Hindi na 'yon kailangan. Hindi ba't sinabihan din kayo na kami na ang mamamahala sa pag-iimbestiga?" Ani Red.

Natigilan ang royal guard at tumingin sa kasama niya. Ilang segundo pa ay nilipat ulit niya ang atensyon sa 'min.

"Patawad." Yumuko siya nang bahagya. "Maaari na kayong makadaan."

Binuksan na ng dalawa pang royal guards ang malawak na gate. Umalis na rin sa harap ang kausap namin na royal guard kaya pinatakbo na muli namin si Rebel at Autumn.

Tinahak namin ang patag na daan papunta sa Aragon Market na natatandaan ko. Nakakasalubong namin ang iba't-ibang nilalang papunta sa parehong direksyon kung saan kami pupunta ni Red.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa arko ng Aragon Market kung saan ang entrance ng market at kung saan ko unang nakita si Red.

Sa oras na 'to ay marami paring tao sa Aragon Market. May ilang nilalang ang nakakapansin sa 'min pero kaagad namang umiiwas na ng tingin at focus na sa paglalakad.

Bumaba na ako kay Autumn at hinila siya papasok ng arko. Ganoon din ang ginawa ni Red. Pumasok kaming Aragon Market at dumeretso sa mga kwadra na nirerentahan para pahingahan ng mga kabayo.

Nakita ko ang isang nilalang na may dalawang sungay na nakaupo sa gilid ng linya ng kwadra habang tumutugtog ng flute niya. Ang babang parte ng katawan niya ay katulad sa isang kambing at sa pagkakaalala ko sa book na nabasa ko noon ay isa siyang Satyr.

Kinuha ko ang dalawang crasnip sa pouch at nagtangkang lumapit sa Satyr. Pero bago pa man ako makalapit ay pinigilan ako ni Red at kinuha ang crasnip sa kamay ko.

Siya ang lumapit sa Satyr para kausapin ito. Tiningnan muna ng Satyr si Rebel at Autumn pero natuon ang atensyon niya sa 'kin nang nakita niya ako. Mabilis niyang kinuha ang crasnip at lumapit sa 'kin.

"Magandang hapon, magandang binibini," usal niya. Inabot niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng palad ko.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak at tinitigan ako.

"Ngunit mas maganda ka pa sa hapon," usal pa niya.

Mabilis na lumapit sa 'min si Red at hinablot ang kamay ng Satyr na nakahawak sa kamay ko. Hinila niya rin ako para makatago sa likod niya.

Narinig kong dumaing ang Satyr kaya sumilip ako sa ginawa ni Red sa kanya. Pansin kong mahigpit ang pagkakahawak ni Red sa kamay ng nagulat na Satyr sa ginawa niya.

"Ang mga crasnip ay para rentahan ang dalawang kwadra," usal ni Red. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak kaya dumaing ang Satyr. "At ang mga kabayo lang ang pwede mong hawakan."

Binitawan ni Red ang kamay niya kaya hinaplos niya 'to habang nakatingin nang masama kay Red. Doon ko lang naalala na dakilang playboy nga pala ang mga Satyr at mahilig sa mga babae.

At may mga balita pa na ang ibang Satyr ay napag-uusapang nanggagahasa ng mga deities.

Kahit alam kong marami ring mabubuting Satyrs, mas mabuti nang maging maingat.

"Kulang pa ng dalawang crasnip," pagalit na sabi niya.

Binigyan naman ni Red ang Satyr ng dalawa pang crasnip. "Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang mga kabayo. Kung hindi, alam mo kung anong aabutin mo."

Padabog na kinuha ng Satyr ang dalawang crasnip bago asikasuhin si Rebel at Autumn. Sinigurado muna naming maayos silang itinali sa mga kwadra bago kami umalis.

Tinahak namin ni Red ang parehong daan papuntang Amaryllis Storehouse. Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang mga iba't-ibang nilalang na nakikipagtransaksyon sa isa't-isa. Sa sobraming dami nila ay kami nalang ni Red ang lumilihis para hindi sila mabunggo.

Tumingin ako sa mga buildings na nakahilera sa gilid ng alley. Clothing store, restaurants, weapon store, at iba pang mga shops. Nang matanaw ko na ang building ng Amaryllis Storehouse ay tinitigan ko ang pamilyar na building.

Bago pa man kami makalapit doon ay bigla akong nakabunggo ng isang nilalang sa paglalakad. Nahulog ang mga hawak niyang pinamili kaya tinulungan ko siya sa pagpulot ng mga 'to.

"Patawad," sambit ko.

Tumayo kaming dalawa at iniaabot sa babae ang mga gamit niya. Nasa human form siya.

Ngumiti siya sa 'kin at sumulyap kay Red na nasa likod ko. "Ayos lang."

Kaagad naman siyang umalis. Sinulyap ko ang likod niyang palayo sa 'min bago tumingin muli kay Red.

"Isang witch," usal ko.

Tumango siya kaya mabilis kaming umalis sa gitna ng napakaraming tao at dumaan sa Amaryllis Storehouse.

Sa harap ng building ay may nag-uusap na dalawang babae. Napatingin sila sa 'min kaya nagtama ang tingin namin bago mabilis na lumihis.

Dalawa pang witch.

Patuloy kaming naglalakad ni Red papunta sa dulo ng alley ng Aragon Market kung saan matatagpuan ang arkong pinapasukan ng mga nilalang sa kabilang direksyon.

Muli akong nakakita ng isa na nakaupo sa isang bench sa tapat ng isang potion store habang naninigarilyo. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Pang-apat.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa pagkakataong 'to nang matandaang maraming mga inosenteng nilalang ang nandito sa Aragon Market at kung aatake nga ang Dark Assemblage, siguradong madadamay sila.

"Wolf," sambit ni Red sa tabi ko habang nakatingin sa isang stall na may nakatayong isang lalakeng nakasuot ng cap at bumibili ng dagger.

Pasimple siyang sumulyap sa 'min bago inayos ang cap niya. Tumiim ang bagang ko. Ilan ba silang nandito?!

Napahawak ako sa handle ng sword ko habang nakatago sa scabbard na nakakabit sa 'king bewang.

Ang Dark Assemblage ang pakay ko kung bakit ako pumunta dito kasama si Red. Siya lang at si Errapel ang nakakakaalam sa katauhan ko pero hindi ko pwedeng isama si Errapel dahil alam kong mas mahina siya dito sa Amaryllis kumpara sa ibang dimension. 

Isang pamilyar na babae ang nakasandal sa pader ng isang shop ang nakatitig sa direksyon namin ni Red habang pinaglalaruan niya ang dagger sa kanyang kamay. Kaagad na kumulo ang dugo ko nang maalala kung sino siya.

Ngumisi siya nang magtama ang tingin namin. Ang impaktang pumatay kay Nisha.

Naramdaman ko ang kamay ni Red sa likod ko. Nilihis ko nalang ang tingin mula sa witch at taas noong nilampasan siya.

Gigilitan din kita ng leeg, impakta ka.

Humigpit ang pagkakahawak ni Red sa bewang ko kaya napalingon ako sa kanya. Tumingin siya sa 'kin.

"Huminahon ka, Irine." Usal niya.

Huminga ako nang malalim at tumango bago itinuon ang atensyon ko sa arkong pinupuntahan namin.

Ilang saglit pa ay lumabas kami sa arko at tumigil sa malawak na lugar kung saan walang masyadong mga nilalang na dumadaan.

Hinarap namin ang Aragon Market mula sa kinatatayuan namin at doon nga namin nakita ang sunud-sunod na nagsisilabasang mga witch at wolves sa arko na pinangungunahan ng impakta.

Nakangising naglalakad ang leader nila habang papalapit sa direksyon ko at nakatitig sa 'king mga mata. Napahawak ako nang mahigpit sa sword ko.

Sa tantya ko ay nasa 10 sila ngayon at hindi pa nabibilang ang mga naiwan sa mismong Aragon Market.

"Long time no see," usal niya.

Tumigil siya sa harap ko, mga dalawang metro ang layo sa 'kin. Kasabay ng pagtigil ng iba sa bandang likuran niya. Hindi ko siya sinagot. Pinaglaruan lang ng impakta ang dagger sa kamay niya habang nakapinta sa mukha niya ang mapang-asar na ngiti.

"Kumusta na, munting Prinsesa?" Tanong niya. "Balita ko'y naglaho na ang mga aksidenteng napatay namin noon."

Nagngitngit ang ngipin ko. Lumapit siya nang bahagya sa pwestong kinatatayuan ko at pinakita ang dagger na hawak niya. 

"Nakikita mo ba 'to?" Pinaikot niya ito para makita ko ang bawat parte. "Ito nga pala ang ginamit ko sa pagpatay sa kaibigan mo."

Kaagad na hinugot ko ang sword sa scabbard pero pinigilan ako ni Red at hinawakan ang braso. Nag-form ng kamao ang kaliwa kong kamay. Bumalik muli ang ala-ala nang makita kong duguan si Nisha at nawawalan na ng hininga.

Galit. Poot.

Higit pa sa galit ang nararamdaman ko sa mangkukulam na walang awang pinatay ang kaibigan ko. Ang mga mangkukulam na sinasabing aksidente lang ang pagpatay na para bang walang bakas ng konsensyang nakikita sa mga mukha nila.

Tumawa ang witch habang nakatitig sa 'kin.

"Nakakatuwa kang pagmasdan, Irine. Halos pumutok na ang ugat sa leeg mo nang dahil sa galit sa 'kin." Pinunasan niya ang luha niyang tumulo sa kakatawa.

Hinawakan ko nang mahigpit ang sword at huminga nang malalim bago ko ibinalik ito sa scabbard.

"Dalhin mo 'ko sa 'king ama," usal ko.

Kumunot ang noo ng witch pero ilang segundo lang ay tumawa siyang muli. Pati si Red ay gulat na napatingin sa 'kin.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?" Tanong ng impakta.

Tuluyan nang lumapit ang witch sa 'kin hanggang ilang pulgada nalang ang pagitan namin. Kaagad na hinugot ni Red ang dagger niya at itinapat sa leeg ng witch. Maling galaw niya lang, laslas ang leeg niya.

Ngumisi siya. Hindi ako nagpatinag.

"Makikita mo rin siya sa tamang panahon, Irine. Maghintay ka lang."

Kaagad siyang bumwelo para iturok ang dagger niya sa 'kin. Mabilis akong hinila palayo ni Red pero bigla siyang naglaho kasabay ng itim na usok.

Sa isang iglap ay nasa dati niya na siyang pwesto, dalawang metro ang layo sa 'min.

"Pasalamat ka at nandito siya," usal niya.

Pagkatapos sabihin 'yon ng witch ay panibagong nilalang ang lumabas mula sa arko ng Aragon Market.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala siya habang nakatingin sa 'kin at papalapit sa direksyon ko. Mistulang tumigil ang mundo ko habang pinagmamasdan siyang malakas na naglalakad.

Sa tagal nang panahon, ngayon ko nalang ulit siya nakita.

Tumigil siya sa tabi ng witch na kausap ko kanina. Sa sobrang lapit niya ay nakita kong muli ang pamilyar na mukhang palagi kong nakikita sa ampunan noon. Ang parehong mga mata, ang parehong tingin, ang parehong tindig.

Nakasuot siya ng itim na damit katulad sa isang witch. Nakakatayo nang maayos at walang suporta ng wheelchair niya.

"Sam," sambit ko.

Ngumisi siya. "Naaalala mo pa pala ako, Irine."

Tumiim ang bagang ko. Mukhang mas nauna niyang nalaman ang katauhan niya kaysa sa 'kin kaya siya umalis noon nang hindi nagpapaalam. Nang hindi nagsasabi sa 'kin ng totoo.

"Ang tagal na nating 'di nagkita," usal pa niya. "Kumusta ka na? Miserable na ba ang buhay mo ngayon?"

Tumawa ang witch na nasa tabi niya.

Mga impakta.

"Ang laki na ng pinagbago mo, Sam," sagot ko.

"Alam ko, Irine. At alam kong malaki na rin ang pinagbago mo simula noon. Congratulations pala ha? Marunong ka ng lumaban at hindi ka na isang duwag. O duwag ka parin hanggang ngayon?"

Natawa ako nang bahagya at nalasahan ang pait sa boses ko. "Nagkaroon ka lang ng malalakas na mga paa, bumaho na ang ugali mo, Sam. Paano kung maputol ang mga 'yan? Babalik ka ba sa dati?"

Tumiim ang bagang niya. "Alam mong ito ang pangarap ko noon pa, Irine."

"Alam ko. At alam kong alam mo rin na ikaw ang nag-iisa kong kaibigan pero nawala ka na parang bula at iniwan mo sa ere ang kaibigan mong pinagsilbihan ka sa buong buhay mo."

Nagform ng kamao ang dalawa niyang mga kamay. Mabigat ba ang konsenyang binubuhat mo, Sam?

Huminga nang malalim si Sam at bumalik ang tapang ng mukha niya. "Sa isang utos ko lang ay gagalaw ang bawat isa sa kanila para patayin ka, Irine."

Ngumisi ako. "Dapat na ba akong matakot?"

Ngumisi rin siya at itinaas ang noo niya na parang nagmamayabang. "H'wag kang matakot para sa buhay mo. Pero matakot ka sa mga inosenteng buhay ng iba."

Matapos niyang sabihin 'yon ay umalingawngaw ang isang pagsabog sa Aragon Market bago sunud-sunod na narinig ang mga sigaw at humihingi ng tulong.

Ngumisi si Sam bago naglaho nang parang bula at naiwan ang itim na usok sa pwesto niya. Kasunod na naglaho ang katabi niyang witch at ang iba pang nasa likuran nilang kanina pang nanonood sa 'min.

Ang mga wolves in human form naman ay tinalikuran kami ni Red pumasok sa Aragon Market. Nakita na rin namin ang mga mamamayan ng Amaryllis na tumatakbo palabas.

Mabilis kaming sumunod ni Red papasok ng Aragon Market. Pilit na iniiwasan ang mga nilalang na tumatakbong nakakasalubong namin. Nang nasa pinakagitna na kaming parte, tumambad sa 'min ang mga nasusunog na Amaryllis Storehouse.

Ang mga nagbabadyang patayin ang sunog ay inaatake ng mga wolves.

Tumakbo kaming dalawa ni Red at inatake ang mga werewolves.

Kaagad kong hinablot ang sword at iwinasiwas sa isang werewolf na sinubukang gilitan ang inosenteng dwarf na hawak niya.

Mabilis siyang nakailag at nabitawan ang dwarf. Tinulungan ko ang dwarf na makatayo.

"Tumakbo ka nang palayo at gamutin ang sugat mo," sabi ko.

Mabilis siyang tumango at hinawakan ang sugat niya sa leeg bago tumakbo palayo kasama ng iba.

Binalik ko ang tingin sa lalakeng wolf na ngayon ay nakapinta ang mapaglarong ngiti niya.

"Prinsesa!" Natatawang sabi niya. "Ah, hindi pala. Ang dating prinsesa."

Hindi ko na siya pinansin at tumakbo papunta sa kanya. Iwinasiwas ko mula sa taas pero kaagad siyang tumagilid para hindi matamaan.

Mabilis na nagbago ang mga mata niya at naging kahalintulad sa mata ng mga wolves na humabol sa 'min noon.

Kaagad akong umatras sa kanya nang nagbago siya ng anyo sa isang iglap lang at mabilis na sumunggab sa 'kin. Pero nasangga ko ang pag-atake niya gamit ang pagwasiwas ng sword hanggang nadaplisan ko siya ang ibabang parte ng mata niya.

Umungol ang wolf na kalaban ko. Nilabas niya ang pangil niyang nagngitngit at galit na nakatingin sa 'kin. Tumahol siya nang tumahol habang tumutulo ang laway niya sa kanyang bibig.

Ilang saglit lang ay tumakbo muki siya sa 'king direksyon. Mabilis kong ginising ang spirit at inilipat ang kapangyarihan ko sa blade ng sword ko.

Napansin kong nadistract ang wolf nang makita ang usok sa mismong blade. Kinuha ko ang pagkakataon para tumakbo rin para salubungin siya at iwasiwas ang sword sa gilid ng katawan niya.

Mas malakas ang ginawa niyang ungol.

Napatigil ako at pinagmasdan lang siyang nagpagewang-gewang habang nakatingin sa katawan niyang unti-unti nang nababalutan ng yelo kasabay ng dugong tumutulo mula sa malalim na sugat.

Maya-maya ay tuluyan nang kumalat ang yelo hanggang sa kanyang ulo papunta sa buntot at tuluyan siyang tumumba sa lupa.

Pinagmasdan ko ang paligid nang mapansing nakatakbo na ang lahat ng mga inosenteng nilalang sa daan pati na rin ang mga stall owners. Ang mga shops naman ay naka-activate na ang emergency barriers nila para hindi maapektuhan sa nangyayari.

Nawala na rin ang apoy sa Amaryllis Storehouse. Nakita ko ang mga water wizards na nasa lobby ng storehouse habang tinutupok nila ang apoy at gumawa rin ng barrier mula sa mga witches na nagbabalak pumasok.

Tumingin ako kay Red na abala rin sa pakikipaglaban sa dalawa pang wolf na naiwan.

Wala nang nagbadya pang sumugod sa 'kin. Ang iba ay prenteng nakatayo lang sa paligid habang nanonood sa 'ming nakikipaglaban.

May nakaupo sa mga stalls at ang iba ay pinapakealaman pa ang mga paninda na naiwan ng owners. May mga witches ding nakasandal sa ibang mga shops habang masayang pinaglalaruang sirain ang barriers nila.

Napahawak ako nang mahigpit sa sword ko.

Pinagmasdan ko lang si Red na patayin ang dalawang wolves na umatake sa kanya. Hingal na tumingin si Red sa natumbang mga duguang wolves sa lupa.

Matapos ay tumingin siya sa 'kin. Tumiim ang bagang niya at alam kong napansin niya rin ang balak ng mga wolves at witches sa pag-atake sa Aragon Market.

"Irine! Red!"

Tunog ng mga yapak ng nagsisitakbuang mga kabayo ang umalingawngaw sa paligid at mga matinis na sigaw ng ibon sa himpapawid.

Nandito na sila.

Napansin kong napatingin ang mga wolves at witches sa likod ko. Mabilis na nagbagong anyo ang mga wolves at tumakbo palabas ng kabilang gate. Ang mga natirang witches naman ay winagayway pa ang kamay nila sa 'kin na parang nagpapaalam bago naglaho at iniwan ang itim na usok sa pwesto nila.

Rinig kong tumigil na ang mga yapak ng kabayo sa 'king likod pero hindi ko sila nilingon.

"Red, Irine." Diing sabi ni Sister Leyva.

Naglakad papunta sa direksyon ko si Red at ibinalik ang scabbard niya. Kaya binalik ko na rin ang sword ko sa scabbard bago humarap kay Sister Leyva at ng iba pa.

Bumaba ng kabayo niya si Sister Leyva at mabilis na pumunta sa direksyon namin.

"Mestro–"

Kaagad niya akong sinampal na ikinagulat ko. Ramdam ko ang hapdi sa 'king kanang pisngi at rinig ko rin ang pagsinghap ng mga nanonood sa 'min.

"Hindi ko akalaing magagawa mo 'to, Irine," ani Sister Leyva.

Bakas sa boses niya ang pagkagalit at disappointment sa ginawa ko.

Napalunok ako at tumingin nang direkta sa mga mata niya. Hindi ko na inalintana ang kirot na nararamdaman ko nang dahil sa lakas ng pagkalasampal.

Taas noo akong tumingin pero walang anumang mga salita ang lumabas sa bibig ko.

Ang dami kong gustong sabihin at isiwalat sa kanya at sa buong grupo. Isiwalat ang lahat ng katotohanang natuklasan ko at mga ebidensya sa tunay na pakay ng Dark Assemblage.

Pero hindi ko ito masabi.

Hindi ko kayang ilagay ang sarili ko sa kamay ni kamatayan.

Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago yumuko.

"Patawad," ang salitang nabanggit ko. "Patawad, Mestro."

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...
1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION