THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMP...

By MissteriousGuile

844K 19.8K 1.7K

Siya si Carnasyon Maria Zeil Batobalani isang masiyahing babae na hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. "You... More

TEASER
DISCLAIMER
MUST READ
SYPNOSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
EPILOGUE
GUILE'S
BOOK 2 AND SIDE STORIES

CHAPTER 24

11K 303 21
By MissteriousGuile

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 24

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Papalabas na ako sa building nang tawagin ako ni Eloisa, paka ikot ang mga mata ko.

Ano na naman kaya ang gusto ng babaeng ito. Namumuro na 'to sa'kin kahapon eh, sobra na.

"Bakit po?" Nagtitimpi kong saad.

Lumapit s'ya sa'kin at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. Tinaasan n'ya ako ng kilay.

Ang kulay pula n'yang mga labi na halos ngumudgod na ng lipstick at ang pisngi n'yang parang sinampal ng sampung bakla ay parang mas kuminang pa nang maarawan s'ya.

Hapit na hapit sa katawan n'ya ang office uniform na kulay itim. Para s'yang baboy na pinasuotan ng uniform.

"Lalabas ka?" Hindi ko alam pero nagtitimpi lang ako.

"Oo bakit po?"

Tumingin s'ya sa orasan n'ya.

"Anong oras pa oh? Aalis kana agad? Hindi ka pinaswelduhan para magpakasarap lang ha, isipin mo 'yan." Medyo lumakas ang boses n'ya kaya nagkatinginan ang mga tao sa pwesto namin.

Ngumiti lang ako sa kan'ya at yumuko. Hindi ko pwedeng sagot-sagutin s'ya dahil isa s'ya sa mga head dito sa office. Marketing head? Yun ata yun.

Umalis na s'ya pagkatapos, lumabas naman ako sa building, hindi na bumalik si ser pagkatapos nun. Ano kayang problema nun? Galit na galit eh.

Galit na galit ustong manakit?

Bukas na talaga ako manliligaw sa kan'ya. Mag iisip pa ako kung paano.

May tumigil sa sasakyan sa harap ko at iniluwa niti si ser. Teka bagong sasakyan na naman? Yaman talaga nito.

Lumabas s'ya at umandar na ang sasakyan na sinakyan n'ya. Ay iniwan?

Nakapamulsa s'ya sa harapan ko habang nakatitig ako sa kanya.

Ahh awareness, yung parang nakakahiya na kapaligiran. Awareness yun diba?

"Let's----I mean tara na?" Napa huh naman ako sa turan n'ya.

Pinagsasabi nito ni ser?

Bumaba lang s'ya sa harap ko tapos biglang aayain ako? Omo nakatira ata 'to ngayon si ser ng droga hala!

Pumikit s'ya, nakataaas lang ang kilay ko. Ang gwapo n'yang tingnan naka business suite s'ya yun bang sinusuot ng mga business mans, suite yun diba?

"Sasama ako sa bahay n'yo pwede ba? Gusto kong makilala pamilya mo." Seryoso n'yang saad kaya kinabahan ako.

Seryoso? Si ser pupunta sa bahay ko?

"Ipapakuha ko nalang kotse ko, wait for a moment----" Kukunin na sana n'ya ang cellphone n'ya nang kunin ko ito sa kamay n'ya.

"Wag ser, sasama ka sa akin diba? Sige, ipapakilala ko sa'yo ang mundo ko. Mag commute tayo." Saad ko.

Hinawakan ko kamay n'ya, nanginginig pa kamay ko habang hawak ang mga kamay n'yang medyo may kunting mga lipak.

Hinila ko s'ya sa sasakyan ng jeep.

"Seriously Carnasyon? Sasakay tayo jan!? Is it safe!?" Diring diri s'ya habang nakatingin sa jeep.

Tang! Ang arte naman ng taong to!

"Ano kaba ser!? Ngayon kalang ba nakasakay ng ganitong sasakyan!? Halika na nga!" Hinila ko s'ya sa loob, lima pa lamang kami.

Hanggang sa dumarami na ang mga taong gustong sumakay, nakaupo kami sa bandang unahan para mas safe. Gusto ko ngang pakabitin nalang 'to pero baka mahulog kargo de konsesya ko pa.

Halos maipit na kami sa dami ng mga tao na sumasakay. Nakikita kong nagkakasalubong na ang kilay ni ser habang nakatingin sa iba.

"HAHAHHAHAHA ang mukha mo ser HAHAHAHHA para kang natatae na ewan HAHAHHAHA." Tumawa ako habang tinuturo ang mukha n'ya.

Nakakatawa kasi para s'yang matatae na ewan hahaha.

"Shut up! You'll pay for this woman!" Saad n'ya pero patuloy lang akong tumatawa dahil hindi ko naman naiintindihan.

Hanggang sa umandar na sinasakyan namin, takot na takot s'ya habang kumakapit ang isang kamay sa handle at ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko.

Pinisil ko ang kamay n'ya kaya napatingin s'ya dun. Ang lamig ng kamay n'ya eh.

"Paabot." May inabot na bente ang manang sa kanya, nagkasalubong ang kilay n'ya habang nakatitig sa bente.

Tinusok ko gilid n'ya kaya napatingin s'ya sa'kin.

"Abutin mo tapos iabot mo sa driver." Saad ko.

Inabot naman n'ya ito at ibinigay sa driver. Hanggang sa ang dami nang nagpapaabot sa kan'ya at inaabot naman n'ya ito na magkasalubong ang mga kilay.

"Manong bayad poo!" Saad nung babae.

"Saan yung bente?" Kinabahan ako.

"Haluh naglalakad po ang bente manong!?" Tanong ko, kinakabahan ako kasi naman kababayad lang tas gaganun?

"Pfft." Napatingin ako sa biglang tumawa na si Ser.

Problema nito?

Hindi ako pinansin ni manong hanggang sa may nagbayad na naman.

"Itong bente saan? Sa estudyante?" Saad ni manong.

"Opo, akin po. 1st year high school hindi pa nireregla pero may sampung ex na."

Napadilat ang mata ko sa sinabi ng batang babae, grade 7 pa ata to! Ang harot! Anong nangyayari sa kabataan ngayon!? 

"Itong isang bente? Magkasama kayo iha?" Saad n'ya sa batang estudyante kanina.

"Opo, 3rd year high school po. Galing ako sa group study tapos tinuruan ako ng crush ko magdamag sa science at 0 nakuha ko sa test kanina." Napahawak ako sa noo ko. Ano ba 'to?

Lumingon ako kay ser na nakatitig lang sa akin. Kinakabahan ako sa klase ng titig n'ya.

"Manong bayad po!" Saad nung mamang malaki ang katawan kaya napatingin ako sa kan'ya. Nakakatakot naman 'to.

"Saan bababa?"

"Kung gusto n'yo makulong sa gitna n'yo ako ng kalsada ibababa para patay ako." Ay highblood naman 'to si koya. Katakot.

Kita kong nagtitimpi lang si manong driver sa mga sagot nila.

"Ilan 'tong bente?"

"Isa lang po, wag na kayo magtanong kung bakit. Pinagpalit lang ako sa mas malapit." Napataas kilay ko sa sagot nung babaeng may malaking eyes glass.

Ay humuhugot si ate.

"Ganito ba talaga rito Carnasyon?" Saad ni ser sa tenga ko. Medyo bumubulong na s'ya.

Nakita kong may pawis na s'ya sa ibababaw ng ulo n'ya kaya pinahiran ko ito ng panyo.

Ngumiti naman s'ya dahil sa ginawa ko kaya ngumiti rin ako.

Medyo malubak ang daan kaya parang nauuntog si Ser, ang taas naman kasi ni Ser eh halos sumasangko na ang ulo n'ya sa jeep.

"Itong isang bente saan to bababa?" Sa amin 'yun kaya nagsalita na ako.

"Sa semento po." Tama naman ako ah sa semento.

Tumigil ang sasakyan sa gilid.

"Ayaw ko na! Dito na kayo bumaba! Kanina pa kayo namumuro sa'kin ah!"

Ayun bumaba kami ni ser sa gilid ng kalsada. Anong ginawa ko? Napakasama ng driver na 'yon.

Tumingin ako ni ser na nakapamulsa. Ang gwapo parin n'yang tingnan.

"What now?"

Nginisihan ko lang s'ya kasi hindi ko naiintindihan ang englis n'ya.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

Continue Reading

You'll Also Like

23.3K 924 37
Si Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kani...
14K 256 33
Be strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky
1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.5K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...