The Innocent Revenge

By mattymathics

24.5K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... More

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Thank you

Chapter 03

535 40 0
By mattymathics


Jealous

Joyce POV

"I'm sorry na, babe" kanina pa ko suyo ng suyo dito pero hindi parin talaga natitibag. Halos mag iisang oras na, ang tibay parin.

"Hoy? sorry na nga eh" parang ako lang mag isa dito. Hindi man lang nagsalita to.

Baliktad na tuloy, ako yung na inis kanina tapos siya na naman.

"Babe? I'm sorry" pacute kong sabi. Akmang hahalikan ko siya sa pisngi pero nilayo niya lang yung mukha niya. Kanina pa niya ito iniiwas.

"Woy? babe naman eh, nagso-sorry na nga ako ehh. Di na mauulit pramis" di parin siya umimik.

"Magsalita ka naman, baka mapipi ka niyan sige ka" panakot ko sa kanya pero di parin natinag.

"Parang babae naman to ohh" sabay tawang sabi ko pero mas lalong di niya ako pinansin.

"I'm sorry na babe. Eh kasi naman nakalimutan ko dahil kung ano-ano yung iniisip ko tungkol kagabi" bigla siyang tumingin saakin.

Yes, napansin din. Hindi na 'to aabot ng isang araw para manuyo.

Yes, grabi. Aabot talaga ng isang araw bago kami magkabati. Para talagang babae to.

Nagtaas siya ng kilay ng makita niyang nakangiti ako.

Hayst, mukhang aabot nga ng isang araw ito, mukhang mas malala to kumpara dati eh.

"I'm sorry, babe" pagkasabi ko nun ay bigla siyang tumayo.

"Uuwi nalang muna ako" sabi niya na walang emosyon. Hinyaan ko nalang siya baka magalit pa lalo.

"I'm sorry talaga, ingat ka" sabi ko pero di man lang nag response.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay agad kung sinabunutan ang sarili ko.

"Ang tanga mo, joyce. Ang tanga tanga mo" inis na sigaw ko sa sarili. Nang sumakit na iyong ulo ko ay binitawan ko na yung buhok at napatingin sa kalendaryo.

May 24, 2020 | Sunday

Jusko, may kalendaryo ako pero di ko man lang na check kanina. Kulang pa ang salitang tanga sayo, joyce hayst.

Napagdesisyonan kung lumabas nalang muna ng kwarto. Nang makalabas ako ay nagulat ako sa aking nakita.

"Dala yan ni Ken" biglang sabi ni mama ng makita ang mukha kung gulat.

Ang daming pagkaing nakahanda, sa kanya lahat to? Hindi kasi ganito karami nung last monthsarry namin. I mean, minsan mag fast food nalang kami or manood ng sine or mag picnic.

Pero ito, ang dami. Siguro kasama narin dito yung panunuyo niya kanina.

Bigla akong nanlumo ng maalala ko yung nangyari kanina.

I'm sorry, babe.

"Nag away kayo?" tanong ni mama at tumango nalang ako.

"Pinilit kung huwag munang umalis kanina kaso nagpumilit din siyang umuwi na. Kita ko sa mukha niya ang lungkot" biglang sumikip yung dibdib ko.

I'm really sorry, babe.

"Ang aga niya kanina rito, kita ko kung gaano siya naghirap bitbitin lahat at paulit-ulit bumabalik sa sasakyan niya para makuha ang mga pagkain" sabi pa ni mama na mas lalong ikina-guilty ko. Hindi parin ako umimik.

Nasaktan ko sya.

"Nilapag at hinanda niya muna ang lahat ng nasa mesa bago kita akyatin" dugtong ni mama. Nanatili parin akong nakatayo sa harap ng mesa habang kinakain ng aking konsensya.

"Pag usapan niyo yan. Alam kung may kasalanan siya pero alam kung mas malaki ang kasalanan mo. Nag effort siya anak. Kaya ikaw na ang unang kumausap sa kanya" sabi pa ni mama bago ako tinalikuran.

Sinunod ko naman ang sabi ni mama. Agad akong bumalik sa kwarto upang kunin ang aking cellphone at tawagan si Ken.

Kaso nakailang tawag na ako pero hindi parin sinasagot yung tawag ko. Hanggang sa huling tawag ko ay pinatay na niya ito kaya hindi nalang ako tumawag ulit at nagtipa nalang ng text.

To: Kenchee

I'm really sorry, babe. Nakalimutan ko lang ng dahil kagabi. Please kausapin mo ko. I'm sorry, puntahan kita sa inyo ngayon.

Kaso ilang minuto na ang nakalipas ay hindi man lang siya nagtext kaya napagdesisyonan ko nalang pumunta sa kanila.

Naligo muna ako pagkatapos nagbihis. Bumaba na ako at nagpaalam kay mama pagkatapos kung mag ayos.

Nag jeep lang ako dahil di na kaya ng pera ko ang mag taxi, di naman kasi kami mayaman. Medyo may kaya lang.

Masyadong traffic kaya naabot ako ng kalahating oras bago nakarating sa kanilang bahay. Medyo malayo layo rin ito sa amin.

Nang nasa tapat nako ng gate ay agad kung pinindot yung doorbell. Nakailang doorbell pa ko bago pinagbuksan ng gate. Bumungad sa akin ang kanilang katulong na mukhang nasa 30 pataas ang edad.

"Goodmorning maam joyce, pasok po" sabi sakin ng katulong.

Kilala na nila ako dito bilang girlfriend ni Ken. Mabait sa akin ang mga magulang niya kaso medyo busy sa work kaya laging nangingibang bansa, nag-iisang anak lang si Ken gaya ko.

"Upo muna kayo maam, kuha ko lang po kayo ng meryenda" sabi niya ng makapasok kami.

"Hindi na ate neneng, hindi po ako magtatagal. Gusto ko lang makausap si Ken. Nandito ba siya?" pigil ko kay Ate neneng.

Medyo kabisado ko lahat ng mga katulong dito kasi palagi akong namamalagi dito.

"Diba pumunta siya sa inyo kanina maam?" takang tanong niya.

"Oo eh pero umalis kasi siya bigla" paliwanag ko.

"Sige maam, tatawagan ko nalang na nandito ka." sabi niya.

"Huwag. Ahmm tanungin mo nalang kung nasaan siya pero huwag mong sabihin na ako yung naghahanap sa kanya" baka kasi di niya sasabihin kung asan siya dahil narinig ang pangalan ko.

"Sige maam" sang ayon ni ate neneng kahit kita sa mukha niya ang pagtaka. Ngumiti nalang ako bilang response.

Tumungo agad siya sa may telepono ata may tinipa tyaka nilagay sa tenga yung phone.

"Hello, sir?.. May naghahanap po sa inyo sir... Ah, kaklase niyo ata sir" napatingin si ate neneng ng sabihin niya yun, kita kong nag aalinlangan siyang magsabi "Ahh sige po sir" pagkasabi niya nun ay binaba na miya yung telepono, di na siya lumapit sa akin ng may sabihin siya saakin.

"Maam, nasa Airport daw siya maam. May sinusundo" sabi niya na ikinataka ko.

"Sino?"

"Si Maam heven po, sige maam balik na ko sa trabaho ko" itatanong ko pa sana kung sino si heven pero bigla nalang siyang umalis.

Heven? Wala akong kilalang heven ang pangalan. Baka pinsan niya. Maam daw eh, ibig sabihin kilala
siya ng mga katulong dito.

Maya maya ay umalis nako at hindi na nakapagpaalam sa mga kasambahay.
Naglakad ako palayo sa bahay para makalabas ng village, sa labas ka pa kasi makakasakay buti nalang medyo malapit sa bahay nila.

Ilang minuto ang nakalipas ay wala parin akong nasakyan, masyadong puno lahat ng jeep kaya naghintay pa ako ng ilang minuto.

Maya maya ay nakita ko ang sasakyan ni Ken na Mercedes benz papasok ng village nila, hindi ata ako nakita dahil patuloy lang itong pumasok.

Medyo natakpan din ako ng bubung ng waiting shed habang nakaupo.

Naglakad ako para silipin ang papasok na sasakyan ni Ken. Nang makita kung lumabas si Ken sa kanyang sasakyan ay napatago ako.

Pagsilip ko ulit ay nakita kung nakababa na ang kasama niyang babae. Siya ata si heven.

Pumasok na sila sa loob habang nasa labas ang kaniyang sasakyan. Baka ihahatid pa niya mamaya sa kanilang bahay yung heven.

Pero bago sila tuluyang makapasok ay kita ko ang pag akbay ni Ken sa babae sabay tawa na parang walang nangyari kanina.

Biglang may naramdaman akong kakaiba. Biglang sumikip yung dibdib ko.

Baka pinsan lang sila joyce. Baka pinsan lang.

Kung pinsan lang, bakit nakaramdam ako ng selos?

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 447 51
I Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.
370K 6K 47
Under Major Revision✔
143K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
365K 7.3K 27
#she-wolf #mate #romance #love #Alvin #Dreame