[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 52 pt. 1

1.4K 53 2
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 52 pt. 1

I R I N E

Tatalon ka nga ba, Irine? Tatalon ka nga ba kasama siya?

Lumapit muli si Red sa 'kin at iniabot ang kamay ko.

"Uulitin ko, Irine. Hindi ko hahayaang may humadlang sa 'ting dalawa." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Red–"

"Anong nangyayari dito?"

Kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak sa 'kin ni Red at tinulak siya nang bahagya mula sa 'kin. Kumabog ang dibdib ko nang makita si Sister Leyva na kakapasok lang ng kwarto ko.

"Sis–Mestro…" Para bang natuyo ang pawis ko at nanlamig ang buo kong katawan.

Seryosong nakatingin sa 'ming dalawa si Sister at bakas sa mukha niya ang disappointment nang makita kaming magkasama. Napalunok ako.

"Red, lumabas ka sa kwarto, ngayon din." Utos ni Sister Leyva.

Shocks. Mukhang mapapagalitan na naman siya.

Tumingin ako kay Red. Walang emosyon siyang nakatingin kay Sister na para bang hindi siya naiintimidate o natatakot sa kung ano mang parusa na pwedeng ibigay ni Sister.

Ilang segundo lang ang tensyon na namumuo hanggang sa bumuntong-hininga si Red. Tumingin siya sa 'kin nang panandalian bago naglakad paalis at tuluyan na ngang nakalabas ng kwarto.

Akala ko'y susunod siya kay Red pero sinara niya ang pinto kaya naiwan kaming dalawa ni Sister sa kwarto.

Lalo akong pinagpawisan.

Pagkatapos niyang isara ang pinto. Umupo si Sister kama, tinapik niya ang space sa tabi niya. Nag-alangan akong umupo sa pwesto na tinatapik niya.

"Irine…" Tawag sa 'kin ni Sister.

Wala akong nagawa kundi umalis sa kinatatayuan ko at umupo sa tabi ni Sister. Humarap siya sa 'kin at ilang segundo muna ang pinalipas niya bago magsalita.

"Hindi ko na tatanungin pa kung ano ang ginagawa ni Red dito sa kwarto mo. Tumingin ka nang diretso sa 'kin, Irine." Kaagad akong napatingin kay Sister nang dahil sa boses niyang may tunog pambabanta. "May relasyon ba kayong dalawa?"

Natigilan lang ako habang lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Pinunas ko na sa pantalon ko ang mga palad na kanina pa pinagpapawisan.

Napalunok ako. "Magkaibigan lang po kami, Sister."

Kumunot ang noo niya sa sagot ko at ilang segundo niya rin akong tinitigan bago siya bumuntong-hininga.

"Sa pagiging magkaibigan nagsisimula ang lahat, Irine. Alam kong may namumuo nang koneksyon sa inyong dalawa. At alam ko ring alam mo kung ano ang idudulot nito sa inyo." Tumayo si Sister habang nakatingin parin sa 'kin. "Simula ngayon, si Sov Blue na ang partner mo. Kung nakita ko kayo ulit ni Red na magkasama sa iisang kwarto o mag-uusap nang walang kinalaman sa ekspedisyon, wala akong magagawa kundi ibalik ka sa camp, Irine. Mas makakabuti 'yon kaysa kayong dalawa ang malagay sa alanganing sitwasyon."

Tumalikod si Sister nang hindi hinintay ang sasabihin ko at naglakad papunta sa pinto. Pero bago pa niya pinihit ang door knob, muli siyang tumingin sa 'kin.

"Kung buhay pa si Martha ngayon, hindi niya rin gugustuhing mangyaring muli ang nakaraan sa 'yo, Irine. Mag-iingat ka sa mga desisyon mo."

Tuluyan nang lumabas si Sister at naiwan akong tulala. Nakatitig lang ako sa pinto habang iniisip kung ano na nga ba ang dapat kong gawin sa 'ming dalawa ni Red.

Kaagad akong napahawak sa 'king dibdib nang makaramdam ako ng kirot habang iniisip ang mga posibilidad na mangyayari.

Wala na nga ba akong pag-asang sumaya pa?

Hindi ba't masayang magmahal? Pero bakit kung pinili ko ang magmahal, kaakibat nito ay kamatayan?

Napapikit ako nang mariin at nahiga sa kama ko. Naalala ko ang aking magulang na nagsimula ng pag-iibigan ng may magkaibang spirits. Lahat ng mga pinuno ng Amaryllis Camp ay naging against sa relasyon nila.

At kung malalaman nilang ako ang kanilang anak, siguradong kamatayan din ang aabutin ko.

Ganito. Ganito kalaki ang gulo na dulot ng maling pagmamahalan.

'Mali ba ang magmahal?'

Naulit ang boses ni Red sa isip ko.

"Aaaaah!" Napasigaw ako sa sobrang frustration at binaon ang mukha ko sa unan.

Focus, Irine. Magfocus ka sa expedition!

"Irine?"

Naalerto ako sa boses kaya't humarap ako sa pinto kung saan 'yun nanggagaling.

"Sov," bulong ko.

Nakabukas na ang pinto ko ay nakatayo si Sov Blue habang nakatingin nang seryoso sa 'kin.

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumagot kaya pumasok na ako."

Ngumiti ako at tumayo nang maayos. "Ayos lang, Sov. May problema ba?"

Sinara niya ang pinto at ngumiti na sa 'kin. Gumaan ang loob ko nang makasama din ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa Amaryllis.

"Simula ngayon, ako na ang partner mo," usal niya. "Sabihin nalang natin na may rotation ng partners ang naganap."

Kinindatan niya ako kaya bahagya akong natawa. Alam talaga ni Sov kung kailan siya magtatanong at mananahimik sa mga nangyayari.

"Pero sa ngayon, kailangan muna nating pumunta sa lobby," dugtong niya.

Kumunot ang noo ko. "May nangyari ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Tingnan mo nalang."

Kaagad kaming umalis ni Sov sa kwarto ko at dumiretso sa lobby ng palace. Ang una kong nakita ay ang mga likod ng mga kasamahan namin na nagkumpulan.

Anong nangyayari?

Nang makarating ako sa bandang likod nila, narinig ko ang boses ni Castor.

"Nagpumilit silang pumasok sa village, kamahalan," usal niya.

Kaagad akong nabalutan ng pagtataka kaya pumunta ako sa gilid para makita ko nang buo ang nangyayari.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tristan at Lina na nakaluhod at nakagapos ang mga braso sa kanilang likod.

At bakit sila nandito?!

"Sinasabi ko nga sa inyo na kasapi nila kami sa grupo!" Giit ni Lina. "Ipakita mo sa kanila ang sulat para matapos na 'to!"

"Anong sulat 'yon Castor?" Tanong ni Eoin.

Kinuha ni Castor sa kanyang bulsa ang isang scroll at ibinigay ito kay Eoin. Binasa ni Eoin ang nilalaman ng sulat habang naghihintay ang iba sa kung totoo nga ba ang sinasabi nila.

Ilang minuto lang ay sinara na ni Eoin ang scroll. Kaagad namang dumating si Sister Leyva na kasama si Errapel at Red na nagtataka na rin sa nangyayari.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Sister sa dalawa.

Binigay ni Eoin ang scroll kay Sister at binasa rin ang sulat. Habang binabasa niya ay nagsalita na si Eoin.

"Mayroong stamp ng Amaryllis Council emblem ang sulat. Upang bigyan ng tulong ang grupo niyo, ipinadala sila para mapabilis ang pag-iimbestiga," sabi ni Eoin kay Sister Leyva.

Bumuntong-hininga si Sister Leyva at sinara na rin ang scroll.

"Natitiyak kong mula nga sa Amaryllis Council ang sulat, kamahalan. Kasapi sila ng aming grupo."

Tumango si Eoin at tumingin kay Castor.

"Pakawalan sila," utos niya.

Yumuko nang bahagya si Castor. "Masusunod, kamahalan."

Kaagad namang tinanggal ni Castor at ng isa pang royal guard ang pagkakagapos sa dalawa.

Nang makawala si Lina ay kaagad siyang tumakbo kay Red at niyakap ito nang mahigpit.

Tumaas ang isa kong kilay.

Lin(t)a.

"Namiss kita, Red!" Usal niya na para bang nanlalambing. "Buti nalang talaga pinayagan kaming sumama sa inyo para mabantayan kita."

Lumapit sa 'kin si Cyndel at bumulong.

"Feeling girlfriend ang bruha."

Siniko ko si Cyndel at pinandilatan siya na pinagtaka niya naman.

"Bakit?" Tanong niya.

Buti nalang nandito sa tabi ko si Cyndel. Dahil kung nagkataon na napuno ako kay Lina, full force kaming dalawa na itatali ang isang 'to patiwarik sa pinakamataas na puno.

"Irine." Tawag sa 'kin ni Tristan na nakangiti. Bigla niya rin akong niyakap na ikinagulat ko. "Namiss kita."

Hindi na ako nakapalag kay Tristan at lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa 'kin.

"Tristan…" Bulong ko.

Mukhang napansin niya namang nahihirapan akong huminga kaya pinakawalan niya ako at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Ayos ka lang?" Natatawa niyang tanong.

"Obvious ba?" Pabirong sabi ko bago huminga nang malalim.

Natawa siya sa reaksyon ko. Sandali…bakit nga ba sila pinadala rito?

"Makinig." Inagaw ni Sister Leyva ang atensyon naming lahat. Kaya tumabi si Tristan sa 'kin at humarap din kay Sister.

Pero napukaw ni Red ang pansin ko nang seryosong nakatingin siya sa 'kin. Nagulat nalang ako nang bigla akong inakbayan ni Tristan. Kaagad ding tumiim ang bagang ni Red kaya mabilis kong tinanggal ang braso ni Tristan sa balikat ko.

Nakita ko ang pagngisi niya habang nakatingin din kay Red. 

"Kunin niyo na ang inyong mga gamit. Kailangan na nating simulan ang imbestigasyon. Mukhang nakatunog ang Dark Assemblage na umalis tayo sa kampo at maaaring matagpuan nila tayo sa mga susunod na araw. Ito rin ang dahilan kung bakit nagpadala ng dalawang Stagers ang Amaryllis Council," ani Sister Leyva.

"Castor, utusan na rin ang ibang mga kawal na maghanda at samahan sila." Utos ni Eoin kay Castor.

Tumango si Castor at nagsalute. "Masusunod, kamahalan."

Mabilis na kumilos ang lahat at 'di na nagpansinan pa. Kaya kaagad din akong umalis sa pwesto at bumalik sa kwarto para kunin ang sword kong nakalagay sa scabbard.

Bumalik ako sa lobby at doon ko nakita si Red, Sov Blue, Tristan, at Errapel na tahimik na naghihintay. Napatingin sila sa 'kin nang nakalapit ako.

"Hi, Irine." Sabay na sabi ni Tristan at Errapel.

Natawa namang bahagya si Sov at nanatiling tahimik naman si Red. Napalunok ako. Kinausap kaya siya ni Sister Leyva sa nangyari kanina?

Ang hirap makipag-usap sa kanya ngayong maraming nakakakita sa 'ming dalawa. Lalo na si Sov, alam ko namang kaibigan namin siya pero bilang isa sa may pinakamataas na ranggo, baka isa rin siya na istrikto sa rules ng Amaryllis.

Ilang saglit pa ay dumating na sina Mestro Anne, Mestro Carlos, Sov Krysta, Sov Reine. Kasunod sila Lina at Cyndel na hindi nagpapansinan.

Tumabi sa 'kin si Cyndel. "Handa ka na?"

Tumango ako. Mukhang handa na rin siya.

Ang huling dumating ay sina Sister Leyva, Eoin, Castor, at lima pang royal guards na 'di ko kilala.

Pagkalapit ni Sister, nagsalita siya.

"Ilang oras nalang ay sisikat na ang araw, madilim pa ang paligid kaya pinapahintulutan kayong gumamit ng kapangyarihan sa pag-iimbestiga."

"Distro!" Sambit naming lahat.

"May dalawang regions ang village, ang wetland at ang dryland. Parehong napinsala ang dalawang lugar nang dahil sa pag-atake. Mayroon pang mga mamamayan na naninirahan sa lugar. Tiyakin niyong hindi niyo sila magagambala." usal ni Eoin.

Tumango si Sister Leyva. "Masusunod, kamahalan." Tumingin muli siya sa 'min. "Mestro Anne, Sov Blue, Stager Red, Stager Lina, Stager Tristan, at Tyro Irine, kayo ang naatasan sa wetland."

"Si Cyndel at Castor ang sasama sa inyo," dagdag ni Eoin.

"Mestro Carlos, Sov Krysta, Sov Reine, Errapel, at ako ang naatasan sa dryland," sabing muli ni Sister.

"Ako naman at ang limang royal guards ang sasama sa inyo Mestro Leyva," ani Eoin. "Ako at si Castor ang magsisilbing komunikasyon ng dalawang grupo sa pamamagitan ng mindlink. Siguraduhing ipaalam sa lahat kung sakaling may mangyari man."

"Distro!"

"Magkita tayo rito sa palasyo bago magtanghalian. Ngayong nasabi na ang lahat, simulan na ang pag-iimbestiga."

"Distro!"

Matapos sabihin 'yon ni Sister Leyva ay kaagad kaming naglakad palabas ng palasyo. Pagkalabas namin ng malaking pintuan ay bumungad sa 'min ang tahimik at madilim na paligid na nababalutan ng mga puno. Tanda kong nasa pinakagitna pala ng gubat ang palasyo. 

Tanging ang mga lamp posts nalang ang nagbibigay ng ilaw sa paligid at ang mga luminous orbs na gamit ng royal guards habang nagbabantay sa paligid.

"Mag-iingat kayo," paalala ni Sister Leyva sa grupo namin.

Nakita ko rin si Eoin na niyakap si Cyndel at sinabihang mag-ingat din siya. Matapos n'on ay lumapit din sa 'kin si Eoin at bahagyang ginulo ang ulo ko.

"Mag-iingat ka rin, Irine."

Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw rin, Eoin."

Matapos n'on ay kaagad na umalis ang grupo nila Sister at Eoin at tumakbo sa kaliwang daan.

"Halina kayo," usal ni Mestro Anne.

Tumakbo na rin kami sa kanang daan. Sina Mestro Anne at Castor ang nangunguna sa pagtakbo kasunod sina Tristan at Lina. Nasa likod namin ni Cyndel si Sov Blue at Red.

Hindi na namin kinuha ang mga kabayo para na rin umiwas sa ingay na pwedeng gumambala sa mga mamamayan ng Elf Village.

"Ang wetland ay ang lugar kung saan nakatayo ang bahay ko, Irine," usal ni Cyndel habang tumatakbo kami.

"Malapit sa Rhine Falls?"

Tumango siya. "Makikita mo nalang kung gaano kalaki ang pinsala."

Matapos ng maiksing pag-uusap namin ay hindi na kami muling nagsalita pa. Tumatakbo kami sa isang daang napapalibutan ng puno habang nadadaanan namin ang lamp posts bilang guide ng daan.

Paminsan-minsan ay may nakakasalubong kaming mga royal guards na nagbabantay at tuwing nakikita kami ay nagsasalute sila kay Castor. Mukhang siya nga ang head ng royal guards.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw na namin ang maliwanag na village. Bumungad sa 'min ang mga malalaking tulip houses at ang alley kung saan may mga maliliwanag ding lamp posts.

Nanguna muli si Castor papunta sa dulo ng alley at sumunod kami.

Nang palapit kami nang palapit sa mga tulip houses. Unti-unti ko ring nakita ang ibang mga bahay na wasak at wala nang tumitira pa.

Napahinto kami sa dulo ng alley, ang daan papasok ng wetland part ng village.

"Sumunod kayo sa 'kin," usal ni Castor.

Nagsimula siyang maglakad sa alley kaya sumunod kami. Ito ang parteng natatandaan ko noong pumunta kami sa Rhine Falls. Pero ang dami nang nagbago.

Naiilawan ng mga lamp posts ang ilang mga gray tulip houses na malayo sa makukulay na bahay noong unang punta ko rito. Nalanta na rin at pansin ang intentional na pagkasira sa bawat parte ng mga bahay.

"Ang wetland elf village ay nakaranas ng mas malaking pinsala kaysa sa dryland village. Wolves, witches at enchanters ang sumira sa mga bahay kaya napapansin niyo ang mga wala nang buhay na mga tulip houses, ang iba ay tuluyang sinunog." Pag-explain ni Castor habang naglalakad kami sa alley. "Nagtanong kami isang nakaligtas mula sa pag-atake na nakakita ng pangyayari. Ang sabi ay ang bawat wolves at enchanters ay pinilit na sirain ang mga tulip house at pinipilit na palabasin ang mga elves para suriin. Ang mga nanlalaban ay pinapatay."

"Sinusuri sila ng Dark Assemblage?" Tanong ni Mestro Anne.

Tumango si Castor. "Tama. Ang Enchanters at ang mga witches na kasapi ng Dark Assemblage ay tinitingnan o hinahawakan ang mga ulo ng mamamayan namin. Ngunit hindi namin alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa 'yon. Nandito na pala tayo."

Huminto si Castor sa isang tulip house na pamilyar sa 'kin. Tinitigan ko ito na gulat na gulat.

"Ito nga, Irine. Ito ang bahay ko," usal ni Cyndel sa tabi ko.

Nanlumo ako nang makitang wasak ang bawat parte ng tulip house. Ang dating malago na bahay ni Cyndel ay ngayo'y kulay abo na at wala nang buhay. Nakikita ko na rin ang pinakaloob ng bahay dahil sa mga butas o uwang na dala ng pagkakawasak.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. May mga royal guards ang nakabantay. Ang mga halaman na nakita ko noong naglalakad kami ay tuluyan nang nalanta at may mga bakas pa ng dugo.

Dugo.

Ngayon ko lang napansin na ang parte na malapit sa bahay ni Cyndel at ang mga kasunod na tulip houses ay may mga stains na ng dugo.

"Sa parteng 'to ang nakatamo ng pinakalamaking pinsala at ang bahay ko ang unang pinuntahan ng Dark Assemblage," sabi ni Cyndel. "Pumasok tayo sa loob."

Nanguna si Cyndel sa loob ng bahay niya. Nang dahil sa wala nang ilaw ay gumawa si Red at Lina ng mga bolang apoy. Nilabas naman ni Mestro Anne ang wand niya at hinayaang lumutang ang mga bolang apoy sa ere kaya nailawan ang buong ground floor ng bahay ni Cyndel.

Sira na ang mga furnitures, basag ang mga vases at frames, at nagkalat ang iba pang mga gamit sa sahig.

Dito ko mas maintindihan ang kwento ni Eoin na para bang may hinahanap nga ang Dark Assemblage. Pero bakit sa bahay ni Cyndel?

"Stagers, kayo ang umakyat sa second floor at tingnan ang mga bagay na pwede nating magamit sa imbestigasyon," utos ni Mestro Anne.

"Distro." Sabay nilang sabi. Umakyat nga si Red, Tristan, at Lina sa taas habang nandito kami sa ground floor.

"Maaari ko bang tanungin kung ano ang hinala mo kung bakit nila pinasok ang iyong bahay, kamahalan? Kung ano ang pwedeng mga bagay na hinahanap nila?" Tanong ni Sov Blue kay Cyndel.

Huminga nang malalim si Cyndel. "Sa totoo lang, ang bahay na 'to ay ang ginagamit ko tuwing napapagod akong maglingkod sa palasyo bilang prinsesa para mamuhay ng simple kaya ang mga bagay dito ay mga ordinaryo lang."

Kumunot ang noo ni Sov Blue. "Pero bakit ito ang pinili nilang pasukin?"

"Ang sagot diyan ay hindi pa nating mapunto, Sov Blue," sagot ni Castor. "Wala paring nakakaalam."

Ilang segundong naging tahimik ang diskusyon bago magsalitang muli si Mestro Anne.

"Mas mabuting tingnan nalang ang bawat parte ng kwarto. Umasa nalang tayo na may makita tayong pwedeng magamit para umusad ang imbestigasyon," sabi ni Mestro Anne.

"Distro," sambit namin.

Naghiwa-hiwalay kami sa ground floor at isang bolang apoy ang sumunod sa 'kin bilang ilaw ko. Mukhang bawat isa sa 'min ay may nakasunod na bolang apoy.

Habang abala din sila sa pagcheck ng ground floor, pinagmasdan ko ang bawat parte ng sala. Tiningnan nang mabuti ang floors at ang mga sulok ng kung may makikita ba ako. At kaagad ko namang napansin ang baul kung saan ko nilagay ang mga gamit ko bago kami maligo sa Rhine Falls.

Natumba na ito at nakakalat ang laman ng chest.

Kaagad akong pumunta doon at hinalungkat ang laman. Puro damit ang nakikita ko na mukhang mga damit ni Cyndel dahil katulad ito ng mga suot niyang dresses. Hinalungkat ko pa hanggang dulo ngunit wala akong kakaibang nakita.

Ano ba talaga ang hinahanap nila? Ang libro ba talaga o iba pang bagay? 

Nakarinig ako ng mga yapak kaya kaagad akong napatayo. Nagsibabaan na sina Red, Tristan, at Lina mula sa taas at hinarap si Mestro Anne.

"May nakita ba kayo?" Tanong ni Mestro.

"Wala po, Mestro. Wala kaming nakitang kahina-hinalang mga bagay o bakas mula sa Dark Assemblage," sagot ni Red.

Bumuntong hininga si Mestro. "Mukhang wala talaga tayong makikita dito. Sigurado ba kayong hindi nagalaw ang kahit anong bagay sa bahay na ito simula noong pag-atake?"

Tumango si Castor. "Nakakasiguro po kami, Mestro. Bawat oras ay may nakabantay na royal guards para siguraduhing walang anumang bagay ang magalaw."

"Mabuti kung ganoon, Castor. Ngunit mukhang wala tayong makikita dito maliban sa hinalang may kinalaman ang lugar na ito o ang mga bagay sa bahay ni Cyndel sa pag-atake."

O kaya naman mismong si Cyndel.

Napatingin ako kay Cyndel na seryosong nakikinig sa usapan.

"Matapos ang pag-atake sa village, ano ang nangyari, Castor?" Tanong ni Sov Blue.

"Nahati ang grupo ng Dark Assemblage sa dalawa. Ang isa ay inatake ang palasyo at ang isang grupo naman ay pumunta sa Rhine Falls."

Naalarma ako sa sinabi ni Castor.

"Sa Rhine Falls?" Sinigurado ni Sov Blue ang narinig niya.

Tumango si Castor. "Ang Rhine Falls ang nagsisilbing pinagkukuhanan ng tubig ng mga mamamayan dito sa wetland. Sa 'di malamang dahilan ay nagmanman din ang Dark Assemblage sa Rhine Falls."

"Maaari ba nating puntahan?" Tanong ni Mestro.

"Opo, Mestro. Sumunod kayo sa 'kin."

Kaagad na naglakad paalis si Castor kaya sinundan namin siya. Pagkalabas namin ng bahay ay medyo maliwanag na ang paligid na nagsasabing malapit na ngang sumikat ang araw.  Kaya namatay na rin ang mga bolang apoy na ginawa ni Red at Lina.

Habang naglalakad ang lahat ay binagalan ko nang bahagya ang paglakad ko. Nang nasa dulo na ako ay pasimple kong hinila si Cyndel para tumabi sa 'kin.

Tiningnan niya ako nang nagtataka.

Umiling ako at ngumiti para sabihing walang problema kaya hinayaan niya nalang ako.

Pero sa totoo niyan ay marami akong gustong tanungin sa kanya pero hindi ko magawa dahil paniguradong maririnig kami ng iba.

Dumaan kami sa pinakamadaling ruta papunta sa Rhine Falls at hindi sa delikadong daan kung saan ako dinala ni Eoin at Cyndel noong unang bisita namin doon.

Ilang minuto lang kaming sinundan si Castor hanggang sa narinig na namin ang pagbagsak ng tubig mula sa talon.

Isang masikip na daan at napapalibutan ng puno ang tinahak namin hanggang sa makalabas kami dito at tumambad sa 'min ang Rhine Falls na walang pinagbago sa itsura.

Nakakamangha parin ang taas ng falls at ang mistulang mga crystal na nagrereflect na bumabagsak mula sa taas kasama ng tubig.

Nang makarating kami ay naghiwalay ang bawat isa at tiningnan ang bawat parte ng lugar. Pero alam kong wala na naman kaming makikitang kahina-hinala dito.

Napahawak ako sa 'king dibdib na para bang kinakabahan ako.

"May problema ba?" Tanong ni Red na naiwan sa tabi ko habang abalang nagchecheck ng lugar ang iba.

Umiling ako. "Wala naman."

Kumunot ang noo niya sa tipid kong sagot. Tumikhim nalang ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Halika na, libutin natin ang Rhine Falls," usal ko at nag-attempt na umalis sa tabi ni Red.

Pero kaagad niya akong nahawakan sa braso at pinigilan.

Bago pa man siya makapagsalita ay nakarinig kami ng pag-splash sa tubig maliban sa tunog ng falls kaya kaagad kaming napatingin kung saan galing 'to.

Nakita ko ang bawat isa na inilabas ang bawat armas at para bang naging alerto na sa nangyayari. Kaya naman mabilis kaming tumakbo ni Red papunta sa lugar malapit sa kanila at hinugot ang swords namin.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Tristan.

"Siren," tipid na sagot niya.

Siren?! Sigaw ko sa 'king isip. Bakit hindi ito nabanggit ni Cyndel sa 'kin noong naliligo kami dito?

Napatingin ako kay Cyndel. Napansin niya ang pagtataka sa mukha ko at ng iba naming kasama.

"Ito ang kauna-unahang siren na nakita dito sa Rhine Falls," usal ni Cyndel.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa sword. Unwanted visitor.

Pumwesto ang bawat isa sa palibot ng falls at handa kung sakaling umahon ang siren. Pinapalibutan na namin ang mga posibleng daan ng Siren.

"Irine, Sov Blue." Tawag ni Mestro Anne.

Tumango kami sa kanya. Lumuhod kami ni Sov para maabot ang river. Ginising ko ang spirit kaya't lumabas ang puting usok sa 'king mga kamay bago hinawakan ang tubig.

Unti-unting nagform ng yelo mula sa kamay ko at sa kamay ni Sov na nasa kabilang side ng river. Mabilis na nagiging yelo ang tubig mula sa pwesto namin at kumalat ito sa malawak na river kung saan bumabagsak ang Rhine Falls. Nang nasa pinakadulo na ang yelo ay nangyari na nga ang inaasahan namin.

Umahon ang sinasabi nilang mermaid.

At tumakbo palayo mula sa nagyeyelong river.

Hindi siya isang siren.

"Isang Naiad!" Sigaw ni Lina.

Kaagad kaming tumakbo papunta sa direksyon kung saan din tumakbo ang Niad.

Nakita kong pumasok siya sa parte ng gubat na nasa likod ng Rhine Falls. Sumunod kami hanggang sa nakapunta kami sa direksyon kung saan siya tumakbo.

Huminto kami sa gitna ng gubat nang wala na kaming nakitang bakas kung saan siya nagtago o tumakbo. Tanging mga puno at mga nalalaglag na dahon nalang ang nakikita namin. Lalong lumiliwanag na rin ang paligid, senyales na malapit na ngang mag-sunrise.

"Maghiwa-hiwalay ang bawat isa," utos ni Mestro Anne."

"Distro," mahinang sambit namin.

Naghiwalay kaming lahat, ang iba ang pinili ang kanang bahagi, ang iba ay pinili ang gitnang bahagi ng gubat.

"Irine, sa kaliwa tayo." Utos ni Sov.

Oo nga pala. Siya ang partner ko ngayon.

Tumango ako kay Sov at sumunod sa kanya. Dahan-dahan kaming naglakad habang naaapakan ang mga tuyong dahon sa lupa. Kung tumatakbo pa ang Naiad ay siguradong maririnig namin ang takbo niya nang dahil nga sa mga tuyong dahan at mga sangang nasa lupa dahilan kung bakit nakakagawa kami ng tunog habang naglalakad.

Kaya siguradong nakahinto siya ngayon at nagtatago.

Hinawakan ko ang isang puno at tiningnang mabuti ang paligid na naaabot ng paningin ko. Hindi kaya nagtatago siya sa likod ng makakapal na puno?

"Maghiwalay tayo," utos ni Sov.

Tumango ako. Pero bago pa man kami naghiwalay ay kaagad naming nakita ang silouhuette na tumakbo sa bandang kanan ko.

Mabilis naming sinundan ang direksyon niya ngunit pagdating namin doon ay wala kaming nakitang nilalang.

Dim pa rin ang ilaw dahil hindi pa tuluyang sumisikat ang araw.

Biglang sumagi sa isip ko ang paghabol din sa 'kin ng nakasuot ng cloak noong nasa Amaryllis Camp pa ako. Ganito ang pangyayari noon.

Nakarinig ulit kami ng mga yapak at mga tunog ng dahong naaapakan. Nagtinginan kami ni Sov. Nasa likod namin ang tunog. Kaagad kaming tumakbo sa direksyon kung saan namin narinig ang mga yapak.

Tumaas ang adrenaline rush ko nang matanaw ang likod ng Niad na hinahabol namin.

Nagpakita rin siya sa wakas!

Hubo't hubad ang Naiad na tumatakbo mula sa 'min. Kumunot ang noo ko. Naliligo lang kaya siya sa Rhine Falls kanina?

Nang nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo, napansin ko ang isa pang silhouette 'di kalayuan mula sa 'min.

Napahinto ako sa 'di malamang dahilan at hinayaan si Sov Blue na habulin ang Naiad. Palayo na sila nang palayo sa 'kin habang nakatitig ako sa panibagong silhouette na nasa kanang gawi ko.

Unti-unti siyang naglakad sa direksyon ko hanggang sa makita ko nang tuluyan kung sino siya.

Sakto ang pagliwanag ng paligid nang huminto siya 'di na kalayuan sa 'kin.

Ang nakasuot ng cloak na palagi akong sinusundan.

Kaagad kong hinugot ang sword mula sa scabbard na nakakabit sa beywang ko at tinutok sa kanya.

Hinintay ko lang siyang umatake o magsalita pero tumingala lang siya dahilan kung paano ko nakita ang bahagi ng kanyang labi at baba.

Pamilyar.

Sinundan ko ang tingin niya sa taas. Laking gulat ko nang makita ang Naiad na nasa sanga ng puno at nakatitig sa 'kin na parang minamasdan ang bawat galaw ko.

Sandali, hindi ba't hinahabol siya ni Sov kanina?!

Nilingon ko ang direksyon kung saan tumakbo si Sov pero hindi ko na sila matanaw ngayon. Lumingon ulit ako sa nakacloak pero wala na rin siya sa pwesto niya.

Kaya nilipat ko ang tingin sa Naiad at itinutok ang sword ko sa kanya. Nag-flinch siya at bakas na sa mga mata niya ang takot.

Kaagad ako umiwas sa mga mata niya nang maalala si Maya. Isang nymph ang Naiad, maaari niya ulit akong makontrol.

Tumakbo ako sa puno kung saan siya nakaakyat at ginising ang spirit ko. Hinawakan ko ang puno hanggang sa namuo ang yelo mula sa 'king palad at kumalat sa trunk ng puno papunta sa sanga kung saan naka upo ang Naiad.

Tumingala ako para makita siya pero sinisiguradong 'di magtatama ang mga mata namin. Tumayo ang Naiad at nagpanic na para bang naghahanap siya ng paraan para makatakas mula sa 'kin.

Nang nasa paanan niya na ang yelo ay kaagad siyang tumalon pababa. Tumumba siya at napahiga nang dahil sa lakas ng impact ng pagtalon niya mula sa mataas na lugar.

Pinilit niyang makatayo at bigla siyang tumakbo nang paika-ika ang paa. Shocks. Kahit nabalian na ng buto ay medyo mabilis parin siyang nakakatakbo.

Kaagad kong binalik ang sword sa scabbard at hinabol siya. Binilisan ko ang takbo hanggang sa maabot ko siya at mahawakan ang kamay niya. Bigla naman siyang nanlaban at sinubukan akong suntukin gamit ang kaliwa niyang kamay pero nasangga ko ito. Pinilipit ko ang kamay niya kaya sumigaw siya sa sakit.

"H'wag!" Sigaw niya. "Parang-awa mo na, h'wag mo 'kong patayin."

Bakas sa mukha niya ang pagkatakot at napansin ko na rin ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Base sa pagpilipit ko ng kamay niya ay mukhang nanghihina ang Naiad at wala nang lakas pa para lumaban.

Pero kailangan kong gawin ang nararapat.

"Lulla Sothen," sambit ko.

Pinanood ko lang siyang hinawakan ang ulo niya at patuloy na kumukurap ang mata sa pagkaantok. Ilang saglit lang ay tuluyan na siyang pumikit at kaya inalalayan ko ang katawan niya hanggang sa matumba na nga siya sa lupa.

Dumating si Sov na hinihingal habang nakatingin sa katawan ng Naiad at inilipat ang tingin sa 'kin.

"Peke ang hinabol natin noong una, Irine. Gumamit siya ng hipnotismo." Lumapit siya sa katawan ng Naiad. "Magaling ang ginawa mo, Irine. Bumalik na tayo sa falls."

Tumango ako. "Susubukan ko rin silang tawagin, Sov."

Tinanggal ni Sov ang coat niya at binalot sa katawan ng Naiad bago buhatin. Naglakad na kami pabalik sa Rhine Falls. Tuluyan na ngang sumikat ang araw kaya sumisilip na ang liwanag sa mga gaps ng mga dahon ng magkakadikit na puno.

'Red…' Tinawag ko si Red gamit ang mindlink. Siya lang ang nakakonekta sa 'kin.

'Irine? May balita na ba?' Tanong niya.

'Nahuli na namin ni Sov ang Naiad. Bumalik na tayo sa Rhine Falls.'

'Mabuti kung gan'on, tatawagin ko na rin ang iba.'

Pinutol ni Red ang link sa isip ko para tawagin ang iba.

Ilang minuto lang na paglalakad ay nakarating na rin kami ni Sov sa Rhine Falls at nakita ang mga kasamahan naming naghihintay sa mga malalaking bato sa gilid ng river.

Habang papalapit kami ay napansin kong gising ang spirits ni Red at Lina at sinusubukang tunawin ang yelo na ginawa namin ni Sov kanina.

Nang makarating kami ay sinubukang suriin ni Mestro Anne ang nahuli naming Naiad habang buhat ni Sov. Ginamit ko rin ang pagkakataong 'yon para pagmasdan ang Naiad.

Una sa lahat, maganda rin siya katulad ni Maya. Kung isa siyang Naiad ay ang ibig sabihin ay isa siyang deity ng rivers o kahit anumang lamang tubig. Pero ang nakakapagtaka ay ang mga kaliskis na matatagpuan sa bawat parte ng mga braso at mga binti niya.

"Nang dahil sa mga kaliskis ay napagkamalan natin siyang isang Siren," usal ni Mestro Anne.

"Pero isa siyang Naiad, hindi ba?" Tanong ni Tristan.

"Tama, Tristan." Sagot ni Mestro Anne. "Pero ngayon lang ako nakakita ng isang Naiad na may kaliskis na katulad sa isang Siren."

"Nakakapagtaka ring may isang Naiad dito sa Rhine Falls," pagsabat ni Castor. "Wala pa kaming naitalang pangyayari na pagbisita ng Naiads simula pa noon. Mas mabuti pa sigurong bumalik na tayo sa palasyo bago pa man siya magising."

Tumango si Mestro Anne. "Maghanda ang lahat. Babalik na tayo ng palasyo."

"Distro!" Sigaw namin.

Nang matapos malusaw ang yelo at pagkontrol ni Tristan sa tubig para bumalik ito sa normal na daloy ay naglakad na kami pabalik ng palasyo. Sinigurong balot na ang Naiad para hindi makita ng mga mamamayan ng wetland dahil maaari silang maalarma sa unwanted visitor ng Rhine Falls.

Habang naglalakad ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina at ang katotohanang nandito ang nakasuot ng cloak na palaging nakabuntot sa 'kin. Tinulungan niya pa ako kanina para matagpuan ang Naiad.

Napunta ang tingin ko kay Red na tahimik na naglalakad. Nagpakitang muli ang nakacloak nang wala na naman siya sa tabi ko.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
144K 4.8K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...