THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMP...

By MissteriousGuile

845K 19.8K 1.7K

Siya si Carnasyon Maria Zeil Batobalani isang masiyahing babae na hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. "You... More

TEASER
DISCLAIMER
MUST READ
SYPNOSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
EPILOGUE
GUILE'S
BOOK 2 AND SIDE STORIES

CHAPTER 37

11K 308 10
By MissteriousGuile

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 36

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Nasa bahay ako ngayon ng nanay ko, sabado ngayon at wala akong klase. Sabi ni ma'am at ni sir ay day off ko raw ngayon kaya pwede akong pumunta kung saan ko gusto. Alas 11 na ng gabi pero nakatitig parin ako sa kalangitan. Kitang kita ang mga maningning na mga butuin na nagpaganda sa gabi.

Hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa mga nangyari. Ang pagpasok ko ng trabaho, ang pagiging P.A ko, ang panliligaw n'ya sa akin, ang pagsagot ko sa kanya, ang pagbalik ng nobya n'ya at ang panahong sinaktan n'ya ako.

Ang sakit kapag maisip mo ang taong mahal na mahal mo. Ang taong nagturo sa'yo kung paano magmahal. Yung taong nangakong hindi ka iiwan at sasaktan pero s'ya pala yung taong babali sa pangako n'ya.

Tumulo na naman ang mga luha ko, napakasakit ng nararamdaman ko. Hindi n'ya ako sineryoso kasi isa lang akong hamak na P.A at utusan. Isang alalay.

Niloko n'ya ako. Pinaramdaman n'ya sa akin na mahal n'ya ako pero peke pala ang lahat. Isang kasinungalingan. Hindi porket mahal mo ang isang tao ay dapat magkatulad na kayo ng nararamdaman.

Napahagulgol ako sa sakit, minsan umaasa akong bigla s'yang mag text o di kaya tumawag o magpakita para magpaliwanag pero wala. Hinayaan n'ya lang ako.

"A-anak? Bakit hindi kapa natutulog?" Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko sa biglaang pagdating ni inay.

"Teka umiiyak kaba?" Umiling iling ako.

"W-wala po inay. M-may iniisip lang po." Agap kong sagot.

Baka pag malaman n'yang umiiyak ako ay mag-aalala na naman s'ya. Hindi pa naman n'ya alam na wala na kami ni Axel.

"Wag mo akong lokohin Carnasyon alam na alam ko kung kailan ka nagsisinungaling." Hindi ko na mapigilang umiyak sa harap n'ya, durog na durog ako at pag hindi ko 'to ipapalabas ay alam kong sasabog ako.

"N-nay." Bigla akong humagulgol at yumakap sa kanya. Tila ay nagulat s'ya pero hinayaan lang ako.

Binuhos ko ang sakit habang kayakap ang nanay ko. Kung sa panahong wala ka nang kapitan ay wag kakalimutan ang pamilya at ang panginoon. Sila lang ang tanging nandyan para sayo.

"A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka kasi nakapag-aral kana?" Umiling-iling ako sa sinabi n'ya. Hinahaplos haplos n'ya ang likod ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Ilabas mo lang 'yan anak. Makikinig si nanay pag napalabas mo na lahat ng sakit." Tumango ako.

Nang napalabas ko na lahat, kumalas ako ng yakap at pinunasan ang mga luha ko sabay tawa.

"Ahahahahahaha ano ba naman yan naiiyak ako hahahahah." Hindi bumenta kay inay ang peke kong mga tawa. Tumitig s'ya sa akin ng seryoso kaya napatigil ako at napayuko.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak Carnasyon at wag na wag mong susubukang magsinungaling dahil kilalang kilala kita." Nanatili lang akong nakayuko. Di nagtagal ay tumingin ako sa mga mata n'ya.

Ano kayang magiging reaksyon n'ya pag malaman n'ya ang totoo?

"N-nay?" Panimula ko.

"Ano?"

Pumikit ako ng mariin.

"W-wala na po kami ni Axel."

"Ano!?" Tulad ng inaasahan ko ay nagulat si nanay. Hindi siguro s'ya makapaniwala na ang lalaking nangakong alagaan ako ay ang lalaking pumunit sa puso ko.

"A-anong nangyari? Bakit? Sino nakipaghiwalay?" Sunod-sunod n'yang tanong.

Mahabang paliwanagan 'to.

"Ako po ang nakipaghiwalay nay-----" Napatigil ako sa biglaang pagsigaw n'ya. "Ano!? Gago kaba!?"

"Grabe nay! Kailangan sumigaw!?" Natahimik naman s'ya at humingi ng paumanhin.

Bumuntong hininga nalang ako at nagsimulang magkwento.

"N-nay niloloko lang po ako ni Axel nay pinaglalaruan lang po n'ya ako." Tumalikod ako at tumingala ulit para tingnan ang mga bituin sa langit.

"A-anak? Paano? Anong nangyari?" Hindi makapaniwala n'yang sambit.

"Nay, may nobya po sa ibang bansa si Axel at bumalik na po ito nay. Pinaglaruan lang n'ya ako kasi bobo ako at natatawa s'ya sa'kin. Hindi n'ya ako totoong mahal nay." Tumulo ulit ang mga luha ko habang naaala s'ya.

"Ngunit paano nangyari anak? Mahal---"

Pinutol ko s'ya.

"Nay hindi n'ya po ako mahal. Isang utusan, P.A at alalay lang ang tingin n'ya sa akin nay. Ang sabi n'ya pa bakit s'ya magkakagusto sa isang taong kagaya ko?" Humagulgol ulit ako.

"Nay tanggap ko na, bobo ako nay, wala akong pinag-aralan at mahirap ako kaya walang magkakagusto na katulad ni Axel sa akin. Isa lang akong dumi kung ikukumpara sa nobyo n'ya nay."

Narinig ko ang impit na iyak ni inay kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit po kayo umiiyak?" Hindi n'ya ako sinagot. Humagulgol na lamang s'ya at niyakap ako.

"Patawarin mo ako anak patawad kasi kung hindi dahil sa akin ay hindi nagkakaganito ang buhay mo! Patawarin mo ako anak." Naguguluhan ako sa kanyang sinabi.

"May kinalaman po ba kayo sa biglaang paghiwalay sa akin ni Axel nay? Ikaw ba ang dahilan?" Agaran kong tanong sa kanya.

Iniisip kong baka pinagbantaan n'ya si Axel kaya ako hiniwalayan. Pero hindi naman yun gagawin ni nanay diba?

"Hindi anak, dahil sa pagtago ko sayo ng katotohanan ay naging ganito ka. Patawarin mo ako." Humihingi s'ya ng patawad habang humahagulgol. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko s'ya naiintindihan.

"Nay? Anong katotohanan?" Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

"Hindi kita tunay na anak." Halos mawalan ako ng malay sa narinig ko galing sa kanya. Hindi n'ya ako tunay na anak? P-paanong nangyari yun?

"Wag po kayong magbiro sa akin ng ganyan ano ba kayo nay haha."

"Anak totoo ang sinasabi ko, sana ay patawarin mo ako. Ikaw ang anak nina Quennie and Arjo Castomayor anak. Nag-iisa nilang anak na babae." Para akong nawala sa katinuan sa sinabi ni nanay.

Hindi ko lubos maisip, ako anak ng iba? Ang daming katanungan sa aking isipan.

"K-kung totoo 'yan bakit ako napunta sa inyo nay?" Hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Makapangyarihang pamilya ang Castomayor anak, marami silang ari-arian katulad ng hacienda, hotel, resorts, restaurants at kung ano ano pa. May limang lalaki sa pamilya n'yo, ang mga kuya mo. Gustong gusto ng mga magulang mo na magka-anak ng babae at dahil mabuti sila ay binayayaan sila ng Diyos. Mahal na mahal ka nila anak at saksi ako dun dahil isa ako sa mga katulong n'yo. Mahal na mahal ka rin ng mga kuya mo." Grabeng pangyayari naman to. Hindi ko na kaya, parang hindi ko na kayang tanggapin.

"Paano po ako napunta sayo nay!? At saan ang pamilya ko!? Bakit wala sila sa tabi ko?" Naghehestirical kong tanong sa kanya.

"May kaaway ang pamilya mo anak at ipinakidnap ka nila at balak sanang ipapatay. Ang tatay Andoy mo, hardinero s'ya sa mansion at nobyo ko s'ya sa mga panahong 'yon anak. S'ya ang kumidnap sayo at papatayin kana sana pero nanaig ang kabutihan sa puso n'ya at dinala ka sa barong-barong namin. Gulat na gulat ako noon dahil nakita kitang umiiyak na karga ng tatay mo. Pinalitan kana lamang n'ya ng ibang batang bangkay kaya hindi na naghinala ang gustong magpapatay sayo. Hindi ka narin hinanap ng pamilya mo kasi naniwala sila sa bangkay na pinakita ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa dahil sa mga narinig ko.

Hindi ko matanggap na ang taong tinuring kong tunay na ama ay gusto akong patayin noong bata pa ako. Para ano? Para sa pera?

"Sana wag mong kasuklaman ang tatay Andoy mo anak ginawa lang n'ya yun dahil sa akin. May sakit akong dengue anak at wala kaming pera para ipangasto sa hospital, ang dami na rin naming utang kaya kumapit s'ya sa patalim. Pero anak  tinuring ka naming tunay na anak 'yon nga lang ay hindi namin naibigay ang magandang buhay sayo. Sana patawarin mo kami anak."

Para akong tuod na nakikinig lang kay nanay pero umaagos ang mga luha ko. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin o sasabihin. Nalilito at naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko matanggap.

"G-gusto kong makita ang tunay kong pamilya." Namamaos kong saad.

Lumayo si nanay sa akin at may kinuha sa maliit na baul. Isang kwintas na may naka ukit na Ammara. Mayroon ding mga litrato ko noong bata pa ako at isang lumang sobre.

"Nakasulat sa sobreng 'yan ang lugar kong nasaan ang bahay ng pamilya mo anak ipakita mo rin sa kanila ang mga lumang litrato at itong kwintas mo."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, dapat ba para sa akin ang mga pangyayaring 'to? Masyado naman ata akong pinapahirapan.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 924 37
Si Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kani...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
381K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...